CHAPTER 19

2247 Words
Revenge or Love Chapter 19 Pauwi pa lang si Marco galing sa opisina ni Amanda. Hindi na siya nag OT. Naisip niyang umuwi na lang ng maaga para makapag pahinga rin siya. Nito kasing mga dumaan na araw ay hindi niya nagawa ang makapag pahinga. Puro siya trabaho. Mula sa mga sinend at natanggap niyang trabaho sa pinapasukan niya sa Paris. Maraming trabaho ang ibinagsak sa kanya ng kanyang boss. Siya kasi ang head engineering din sa kumpanya na pinanggalingan niya. Matagal na panahon niya iyon pinaghirapan. Matagal na panahon din niya ito hinintay. Ilang taon niya pinagtrabahuhan bago niya nakuha at narating ang position na nais niya. Buti na lang talaga mabait ang boss niya. Pinagkatiwalaan siya sa lahat ng mga trabaho niya. Hindi siya nabigo. Hindi niya rin ito binigo. Ang tiwala na ibinigay nito sa kanya. Pinagtrabahuhan niya ng maraming beses. Makadaan nga muna sa coffee shop. lumiko siya. Umiba siya ng daan bago dumiretso ng bahay. Tiyak niyang nasa bahay na rin si Drew. Kaya naman naisip niyang dumaan sa coffee shop upang bumili ng coffee para sa kanilang dalawa. Alam naman niya ang paborito na kape ni Drew na madalas nitong binibili at iniinom. Inayos niya lang muna sa pagkakaparada 'ang sasakyan niya. Nang maayos niya ay agad siyang bumama. Huminga muna si Marco. Before siya lumabas sa pinto at buksan iyon. Lumingon muna siya sa likod. Andon ang kanyang bag kung saan nailapag niya din don ang wallet niya. Buti na lang naalala niya pa. Kinuha niya muna ng abutin niya ang bag niya. Nakababa na siya ng sasakyan. Buti na lang 'nga. May extra na car si Drew. Pinagamit muna nito sa kanya habang wala pa siyang sarili. Napakabait talaga ng kaibigan niyang iyon. Maliban sa napaka understanding. Naiisip pa nito ang ilang bagay na kailangan niya sa pamamalagi niya sa Pinas. Sinabi niya kay Drew. Incase na hindi siya magtagumpay. Babalik na siya ng Paris agad-agad. Naisip niya lang iyon. Pero ang totoo. Hindi siya papayag na hindi niya mabawi ang tiwalang nasira niya. Maging ang pagmamahal na binaliwala niya noon. Kung ano man ang nawala at binaliwala niya ay gagawin niya lahat ng makakaya niya para maayos at mabawi ang nawala. Ano nga ba ang nawala? Si Amanda, maging ang namatay nilang anak. Si Amanda maaari niya pa maibalik at mabawi. Pero ang anak nila. Gagawa na lang raw sila! Natawa na napangiti si Marco habang naiisip ang mga nasabi ni Drew sa kanya nung araw na mismong pagdating niya ng Pinas. Loko talaga 'yong Drew na yon. bulong ni Marco. Si Drew kasi ang nagsabi non sa kanya. “Sir, here's your coffee." sabi ng staff. Nakakuha na pala siya ng coffee nila ni Drew after niya sabihin ang order sa counter at bayaran. Buti na lang dahil maluwang lang naman ang pila. Hindi siya nagtagal sa pagpila at pagbili ng coffee. Sinamahan na rin niya ng sugar bread at sandwich para kay Drew. “Thank you" tugon ni Marco. Kinuha niya ang inilapag ng staff sa mesa. Naka-take-out ang order niya kaya naman preferred na rin sa take out paper bag ang dala nya. Nasa loob ng paper bag ang binili niya lahat. Nagdrive na ulit siya. Malapit lang naman ang