Revenge or Love
Chapter 18
Bwisit na Marco na 'yon. Napaka landi niya. Nakukuha niya pa talaga ang makipag landian sa oras ng trabaho? Bwisit! Sinipa niya ang mesa niya. Nakatayo siya sa harapan ng mesa niya. Nanggigigil siya sa inis matapos na makita at masaksihan ang pakikipag usap ni Marco sa babaeng empleyado niya.
Relax Amanda! Wag ka maapektuhan. Hindi ba nga ay hindi mo na siya Mahal? Bakit naaapektuhan ka pa? tanong niya sa kanyang sarili. Huminga siya ng ilang beses.
Relax! Exhale and inhale.
“Amanda" napalingon siya.
“Anong nangyari? Bakit ang gulo ng office mo?" takang tanong ni Lara. Nakapasok na rin ito sa loob.
Nang ilibot ni Lara ang mga mata. Natawa na lang ito. “Alam ko na! Dahil sa kanya?" tanong ni Lara ng may ngiti sa mukha. Hinawakan niya si Amanda, inalalayan niya makaupo. Nanginginig kasi ito sa galit at inis. Kaya natatawa si Lara habang hawak sa mga braso si Amanda.
“Selos?"
“Tigilan mo ako" sagot ni Amanda.
“Kung hindi ka nagseselos— Ano?"
Nagseselos? Malabo! Imposible. Pilit niyang tanggi sa kanyang sarili.
Bakit naman ako magselos? tanong pa rin niya sa sarili.
“Alam mo, Amanda. Kahit anong gawin mo. Alam kong nagseselos ka. Kahit anong pagtatago mo. Alam ko na ang sagot. Nagseselos ka! Hindi mo man aminin. Alam ko. Dahil nakikita at halata sa mga mata mo ang bagay na kahit itanggi mo. Alam ko ang tamang sagot. Kahit pagsinungalingan mo pa ng ilang beses. Alam ko. At iisa lang ang sagot. Nagseselos ka!" Pahayag ni Lara. Nakaupo na rin ito sa bakanteng upuan. Nakaupo na rin si Amanda matapos niya ito alalayan sa pag upo after niya makita ang itsura nito matapos sipain ang kanyang lamesa.
Nakita yon ni Lara. Hindi lang niya binanggit. Pero bago pa siya makapasok. Natanawan niya si Amanda na tila may problema matapos nito bumalik galing sa paglalakad sa labas ng opisina nito.
“Bakit ka pala naririto?" seryoso ang itsura. Tanong ni Amanda. Ipinatong nito ang kamay sa lamesa niya. Itinukod ang isang siko. Habang ang kamay ay naihawak niya sa ulo. Biglang sumakit ang ulo, Amanda? Kasi naman ay itsura pa lang nito. Problematic. Tumawa tuloy si Lara.
“Ano ba ang tinatawa mo?" tanong niya kay Lara.
“Wala naman" sagot nito sa kanya.
“Heto, review mo. And bukas pala kailangan mong umikot sa isa sa mga site natin. Bisitahin mo na rin at kamustahin ang mga contractor's natin sa site. Baka may mga problema sila. At least malaman mo as CEO ng kumpanya mo." sabi ni Lara. Pahayag pa nito. “Hindi ako makakasama. Si Marco sasabihin ko sa kanya kung maaari kang samahan bukas. Pakiusapan ko na lang at baka hindi pumayag sa mga pagsusungit mo sa kanya." dagdag na saad pa muli ni Lara.
Malakas naman pakiramdam niya na papayag agad si Marco. Lalo na makakasama nito si Amanda sa buong maghapon nilang paglilibot sa site. Napangiti ito.
“Natutuwa ka ba? Bakit ba panay ang ngiti mo sa akin?" takang tanong niya. Hindi inalis ang mga mata sa kaibigan. “Binebenta mo ba ako kay Marco? Nahahalata ko. Pinaglalapit mo ba kami?"
“Hindi ah! Bakit ko naman gagawin iyon? Saka trabaho lang ito. Isipin mong trabaho lang ito. Wag mong lagyan ng malisya ang pagsasama niyo sa i-isang field. Sa i-isang company. Sa i-isang—" napahinto si Lara. Nakita niya na seryoso at inis na si Amanda.
Naiinis siya sa mga pangungulit at mga salitang paulit-ulit ni Amanda. Pero sa isang banda. Iba ang sinasabi at dinidikta. Hindi niya alam. Pero kahit anong iwas at pagsasabi na wala na talaga. Kahit siya naguguluhan talaga sa kanyang sarili.
“Paano, lalabas na ako." sabi ni Lara. Halos patapos na rin ang kanyang oras. Oras na para umuwi.
May pupuntahan pala siya muna. Naisip niya. Naalala.
Kinuha niya ang mga gamit niya. Tumayo na rin siya sa lamesa. Hindi na rin siya lumingon pa. Lumabas na lang siya agad sa kanyang opisina. Wala si Lara sa loob ng office nito. Nagtaka siya.
Lumakad na din siya upang puntahan si Clarisse. Gagalain na lang muna niya ito. Naisip niyang daanan.
“Ma'am uuwi na po ba kayo?" Tumango siya.
“Umuwi na rin kayo." sabi niya sa mga tao niyang nakasalubong. Nagtanong sa kanya.
“Oo nga pala. Bukas baka hindi na ako dumaan dito. Yung pinagagawa ko? Nagawa mo na ba?" tanong niya ng lumingon ulit si Amanda at nagtanong sa tao niya.
“Matatapos na po. Dadalhin ko na lang po sa office niyo." sagot nito..Hindi ata nito narinig o naintindihan nang sabihin niya na hindi na siya papasok bukas. Sa site na niya plano na dumiretso.
Plan niyang tanghali na niya ikutan ang mga ilang site na may under construction sila. May katagalan na din ng huli siya na pumunta at umikot sa mga site na hawak ng kanyang kumpanya.
“Ganun ba! Wala ako bukas. Kay Lara mo na lang ibigay." pahayag ni Amanda.
“Sige po." sagot nito sa kanya.
Lumakad na muli si Amanda. Iniwan na niya ang mga empleyado na kausap niya. Hindi niya narinig na nagbulungan ang mga ito.
“Si Ma'am Amanda buti na lang kahit pa-paano ay mabait siya."
“Tama ka! Kaya lang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nagiging boyfriend. Bakit kaya?" usapan ng mga empleyado.
“Alam ko dahil sa lalaking unang minahal ni Ma'am Amanda. Pero hindi ata sila nagkatuluyan. Kasi ay umalis yung lalaki. Iniwan si Ma'am Amanda. Kaya ayun. Na broken ang puso ni Ma'am Amanda. Nasaktan siya ng sobra sa ginawa nung lalaki sa kanya. Kayo na?.Iwan kayo ng lalaking pinakamamahal niyo. Hindi ba ay masakit?"
“Nakapa drama pala ng buhay ni Ma'am Amanda. Saan mo ba nakuha ang kwento na 'yan." tanong ng isa sa mga kasama niyang kumain sa labas.
Hindi kasi ito makapaniwalang may ganun na napag daanan ang g boss nila
Ilan taon na rin naman ito na nagtatrabaho kay Amanda. Subalit ngayon niya lang din narinig ang kwento ng kanyang kasama. Hindi niya narinig sa ilan pang mga kasama nila ang mga ilang nilabas nito na mga kwento.
Marami siyang naririnig na mga ilang mga bulong-bulong. Ngunit wala siyang oras para magtanong o kaya naman ay mag-usisa .
“Narinig ko ito minsan nung minsan matapos ang meeting. Nagkayayaan ang grupo. Napag usapan at nasama sa usapan ang pangalan ni Ma'am Amanda. Isa don sa kasama namin ay matagal na dito nagtatrabaho. Kaya medyo may alam siya sa kwento ng buhay ni Ma'am Amanda. Pero balita ko nga ay totoo talaga ang usap-usapan na yon. Hindi ko lang sure pero sabi talaga ng nagkwento. Totoo raw yon." pahayag na sabi ng nagkukwento.
Napatango na lang ang babaeng nagtaka na napatanong sa kasamahan na panay ang daldal.
Hindi na siya nakikinig kasi ay napapaisip ito. Hindi siya kasi nagtatanong sa lahat ng mga koneksyon niya sa opisina
Napatunayan niya sa sarili na kahit anong mangyari o anuman ang pinagdaanan niya habang nagtatrabaho sa kumpanya ay hindi kailanman siya magpapaapekto o kaya ay makikisawsaw sa mga usapan na hindi naman siya kasama.
Subalit habang nagkukwento ang kasama. Narealize niya sa sarili. Hindi naman pala masama at mahirap ang makinig lang sa mga tsismis ng kanyang mga kasama.
“Marco" napatingin ang ilan sa mga empleyado. “Saglit lang may sasabihin sana ako." tumabi ang mga nagkukwentuhan. Binigyan nila ng daan ang nagmamadali at humahangos sa pagtakbo. Si Lara
Paypay ng kamay ang mukha. Bigla ata nainitan. “Bakit?" tanong ni Marco. Huminto na rin siya sa paglalakad ng tawagin siya ni Lara.
“Tatanungin ko lang kasi kung may lakad ka bukas." tanong ni Lara. Kumunot ang noo ni Marco.
“Bakit may iuutos ka ba?"
“Oo sana! Mali!' agad na binabwi.
“Sorry" hinging paumanhin ni Lara..
Hindi siya makakuha ng tamang oras. Kasi ay naglakad na lang sila ng lumakad sila until mapapagod ang mga paa nila. Hindi na nila naabutan ang pagsakay ni Amanda sa sasakyan. Baka sakali kung nnaambutan nila ay hindi na niya maalis ang mga mata niya kung saka-sakali.
“Bukas kasi sinabihan ko si Amanda na mag ikot sa mga site. Eh hindi ako maaari na makasama sa kanya. Ayos lang ba na ikaw na lang muna ang siyang sumama sa kanya mag-ikot? Nahihiya ako sayo. Subalit nilalakasan ko nalang ang loob sa harapan mo." nahihiya pa si Lara na sinabi nito kay Marco.
Hindi naman siya nahirapan kunin ang sagot ni Marco. Tumango ito. “Okay sige. Tawagan mo na lang ako bukas or mamaya. Ask mo si Amanda kung anong oras. Dahil if ako ang magtatanong. Tiyak na baka hindi ako sagutin non." pahayag ni Marco.
Tama naman ang nabanggit ni Lara. Ayos lang naman kay Marco na hindi ito pumasok bukas at samahan nalang si Amanda na mag-ikot sa mga site. Ayos lang sa kanya na maging alalay ni Amanda while na nag-iikot-ikot sila. Ang sa kanya makasama niya lang ang babaeng pinakamamahal niya masaya at kontento na siya don.
“Salamat Marco" pahayag ni Lara.
“Wala yon. Basta bigyan mo ako ng tamang details ahh! Baka mamaya iwan lang ako ng pasaway na yon. Alam mo naman yong babaeng yon." wika pa ulit na sagot ni Marco
Sa isang banda ay tama din siya. Kaya natawa nalang si Lara sinabi niya. Pero sumiryoso din. Natuwa lang siya sa dalawang nais niyang magkaayos at magkabati. Alam naman na mangyayari talaga iyon. Handa siyang maghintay at siya na ang unang magiging masaya sa pagdating ng oras na yon kung saan ay magiging masaya niya ulit makikita ang kaibigan. Huminga si Lara. Matapos ay ngumiti kay Marco.
Naghiwalay na sila dahil sa may pupuntahan din raq si Marco na nagmamadali na nagpaalam sa kanya after sabihin ang nais niya sabihin dito. Nagmamadali na din umalis at lumakad si Marco. Naiwan si Lara na papalabas na rin talaga ng opisina. Para umuwi.
Nagkaayos. Nagkasundo sila ni Marco. Mamaya nalang niya tatawagan si Amanda pagdating niya ng bahay. Mamaya niya nalang ito kulitin sa pagtatanong kung saan ito maaari na kitain ni Marco para sa gagawin na paglilibot sa mga site. Ngumiti si Lara at hindi nawala iyon hanggang makasakay siya ng sasakyan.