CHAPTER 4

2118 Words
Revenge or Love Chapter 4 Amanda Grabe! Hindi ako makapaniwala na magagawa sa akin ito ni Lara. Kaya pala ganun siya habang magkausap kami ng magawa niyang pumasok sa office ko. Paano niya nagawang iharap sa akin ang g*go na 'yon? Ipinasok pa niya talaga sa kumpanya ko. Nagngingitngit ako sa galit ng makita ko siyang muli. Katatapos ko lang maalala at mabalikan ang mga n'on na pangyayari sa amin. Sa akin. Napapikit ang mata ko. Bigla ako nakaramdam ng pananakit ng aking ulo. Sumandal ako sa aking silya. Hinawakan ko ang aking ulo at hinilot ito. Ilang taon na ang lumipas. Oo, hindi pa rin ako makalimot sa mga masasakit na alaala na iniwan niya sa akin nang mga panahon na iwanan niya ako ng ganun lang. Labis ako nasaktan. Pero, nandito sa puso ko pa rin siya. Umaasa sa mga binitawan at iniwan niyang pangako non. But— napakarami na taon ang dumaan pero hindi niya ako binalikan. Maging ng mga panahon na kailangan ko siya ng nakunan ako at malaglag ang anak sana naming dalawa. Galit at pagkasuklam ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ito. Pero sa tuwing papasok sa isip ko ang pangako niyang magbabalik siya at tutuparin lahat ng mga pangarap at napag-usapan naming dalawa. Umaasa ang puso ko. Pero kailan lang ay nabalitaan ko na may pamilya na siya sa ibang bansa. Napaka sinungaling niya. Pinaasa na naman niya ako at sinaktan. Matapos na madurog ang puso ko sa pag-alis niya non. At sa pagkawala ng sanggol na dinadala ko. Malalaman ko na iba ang pinakasalan niya... Nanginginig ang mga kamay ko. Hawak ko ang ilang papers at binabasa ng may kumatok sa pinto. I was too busy at wala akong panahon para tumanggap ng bisita lalo't na mumublema ako sa mga ibang bagay na hindi ko 'nga malaman kung matatapos pa ba— Lalo na't kulang kami ngayon sa tao. Si Lara, ang kumatok at inistorbo ako. Pero, hindi ko agad nahulaan ang ibig sabihin niya sa mga sinasabi nito. I don't really understand... Kasi nga ay naka focus ang mata ko sa mga papers. Umupo ako ng diretso na isinandal ang likod ko mabuti at itinaas ko ang paa ko sa maliit na chair sa ilalim ng mesa ko. Ganito ako everytime na nakaramdam ako ng pangangalay sa mga binti ko. Hindi pa naman ako old pero napapadalas ang tila rayuma na naranasan ko. Pero bata pa daw ako. Baka raw pasmado lang ito dahil sa madalas ko na paglalakad sa ulan. Naisip ko na rin iyon. “I am sorry, Amanda magpaliwanag ako." sabi nito. “Paliwanag? Anong paliwanag na naman ang sasabihin mo matapos ko makita ang pagmumukha ng g*go na 'yon?" madiin kong tugon habang pinutol ko ang sasabihin sana niya. Hindi ito nakapag salita dahil sa inunahan ko siya. Umupo siya sa harapan ko. “Sinabi ko 'bang maupo ka?" Tumayo si Lara ng may ngiti sa mukha niya. Nakuha pang tumawa talaga? “Wag ka na magalit. Di ba 'nga ang sabi mo kangina. Hindi mo alam kung ano ang sakali na maramdaman mo once na magkaharap kayo? So ayan na siya. Bakit naman ipinagtabuyan mo agad yung tao ng hindi mo pa nga naririnig ang paliwanag niya." Ano bang pakialam n'ya? Binato ko siya ng masamang tingin. Habang nakagat ko ng madiin ang aking labi. Nanggigigil ako sa kanya. Bwisit na Lara na 'toh. Napakarami ko pang problema maliban sa personal na mga problema ko at sa trabaho. Kaya lang ng makita ko agad kung sino ang taong nasa harapan ko. Uminit agad ang dugo ko at gusto ko siyang pag-sasampalin at pag-susuntukin. Ano bang expect nila? Tatayo ako sa upuan ko at yayakapin siya dahil sa nandito na siya after so many years na iniwan niya ako at i-pinagpalit sa iba. G*go siya! Napakalaki niyang g*go para pumunta dito at humarap sa akin. At ganun din si Lara. Napa hugot ako ng sunod-sunod na malalalim na hininga. Wag siyang umasang 'tatanggapin ko siya kung plan niya na humingi ng sorry. Pero kabaligtaran naman ng sinasabi ng puso ko. Please, tumigil ka muna. Hayaan mo muna ang mag emote ako... sinuway ko sa puso ko na may malakas na silakbo. Bakit ba naguguluhan na naman