bahay ni Drew. Dito pa rin talaga siya tumutuloy. Hindi pa siya umaalis dahil ayaw pumayag ni Drew na mangupahan siya at kung saan-saan lang titira. Mayaman naman si Drew at may sarili na rin negosyo. Pero dahil o priority niya ang magkaayos sila ni Amanda. Tinanggihan niya ang offer ni Drew. Gusto sana nito na magtrabaho siya sa kumpanya nito. Gusto nito na magkatrabaho sila sa i-isang opisina. Subalit inayawan niya. Subalit sinabi niya na if need nito ang tulong niya. Willing siyang tumulong. “Ang aga mo! Anong nangyari? Bakit maaga ka ata umuwi ngayon?" tanong agad ni Drew ng makita siya pababa pa lang ng sasakyan. Sinalubong siya nito. “Wala! Masama ba 'ang maaga umuwi? Hindi naman di 'ba? Bakit ba ang dami mong mga tanong. Ikaw? Bakit ang aga mo rin umuwi ngayon? Wala ka bang trabaho sa office mo? Bakit andito ka agad?" tanong ni Marco. Kahit alam niya naman maaga talaga ito umuuwi dahil sa ito naman ang boss at masusunod sa kanyang sariling negosyo. “Pumasok ka na 'nga! Sa 'kin ba 'to?" nakita agad nito ang dala niyang coffee. “Akin na, nagugutom na rin ako at namimiss ko ang mag kape. Ilang araw na ako naglalaway sa coffee sa may kanto." pahayag nito. Kinuha ang plastic box na hawak ng isang kamay niya at natawa na lang sa naging asal ng kaibigan. Napangiti si Marco. Agad kasi na humigop ng kape si Drew. “Grabe, sarap. Alam mo talaga ang paborito ko." wika ni Drew. “Oo naman. Pwede ba na hindi? Madalas mo 'nga iyan ang binibili mo sa tuwing magkasama tayo na tatambay sa coffee shop sa kanto." “Ay, oo nga pala." kamot sa ulo si Drew. “Siya nga pala. Kamusta na pala ang panliligaw mo ngayon kay Amanda? Okay na ba? May improvement ba? O, baka wala kang ginagawa? Bro, isang buwan na ang nakalilipas..." “Mag iisang buwan pa lang." tinama niya ang pahayag ni Drew. Tumawa ito. “Oo nga pala. Mag isang buwan. Pero, wala pa rin bang balita? How's Amanda? Galit pa rin ba siya sa'yo? Nakausap mo na ba siya? Nasabi mo ang mga nangyari sayo sa Paris noon. Ang mga dahilan kung bakit hindi mo siya nabalikan non. O, nauwian agad..." “Tama na! Hindi ko rin alam paano ko ipapaliwanag sa kanya. Ganun sarado pa rin ang isipan niya." sagot ni Marco. Tinakip siya ni Drew sa balikat nya. Hawak pa rin nito ang kape nitong hawak. “Maupo ka" Alok ni Drew. Nasa sala na sila. Naupo siya at ganun din si Drew sa sofa. “Alam mo, Bro. Hindi naman mahirap kung susubukan mo lang. Ang mas mahirap— alam mo kung ano? Iyong hindi mo pa sinusubukan. Sumusuko ka agad o kaya naman ay nag-iisip ka agad ng negative thoughts. Hindi mo pa nga nakakausap. Hindi mo pa nasasabi. Pero ayaw mo na agad. Kasi takot ka! Natatakot kang ma-reject ng taong nais mong balikan." pahayag ni Drew. Sumandal si Marco sa sandalan ng sofa. Napabuga din siya. Malalim din na napabuntong hininga habang iniisip ang sinabi ni Drew Iniisip ni Marco lahat. Iniwan siya ni Drew muna. Maya-maya ay tumawag si Lara. “Lara, bakit?" tanong niya ng masagot niya ang tawag nito ng makita niya ang pagtunog ng phone niya. “Sunduin mo na lang siya bukas. Okay lang ba?" pahayag ni Lara. Alam na ni Marco kung sino ang binanggit nito na susunduin niya sa bahay. “Kaya lang baka magalit? Nasabi mo bang ako ang makakasama niya bukas sa paglilibot ng site? Kasi kung ayaw niya. Wag mo na lang ipilit. Baka sayo pa siya magalit. Ayaw ko na magkaroon kayo ng problema na magkaibigan ng dahil lang sa nais ko at gusto ko siyang makasama at ikaw pa ang natulong ng dapat ako ang gumagawa." saad na pahayag ni Marco. Nahihiya siya. Kangina napag-isipan niya iyon. Naisip niya na pangit ata na si Lara ang inaasahan niya para mapaglapit lang muli sila ni Amanda. Kaya lang naisip niya din na si Lara lang ang pag asa niya para mapalapit kay Amanda. Dahil kung siya ang lalapit. Itataboy at itataboy lang siya ng paulit-ulit ni Amanda dahil sa kasalanan niya na hindi nito magagawang mapatawad. Gustuhin man niyang lapitan ito. Magpaliwanag. Pero parang hindi niya magagawa dahil sa ginagawang pag iwas nito sa kanya. “Marco, may magagawa pa ba siya kung andon ka na sa bahay nila? Wala na di ba?" huminto ang pag-iisip ni Marco. Nag jump agad ang utak niya sa sinabi na yon ni Lara. Sa isang banda ay tama din ito. Wala na magagawa si Amanda kung andon na agad siya sa bahay nito para sunduin niya. Nag-iisip muli si Marco. “Ano? Okay na tayo para bukas ahh! Ikaw na ang sumundo sa kanya sa bahay nila para wala na siyang angal at lusot. Papayag din yon at sasama pag andon ka na sa bahay. And, mabuti na rin yon ng makausap mo rin ang mga kapatid niya. Bakit hindi mo sa kanila simulan? Kung kay Amanda. Pakipot pa ang isang yon. Kung sa mga kapatid niya na tiyak na pa-pabor agad sayo kung malinis at maayos ang plano mo sa pagbabalik mo at sa kagustuhan mong maayos kayo ulit ni Amanda." sa isang banda ay tama na naman itong si Lara. Muli ulit nag-isip si Marco. May katwiran at tama ang lahat ng nasabi ni Lara batay sa pagdadalawang isip niya na tumungo sa bahay nila Amanda. Naisip niya na minsan niya din nakausap ang Kuya ni Amanda noong nasa Paris pa siya at nasa isang business trip naman ang Kuya Thomas ni Amanda. “Lara" sambit ni Marco. “Bakit?" takang tanong nito. “Salamat" “Para saan?" tanong ulit ni Lara. “Sa mga sinabi mo." masaya, lumiwanag ang itsura ni Marco ng mabigyan siya ng suwestyon ni Lara sa mga gagawin niya. Nagkaroon siya ng mga idea. Nadagdagan ang confidence niya na makalapit kay Amanda. Hindi niya makakalimutan ang sinabi ng Kuya Thomas ni Amanda. Syempre ang payo at sinabi nito sa kanya ang isang bagay na nakagising sa kanya at bumuo sa mga matagal na niya pinag-iisipan... Subalit hindi siya makapagdecide dahil sa kaba at takot niya kung sakali na uuwi siya ng walang maayos na plano at pag-iisip. Magulo pa ang utak niya ng panahon na magkita sila ni Thomas. Kaya ng marinig niya ang mga sinabi nito. Naging malinaw lahat para sa kanya. Ngayon sa sinabi ni Lara. Muli siyang nabuhayan ng pag-asa na baka sakali dito sa paglapit niya sa mga kapatid ni Amanda. Baka sakali na maging umpisa niya upang mapalapit ulit sa babaeng mahal niya ng sobra. Ngumiti si Marco. “Iyon lang ba? Naku, napakasimple. Bakit kasi ang bobo mo at mahina ang utak." tawa ng tawa si Lara. “Joke lang" binawi ni Lara agad bago pa siya makapag salita. “Parehong-pareho talaga kayo ng Kuya mo. Bwisit" Sabi ni Marco. “Mas matino ako mag-isip sa isang yon. Bobo rin yon parang ikaw pagdating sa pagmamahal." saad ni Lara na narinig ni Drew. “Hoy, babaita. Wag kang makagala-gala sa bahay. Sa labas pa lang. Sasaraduhan na kita at hindi na makakatuntong sa loob ng bahay ko." banta ni Drew. Pero biro lang. Nakatawa din kasi ito. Natatawa nalang sa sinabi ng kapatid niya. Very close din ang dalawa. “Kuya, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Masama bang sabihin ko na pareho kayo ng kaibigan mo? Mahina, pagdating sa love ang bobobo." inulit-ulit pa nito ang mga salita na nakapag patawa sa dalawang lalaki. “Wag ka talaga makapunta dito. Naku, gagawin kitang papaitan ng may pulutan kami ni Marco." saad pa rin ng biniro nito ang kapatid na hindi matapos ang pagtawa. Si Marco natatawa na lang sa mga asaran ng magkapatid. Naka loudspeaker ang phone ni Marco. Kaya agad na narinig iyon ni Drew ang mga sinabi ni Lara habang nag-uusap sila. “Ikaw kung makapayo ka! Kala mo naman expert ka sa pakikipag nobyo-nobya. Wala ka pa 'nga na boyfriend. Meron na ba? Ipakilala mo sa amin ng mapayuhan." “Kuya, meron o wala. Hindi ko dadalhin at ipakikilala sa inyo. Bakit? Para hawahan niyong dalawa ng katangahan?" pang aasar ni Lara. “Bwisit ka talagang bata ka! Umuwi ka 'nga dito ng maputulan iyang dila mo. Kailangan na ata tapyasin ng matuto magsalita ng tama." bulalas ni Drew. Tinatawanan lang siya talaga ni Lara. Si Marco natatawa na lang sa magkapatid. Nakikinig na lang siya sa mga asaran ng dalawa. Malapit na rin mapikon si Drew. Kaya kinuha na lang niya ang phone niya para matigil na muna si Lara. “Lara, tawag ka na lang ulit or punta ka dito sa bahay. Inuman tayo. Magluto din ako. Ipagluto ko kayo ng Kuya mo." paanyaya ni Marco. Marunong magluto si Marco. Masarap siya magluto. “Masarap ka ba magluto?" tanong ni Lara. “Oo naman, baka pag matikman mo hanapin mo pa sa jowa mo." si Marco naman ang nagbiro. Tumawa ito. “Okay, tomorrow na lang, Marco. Basta message mo ako or tawagan pag andun ka na sa bahay nila." saad muli ni Lara. “Okay, thank you." sabi ni Marco. Pinatay na niya at pinutol. Si Drew nagtungo sa kusina. Kumuha ng beer. “Uminom muna tayo." alok ni Drew. Tig isang bote lang sila para makabawas stress raw sa maghapon nilang pagtatrabaho. Stress din si Drew. Kailangan daw nito ang makatulog agad. Kaya kumuha ng alak matapos ang makapag kape. “Sige" kinuha at inabot ni Marco. Uminom siya. Pero unti-unti lang ang paglagok na ginawa niya. Habang nilalagok ang alak. Kasunod non ay pag-iisip sa gagawing pagpunta sa bahay nila Amanda at pakikipag harap sa mga kapatid nito. Isip ng isip si Marco. Hindi niya agad napansin sa haba ng pag-iisip niya naubos na rin niya ang alak na iniinom. Nakaramdam na rin siya ng pagpikit ng kanyang mata. Inaantok na siya. Si Drew sa sofa na naabutan ng pagpikit ng mata. Nakatulog ito ng nakasandal sa sofa. Si Marco tumingala muna sa taas ng kisame. Saka niya ipinikit na rin ang kanyang mata. Tulog na silang pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD