CHAPTER 3

2510 Words
“Sigurado ka na ba na babalik ka na sa Pinas?” “Yes! Gusto ko na bumalik at nakaipon naman na ako ng sapat na pera para mapakag-umpisa. Saka tapos na ang pagtatago ko at paglayo sa kanila. Kaya ko ng tumayo at harapin sila. Hindi na nila magagawa pa sakin ang mga ginawa nila sa akin nuon kung bakit napunta ako rito at naiwan ko ang pinakamamahal kong babae habang ang anak namin nawala ng wala ako sa tabi niya. Gusto kong ayusin lahat. Aayusin ko at ibabalik ko sa dati tulad ng inuumpisahan namin nuon.” “Good! Maganda yan! And I am sure na maayos mo lahat. Kasi naman sobrang tiyaga mo at talagang nagsikap ka para marating mo yang kinalalagyan mo ngayon. Sana lang yung taong nais mong balikan ay mabalikan mo na ng maging kumpleto at masaya na rin ang buhay mo. Hindi ganito na umiikot sa walang kahihinatnan puro simento at bakal ang nasa harap mo pero nakatutuwa lang dahil sa pagsisikap mo naabot mo ang siyang di ko maabot kahit anong sikap ko. Hindi ko kasi siniryoso kundi nilaro ko lang kaya nakipaglaro rin yung kapalaran ko.” “Andrama mo.” “Joke lang yon Marco. Sige na pumasok ka na at baka malate ka pa sa flight mo. Ingat ka palagi at huwag mong kalimutan na tawagan ako at kwentuhan kung ano na balita sayo sa Pinas.” Sigaw ni Luis na kasamahan ko na engineer dito sa Italy. Sa wakas nasa Pinas na rin ako. Namiss ko yung atmosphere. “Hi! Taxi po Sir?” tanong ng Manong driver. “Sige po paki hatid naman ako rito.” Pinakita ko yung address kung saan ay pansamantala akong titira habang inaayos ko pa lahat. “Sure po Sir! Sakay na po.” Sagot nito at pinaandar na ang taxi habang mabilis naman akong naihatid. “Salamat po Sir! God bless po.” Sabi nito ng abutan ko ng kapirasong tip. Nagdoorbell na ako sa gate kung saan ay tutuloy muna ako. “Marco” sigaw ni Drew. “Drew! Kamusta Pre!” Sabi ko ng mapagbuksan ako ng gate at mabilis na. iyakap. “Teka! May makakita satin baka mamaya mapagkamalan pa tayo at ano ang isipin.” “Sorry!” Anito ni Drew na siyang tawa rin. “Ikaw naman ngayon lang kita nakita ‘yan pa ba isasalubong mo sa’kin? Siraulo ka!” Sambit saka ako iginaya na pumasok muna sa bahay niya. “Ikaw lang ba rito?” Paniniguro ko. “Oo naman. Minsan pumapasyal rito si Lara di ba kilala mo siya kaibigan. I Amanda kaklase niya nung mga nasa college pa tayong apat.” Sagot niya. “Pero maiba tayo kamusta ka na? Ang tagal mo sa Italy Pre! Kamusta buhay mo ron at bakit nag-iisa ka ata na umuwi rito? Nagulat pa ako ng tawagan mo ako naririto ka na pala. Bakit naman kahit isang tawag o email di ka nagpadal?” Napakaraming tanong at nais na masagot ni Drew ang bawat kanyang sinabi. Pero isa ang nagpaisip sa akin ang kanyang tanong bakit mag-isa akong umuwi? “Okay naman ako sa Italy. Heto nakita mo. Gwapo pa rin at mas naging gwapo pa kamo.” Biro ko. “Yung pamilya mo?” “What?” nanlaki mata ko at nanghaba ang tenga ko ng marinig ito. “Anong pamilya pinagsasabi mo?” tanong ko. “Hindi ba may pamilya ka na raw duon? Balita ko nag-asawa ka na at bumuo na ron ng pamilya? Nagulat pa nga ako dahil ng huli..” “Anong pamilya ba pinagsasabi mo.” Di ko na naipatuloy ang sasabihin niya ng ako ang magsalita. “Wala akong pamilya okay! At sino ba nagsabi niyan sayo?” “Kapatid mo” sagot niya “Sino si Chris?” “Oo at pinatunayan pa nga ng step-mother mo na nagpakita ng picture ng isang babae na sabi asawa mo sa Italy.” Sabi pang muli nito at napaisip. “Totoo ba?” “Siraulo! Papaano magiging totoo? Ano bang binitawan ko sayo ng umalis ako?” tanong ko sa kanya. “Babalik ka para mapatunayan sa kanila na hindi ka basura na gaya ng tingin nila sayo. At babalik ka para sa anak mo at kay Amanda.” Bigla itong nalungkot. “Sorry Pre!” “Okay lang matagal na rin yon. Alam kong kasalanan ko rin at iniwan ko si Amanda tapos sinabihan ko pa siyang ipalaglag niya yung bata. Napakasama ko Pre! Napakasama ko at naging masama ako sa kanila lalo na sa batang dinadala niya ng mga panahon na yon.” Nalungkot ako. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ang sanggol na dinadala ni Amanda ng magawa ko siyang iwan para sa pakiusap ni Dad. “Kamusta na siya?” seryoso na pagtatanong na sinabi ko kay Drew. “Maayos na siya ngayon. Magkasama sila ni Lara kasi boss niya si Amanda. Balita ko nga single pa rin at ayaw magboyfriend. Di pa ata nakakaahon mula sa sakit ng pang-iiwan mo sa kanya.” Natawa pa ito sa kabila na lungkot na naramdaman ko ng mapag-usapan ang nakaraan. “Ano na pala plano mo? Alam ba ng Dad mo na nagbalik ka na? How about yung pamilya ng Dad mo? May alam ba sila na umuwi ka na ng Pinas?” Umiling ako. “Wala silang alam. Lalo na ayoko sana ipaalam sa kanila na naririto na ako.” Sagot ko “Pero di naman maaari yon? Malalaman at malalaman nila na nakabalik ka na. Syempre alam mo na rin ang mangyayari oras na malaman nila!” “Alam ko.” Sagot ko “Alam mo pala bakit bumalik ka pa?” “Hindi naman sila ang binalikan ko. Saka wala akong pakialam sa yaman ni Dad at wala akong balak na makisawsaw sa negosyo at pera ni Dad. Kaya nga nag ipon ako para matustusan ang sarili ko ng di na ako aasa sa mga pera ni Dad.” Sinabi ko kay Drew habang napatingin sa kisame ng magawa kong sumandal muna upang makapag-isip. “Pre! Later na tayo mag-usap. Pahingi naman number ni Lara please.” Sabi ko ng bigla akong matapos sa iniisip ko. “Bakit?” “Ano pa ba di pupuntahan ko si Amanda sa opisina niya.” Sagot ko. “Bakit di ka muna magpahinga? Ipagpabukas mo na yan at kararating mo pa lang bakit di tayo magkwentuhan muna.” “Mamaya nalang okay! May aayusin lang ako.” Sagot ko sa kanya at nagmadali na lumabas. “Pre pasend sakin ng number ni Lara.” Sigaw ko at pumara na ng taxi agad. Sa pagbaba ko pa lang sa mismong harap ng building nanlaki mata ko. Napakalaki pala ng kumpanya ni Amanda. Nakangiti ako habang sinisipat ang buong building. “Sir may kailangan kayo?” “Yes! Paki sabi applicant mag apply sana ako.” Sagot ko sa receptionist ng building. “Sorry Sir pero wala pa si Ma’am Amanda nasa bahay pa nila.” Sagot ng babaeng nakausap ko. “It is okay. Andiyan ba si Lara?” “Hoh?” nabigla ata. Nginitian ko yung receptionist. “Si Miss Lara nandiyan ba?” Inulit ko. “Yes po! Naririto po si Ma’am Lara pero si Ma’am Amanda po ang nag-iinterview at humaharap sa mga applicants. Kaya balik nalang po kayo bukas.” Sagot nito. “No! It is okay ako na bahala sa kanya.” Sakto dating ni Lara ng mapansin ako na kausap ang receptionist nila. Nakangiti itong lumapit sa amin at kinausap pa ang babaeng kangina pa pinagtabuyan ako. “Ako ng bahala