CHAPTER 20

1366 Words
Revenge or Love CHAPTER 20 Sobrang traffic. Hindi makausad ang sasakyan ni Amanda sa haba ng traffic na kinaipitan. Isang oras na rin siya na hindi nakagalaw ang kanyang sasakyan. Papunta siya sa isang lugar. Bago umuwi may isang tumawag sa kanya at nakikipag kita. Hindi naman din siya makatanggi. Hindi sa ayaw niya. Wala lang siya talaga gana para kumain sa labas. Kaya nga lang ay masyado makulit ang taong tumawag sa kanya at pilit siyang inaya sa isang dinner. Pumayag na rin siya. Kaya ngayon nagmamaneho siya sa kasagsagan ng traffic at naabutan na rin siya ng gutom. Gutom na ang nararamdaman ni Amanda. Kung maaari nga lang gawin nalang n'ya makakain ang bawat mga nakikita niyang sasakyan sa daan sa kanyang harapan. Ginawa niya na. Ngunit kahit anong paghihintay. Patience, Amanda. Bulong niya sa sarili habang Ayun na 'nga sa wakas ay nagalaw na rin ng kahit paunti-unti at maliit man ang nagiging adjustment ng mga sasakyan sa paggalaw ng mga ito. Ayos na din kay Amanda. Pagdating naman kasi sa kanto ay liliko na siya upang makaikot nalang papunta sa restaurant. Sa wakas ay nakaliko na rin siya. Malapit na siya sa restaurant. “Amanda" tawag sa kanya ng katukin siya sa bintana. Binuksan niya ang bintana ng kanyang sasakyan. Nakita niya ang kapatid ni Marco. Stepbrother ito ni Marco ang taong kikitain niya para sa isang dinner. “Traffic, kangina ka pa?" tanong ni Amanda dito. Ngumiti ito. “Hindi naman, ikaw? Maayos ba biyahe mo? Oo, traffic nga. May aksidente kasi sa may kanto. Hindi mo nakita?" tanong nito. Umiling siya. Hindi niya nakita ang tinutukoy nito na aksidente. Kasi ang mata niya ay sa kung saan-saan nakatingin na direksyon. Dahil sa traffic inip siya na magpatingin-tingin pa sa buong paligid. Kaya wag lang buryuin ng maigi. Pinagtiisan niya ang nakapahabang traffic. Sinikap niya ang wag abutin ng init ng ulo sa daan. “Hindi mo pala napansin? Ako nakita ko. Sabagay ay magkaiba naman tayo ng way na dinaanan. Kaya siguro hindi mo nakita." saad na sabi nito. *Baka 'nga. Kasi naman ay lumiko na ako agad malayo pa sa may stop light sa unang kanto na papunta rito. Dun naman ako dumaan sa isang stop light. Lumiko na ako at umikot nalang makaiwas lang sa haba ng traffic na sinusubukan kong malagpasan. Nakapahaba kasi. Ayaw talaga gumalaw ng mga sasakyan kangina sa daan. Ewan ko, naisip ko dahil baka Friday ngayon. Pero naisip ko na baka talagang sadya na traffic lang dahil rush hour na sa mga oras na naipit ako sa traffic." pahayag na paliwanag ulit ni Amanda. Napakahaba ng ginawa niyang paliwanag. Sinabi niya talaga ang naging experience niya sa haba ng traffic na sinuong niya at pinagtiisan ng isang oras. “Hayaan mo na 'nga yon. Important ay nakarating ka ng safe at maayos. Kung hindi ay hindi ako patahimikin ng kunsensya ko sa hindi mo pagdating dahil lang sa traffic na pinagdaanan mo. Masaya ako, Amanda na nandito ka at kasama ko. Nasa harapan ko at makakasabay ko kumain ngayon." masayang pahayag nito. Inaya nito si Amanda kumain sa loob ng restaurant. Ngumiti rin si Amanda sagot niya sa mga nasabi ng stepbrother ni Marco. Kahit kelan bolero pa rin ito sa mga salita at wika nito bago siya hinawakan sa kanya at inanyayahan kumain sa loob ng restaurant. Sumama naman siya, nakita niya ang mga mata na nakatingin at nakasunod sa kanila. Gwapo rin ang kapatid ni Marco. Hindi nga mapapansin na magkapatid lang sila sa ama. Dahil ang totoo halos i-isang mukha. Isang itsura sila na parang kambal. Magkahawig na magkahawig. Nakilala ni Amanda ang kapatid ni Marco matapos siyang maiwan mag-isa ni Marco. Dahil depressed si Amanda at kinakailangan niya ng makakausap. Itong si Chris bigla nalang lumitaw sa kung saan. Nagulat pa si Amanda. Hindi niya inaasahan ang bigla nitong pagdating sa buhay niya. Naging masaya si Amanda ng mayroon siyang nakakausap. At si Chris iyon. Nag start ang pagkikita nila sa isang construction site. My project din si Chris sa