CHAPTER 21

2042 Words
Revenge or Lovs Chapter 3 Maaga nagising si Marco. Pipikit-pikit pa ang kanyang mga mata. Inaantok siya, namumungay ang malaki na bilugan niyang dalawang mata. Mabibigat din ang talukap ng mga mata niya. Ilang beses na bumuka ang kanyang bibig upang humikab. Tumulo din ang luha sa mata niya dahilan para ito ay napapikit muli. Ang sarap matulog. Nakakapagod mag-i-isang buwan na rin. Nakatingala siya sa taas. Iniisip ang mga pangyayari bago siya tuluyan ginopo ng antok at nakatulog sa sofa. Bakit ba dito ako nakatulog kagabi? iniisip kung bakit siya nakatulog kagabi ng hindi man lang napansin kasama niya ang kaibigan si Drew. Si Marco nakatulog sa sofa at si Drew nakasandal sa sofa habang natutulog. Natatandaan ni Marco matapos ang alak na nainom nila. Una pa pala napasandal si Drew sa gilid ng sofa. Ipinikit nito ang mata after a second ay tulog agad ito. Tinangay ito ng pagod at nakatulog. Habang siya, naaalala niya na napaupo siya sa tabi ni Drew. Ngunit hindi niya natatandaan ang pagsampa niya sa kama. Paano kaya ako nakarating rito? napapaisip pa rin si Marco. Iniisip niya kung paano siya nakarating sa ibabaw ng sofa. Lumakad kaya ako ng tulog? napangiti siya. Naaalala niya ang madalas na mangyari sa kanya sa tuwing nakakainom s'ya ng alak at makatulog. May chance na bigla nalang siya bumabangon kung saan siya naabutan ng pagbagsak ng mga mata niya at tangayin ng kanyang antok. Naglalakad siya ng tulog. Kung minsan pa nga ay magigising na lang siya nasa kusina. May nakalapag na plato sa mesa— may laman ito na prito na itlog. At isang tasa ng mainit na kape. Napahinto siya sa pag-iisip ng may maalala. Naalala niya ang mga araw n'on. Sa tuwing magkikita sila ni Amanda sa regalo sa kanya ng kanyang papa na condo unit. Madalas doon si Amanda at kung minsan d'on na rin ito, nakakatulog, at sa tuwing inabutan ng hating gabi si Amanda. Imbes na pauwiin niya ito... Sa condo na lang niya ito natutulog. Pumapayag naman si Amanda. Pero syempre ipinagpapaalam muna n'ya sa mga kapatid nito kung hindi makakauwi si Amanda sa bahay nila. Naaalala niya kung gaano kaluwag ang mga kapatid ni Amanda. Alam naman din lahat ng mga kapatid ni Amanda na hindi sila gagawa ng kahit ano na maaaring makasira at maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral. Nangako sila na sabay magtatapos. Saka sila bubuo ng pamilya. Bu-buuin ang kanilang mga pangarap. Subalit kasalanan talaga niya kung bakit nasayang at nasira labat ng kanilang nasimulan na dapat nag-tuloy-tuloy hindi tumigil tulad ng nangyayari ngayon sa kanila ni Amanda. Si Amanda natatandaan niya ang madalas nito pagtawa sa tuwing natutulog sila ng magkatabi sa kama. Gagawa ng milagro na sila lang dalawa ang may alam at walang pinagsasabihan. Sa mga araw na sabay nila binubusog ang bawat isa ng kanilang pagmamahal. Sa tuwing mapag-usapan nila at napagkasunduan ang bawat pangako at pangarap nila. Sa condo niya lahat nangyari ito. Condo niya ayaw na niya puntahan at tirhan. Simula nung dumating si Marco sa Paris at magdesisyon siyang alisin na ang lahat ng koneksyon niya sa pamilya ng kanyang papa. Simula noon ng mangako siya sa sarili niya na kahit kailan hindi na siya uulit na magpakita o makipag-usap, o kaya naman ay lalapit sa mga ito. Pinagsisikapan niya lahat para wag lang siya maging dati. Bumalik sa dati na nakaasa at hindi magawa ang tumayo sa sarili na paa. Kahit napakahirap lahat kanyang tinitiis. Walang araw noon na hindi nasusugatan ang mga kamay niya sa paghuhugas ng mga pinggan sa pinasukan na restaurant. Madalas din siya makabasag ng mga plato, baso kung minsan sa pagod at katangahan. Madalas siya ma-charge ng dahil sa mga na-sirang pagkain sa tuwing nagkakamali siya sa mga utos sa kanya. Sa restaurant niya una nakilala totoo si James. Ngayon niya lang ito naalala. Sa tagal na rin ng panahon. Sumubok siya maging chef dahil ito ang kanyang pangarap at gusto. Sinuportahan ito ni Marco. Kahit nahihirapan siya sa gastos niya sa pag-aaral. Nasa likod din niya si James kung minsan tinutulungan niya sa gastos sa malaki nitong tuition. O, sa mga kailangan nito sa school. Ganun din naman si James kung may pera ito at siya ang walang-wala. Handa din magbukas ng pitaka si James para mabigyan siya sa abot ng kaya ng pitaka ni James na madalas wala din laman. Para sila magkapatid. At samaya si Marco na mayroon siyang mga naging kaibigan sa Paris na hindi siya tiningnan sa estado n'ya na walang pera. Kundi ito pa ang mga nagbukas ng mga palad para tulungan siya. Naalala tuloy niya si Luis. Isa pa ito sa mga kaibigan niya na talagang sinuportahan siya hanggang marating ang position niya sa kumpanya na kapwa sila puma-pasok na dalawa. Nakilala niya si Luis ng mawala si James sa Paris. Kasabay niya ito na nag-apply sa kumpanya na isang sikat na firm sa Paris. Hindi rin niya inaasahan ang matanggap siya ng ganun kadali at kabilis. Fresh graduates lang siya habang si Luis naman ay ahead sa kanya at may two years experience sa field na inaplyan nila. Sobrang saya ni Marco na kasama niya at kasabay si Luis na natanggap sa trabaho sa kumpanya. Pinagsikapan niya ng husto. Kung ano ang ipinangako niya sa boss nila ang talagang pinagsisikapan niya na maibigay at maipakita. One hundred percent ang kanyang ipinakikita sa pagtatrabaho bilang engineer sa company. Syempre as engineer sa company napakaraming ma-tatagal at mas magaling ang makababangga niya. Hindi naman siya nag-ingos sa mga ito. Sumabay siya ng Laban. Hindi yabang kundi galing at sipag ang ipinangsabay n'ya sa mga tagal ng mga experience ng mga kasama niyang empleyado. Nakipag sabayan siya kahit madalas nakakainggitan siya at may ilan pa ang nanghamon sa galing niya at sipag. Sa huli, syempre siya ang mas nakaangat sa lahat ng mga katunggali niya. Siya ang nakasungkit ng position na lahat ng mga kasama nyang matatagal ay hangad na makuha. Pero, sorry nalang talaga sila. Mas magaling, masipag at mas may malawak na pag-iisip si Marco upang masungkit ang hindi nakuha ng iba. “Marco, dito na pala tayo nakatulog?" kagigising lang ni Drew. Iinat-inat pa din ito ng kanyang dalawang braso. Bumuka ang bibig napahikab. Umulit pa ang hikab ni Drew. Inaantok pa ito. Gusto pa mahiga. Pinatabi siya nito at pinaalis sa sofa. “Hoy, lumipat ka na sa kwarto mo. Ayaw ko magbuhat ng taong natutulog." biro ni Marco, tumingin si Drew. Masama ang tingin nito. Para siyang binato ng maitim at sunog na patatas. Maitim ang kulay ni Drew. Hindi siya maputi. May pagka-kayumanggi ang kulay niya. Pero itim na itim ang mata nito. Yung bilog sa mata niya. Eyeballs kulay itim. Habang maitim din ang paligid ng mata nito. Eye bags nito nangingitim din sa kakapuyat nito sa mga trabaho sa kumpanya na pag-aari. Pangarap ni Marco ang makapagtayo ng sarili n'yang company. Hopefully until now ay nangangarap pa rin siya. But, ang naipon niyang pera may pinaglalaanan siya na isang sikreto pa. Sa ngayon ang sikreto na inaasikaso ng ilang kakilala. Supresa niya ito para kay Amanda sa pagdating ng oras na magkaayos sila. Sa ngayon ay hindi pa natatapos ang paghahanda niya. Gusto niya ay maging perfect ito para sa muling pag-aayos nila ni Amanda. Naisip ni Marco magiging masaya si Amanda na ang isa sa mga pinangarap nila. Natupad niya at pinag sumikapan niyang mabuo kahit na napakarami niyang pagkukulang, pagkakamali, kasalanan at ang naging pagtalikod niya sa mga responsibility niya sa dapat maging anak nila at kay Amanda. Napakaraming pagsisisi si Marco na nararamdaman sa ngayon na hindi siya pinapatahimik ng konsensya niya. Naisip niya na baka sa pagtupad niya sa isa sa mga pinangarap nila ni Amanda. Makabawas sa mga dala-dala niya. “Si Amanda 'nga nabubuhat mo sa laki n'on. Tapos akong mas slim lang. Hindi mo man lang naisip kagabi na buhatin ako at ipasok sa kwarto ko. Napaka unfair." natatawa na lang si Marco sa sinabi ni Drew. Sa arte at pagbabago ng position ng nguso nito. Natawa siya. Napaka kulit talaga ni Drew. Sinipa nito si Marco. Sa mukha. Sa pisngi kahit medyo napalakas sabay nalang sila na tumawa na dalawa. “Grabe ka!" Saad ni Marco. Hinila niya ang binti ni Drew na nakapatong sa kanyang balikat ng masipa siya nito ng pabiro sana. Pero iyon 'nga ang nangyari dahil napalakas ang pagkaka-sipa nito kay Marco. “Sorry" nag peace sign si Drew habang tumatawa. Nagka-katuwaan sila ng nakaramdam ng gutom si Marco. “Gutom na ako. Magluto ka." natawa, inutusan niya bigla si Drew na magluto. “Tumayo ka na, ikaw naman ang magluto ngayon." kinindatan niya si Drew. Hinabaan niya ng nguso. “Dali na, ikaw na magluto. Nagugutom na ako." tinutulak niya si Drew. Ayaw pa nito bumangon at tamad na tamad pa nais pa matulog. “Naku naman, nagugutom ako. Tumayo ka na riyan o gusto mong ibalibag kita tumayo ka lang at magluto g almusal?" nagbabanta ang pahayag ni Marco. Seryoso siya dun. Sa taong nagugutom handa gawin lahat makakain lang ng masarap. Masarap magluto si Drew at ito ang gusto ni Marco kaya naman hindi siya makaalis sa puder nito gawa ng lahat ng favorite niya at gusto kainin. Si Drew ang nagluluto para sa kanya. Masarap din naman magluto si Marco. Minsan siya ang taga luto sa kanilang dalawa. Pag pagod si Drew walang choice si Marco upang siya ang magluto ng pagkain nila. Minsan bumibili nalang sila. But most of the time naman ay sila ang nagluluto sa para sa isa't-isa. “Oo na" tamad na bumangon si Drew. Nagugutom na rin siya. Tumayo si Drew upang tumungo sa kusina. Tulad ng sinabi ni Marco. Siya ang magluto ng almusal nila. “Pasalamat ka, ako ang nagluluto ng almusal ngayon. Kung hindi talagang magugutom ka sa ginagawa mong ayaw tumigil sa pang aasar. Halika na rito. tawag na pahayag ni Drew. Napakasarap pa ng tulog ko nagising lang ako. Tapos nagutom. Bakit mas kumukuha ngayon ng mga iniisip inosenteng utak ko. Kesa ang mapaglaro kong puso. Ang sugatan kong puso. Ang nasasaktan kong puso. Ang umaasa kong puso. Ang natatakot kong puso. Ang hindi mapalagay kong puso. Ang ayaw magpapigil pa na aking puso. Ang nais na sumabog kong puso." Tumayo si Marco pinuntahan si Drew. Puro kadramahan ang kanyang na iisip. Mapaglaro 'nga daw ang kapalaran. Minsan hindi mo alam saan ka dadalhin at ilalagay. Siguro kapalaran ni Marco ang magkaroon ng mga tapat at maaasahan niyang mga kaibigan. Ang kailanman hindi siya tiningnan sa pagiging anak niya sa labas. Isang bastard na anak na hindi magawa ang lumaban sa mga pangit na pagtrato sa kanya ng kanyang stepbrother at stepmom. Ngunit sa kabila noon. Nandyan ang mga taong handa siyang damayan, samahan at tulungan sa kabila ng mga pagkakamali niya na nagawa sa tanang buhay niya. “Masarap ba?" nagawa na makalapit ni Marco kay Drew. Tinikman niya ang niluto nito at nasarapan agad si Marco. Dumukot ulit siya. Kumuha. Sunod-sunod ang kanyang pagdakot hanggang sa lamesa sila dinala ng pa-dukot-dukot lang ni Marco habang tinitikman ang niluto ni Drew na kanilang almusal. “Masarap di 'ba? What do you think? Pwede na ba ako magtayo ng sarili kong restaurant?" napatawa si Marco. “Hindi porke masarap ka na magluto eh, pwede mong bitawan ang pagiging responsable mo sa mga tao mo. Tapat sila na mga nagtatrabaho at umaasa sayo tapos isang araw. Ang gusto mo na pala ay ang bagay na kinatatakutan mo at hindi mo talaga hilig. Pero memorable. “Grabe, ikaw ba talaga ang nagluto" pabiro pa na nabanggit ni Marco. Kabado rin s'ya ng may maalala siya. “Oo naman, masarap? napa angat ng mukha si Marco. Sa susunod ay wag.kang hahahah kakain ng luto ko. Napaka bahal.mo.” saad ni Marco nagpatuloy sila sa pagkain. Nagutom taga s'ya kahit ilang subo ang kanyang ginawa. Hindi pa full tank ang kanyang nagrereklamo na katawan. Subalit ang pasaway niya na tiyan talagang gusto ng marami ang mailaman. Kumain. Nag Focus nga muna si Marco sa nararamdaman ng kanyang sikmura. Kumain siya nagpahayag ng kagutuman ang kanyang buong katawan. Relax,.chill at parang hindi makapag piso-piso sa pagtayo. Busog na si Marco.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD