CHAPTER 15

1410 Words
Revenge or Love Chapter 15 Nasarapan talaga sila Amanda at Lara. Halos maubos nila ang lahat ng mga pagkain na ipinahanda ni James sa kanila. Tuwang-tuwa din ito dahil sa sarap ng pagkain nilang dalawa. Si Marco hindi inaalis ang mga tingin niya kay Amanda habang pinanonood niya ito kumain. “Buti talaga nagustuhan niyo lahat ng mga pagkain namin dito sa restaurant." “Ano ka ba! Masarap nga paano hindi namin magugustuhan? Salamat talaga." tugon ni Lara. Tahimik lang si Amanda habang si Lara ang maingay at sagot ng sagot kay James. “Marco, buti nalang pala dito kayo naligaw sa restaurant ko. Aba, atleast nagkita tayo ulit. Ilang taon na rin di ba? Halos parang kelan lang din pala ng magawa ko magresign sa Paris at magdesisyon na umuwi nalang dito sa Pinas para dito naman hanapin ang swerte ko sa pagtatrabaho. At pag nenegosyo. Siguro nga ay ito talaga ang adya nung nasa taas. Ang subukin ako at paghirapan ko lahat. Hindi naging madali para sa akin ito. Pero nakita mo naman ang laki ng i-ginanda ng restaurant ko." pahayag na mahaba ni James. Natutuwa talaga ito sa muli nilang pagkikita at pagsasama ni Marco. Hindi lang iyon. Natutuwa siyang makita ang babaeng tinutukoy sa kanya sa mga kwento ni Marco nung magkasama pa sila sa Paris. “Bakit ganyan ka makatingin kay Amanda?" natatawa na biro ni Lara ng pansinin ang mga tingin at titig ni James kay Amanda. Tumikhim ito. Kasi nga ay hindi na maikakaila ang kanyang saya sa mga mata na makita muli na kasama ng kanyang kaibigan ang babaeng madalas na mabanggit sa kanya noon. Sa nakikita niya naman mukhang walang problema. Masaya ang mukha ni Marco at bakas nababasa niya ang saya nito na kasama sa pagkain ang babaeng 'yon. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Nagagandahan ka ba sa kaibigan ko?" biro muli nitong usal. “Kung pwede lang eh! Bakit hindi? Maganda naman talaga ang kaibigan mo. Kaya nga siguro mabaliw-baliw ang kaibigan ko sa kanya dahil sa totoo pala ang madalas niya makwento noon sa akin nung nasa Paris pa kami. Madalas ko makita ang picture niya sa kamay nitong si Marco. Tinititigan niya araw-araw. Kung minsan pa nga ay naluluha pa. Dahil sa namimiss na raw niya. Pero masaya ako makita na magkasama kayo, Marco." Hindi mapinta ang mukha ni Marco. Nahihiya. Nauutal at hindi makapag salita sa dami ng sinabi ng kanyang kaibigan. Pero totoo naman lahat ng sinabi nito sa harapan ng dalawang babae na kasama nila Araw-araw ay hawak niya ang litrato nila ni Amanda na magkasama. Hindi niya maitatanggi ito. Dahil sa umpisa pa lang ng mga araw niya sa Paris. Mabaliw-baliw nga siya sa sobrang pananabik at pagkamiss kay Amanda. Isama pa nga ang mga naging sunod-sunod na problema. Tapos pa nga. Muntikan na rin siya magpakamatay non. Naisip niyang sumunod nalang din sa pagkawala ng baby nila ni Amanda. Baka matapos na rin lahat ng mga problema at mga pinagdadaanan niya. Nang dahil sa sobrang dami ng problema niya naisip talaga ang kitilin ang buhay niya kung hindi dahil sa isang pangyayari. Baka sakali noon ay natuluyan na rin siya mamatay. Baka hindi na niya nagawa ang humarap pa kay Amanda. “Marco?" bigkas ni Lara. “Totoo ba ang sinabi nitong kaibigan mo?" hindi makapaniwala na tanong ni Lara. “Totoo" tugon ni James. “Napakarami na pinagdadaanan nitong tao na 'toh. Mas marami at mas matindi pa sa mga pinagdaanan ko ng andon pa ako. Kaya nga hindi ko akalain na tatagal siya don sa kabila ng mahirap din ang manirahan don. Tapos sa kalagayan niya. Isang kahid isang tuka. Kung hindi siya gagalaw o kikilos para sa sarili niya baka siguro hindi rin siya tumagal don. Umuwi na rin siya tulad ko rito sa Pinas." Pagkukukwento ni James. “Sa totoo lang hindi ko alam sa tao na iyan. Kung bakit natiis niyang mabuhay don ng walang support ng pamilya niya. Bitawan ba naman niya lahat ng suporta na natatanggap niya at piliin ang magpakahirap magtrabaho don. Makatapos lang siya sa kanyang pag-aaral. Ang katwiran niya ayos pa naman siya at lahat ng hirap. Paghihirap niya lahat yon may pinaghuhugutan. Iisang tao. Iyon ang babaeng pinakamamahal niya at ipinagmamalaki niya sa amin lahat." ngumiti ito. Kay Amanda ang tingin. Nang mag-angat ng mukha si Amanda nag krus ang mga mata nila at nagtama. “Sana nga lang ay ganun din iyong babae na tinutukoy ko sa kwento ko." pagpaparinig na sabi nito. Hindi man siya nagbabanggit. Pero nakuha na agad naman ni Lara at amanda ang babaeng tinutukoy ni James sa mga kwento nito. “Tama na ang pagdaldal mo. Tapos na kami kumain. Akin na ang lahat ng total ng mga kinain namin. Babayaran ko." sabi ni Marco. Umiwas agad siya sa mga seryoso na pag-uusap na si James ang unang nag-umpisa. Hindi niya expected na aabot don lahat ng maidaldal at makwento ni James ang ilan sa mga nakwento niya rito nung nasa Paris pa silang dalawa. Malapit din kasi si James sa kanya. Kaya madalas din niya mabanggit ang tungkol sa babaeng minamahal niya na nagawa niyang iwan para sa ikatatahimik ng pamilya ng kanyang ama. Alam ni James halos ilan sa mga seryoso niyang kwento sa kanyang buhay. Kaya hindi na siya magtaka na nabanggit ni James ang iba sa harapan ni Amanda. “Pahingi ng resibo. Dali na may pasok pa kami sa work. Or, gusto mo naman libre nalang lahat ng kinain namin dito sa kabubukas mo pa lang na restaurant?" biro na pabulong ni Marco kay James. “Wag muna ngayon. Para iwas malas. Sa susunod. Pwede na rin siguro." sagot ni James. Tinawag nito ang isang babae at pinakuha nito ang resibo nila Marco. “Wag mong isama yung kinain mo." biro ulit ni Marco siniko niya si James. “Joke lang! Pero sige na! Bilisan mo na at babalik pa kami sa office." “Pinakuha ko na nga di ba?" sagot ni James. “Pero mamaya dumaan ka rito. Magbonding naman tayo at magkwentuhan kung okay lang sayo." “Ayos lang! Sige, dadaan ako mamaya." “Salamat naman pumayag ka na makapagbonding man lang tayo. Namiss kita, Marco. Namiss ko ang mga kakulitan mo non sa Paris at ang—" naputol na sabi nito. “Tama ang daldal mo. Mamaya mo nalang ituloy. Ireserba mo nalang iyan mamaya para sa mahaba nating pagkikita. Jaming tayo later okay?" tanong ni Marco. Tumango naman ang lalaki. “Ikaw talaga. Pero masaya talaga ako makita ka ulit." sabi na naman nito tulad ng sinabi na kangina. Ilang minuto pa ay dumating na ang iniintay nila. Ang resibo ng mg kinain nila para makaalis na din sila “Here" inabot ni Amanda kay James ang kanyang credit card. “Dito mo nalang kunin lahat." alok niya. “Hindi na! Ako na magbabayad. No need to worry. May cash pa naman ako dito. Kakasya pa naman sa lahat ng nakain natin." sabi ni Marco. Hindi niya pinakuha ang credit card ni Amanda.. Instead siya ang naglabas ng pera sa kanyang bulsa. Kung saan nakaipit ang kanyang pera. Hindi talag siya papayag na si Amanda ang magbabayad. Iniisip na nga niya na isang date ang nangyari ngayon. Although may kasama sila na mga asungot. Pero ayos na rin basta nakikita niya si Amanda sa kanyang harapan. Ayos na yon. Masaya na siya. Si Amanda naman ang nahiya dahil sa ginawa na yon ni Marco ng bayaran ang mga kinain nila. “Salamat!" si Lara ang siyang nagpasalamat. “Wala iyon. Kung tutuusin kulang pa iyan sa dami ng atraso ko." sagot ni Marco. Mayroon nais ipunto sa kanyang sinabi. Pero natawa nalang din si Lara. Awkward nga naman. Tapos ang kaibigan niya tahimik na tumayo nalang. “Coffee tayo?“ tanong ni Marco. “Hindi na next time nalang Marco. Need na ni Amanda ang bumalik sa office. Kaya mauna na kaming dalawa. Ayos lang ba? Kailangan talaga namin muna magpauna. Baka hinahanap na siya ng kliyente sa office. Sabi ng staff may nagtungo raw don hinahanap si Amanda. Kaya kailangan namin magmadali." si Lara nauutal nagsalita. Pagdadahilan nalang ba ang sinabi niya o totoo talaga may naghihintay at naghahanap sa kanila na dumating na isa sa mga kliyente ni Amanda ang naghahanap sa kanya. Pwede na totoo o dahil sa gusto nalang ni Amanda ang umalis at makalayo sa dalawang lalaki?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD