Revenge or Love
Chapter 16
Sa isang bar nandoon ngayon si Marco kasama si James. Masayang nag-iinuman. Sinusulit ang gabi na magkasama silang dalawa.
Ngayong gabi lang ulit nakarating sa isang bar si Marco. Ni minsan ay hindi na naulit mula noon. Nang una siyang nakapasok sa tulad ng napuntahan nila ni James.
Start ng gabi na yon. Sinabi niya na hindi na siya papasok pa. Kahit kailan. Ngunit ngayon ay kinain niya ang mga nabitiwan niyang pangako at salita para sa kanyang sarili.
“Cheers! Marco, toast naman tayo. Minsan na nga lang makapag relax. Maging masaya ka naman. Kangina ka pang seryoso diyan." bulalas sa malakas na boses ni James. Masyado kasing maingay sa buong bar. Hindi sila magkarinigan.
“Marco, masaya ako." sambit nito. Halata ang saya at pagkasabik sa kanya ng kanyang kaibigan.
“Alam mo ba?" tumawa ito. “Masaya din ako na makita na okay na pala kayo ng girlfriend mo. Masaya akong makita na magkasama kayo kangina na kumain sa restaurant ko. If ever man gusto niyo ulit bumalik sa restaurants ko. Punta lang kayo. Kahit don pa kayo kumain ng lunch or dinner. Walang problema. Dahil mas gusto ko na nakikita na magkasama kayo."
Sa palagay mo ba na magugustuhan niya na makasama ako araw-araw sa pagkain? Mukhang hindi. Bulong na pahayag niyang bigkas. Lasing na si James. Hindi na naunawaan ang mga sinabi na iba pa ni Marco.
“Pag hindi busy. Alam mo naman busy kami lahat sa mga trabaho. sa susunod. Sige!" sagot ni Marco.
“Okay sige aasahan ko. Basta pag gusto niyo lang, or kaya ay hindi kayo mga busy. Galain niyo ako sa restaurant." paulit-ulit na 'toh. Lasing na ito sa dami ng nainom nila.
Ilang oras na rin sila sa bar.
Ilang Babae na rin ang mga lumapit sa kanila. Nag-aaya na mga sumayaw sa gitna. Pero dahil wala siya mood at busy sa mga pinag-uusapan. Pinaalis at tinanggihan nila.
“Basta ubusin mo na 'yan at umuwi na tayo. Lasing ka na talaga." pahayag ni Marco. Gewang-gewang na rin ito at sobrang daldal.
Inubos lang nila lahat ng mga inumin nila. Saka niya hinatid si James sa bahay nito. Tapos ay umuwi na rin sila.
Nasa bahay na rin si Marco.
Medyo tinamaan din si Marco sa mga alak na nainom niya. Wala na rin siya sa kanyang sarili. Lasing. Hindi niya napansin ang pag dial niya sa number ni Amanda.
Hating gabi! Madaling araw na rin actually.
“Amanda" sambit niya sa pangalan nito.
“Anong oras na! Lasing ka ba?" tanong ni Amanda. Nagising lang siya sa pagtunog ng kanyang cellphone. Naalimpungatan siya.
“Amanda, mahal pa rin kita.
Mahal na mahal pa rin kita." nasinok si Marco habang sinabi. Ilang beses niya itong binanggit. Tapos ay nawala na ito sa kabilang linya. Naputol ang pag-uusap nila.
Nagtataka tuloy si Amanda. Malakas ang pakiramdam niya na lasing ito. Huminga siya. Sinubukan niya ang makatulog ulit. Ayaw niya pumasok ng office na haggard siyang tingnan o kahit na sa paningin ng mga makakakita sa kanya.
May ilang oras pa siya nakatulog. Sa antok niya ay nakaidlip ulit siya. Hindi naman naging mahirap sa kanya ang makatulog at makabalik sa pagtulog ulit.
Paggising niya ay sinalubong agad siya ng mga matang mapanukso at mapanuri. Mga kapatid niya mga nakatitig ang tingin sa kanya habang kumakain sila sa hapag kainan.
“Ayos ka lang ba?" tanong ng Kuya Thomas niya.
“Ayos lang ako. Bakit? Hindi ba nakikita sa mukha ko?" tanong niya sa Kuya Thomas niya habang bubuka sana ang bibig ng Kuya Arthur niya. Ngunit bigla na lang nito natutop ang bibig nito.
“Sorry! Kumain nalang tayo." sabi ni Edward. Pero gusto rin sana magtanong. Pinigil lang nito ang bibig niya. Baka masinghalan agad sila ng pagkaaga ni Amanda.
“Sabihin niyo na kung ano ang gusto niyo itanong. Hindi iyong tinatanong niyo nga ako. Pero hindi ko maintindihan kasi ay kayo lang nakakaintindi. Sabihin niyo na." sabi niya. Huminga.
“Kung about kay Marco. Wala kayo makukuha na updates. Dahil wala pa rin ipinagbago. Ganun pa rin. Hindi na yon magbabago pa." sabi ulit niya habang sumubo ng pagkain sa kanyang kutsara.
Alam naman niya ang mga itatanong ng mga ito. Kakamustahin lang naman siya tungkol sa lagay na nang relationship nila ni Marco. Wala din naman siya isasagot kundi walang ipinagbago. Kahit na naaalala niya ang pagtawag nito kangina para sabihin lang na mahal pa rin siya nito.
Totoo kaya? natanong niya sa isip. Naguguluhan na naman tuloy siya sa tunay na pakay ng lalaking mahal niya. Ano nga kaya? Mahal nga ba talaga n'ya pa rin ako?
“Amanda" tawag ni Thomas sa kapatid na bigla na lang napatigil sa pagsagot at pagkain. Nakatulala na malalim ang kanyang iniisip.
“Sorry! Mauuna na ako." sabi ni Amanda.
Tumayo na rin siya sa upuan. Dinampot niya ang gamit na ibinaba niya kangina bago pa man naupo sa may lamesa.
“Mag iingat ka!" narinig niya lang na sabi ng Kuya Thomas niya at ilan pa sa mga kapatid niya. Si Clarisse kabababa lang galing sa kwarto nito. Nagulat pa ito na paalis na agad siya. Mukhang kagigising lang nito. Nagkukusot pa kasi ng kanyang mga mata. Hindi pa rin nakagagayak. Nakaliligo. Mukhang kababangon lang talaga nito mula sa pagkakagising.
“Aalis ka na?" takang tanong.
“Oo" sagot niya. “Mauna na ako sa inyo."
“Maaga pa! Bakit aalis ka na agad?" Tanong ni Clarisse.
“May kailangan akong tapusin sa office." sabi niya. Pagsisinungaling.
“Sige, ingat na lang " nausal na pilit ni Clarisse. Naisip niya na masyado naman ata
maaga umalis ang kanyang Ate Amanda. Napansin din nito ang pagmamadali. Kaya agad siya nagtaka.
“Hayaan mo na lang siya. Lumapit ka na rito. Kumain na tayo." sabi ni Arthur. Aya niya kay Clarisse na ang mata nito. Nakasunod pa sa paglabas ni Amanda ng bahay.
Maaga pa si Amanda nang dumating siya sa kanyang opisina. Pero nagulat n
siya ng isang bisita ang hindi niya expected na dumating.
“Amanda, kamusta? Balita ko nasa Pinas na raw ulit ang dati mong kasintahan? Tama ba ako?" tanong agad pagkaupo pa lang ng isa sa marami niyang kaibigan.
Pala kaibigan si Amanda. Pero bibihira lang ang masasabi niyang talagang malapit sa kanya. Parang si Lara lang.
Si Lara malapit niyang kaibigan. Assistant, secretary at kung minsan ay kapatid pa ito sa kanya. Ano man ang kanyang hiling ay agad nito pinagbibigyan. Hindi ito nagdadalawang isip. Hindi tulad ng iba sa marami niyang kaibigan. Ang alam lang ay pag-usapan ang mga bagay about sa kanya. Tulad na lang ng nabanggit ngayon ng isa sa marami niyang kaibigan.
“Sino naman nagbalita? Paano mo nalaman?"
“Iyon ba? May nakakita raw kasi sa kanya sa isang bar. Hindi mo ba alam? Isa sa mga kaibigan natin ang nagbalita sa akin. Nakita nga raw nila sa isang bar. Gwapo pa rin daw siya at halos walang ipinagbago." kwento pa rin nito.
Pinakikinggan niya lang ang bawat sabihin nito.. Hinayaan na lang niya ito na mapagod sa pagsasalita. Ngayon ayaw talaga niya masira ang mood niya. Gusto niyang wag magalit kahit sandali lang o makapag pahinga muna sa buong araw.