ako? Nakita mo lang siya, Amanda... Wag kang maguluhan. pag kausap ko sa sarili ko. Isang napakabigat kong hugot bago ulit balikan ang mga sinabi ni Lara. “Hindi ko siya matatanggap." “Pero Amanda." panggigipit nito sa akin. Hindi naman ako ang nagdesisyon. Hindi niya nga ako tinanong about him. “Please, Amanda malaki ang maitutulong niya sa kumpanya. Tulad ng sinabi ko sayo. He's over qualified para sa kailangan nating tao dito sa kumpanya. Sa skills at mga experience niya abroad. Kailangan natin siya..." “Ikaw, baka siguro... Ikaw may kailangan sa kanya not me." balik kong sinasabi dito. Madiin. “Sino bang nag hired sa kanya? Diba nga ikaw? So wag mong ipagpilitan sa akin na he needs..." putol ko sasabihin. “Hindi siya need ng company ko." Kaya lang ang isang bahagi sa pagkatao ko. Kontra sa naging desisyon at sinagot ko kay Lara. Bumalik na siya, Amanda. Bakit hahayaan mo pa siyang umalis muli at layuan ka? Bakit mo sya ipi-nagtutulakan na muli kang iwan sa kabila na mahal mo pa rin naman siya at siya pa rin talaga ang laman ng puso mo? Gusto mo bang masaktan ka ulit dahil sa paglayo niya sa 'yo? Ang kulit mo rin? kontra ko sa sinasabi ng kabilang bahagi nitong puso ko. Maliit lang ang porsyento ng bahagi kung saan ay tutol sa pagbabalik ni Marco. Ang natitirang bahagi naman ay halos tumalon na nagpupugay sa pagbabalik niya at muli kaming nagkita. Ano bang dapat kong gawin? Naitanong ko rin kahit ang mga binti ko nangangatog na rin. Gusto ko tumayo at lumabas ng pinto. Pero andon si Marco sa labas. Magkikita-kita at magkikita pa rin kami kung lalabas ako sa pinto ng office ko. “Amanda, pumayag ka na. Paano mo malalaman kung talagang naka move on ka na nga talaga sa kanya? Ang labo mo." nambu-bwisit talaga ito. Mas ginugulo niya ang utak ko— hindi 'nga makapag desisyon. “Amanda, nasabi mo din di ba na mahal mo pa rin..." “Wag mong sabihin na maging 'yon nasabi mo sa kanya? Siraulo ka talaga." pinag init na naman ni Lara ang ulo ko. Muli na nanumbalik ang inis ko kay Lara. “Hindi! Wala akong nabanggit sa kanya about your feelings. Bakit ko naman ibubuko na mahal mo pa rin siya. Kahit ang sabi niya ay mahal ka pa rin daw niya. And, sabi ko na sayo. Walang katotohanan ang kumakalat na tsismis about him. Wala siyang asawa. Certified bachelor. At iisa lang ang laman ng puso niya na tulad mo... Hindi pa rin niya magawang malimot. Kaya nga lang, natatakot siya na baka yung tao na 'yon. Hindi siya magawang patawarin at tanggapin." pam-bubuko rin ni Lara, sa mga nasabi at na kwento sa kanya ni Marco bago pa man mangyari ang pagpunta nito sa office ko. “Amanda, mahal ka pa rin ni Marco. Nahihiya siya sayo at natatakot dahil sa mga nangyari n'on sa inyo. Bakit hindi mo siya bigyan ng chance to prove kung gaano siya nahihirapan din gaya mo sa mga nangyari sa inyong dalawa? Sa baby nyo." Bigla na tuloy ako napaisip. Sa lahat ng mga sinasabi ni Lara. But ang hindi ko alam. Dapat ko ba siya patawarin at tanggapin ng ganun nalang? Masyado ako nasaktan. Dapat alam niya kung paano ko siya mapapatawad sa lahat ng mga nagawa niya non na pananakit sa akin. Although dapat naunawaan ko rin ang situation niya non. Pero— Hindi. Siya may kasalanan non... Sobrang gulo ng utak ko at idagdag pa ang paulit-ulit na daldal ni Lara. Kinukumbisi niya ako na pumayag na dito sa kumpanya ko tanggapin ko si Marco. Gusto niya na pakinggan ko ang sasabihin ni Marco. Kausapin ko raw ito. Nagpapatawa talaga si Lara after all na nasaktan ako, nawasak. Pero sa isang banda umaayon ang puso ko sa kanya. Sumakit na tuluyan ang ulo ko. Umangat ako mula sa pagkakasandal ko sa upuan. Naitukod ko ang dalawang braso ko sa mesa. Nag-iisip. Pinag-iisipan ko pa ang mga sinabi ni Lara. “Ano?" tanong ni Lara. Hindi makapag-hintay. Nambu-bwisit talaga siya dahil sa pamimilit nito at pagmamadali. Naihampas ko ang kamay ko sa mesa na ikinagulat niya. Tumawa pa. “Babatukan na kita talaga." Sabi ko. Iniisip ko pa nga. Minamadali naman ako. “Ang bagal mo kasing sumagot. Naghihintay yung tao sa labas." sumasagot pa ito pakli ni Lara. “Pakialam ko." pakli ko rin sagot. “Mahal mo nga di 'ba? Matitiis mo bang naghihintay siya at hindi niyo maayos ang isa't-isa? Mag-usap kayo. Anong malay mo." kumindat ang Gaga. “Tigilan mo ako." pigil ko. Baka maibalibag ko na sa kanya itong hawak kong stapler, o kaya naman ay mastapler nalang ang bibig niya ng matigil na sa kakangawa niya. Naririndi ako. Huminga ako ng malalim saka ko kinuha sa kanya ang files ni Marco. Naisip kong tingnan muna bago ako magdesisyon sa gusto ni Lara. Pero hindi sa nais nito na maayos nalang ng ganun kabilis ang sa aking personal na problema kay Marco. Hindi naman ako papayag na basta na lang siya patawarin. Matuto siya gumawa ng paraan paano niya ako makumbinsi na maayos ang noon na naputol at nasira naming pagsasama. Naisip ko lang. Siguro naman ay tama ako. Dahil sa bahagi na ayaw muli pabalikin si Marco sa buhay ko. Nagrereklamo. “Akin na 'ang files niya." utos ko na para naman siyang statue na napaitlag ng magsalita ako at kunin ang sinabi ko. “Wait lang, nasa kanya pa kasi." “Akala ko 'ba nainterview mo na?" Hindi na siya sumagot nagmamadali siyang lumabas ng office ko. Daig pa niya ako sa sobra niyang saya. Ako yung babalikan... Pero sya yung super excited na tumakbo upang puntahan si Marco sa labas. Nawala na siya sa paningin ko dahil sa tumungo siya ngayon kay Marco sa labas ng office ko Nakakatawa na babae 'yon. Nai-iling ko nalang ulo ko at bumalik sa pagbabasa. Huminga ako malalim bago ulit mag focus sa binabasa. I was wondering pero tama ba ang gagawin kong desisyon? Paulit-ulit nalang ako na nagtatanong sa sarili ko. And, naguguluhan ako. Pero, may pakiramdam ako na nakahinga ako. Gumaan ang loob ko. Natuwa. Naexcite. Nananabik sa kanya. Gusto na pakinggan ang mga sasabihin niya. Ang mga reason niya why he left me so long. Sobrang tagal na panahon na hindi niya man lang ako binalikan. Kahit email, tawag o chat wala akong na received mula sa kanya. Hindi ko nga alam if tutupad pa ba siya sa mga pangako na binitawan niya ng araw na 'yon ng iwanan niya ako sa kalagitnaan na naghihirap ako sa pagbubuntis sa dinadala kong 'anak namin. Bakit, Marco? Bakit ang tagal mong bumalik? Bakit kahit isang message, call, even email mo nalang sana ako. Pero hindi mo nagawa. Gusto ko itanong. Pero... Bakit parang kinakabahan ako. Natatakot? Tama ba? Bakit natatakot ka, Amanda? tanong ko sa sarili ko habang ipinikit ko ang mata ko ng tumigil ako sa aking pagbabasa. Muli ako gumalaw sa pagkakaupo ko sa silya. Sumandal ako ng nakapikit ang akin mata. Seconds, minutes na lumipas na nakapikit lang ako habang iniisip ko ang reason. Naramdaman ko ang tila may nanunuod sa akin. Dahan-dahan ko na i-minulat ang mata ko. And, nakita ko ang mukha ni Marco titig na titig sa mukha ko. Nagulat ako, ka-muntikan na ako bumaligtad sa pagkakaupo. Bwisit. Ano bang ginagawa niya? Ito naman puso ko. Bigla nalang lumakas ang pagkakatibok. Natitigan lang? Umayos ka nga at para kang natulala nalang hindi nakapag salita. Ngumiti kasi si Marco. Yung ngiti niya kung saan kinikilig ako at halos lumundag ang puso ko sa tuwing nakikita sa kanya. Ganun kalakasan ang dating niya sa akin non. Bago pa man niya ako iniwan that time. Umayos ako ng upo. Itinuwid ko ang aking pagkakaupo sa silya. Dumiretso ng upo inayos... inayos ko ang aking sarili na hinagisan ko siya ng matalim na tingin. “Why are you looking at me? May dumi 'ba ako sa mukha?" tinarayan ko siya. Habang tinamaan din sa akin si Lara na ngayon kung makatawa halos lumabas na 'yung buo niyang panga. Ano ang gagawin ko? Help me, self. Nanghihina na naman ako dahil sa kanya. Sa mga ngiti at pa-cute niya. I rolled my eyes. Inirapan ko silang dalawa. Bungisngis ng tawa si Lara. Sa inis ko. Lumipad ang hinawakan kong staple. Swerte niya. Nasalo ni Marco. Asar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD