CHAPTER 17

2223 Words
Revenge or Love Chapter 17 “Marco, guma-gwapo ka!" nahihiya pero namumula na sabi ng isang employee na kasama nila. Sa ibang department ito. Pero dahil sa madalas nito na pagpunta sa engineering department kung saan nakasama si Marco. Madalas din nito batiin si Marco at kausapin. “Hoy, Lucy. Ikaw ba pumupunta lang dito dahil dito kay Marco?" tanong ng isa sa mga kasama sa team ni Marco. “Bakit nagseselos ka ba?" sagot ng babae. Bato sa lalaking nagtanong at namuna sa kanya. “Aba't sumasagot pa" natawa nalang ang lalaki at iba pa nitong kasama. “Bakit ka ba nangingialam? Hindi naman ikaw ang pinupuntahan ko rito. Si Marco." honest na sabi nito. Nagkatawanan ang lahat at tuksuhan. “Sabi na nga ba! Hindi trabaho ang dahilan ng madalas mong pagpunta dito. Kung hindi si Marco. Matagal na namin napaghahalata na type mo itong baby boy namin. Pero sorry ka! Kay Ma'am Amanda na siya. Hindi ka mananalo dahil ang boss na natin mismo ang nagmamay-ari sa kanya." honest at pilyo na wika ng lalaki. Napatingin si Lucy sa gawi ni Marco. Napatawa nalang sa wikang yon ng kanyang mga kasama. Hindi niya alam kung saan nakakuha ng mga ganung balita ang mga ito. Matapos na magdesisyon siyang ilihim nalang muna niya sa mga empleyado ni Amanda ang kanilang nakaraan. Wala pa siyang pinagsasabihan. Maliban lang kay Amanda, maging sa best friend nitong si Lara ang siyang nakakaalam. “Ano? Nawalan ka ng kibo?" wikang nagsalubong ang mga kilay ni Lucy. Masama na tumingin sa lalaki at ilan pang nagsisitawa. Nakikinig si Marco sa bawat batuhan ng mga salita ng dalawang empleyado ni Amanda. Hinayaan nalang niya at napabuga nalang siya kakaisip kay Amanda. Naalala niya ang kabaliwan na ginawa n'ya kagabi matapos ang malasing at tawagan si Amanda. Hindi niya talaga malaman bakit niya ginawa yon. Nagtataka din siya sa sarili niya subalit wala naman din siya magawa. Dahil nangyari na lahat at nagulat pa siya ng mabasa ang text message galing kay Amanda. Wag mo ng gagawin ulit yon. Nakalimutan ko na lahat. At sana ganun ka rin sa sarili mo. Wag ka nang tatawag at ipapaalala pa ang nakaraan na— lumipas na sa maraming taon. MOVE ON Hiyang-hiya siya. Saka niya naalala ang pagtawag niya dito. Twice pa. Two times siyang tumawag kay Amanda. Una ng sabihin niya na mahal na mahal niya ito. Pangalawang pagtawag niya. Umiiyak siya at pinaalala ang pagkawala ng baby nila. Humihingi siya ng tawad sa lahat ng mga pananakit niya rito. Sa pagkukulang niya sa kanilang baby sana ni Amanda. At ang pag iwan niya dito. Hindi na niya maalala ang full niyang nasabi kay Amanda. Pero iisa lang ang alam niya. NAKAKAHIYA ang ginawa n'yang yon. Bakit ko kasi ginawa yon? Ang tanga-tanga ko talaga. Sabi niya sa sarili habang kinagagalitan. “Bwisit!" narinig niyang wika ng babae. Napikon na ito sa pakikipag talastasan sa kanyang katrabaho. “Marco, hindi naman totoo ang mga sinabi niya? Single ka di ba? Saka hindi totoo na kayo na ni Ma'am Amanda?" Mula sa malayo. May nakaririnig sa pag-iinarte ni Lucy. Seryoso na nakatingin ito. Naiinis dahil sa mga naririnig niya about sa pagkagusto ng isang empleyado niya sa lalaking bahagi ng kanyang nakaraan at kailanman ay hindi nawala sa puso niya kahit anong gawin nyang pagbubura. “Marco" makulit nitong sambit.. Bata pa si Lucy. Kaya naman parang bata ito na umaarte sa harapan ni Marco. “Bumalik ka na Lucy sa department mo. Mamaya mahuli ka pa ni Miss Lara at ni Ma'am Amanda. Alam mo naman ang dalawang yon. Madalas minsan parang bubuyog na bigla nalang dumadating." pinaaalis na ni Jen si Lucy. Sumimangot si Lucy. “Pinagtutulungan niyo talaga ako." sabi nito. Badtrip. “Hindi sa ganon. Kaya lang ayaw namin madamay sa kahibangan mo kay Marco. Saka hindi ka lang naman ang may crush sa kanya. Marami kayo. Kaya keep mo nalang iyang feelings mo para kay Marco. Dahil kahit anong gawin mo. Si Marco. Kung sino man ang laman ng puso at isip niya ngayon. Ito pa rin ang tunay na magmamay-ari sa puso niya. Kaya sorry ka! Go, leave and rest ka nalang sa department niyo. Magpaganda at magpapansin ka sa tamang lalaki. Hindi sa kanya." pahayag muli ni Jen. “Bahala 'nga kayo diyan." sabi nito. Umalis na. Nagkatawanan sila. Dahil inis at pumapadyak pa ang paa ni Lucy habang lumalakad palayo. “Grabe! Marco, sabi na nga ba ikaw talaga ang ipinupunta palagi ng babaeng yon. Nakita mo na? Kaloka! Siya pang may ganang magalit at mainis. Pero muntikan na siyang mainis. Galing mo talaga kahit kelan, Jen." puri nito sa ginawa ni Jen. Marami pa kasi itong sinabi kangina. Kaya mas nagalit lang si Lucy sa mga sinabi ni Jen. Hindi lang napaalis ni Jen si Lucy. Naasar ito ng husto sa mga sinabi niya. Kaya ayun. Umalis ng hindi man lang nagpaalam at kinuha ang naiwan nitong kunwari ay papatingnan kay Marco. Ganun kasi ang araw-araw na ginagawa nito sa tuwing pupunta sa kanilang department. “Naku, pasalamat pa nga siya umalis na rin siya. Dahil kung hindi pa siya aalis. Talagang kaladkarin ko na siya. Ang ingay niya. Istorbo pa. Kala niya ba sa opisina natin? Dating place na maaari nalang siya tumungo sa tuwing gu-gustuhin niya?" bulalas na pahayag ni Jen. Nagkatawanan na naman sila. Si Marco hindi nakaligtas kay Jen.. “Ikaw naman kasi— matuto ka naman itaboy ang mga ganung klase ng babae. Wag mong pansinin. Dahil kung madalas mo silang papansinin. Talagang mabibigyan mo sila ng pag-asa na baka sakali na magustuhan mo rin sila. Jusko. Ang gwapo mo din kasi— Kung bakit hindi mo man lang itong tatlo nahatian ng kahit kapiraso." pinaghahampas ng folder ng tatlo si Jen. Dumaing ito sa sakit. “Hoy, masakit! Tumigil na nga kayo." suway niya sa mga kasama. Kaibigan na rin niya ang tatlo dahil sa tagal na rin nila magkakasama sa department bago pa man mawala ang kanilang head bago dumating si Marco sa kumpanya ni Amanda. Nag-resign ang head engineer nila matapos makatanggap ng sulat mula sa application nito ng trabaho para sa ibang bansa. Pinadalan kasi ang head engineer nila ng mga sulat at application ng kanyang asawa at ilang kapamilya nito na nakabase na sa ibang bansa. Kaya ng matanggap na rin siya at makapasa sa isang malaking company don. Nagdesisyon na rin ito na iwan ang trabaho nito kay Amanda. Malungkot nga si Amanda. Itinuring din niya ito na isang matalik na kaibigan at guro. Ito kasi ang nagturo sa kanya at madalas na mag guide sa mga dapat niyang gawin. Especially na rin sa kanyang mga trabaho. Malalim na napabuntong hininga si Amanda habang nakakubli siya. Nakatayo pa rin siya at hindi inaalis ang pakikinig sa mga usapan ng kanyang empleyado. Nasaksihan niya ang buong pangyayari at narinig ang mga usapan tungkol sa mga pagkagusto ng ilan pang empleyado niya sa lalaking pilit niya na inilalayo palayo sa kanya. Pero taliwas naman sa kagustuhan ng puso niya. Kaya nga madalas siyang lumalabas sa kanyang opisina upang silipin si Marco ng palihim. Hindi alam ni Lara. Wala din siyang balak sabihin. Huminga muna siya bago siya magdesisyon na lisanin ang lugar kung sana kangina pa siya nakatayo. “Marco, seryoso. Gusto mo ba talaga si Ma'am Amanda?" honest na pagtatanong ni Eric. “Total nabanggit na rin naman nitong si Carl. Bakit hindi natin pag-usapan. Total naman ay magkakasama tayo dito. Magkakapatid. Magkakaibigan. Hindi lang magkakatrabaho. Tropa tayong lahat dito. Mapagkakatiwalaan mo kami ng sikreto. Walang lalabas. Di ba?" pahayag niyang pagtatanong kila Jen, Carl at Hector. Tama din naman si Eric. Nung sila nalang apat natira. At kahit noong hindi pa nagreresign ang kanilang head engineer. Lahat ng mga pinag uusapan nila. Sa kanila lang walang nakakalabas. Tropa sila. Magkakasama na may tiwala sa isa't-isa. Ito ang kagandahan sa samahan nila. Never pa sila nabuwag o nagkaroon ng problema. Lahat kasi sila nagtutulong-tulong sa kani-kanilang mga trabaho. Para walang sisihan sa huli. Teamwork ang important sa kanilang samahan at patient kasi ay may kanya-kanyang ugali din sila. “Ano?" si Jen naghihintay ng kasagutan. Ngumiti si Marco. Nagkatuksuhan na ang apat at napahagikhik sa tuwa at excitement na marinig mismo sa bibig ni Marco na gusto nito si Amanda. “Crush mo nga si Ma'am Amanda?" si Hector ang siyang nagtanong. Ngumiti pa rin si Marco. Nabibitin ang apat niya pang kasama habang naghihintay ng isasagot niya. “Oo na!" napasigaw pa ang apat. Napatutop sa mga bibig at baka may makarinig sa kanila. Nagkatawanan sila at kinilig. “Sabi na nga ba!" bulalas ni Eric. “Wala naman masama ang magkagusto kay Ma'am Amanda. Pero kaya nga lang. Mukhang mahihirapan ka—" putol na pahayag ni Carl. “Bakit naman? Gwapo naman si Marco. Saka anong malay natin. Magustuhan din siya ni Ma'am Amanda. Lalo na close naman si Marco sa best friend ni Ma'am Amanda. Si Miss Lara na ang bahala na maglapit sa kanilang dalawa." sabi ni Jen. “Sabagay" usal ni Hector. Nagkakagulo sila sa pag-iisip. Iyon pa lang ang nabahagi niya sa mga ito at nabanggit. Hindi niya pa rin masabi ang kanilang mga nakaraan ni Amanda. Naisip ni Marco na mas okay na nga iyon kesa ang sabihin niya ang tunay nilang relasyon non ni Amanda bago siya tumungo sa Paris at parang tumakbo sa mga responsibility niya sa kanyang mag-ina. Napabuntong hininga si Marco habang pinanonood ang mga kasama niya na mga nag-uusap sa mga bagay-bagay lang tungkol sa mga opinion nila sa kanyang inamin. “Marco, gusto mo bang ligawan si Ma'am Amanda?" tanong ni Carl. Napangiti nalang si Marco. Sino bang hindi gusto? Iyon nga ang nais niya mangyari. Ang ligawan muli si Amanda. Subalit dahil sa nagawa niya ng malasing siya kagabi. Hiyang-hiya siya. Lalo na sa mga nasabi niya dito. Kangina pa nga niya iniisip ang lahat ng mga nasabi niya kay Amanda. At kung bakit sa pinadala nitong text message. Parang galit at inalisan na agad siya ng pag-asa na maayos nila ang kanilang nakaraan. Ang relasyon nila na nais sana ni Marco mabuo ulit at makapag umpisa silang muli ni Amanda. “Palagay niyo? Pwede ko bang gawin yon? Ang ligawan si Ama— Este Ma'am Amanda pala." natawa siya sa mga itsura ng kanyang mga kasama. Nagulat ang mga ito nang ka-muntikan na niya masabi ang Amanda lang. “Oo naman. Although wala pa kaming nakita na naging jowa niya. Manliligaw oo, minsan mayroon na makulit siyang manliligaw na madalas na nagtutungo dito. Kaya lang parang tumigil na ata. Hindi na namin nakikita na nagpupunta dito." nadulas na sabi ni Eric. “Mayroon siyang manliligaw?" nagulat din si Marco. “Oo, meron. Naaalala ko pa 'nga ang pangalan n'on." tila nag-iisip na wika ni Eric. “Chris!" si Jen ang nagsabi. “Oo, Chris nga ata ang pangalan non." naturo pa ng daliri ni Eric si Jen sa tuwa ng masabi ni Jen ang pangalan na nasa dulo na nang kanyang dila. Subalit hindi niya mabanggit ng hindi niya maisip. Napatutop si Eric sa pagsasalita. Nang makita nito si Marco na natahimik. Nagpaisip kasi siya. Nagulat ng marinig ang pangalan ng kanyang stepbrother. Hindi na nga dapat siyang magulat. Dahil minsan na niya narinig kay Drew ang naging panliligaw ng kanyang stepbrother kay Amanda matapos niyang umalis patungo sa Paris. Iniisip niya at kung ano-ano ang siyang naglalaro sa isip niya. May bahagyang kirot sa puso niya ang naramdaman niya matapos marinig ang pangalan ni Chris na hindi sinasadya na mabanggit ni Jen. “Marco, okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya. Biglang nag-alala si Jen. Napaisip din naman ang apat sa naging reaksyon niya ng marinig ang pangalan ng stepbrother niyang kahit minsan ay hindi siya itinuring na kapatid at kapamilya. Malupit din ito. Tulad ng mommy nito na siyang may kagagawan ng pagpapadala sa kanya sa Paris. “Sorry, Marco." “Ayos lang" sagot niya. Kahit ang totoo. Nasasaktan siya ng maalala ang mga naramdaman niya saka naranasan na pagpapahirap sa kanya ng stepbrother niya. Huminga si Marco. “Okay ka lang ba?" Tumango siya. “Ayos lang ako. Wag kayo mag-alala. May naalala lang ako sa pangalan na nabanggit niyo. But, ayos lang ako. Kapangalan niya lang talaga ang taong naalala ko." sagot niya. “Naku, Marco. Parang talagang malaki ang naging impact ng pangalan na sinabi ni Jen. Bakit? Sino ba siya?" “Wala! Hindi na naman importante ang tao na yon. Kaya wag niyo na isipin. Pero wala na ba talaga ang manliligaw ni Amanda na yon? Hindi na ba talaga siya pumupunta dito?" tanong n'ya. Gusto niya makasiguro na walang relasyon ang stepbrother niya sa babaeng minamahal niya ng lihim ngayon. “Matagal na rin hindi namin nakikita. Dati! Tulad ng nasabi ni Jen kangina. Talagang yung lalaki na yon. Araw-araw na nandito at kinukulit si Ma'am Amanda. Kaya nga lang ay mukhang ayaw sa kanya ni Ma'am Amanda. Kaya ayun. Baka na basted na! Kaya hindi na nagpupunta at nagpapakita kay Ma'am Amanda." si Carl, pahayag nito. Tumango naman ang ilan at sumang-ayon sa mga sinabi ni Carl. Sana nga! Wag na siyang pupunta dito. Anlakas ng loob niyang subukan ligawan ang babaeng pinakamamahal ko. Huminga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD