Revenge or Love
Chapter 14
Lunch time! “Amanda kumain ka na ba? Halika sumama ka sa amin ni Marco kakain kami sa may kabilang kanto sa bagong bukas na restaurant." Aya ni Lara habang nilapitan agad si Amanda. Hindi na ito nagdalawang isip na ayain siya nang makita agad siya nito.
Katatapos niya lang sa isang kausap niya.
“Hindi na, kayo nalang" tumanggi siya. Kahit gusto niya sana. Gutom na rin siya. Pero ayaw niya mailang lalo't kasama si Marco kakain ng lunch.
“Ano ka ba! Dahil ba kay Marco? Ayos lang iyan sa kanya. Di ba, Marco?" kinindatan nito si Marco nagulat. “Isama natin si Amanda. Okay lang ba?" tanong nito.
“Ayos lang sa akin. Kung okay lang sa kanya makasabay ako." sagot ni Marco. Umikot ang dalawang mata ni Amanda. Sumimangot. Pinagtatawanan naman siya ni Lara.
“Kayo talagang dalawa. Halina! Kumain nalang tayo kesa ang mag-iwasan kayo. Para kayong mga bata. Mag-iisang buwan na kayo mga nag-iiwasan." pagpaparinig ni Lara. Hinawakan muli si Amanda sa braso. Hinila niya ito palabas ng gusali ng opisina ni Amanda. “Marco" tawag ni Lara. Napahinto pa kasi ito. Hindi agad nakagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Nakatingin lang siya. Sinusubukan sundan ng mga mata niya ang papalayo na magkaibigan.
“Oo, andiyan na" sagot ni Marco at agad siya nagmadali sa kanyang paglalakad. Tumakbo siya at halos muntikan na mabangga ng bigla nalang huminto sa paglalakad ang dalawa. Hindi napansin ng mga ito na nasa likod pala siya. Muntikan na rin siya maatrasan ni Amanda at magkabanggaan sila.
Buti nalang pala. Bago pa mangyari. Napahinto na rin si Marco. Dahil tiyak na babangga si Amanda kung nagkataon. Baka marinig pa nito kung gaano kalakas ang kaba niya at kung gaano bumilis ng mabilis ang t***k ng puso niya.
Kahit siya nga naiilang na sa nararamdaman niya. Napakalakas kasi. Tapos isama pa ang puso niya na hindi mapalagay. Kangina pa.
Excited? O, kabado? Dahil ngayon lang siya ulit kakain ng kasama si Amanda.
“Ang bagal mo naman, Marco. Habaan mo kaya o lakihan ang mga hakbang mo." singhal ni Lara. Kumindat.
Si Lara talaga... napailing siya at napangiti nalang.
Kumakabog na nga yung puso niya sa kaba ay nais niyang hawakan si Amanda at akbayan para siya nalang ang umalalay sa paglalakad dito papunta sa restaurant na kakainina nila.
Kaya lang ay hindi pwede.
Marami ang mga empleyado ang mga nakakasalubong nila. Mga galing sa break time. Tulad nila. Ngayon lang din magsikain ang ilan sa mga papalabas pa lang ng building. Ang iba mga kababalik pa lang may mga bitbit pang ice cream. Natawa si Marco sa isang dila ng dila. Malas lang sa kakadila nito ay natulak ng malakas ang tumpok ng ice cream sa apa. Tumapon iyon at nalaglag sa sahig. Labis na nanghinayang agad yung may-ari.
Gusto pa nga nito pulutin. Kainin.
Wala na! Nalaglag at nagkalat na sa sahig yung natutunaw na ice cream. Agad din naman ito tumawag ng taga linis. Buti nakakita agad siya ng isang lalaki na busy sa pag mop ng sahig. “Kuya, pasuyo naman." sabi nito nakiusap.
“Sige ako na bahala"
“Salamat Kuya ahh! Nalaglag kasi." malungkot ang mukha na sabi niya at nagpaliwanag.
“Okay lang" natatawa na sagot ng maintenance. Nilinisan naman nito agad. Bago pa umalis ang nakalaglag. Natapos na linisin ng maintenance ang sahig na kinalatan ng ice cream kangina.
“Thank you ulit, Kuya!" sabi muli saka umalis na rin ito. Natanawan pa ni Marco ang pagsakay ng tao na 'yon sa elevator.
“Marco" sigaw ni Lara saka niya lang naalala na nakasunod nga pala siya sa dalawa. Tumakbo na rin siya. Dahil sa medyo malayo na ang narating nung dalawa.
“Ikaw talaga" pinalo sa balikat si Marco ni Lara. “Nakita mo nagmamadali tayo. Nakuha mo pa talaga panuorin yon!" tinutukoy nito ang tinitingnan ni Marco kangina. Nakita pala ng mga ito.
Tumawa lang si Marco. Hindi siya sumagot. “Ito talagang boyfriend mo Amanda. Kahit kailan. Hindi pa rin nagbago." chika ni Lara.
“Hindi ko siya boyfriend. Tapos na sa amin ang lahat. N'on pa! Nang iwan niya ako." sagot ni Amanda. Napabuntong hininga ng mabigat si Marco ng marinig. Hindi nga siya nakakibo dahil totoo naman ang sinabi ni Amanda pa tungkol sa pang iiwan niya noon dito. Kaya tahimik lang siya. Maging si Lara natahimik rin at hindi na rin nakapagsalita pa o nakasagot sa sinabi na yon ni Amanda.
Naglakad na lang sila. Focus sila sa paglalakad hanggang matanawan na nila ang restaurant 'na ka kainan nila.
Hanggang ngayon talaga ay galit pa rin siya. Pero hindi ako susuko. Alam kong mapapatawad din niya ako at mamahalin niya ulit ako.
May mga sasakyan na bigla na lang dumadaan. Nagugulat pa silang tatlo. Dahil sa bigla na lang may mabilis na dadaan. Ka-muntikan pa sila masagi ng isang mabilis ang takbo na sasakyan na Fortuner. Napakamot si Lara sa ulo. Tahimik si Amanda. Si Marco naman. Gusto sana niya hilahin si Amanda kangina ng muntik na ito mahagip ng sasakyan na dumaan. Kaya lang talagang wala siya lakas ng loob para gawin iyon.
Lumakad pa rin sila. Sa wakas nasa restaurant na rin sila. Bagong bukas iyon. Kaya inaya niya si Lara. Pero kahit hindi niya sinabi na ayain si Amanda. Ito na mismo ang umaya dito. Kahit ito naman ang gusto niya ang makasama sa lunch si Amanda.
“Marco" nagulat ang dalawang babae na kasama niya. Napalingon agad ang dalawa ng marinig ang tumawag kay Marco. Sinalubong pa nito agad si Marco at niyakap.
“James!" masigla na sumalubong din si Marco sa kaibigan niya.
Si James isa sa mga kaibigan niya at nakilala non sa Paris. Kaya lang mas gusto niya na umuwi ng Pilipinas upang magtano ng sarili niyang negosyo. Naruto kasi itong mag-aral magluto sa Paris ng subukan ang pumasok sa isang cooking school sa Paris.
“Kamusta?" tanong ni Marco kay James.
“Naku ayos lang! Heto nakita mo naman. Sa wakas natupad ko rin ang pangarap ko na makapagtayo ng sarili kong restaurant. Alam mo bang iginapang ko talaga ito. Nung magdesisyon akong umuwi dito. Halos walang natira sa inipon ko nung nasa Paris pa ako. Grabe! Kung alam mo lang napakaraming risky ang pinagdaanan ko. Kaya masaya na ako. Sa wakas heto na rin ang lahat ng bunga ng lahat ng pinagsikapan ko non." malungkot pero masaya na pagbabalita ng kaibigan niya.
“Ikaw? Anong balita sayo? Akala ko nasa Paris ka pa rin. Sabi mo noon. Wala ka na balak pang bumalik dito? Pero bakit nandito ka? Ano nakapagpabago ng desisyon mo, o sino ang nakapagpabago ng isip mo at dinala ka rito?" Madaldal nitong tanong. Nais sana lagyan ni Marco ng tape ang bibig nito. Kaya lang ay sunod-sunod ang pagsasalita nito na parang hindi sila makapag uusap habang nasa restaurants sila nila Amanda.
“Pwede ba! Tama na muna ang daldal. Hanapan mo kami ng mauupuan. At nagugutom na rin ang mga kasama ko." sabi niya at utos.
“Oo nga pala!" sagot nito. Nag gala agad ang mata nito. Table of four agad ang natanawan nito. “Dun tayo." sabi nito na itinuro ang isang apatan na lamesa. Lumakad sila at lumapit sa mesa na itinuro nito.
“Anong palagay mo sa restaurant ko?" nagyayabang at nagtatanong na rin ito. “Maganda di ba?"
“Okay naman" sagot ni Marco habang binigyan ng daan ang dalawa niyang kasama para makaupo.
Napakadaldal ng kasamahan niya dati sa pagtatrabaho sa Paris. Ang kulit din nito habang hindi matapos ang pagkukukwento. “Iyan lang ba masasabi mo?"
“Hindi naman. Masaya nga ako natupad mo ang pangarap mong magkaroon ng ganito. Sino bang mag-aakala diba?" tugon niya na pahayag habang tumawag ng waiter ang kaibigan niya.
“Paki bigyan mo nga kami nito dito. Good for four." utos niya sa waiter. “Pasama na rin ng drinks at maiinom na..." hindi nito naituloy dahil sa pinigilan siya ni Marco.
“May trabaho pa ako. Mamaya nalang tayo uminom after ng work ko. Panigurado uumagahin tayo." biro lang ni Marco na kinatawa ng kaibigan niyang si James. Ang ingay nilang dalawa habang ang dalawa pang nasa tapat lang nila mga nakaupo. Nagbubulungan.
“Kaibigan ba talaga ni Marco iyan?"
“Malay ko. Bakit sa akin mo tinatanong?" saad na sagot ni Amanda.
Ano nga naman ang kinalaman niya at wala din siya alam sa mga naging kaibigan at katrabaho ni Marco n'on. Nung nasa Paris ito. Wala siyang balita dito dahil sa tuluyan nito pinutol ang lahat ng communication nila. Maging number nito pinalitan. Kahit sa email. Hindi ito sumasagot sa lahat ng mga mail niya. Hindi na nga mabilang ni Amanda kung gaano karaming email ang naipadala niya kay Marco. At sa lahat ng iyon kahit isa. Walang bumalik na sagot. Ilang taon din siya naghintay. Pero walang kahit anong paramdam si Marco sa kanya. Kaya ngayon. Tinitikis niya ito. Kahit minsan natatalo siya ng nararamdaman niya.
Ilang araw na siya nag-iisip pero wala siyang maisip kung paano niya malalayuan si Marco.
Gusto niya gumanti. Pero hindi rin siya makapag isip kung paano at saan s'ya magsimula.
Ang ingay naman nitong dalawa na 'toh! Hindi ba matatapos ang pagdadaldal nung isa. Dinaig pang babae sa kadadaldal. Bulong ni Amanda. Nakatingin siya ng lihim sa dalawang nag uusap.
Wala pa ang order na pagkain nila.
“Mukhang maayos naman pala ang naging buhay ni Marco sa Paris, Amanda." bulong ni Lara sa kanya.
“Paki alam ko!" singhal niya dito.
“Naku, sabihin mo gusto mo rin malaman kung ano ang mga nangyari sa kanya don. Kung ano ang mga pinagkaabalahan niya don habang wala siyang paramdam o kahit anong koneksyon sa mga tao na nagmamahal at nag-aalala sa kanya. Diba, yon din ang nasa isipan mo?" pangungulit ni Lara. Siniko pa siya nito.
Ano kung yon nga? sa isip niya singhal niya.
Bakit ba ang kulit ni Lara? Ang ingay din niya parang— kausap din ni Marco. Ang sarap nila mga pagsamahin. Bakit ba kasi na sumama pa ako dito?
Bakit nga kaya niya naisip ang sumama ganun na alam niyang ma-OP siya. Gaya ngayon..
Gusto na sana nalang niya lumabas ng restaurant upang bumalik nalang sa office niya. Nawala na ang gutom niya sa tagal ng mga itinatagal nila sa restaurant kung saan sila mga maglunch.
Ata't na ang sarili ni Amanda na tumayo nalang at umalis sa restaurant. Pero pinigil siya ni Lara. “Maupo ka! Ayan na order natin." sabi nito. Nang may paparating na dalawang waiter. Papalapit ito sa direksyon nilang apat.
Tama nga ang hinala ni Lara. Dahil sa mesa nila ito mga huminto.
Isa-isa na ibinaba ang mga dalang pagkain ng dalawang waiter.
Nagulat si Lara. Namangha. “Mukhang masarap." narinig pala ng kaibigan ni Marco.
“Best seller namin iyan. Kahit ngayon lang kami nagbukas. Iyan ang halos inoorder ng karamihan sa mga kumain na ngayon dito." pahayag na nagyabang na naman ng kaibigan ni Marco. “Tikman niyo. Tiyak na masasarapan din kayo. Ako ang nag invented ng recipe na yan. And, proud akong sabihin at ipagyayabang ko talaga. Dahil masarap ang kinalabasan. Kaya kumain na kayo. Tikman niyo muna at gusto ko sana marinig ang komento niyo sa recipe ko na ako mismo ang gumawa." Tumingin muna si Lara sa kaibigan ni Marco bago siya sumubo.
Bakas sa mukha ni Lara ang pagkamangha sa natikman. “Masarap ahh!" sabi nito habang sumubo ulit at dahan-dahan niya na nginunguya sa kanyang bibig. “In fairness masarap" aniya ulit na sabi ni Lara. “How about you? Amanda, tama ako diba? Masarap talaga siya?" napalunok din si Amanda after sumubo habang muntik mahirinan dahil sa mga mata na nakatingin sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot.
“Oo, masarap!" sagot niya kay Lara. Nahihiya siya sa mga pangungulit ni Lara.
“Salamat ahh! Buti naman nagustuhan niyo. Masaya ako." sagot na pahayag ng lalaki. Nakatingin ito kay Lara at hindi maalis ang tingin nito kay Lara habang masarap na kumakain. Talagang nasarapan si Lara dahil sa sunod-sunod at hindi matapos nitong pagsubo. Napakagana nito kumain habang si Amanda nahihiya sa inaasta ni Lara ngayon sa harapan ng kaibigan ni Marco.