kanyang kliyente. Pinakilala siya ng client niya kay Chris. Hindi naman siya nagulat dahil kilala na rin niya ito non. Bata pa si Chris that time. Naaalala niya kung gaano ito kumilos na parang isang bata. Hanggang nman ngayon na kausap niya si Chris. “Anong gusto mo? Sabihin mo lang if may gusto kang orderin. Kumuha na ako kangina ng pagkain na kakainin natin. Sakto pala ang paglabas ko nakita agad kita. Biruin mong magkikita pala tayo agad sa paglabas ko. Nakakatuwa lang, pasensya na sa pagiging madaldal ko masyado sayo. Natutuwa lang talaga ako na makita ka na naririto. Amanda, salamat talaga." pahayag muli nito. Napahawak sa kanya niya ulit ng mabitiwan ito ng may bigla nalang dumaan at kamuntikan sila masagasaan ng bata. Anong klase na restaurant ang may batang tumatakbo ng hindi man lang pinipigilan ng mga magulang. Asar si Chris ngingitian niya si Amanda dahil sa bigla nalang sila maghiwalay ng dumaan ang batang naglalaro ng isang toy car. “Hindi na nga sana ako pupunta. Nahiya lang ako sayo. Minsan ka lang naman din ang ayain ako kumain sa labas. Palalagpasin ko pa ba?" saad ni Amanda. Hindi talaga siya nahiya pa ng ibigay sa kanya ang menu. Tumingin siya ng masarap na makakain niya after nila kainin ang unang inorder ni Chris. Sinabi ko na sinasabi niya na malaki din ang pinagkaiba ng dalawa. Kong medyo tahimik si Marco maingay naman itong si Chris “Amanda, kamusta ang work?" tanong ng isa sa mga kapatid niya. Nasa bahay na pa siya habang iniisip ang ilan sa pangyayari kangina nung magkita sila. ni Chris. “Ayos lang. Bakit madalas niyo na ata ako tinatanong? Dati naman para kayong mga walang pakialam. Nagtataka lang ako." pahayag niya sa kanyang Kuya Arthur. “Si Kuya Thomas? Hindi pa umuuwi?" tanong ni Amanda ng hindi niya makita ang kanyang Kuya Thomas. Si Kuya Edward niya kadadating lang din tulad nya. Pero dumaan lang ito sa kanilang harapan. Iniiwasan ba sila? Bigla nalang kasi ito na dumaan na tila isang ghost ang dinaanan ng hindi sila binabati. “Wala pa, baka nasa girlfriend niya yon. Wag mo na isipin pa ang isang 'yon. Masaya na rin ang baliw na yon ng malaman niya—" “Anong malaman?" tanong ni Amanda. Nagtataka siya na parang may hindi siya alam sa mga nangyayari sa bahay nila. “Siya nalang ang magsabi sa inyo. Sa ngayon hayaan muna natin maayos niya ang kanilang problema ng girlfriend niya. Mukhang okay naman na sila ngayon. Pero syempre hangad pa rin natin ang kalagayahan ni Kuya Thomas." pahayag na sagot ni Arthur habang umupo pala ito sa isa sa mga silya sa sala. “Wala naman akong ayaw ko. Syempre masaya ako sa kung ano ang lagay ng relationship ni Kuya Thomas sa babaeng nasabi niya na girlfriend niya. Kahit nga hindi niya pa pinakikita dito. Hindi niya pa dinadala dito sa bahay. Ayos lang, nakaghihintay naman ako." sagot ni Amanda. Ipinatong niya ang paa sa center table. “Alisin mo 'nga iyan." paninita ni Arthur sa kanya. “Masakit paa ko. Hayaan mo nalang muna na ipatong ko rito." “Bakit hindi ka umakyat sa taas at ipahinga mo?" sabi ni Arthur. “Masakit nga eh! Paano pa ako makakaakyat? Bubuhatin mo ba ako?" tanong ni Amanda. Natawa. “Napakalaki mong damulag. Bakit kita bubuhatin?" reklamo na saad ni Arthur. “Umakyat ka nalang don sa kwarto mo o gusto mong sipain kita sa pag-akyat papunta sa kwarto mo?" pabiro na pahayag ni Arthur kay Amanda. Tinaasan siya ng kilay nito. “Sa totoo lang. Dapat ikaw ang mauna na mag-asawa sa atin lahat. Sa ugali mo. Sino pa kaya ang babaeng papatol sayo?" sablay na pahayag ni Amanda. Hindi natuwa ang kanyang Kuya Arthur sa sinabi niya. Wala pang girlfriend o kahit isang napupusuan si Arthur. Marami man ang babae sa kanyang hotel. Pero kahit isa sa mga ito. Wala siyang nakikita na dapat niyan patulan. Wala siyang magustuhan o sadyang mapili lang talaga siya? Si Amanda, natahimik nalang muna habang pinakikinggan ang kanyang mga pakikipag-usap sa kanyang Kuta Arthur.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD