Revenge or Love
Chapter 5
Marco
Sabi ko na 'nga ba. Napabuga ako ng hangin habang napasandal ako sa pinto.
Galit na galit pa rin si Amanda. Una pa lang naisip ko na 'to sa pagbabalik ko tiyak na mahihirapan ako makuha ulit ang tiwala niya at makuha ko ulit ang puso niya. Mahal ko si Amanda at hindi ko magagawang kalimutan nalang siya ng ganun nalang. After all those years na minahal at tinanggap niya ako sa kabila ng sitwasyon ko sa pamilya ko.
Isa akong bastardo na anak ng mula sa isang mayaman na pamilya. Nagmahal si Mama ng isang may asawa. Pero hindi niya iyon alam nung umpisa. Nagulat na lang siya ng aminin ni Dad na may asawa pala siya kaya hindi niya magagawang pakasalan ang mama ko.
Iyak ng iyak si Mama nung araw na mag confess si Dad tungkol sa nauna niyang pamilya. Pero dahil mahal ni Dad si Mama at ganun din ang mama ko. Ipinagpatuloy pa rin nila ang lihim nilang relasyon sa kabila na pagkakaalam ni Mama na may asawang tao si Dad. Kahit isang maling pagmamahal ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Ipinaglaban niya iyon.
Kaya 'nga lang lumabas ang tunay na asawa ni Dad. Pumasok siya sa masayang kwento ng pagmamahalan ng mga magulang ko.
Gumawa ito ng gulo na siyang ikinasira ng pagsasama nila. Mali! Ito ang dahilan kung bakit namatay si Mama. Dahil 'yon sa kagagawan ng step mom ko.
Si Mama naman kasi talaga ang mahal ni Dad. Kaya lang dahil sa mga banta at pananakot, nang totoong asawa ni Dad. Nauwi sa hiwalayan sila mama at dad. Ako na naging bunga sa pagmamahalan nila ang naiwan mag-isa matapos mamatay ni Mama dahil sa kakaisip niya sa nangyari sa amin ng iwan kami ni Dad.
Hindi ako iniwan ni Mama at ipina-kausap sa step mom ko. Si Dad ang kumuha sa akin sa bahay ampunan ng dalhin ako d'on ng mga tao na kumuha sa akin after mailibing si Mama. Gawa-gawa lang ng step mom ko lahat ng mga bali-balita para siya na hindi magawang mahalin ni Dad ang makakuha ng simpatya sa mga tao.
Gusto niyang sa kanya maawa ang mga nasa paligid niya habang sa amin ng Mama ko gusto niya mabaling ang galit ng iba dahil sa paninira niya sa mama ko.
Patay na 'nga si Mama. Pero ayaw niya pa rin patahimikin ang kaluluwa ni Mama habang siya sinisira pa rin niya sa iba si Mama. Gusto ng step mom ko na paulit-ulit balikan at usigin ang mga pagkakamali ni Mama na nagmahal ito ng lalaking may asawa na. Siya na ipinipilit ang sarili kay Dad sa kabila ng hindi naman siya mahal. Kung hindi lang sa pamilya ng step mom ko at sa pamimilit niya na maikasal sila ni Dad. Hindi naman sana sila makakasal at matatali si Dad sa kanya. Lalo na't si Mama ang unang nakilala nito at minahal bago sila naikasal ng kanyang asawa. At siya din ang may kasalanan kung bakit kinakailangan kong lumayo at umalis.
Dahil sa kanya sa mga gulong ginawa niya sa buhay namin ni Mama. Hindi ko siya mapapatawad.
Dahil din sa ginawa niya nakapag desisyon si Dad na ipadala ako sa Paris para d'on ipagpatuloy ang pag-aaral ko para matigil na ang pang aaway sa kanya ng kanyang asawa at anak. Ganun din sa akin. Dahil sa hindi nila matanggap na nasa bahay pa rin nila ako sa kabila matagal na nila ako pinapalayas hindi lang sila magtagumpay ng dahil sa lagi ako hinahanap ni Dad at inuuwi muli sa bahay.
Dahil din sa kanila. Kung bakit nagkagulo-gulo ang buhay ko.
Dahil din sa kanila kung bakit kinakailangan kong umalis at iwan si Amanda sa kabila na dinadala niya ang magiging anak sana naming dalawa.
Dahil din sa kanila ng step brother ko. Kung bakit hindi ako nakauwi nung mga panahon na kinakailangan ako ni Amanda. Nung mawala ang sanggol na dinadala niya at malaglag. Mga p*******a nilang dalawa.
Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa mga ginawa nilang pagpapahirap sa buhay ko. Sa amin ng babaeng mahal ko. Sa pagkawala ng anak ko. Nagngingitngit ako sa galit sa tuwing naiisip ko lahat ng mga kawalang 'hiyaan sa akin ng step mom at step brother ko. Mga kampon sila ni Santana's.
Mga demonyo.
Mga walang puso.
Nababagay lang sila sa impyerno mapunta. Mga bwisit sila!
Ganun ako kagalit sa pamilya ni Dad. Kaya nga pinutol ko na lahat ng koneksyon ko sa kanila. Ilang taon na din. Hindi rin nila alam na dumating na ako dito sa Pinas. Na nakabalik na ako mula sa Paris. Pero alam kong makakarating din sa kanila ang pagbabalik ko. Hindi impossible. Malamang 'nga ay alam na nila. Kung madudulas ang isa sa mga nakakita sa pagdating ko rito kahapon.
Buti nalang talaga at nagkita kami ng kaibigan ni Amanda at nabanggit niya na naghahanap sila ng engineer. Sakto sa plano ko na maghanap talaga ng mapapasukan dito sa Pinas once na makabalik ako.
Sakto din. Dahil sa kumpanya pa ni Amanda. Wala ito sa plano ko. Pero mukhang pagkakataon at panahon na ang may siyang gawa. Na dito ako dalhin sa malapit lang kay Amanda. Para napadali ko 'ang panunuyo sa kanya.
Plan ko na ligawan siyang muli hanggang mapatawad niya ako at hayaan ulit makapasok sa buhay niya.
Plan ko na magsimula kami muli at buuin ang mga pangarap naming dalawa na sabay naming binuo n'on na dalawa.
Plan ko na once, na mangyari ang unang plano ko. Aayain ko na siya pakasal at magsasama kami sa bahay na pinangarap naming itayo. Kaya 'nga lang dahil sa nasira— ang plano naming dalawa na kami ang magtutulungan magtayo n'on ay hindi na natuloy.
Pinagtulungan pa naman namin gawin ang design ng bahay na itatayo namin para sa future namin kasama ang mga magiging anak naming dalawa.
Napakarami naming pangarap na nasira at hindi natuloy dahil sa walang puso kong mudrasta.
“Marco"
“Ikaw pala!" gulat kong pakli ng makita si Lara.
“Napa-kalalim naman ng iniisip mo?" tanong niya ng lumabas na siya at isinarado ang pinto.
“Anong balita?" ako naman ang nagtanong. Kangina pa 'nga ako kinakabahan.
Dalawang kamay ko. Nanginginig na 'nga kangina nang lumabas ako. Pero naikuyom ko y'on nang maisip ko at magbalik ako sa ilang bahagi ng past ko.
Huminga ng pagkalalim si Lara.
“Dala mo lahat ng files mo di 'ba? Tulad ng sinabi ko sa 'yo?" tanong niya. Nakatitig ngayon siya sa kamay ko na may hawak na folder. Binitawan ko iyon kangina ng lumabas ako. Ipinalapag ko muna sa desk dito kung saan ako natagpuan ni Lara..
Umalis nga pala ako kangina d'on sa may pinto ng office ni Amanda. Gusto ko man makinig sa mga pag-uusap nila ni Lara. Mas pinili ko nalang ang umalis d'on. At baka mas ikagalit pa sa akin ni Amanda. Sabihin pa nito tsismosa ako.
Hindi pa 'nga kami nagkaayos. Panigurado na mapag-bibintangan agad ako at maakusahan sa hindi naman totoo. Ayaw ko na madadagdagan pa 'ang mga kasalanan ko sa kanya.
“Oo! Dinala ko. Di 'ba nga sinabi mo?" tumawa si Lara, nang iabot ko sa kanya at kunin.
“Good! Sumama ka sa akin sa loob." pakli nitong sabi sumunod naman ako na may mabibigat na bitbit— mga binti ko sobrang bigat na para bang mayroon akong daladala. Ayaw nga humakbang. Natatawa si Lara, nang malingon siya at makita ang kunot kong mukha.
“Naku, hindi mo maayos ang problema ng gaganyan-ganyan iyan." pakli muli nito na kinindatan ako..
“Halika na! Sumunod ka na."
Ganun 'nga ang ginawa ko. Sumunod lang ako until na nasa harap na kami ng pinto ng office ni Amanda.
Bakit ba? Ako ang lalaki. Pero parang ako ang natatakot at mas kinakabahan. Parang hindi ako lalaki nito. Duwag! Naduduwag.
“Inhale! Exhale! Ulit-ulit lang para mawala ang kaba mo." pakling suhestiyon ni Lara sa akin bago niya buksan ang pinto.
Nagawa ko na 'nga, iyon sa ilang beses. Kaya lang ay talagang hindi mawala eh, kahit pakiusapan ko at itaboy muna matapos ko lang ang pakay ko dito.
Bumukas na 'nga ang pinto at malayo pa lang. Sa binuksan na pinto pa lang kami ni Lara natatanaw ko ang seryoso na mukha ni Amanda habang nakaupo pa rin ito at nagbabasa-basa.
Napaka ganda pa rin talaga ni Amanda. Pero hindi ito ang dahilan bakit mahal na mahal ko siya. Iyon ay dahil siya lang ang tumanggap sa akin, nagtiwala, nagbigay inspiration, nagtulak sakin kung maaari na tapusin ko ang pag-aaral ko sa kabila na may mga balakid at humaharang sa pag-ligaya ko nang dahil sa pagdating ni Amanda sa buhay ko.
Nainggit sila.
Inggit pa rin ang dahilan kung bakit ayaw nila na maikasal ako sa isang babae na minamahal ako at mahal ko.
Nabalitaan ko 'nga! Nanliligaw ang step brother ko kay Amanda. Ewan ko lang if makuha niya mapasok ang puso nito. Pero bago pa man mangyari 'yon. Pipigilan ko. Hindi maaari na maungusan niya ako sa puso ni Amanda. Sa akin lang siya...
Bumuga ako nang malalim.
“Amanda"
Nag-angat ng mukha si Amanda. Nagkatitigan kami. Napansin niya pala na sa kanya ako kanina pa nakatingin. Nahuli niya pala. Pero siya din ang unang umiwas.
“Here! Yung pinakukuha mo." pakli ma sabi ni Lara kay Amanda na siya naman inilapag sa mesa ni Amanda ang aking mga documents na pinagsama-sama ko lang sa iisa.
I keep praying.
Nagdadasal ako na pumayag na siya mas talaga mapapadali ang paglapit ko sa kanya kung dito ako maka-pagtatrabaho kasama siya. Kung magka-katrabaho kami sa iisang project. Much better sa akin dahil sa hindi ko na intindihin ang pag-iisip sa kanya.
Tahimik si Amanda na dinampot niya ang folder ko na naglalaman ay mga files ko sa Paris.
Binabasa niya 'yon.
Napapapikit ako ang nga mata ko. Inaantok.
Bumuga ako. Habang sa hindi kalayuan ilan pa sa mga nakikita at natatanaw ko. Mukhang mahihirapan ako dahil ang mukha ni Amanda. Biglang kunot, mas
nagulat.
Huminga din si Amanda. Sa files ko nakatingin habang binabasa. She looks perfect. Sa pagiging seryoso niya parang mas lumalabas ang mga katangian niya at angking ganda.
“Marco?"
“Huh?" gulat kong pakli.
“Marco, ang name mo? Tama?" Tumango ako.
“Yes, Ma'am!" sagot ko. Formal lang.
“Base on your resume—" putol na malamig niyang wika habang tumawa si Lara.
“Kailangan 'bang tawanan ako?" binato niya ng mabigat niyang tingin si Lara. Tumahimik ito at natatop ang bibig. Pinipigilan niya ang lumabas ang kanyang bungisngis na tawa.
“Gusto mo 'bang tanggapin ko siya o ayaw?"
“Syempre oo, nabasa mo naman siguro ang mga nakasulat sa kanyang resume. Pati sa mga certificate na nakuha niya from his previous job. Papakawalan mo pa ba 'ang isang tulad niya na mas malawak ang experience sa iba? Mag-isip ka, Amanda."
“Ilang taon din ang mga experience niya sa Paris. Sapat na yon upag tanggapin mo ang gaya n'ya. Mas higit pa siya sa mga ibang aplikante natin. Kung sa experience ka magbabase. Pasok na pasok pa si Marco. Kung sa pinag-aralan ka titingin. Pasok na pasok pa rin itong si Marco. Kung—"
“Tumigil ka 'na! O, baka gusto 'mong sa bahay mo nalang siya dalhin." pabalang na pagkakawika ni Amanda. Nagulat ako at hindi ko expect na mas malaki pala ang pinagbago niya kahit ilang taon din kami na hindi nagkita.
Nag-iisip ako.
Nag-iisip ako kung tatanggapin niya ba ako? Sana.
“Grabe ka! Sobrang nakaka-harsh ka na niyan. Bakit ba kasi tila ayaw mo siyang tanggapin?"
Huminga ng malalim si Amanda habang kinakausap siya ni Lara.
Sana lang ay tanggapin niya, ako.
“Bumalik ka na lang bukas at bahala si Lara sa pagpapaliwanag niya sayo ng mga do, or don't." Natututo na rin pala siya kung paano kikilatis ng tao. She says.
“Okay! Salamat, Amanda sa pagtanggap sa akin. Sige, bukas na bukas din dadaan ako sa training ni Lara. And, salamat ulit." nakangiti ako na nagpahayag ng aking pasasalamat. Dahil sa wakas. Pumayag na rin siya na dito ako sa office niya na magtrabaho.
Magkakasama din kami sa iisang company na siya nga lang ang boss. Pero okay lang.