nag-interview sa kanya. Natawagan ko na rin si Amanda at may emergency kaya di siya makakapasok ngayon.” Sabi pa muli ni Lara at ngumiti saka tumango yung babae. “Okay Ma’am!” Sagot nito na nabibigla pa rin. “Thanks” Sabi ko sa babae. “Let’s go” Sabi ng nakangiti ni Lara. “Kamusta na? Kamusta buhay sa abroad? Antagal mo di nagpakita? Antagal ka rin inantay ni Amanda.” Sunod-sunod na salita ni Lara at mga tanong tungkol sa amin ni Amanda. “Okay lang! Medyo natapos ko na lahat ng mga goals ko in life..” “At dahil duon nagbalik ka na?” si Lara na ang siyang sumagot sa dapat na kadugtong ng sasabihin ko. “Yes! Parang ganoon na nga.” Sabi ko. “Natutuwa rin ako sa pagbabalik mo.” Sabi ni Lara. “Maupo ka!” aniya na sinabi at tinuro ang bakanteng silya. “Natutuwa ako at nagbalik ka na rin sa wakas Marco at siguro naman naririto ka para tuparin ang binitawan mong pangako kay Amanda nuon?” tanong niya. “Work Interview na ba ito?” Biro ko. “Yes! Dito nakasalalay ang siyang sagot kung dapat ba kitang tanggapin sa kumpanya namin. Kung dapat bang ipagkatiwala ko sayo ang sagot ko at pagpayag na dito ka magtrabaho kasama ang babaeng minsan ay sinaktan mo. Este iniwan pala sa gitna ng problema na siya lang ang lahat nagdala ng dahil sa iniwan mo sila.” Aniya muli na nakataas pa yung kilay habang simple na pinipigilan na matawa. “Sorry Lara! Siguro naman alam na rin at nasabi sayo nuon ni Amanda ang dahilan bakit kinailangan kong umalis at iwan siya sa kabila na may dinadala siya. Alam ko rin na mag-isa niyang hinarap at inako ang responsibility na dapat kasama ako. Pero Lara kaya nga nagbalik ako dahil natupad ko na yung goal na sinabi ko sa kanya nuon. Ang ipinangako ko na magbabalik ako. Heto nakikita mo! Naririto na ako sa harap mo para balikan si Amanda subalit..” Hindi ko na natuloy ng balutin ako ng lungkot at paninisi sa sarili na kasalanan ko kung bakit nangyari yon. “It is okay! Matagal na yon at nakalimutan na rin ni Amanda. Hopefully nakalimutan na nga niya once na magkita kayong dalawa dun ako di sigurado kung nakalimutan na nga ba niya talaga.” Sabi ni Lara. “Alam ko! Hanggang ngayon alam kong sisisihin pa rin niya ako sa lahat ng nangyari maging sa pang-iiwan ko nuon sa kanya habang…” “Sabi ng tama na pag-aalala. Past is past at wala na tayong magagawa para maibalik ang past. Pero yung sinasabi mong dahilan ng pagbabalik mo. Maaari siguro na dun tayo tumutok.” Aniya ni Lara. “Handa ka ba sa lahat? Handa ka ba sa posibleng mangyari oras na magkita na kayo?” Tumango ako. “Teka! Maalala ko lang pala. Matanong ko ano pala yung balita na may pamilya ka na sa bansang tinuluyan mo sa maraming taon?” “Hindi totoo. Naitanong na rin sa akin ni Drew yan kangina pagdating ko at magkita kami. Walang katotohanan kung sino man ang siyang nagpakalat siguro ay di pa rin matanggap na naabot ko na yung mga pangarap ko ng hindi umasa sa tulong ni Dad.” Sagot ko sa kanya. “What do you mean?” “Nag-aral ako sa Italy habang nagtatrabaho. Pinutol ko na rin contact ko kay Dad ng mga panahon na hanggang duon ay pinag-aawayan pa rin nila ni Tita Manilen ang pera at sustento na pinadadala sa akin ni Dad. Kaya nagsikap ako roon inalis ko lahat ng koneksyon ko sa kanila habang naroroon ako simula ng mawala ang baby namin ni Amanda natapos na rin lahat ng koneksyon namin ng Pamilya ni Dad. Sa ngayon wala silang alam na nagbalik na ako at lalong wala akong balak na sabihin sa kanila.” Sagot ko ulit sa kanya. “Napakatagal na issue na yan. Pero good for you dahil pinatunayan mo lang na wala kang interes na maghabol sa pera ng Daddy mo. Tama lang na pinatunayan ko sa step-mother mo at sa step-brother mo na wala kang balak humati sa pera na madalas pa nilang ipagmalaki. Ewan ko ba! Si Kuya Drew kung bakit dumidikit pa rin siya kay Chris napakasama ng ugali non. Pero alam mo bang nanligaw yon kay Amanda nung magawa mong iwan siya.” Sabi na naibulong nito. “Pero sige at sa susunod na tayo magkwentuhan para makapagpahinga ka na. Tanggap ka na as our new architect.” Masayang bigkas na sinabi niya. “Salamat Lara” Sabi ko. “Huwag ka muna magpasalamat. Mahaba pa pagdadaanan mo bago mo masungkit ang panibagong goal mo sa pagbabalik mo. Kaya paghandaan mo pero don’t dahil andito ako sa likod mo.” Sabay kindat nito. “Basta pagbutihan mo at panuorin ko ang masayang yugto na makikita ko sa loob ng kumpanya ni Amanda.” Sabi pa nito bago ako nakatayo at makapagpaalam sa kanya. “Sige! Bukas nalang Lara.” Sabi ko. “Agahan mo. Don’t be late, okay?” tumango ako nakangiti. Hindi ako nakatulog ng ito ang araw na magkikita na kaming muli ni Amanda. Iniintay ko nalang na bumalik yung staff na siyang tumungo sa office ni Amanda. Kinakabahan ako at sabi naroroon naman si Lara sa loob kausap ni Amanda. Kaya pala di nagrereply sa text ko ng sabihin kong papasok na ako. “Mr. Gabriel halina po kayo at pumunta sa opisina ni Ma’am Amanda nag-iintay na sila.” Sabi ng staff na babae na makalapit. “Salamat!” Nginitian ko siya habang kinikilig naman ito at di makatingin ng diretso. Naglakad kami papunta sa office ni Amanda at sa pagbukas ng pinto nakayuko ito. “Hi!” Sabi ko kay Lara na nakangiti. Nang mag-angat naman si Amanda ng mukha nagulat agad ito at labis na nabigla. “Hi! Kumusta.” Sabi ko sa kanya. “Lara” Sabi nito galit at nilingon ang kaibigan. “Anong ibigsabihin nito?” tanong at galit na pagkakatanong. “Lara!” sigaw niya. “Lumabas ka muna.” Utos ni Lara sa staff habang naiwan ako sa loob. “Sorry magpapaliwanag ako.” Sabi ni Lara. “Kasi…” “Ako na magpapaliwanag sa kanya Lara.” Sabi ko ng kinakabahan at di masambit na maituloy ang sasabihin ni Lara. “No! Siya ang lalabas at mag-uusap tayo Lara.” Sigaw ulit ni Amanda. “Amanda please mag-usap tayo.” Anito ko nakiusap sa kanya. “Ayoko kitang makausap. Si Lara ang kakausapin ko.” Inirapan niya ako at pabagsak na binuksan ang pintuan. “Labas!” sigaw ni Amanda. “Hindi ka ba marunong makaintindi? Labas!” inulit pang muli mula sa napakalakas na boses. “Amanda” sambit ko. “Don’t call me by my name. Dahil di kita kilala at lalong wala kang karapatan na tawagin ako sa pangalan.” Galit na sinabi niya na pilit na pinalalabas ako habang baltak ang polo ko pinalalabas ako nito. “Sorry Marco lumabas ka muna.” Sabi ni Lara kaya lumabas nalang muna ako at mag-aantay sa paglabas nito. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko kaya alam ko rin na mahihirapan ako na makuha muli ang loob ni Amanda subalit di ako susuko ng dahil Mahal ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD