CHAPTER 8

2272 Words
Revenge or Love Chapter 8 Marco Naglalakad-lakad! “Marco, ako na ang humihingi ng pasensya sayo sa mga ipinapakita ni Amanda na pag-uugali niya. Alam mo naman na hindi naman siya ganyan. Saka nagbago lang siya simula ng iwan mo siya at mawala ang anak niyong dalawa. Alam mo naman ang ibig kong sabihin di ba?" napalingon ako sa kanya habang seryoso siyang nagsasalita. Naglalakad kami habang inilibot niya ako sa buong opisina. Malaki ang kabuuan ng kumpanya ni Amanda. Hindi ako makapaniwala na ang Amanda na iniwan ko ay nagmamay-ari na ngayon ng isang company. Noon mga estudyante pa lang kami ni Amanda. Ako sa engineering department habang siya sa architectural department siya. Nakilala ko siya because of an incident. Ipinakilala siya sa akin ng isa sa mga kaibigan ko. Sa party? Parang nakalimutan ko na ata sa tagal ng panahon. Ilang taon na rin kasi ang lumipas ng mangyari iyon. Super ganda niya that time. Hindi ko pa nga siya pinapansin. Pero si Amanda ang pumansin sa akin non. Suplado kasi ako at ilag ako sa mga tao. Pili lang ang mga tao na sinasahan ko. Pili lang din ang aking mga kina-kaibigan ko. Dahil sa ang tingin sa akin ng marami. Maruming tao dahil sa kagagawan ng pamilya ng Daddy ko. Kaya wala talaga ang masyado lumalapit o nakikipagkaibigan sa akin. Kung meron man siguro yung mga taong hindi naniniwala o pinakikinggan ang mga maling paratang sa akin ng aking stepmom at stepbrother. Pero i-ilan lang sila mas marami pa rin ang kinukutya ako o mas pinipili na tingnan ako sa kung ano ang antas ko at naririnig nila. Dahil anak ako sa labas at bastardo ako. Nilalayuan nila ako. But, si Amanda hindi. Kinausap niya ako at the first time na magkakilala at magkaharap kami. Parang wala lang sa kanya kahit naririnig niya ang mga bukang bibig ng pamilya ng Daddy ko nung araw na yon. Alam ko sa party na yon kami unang nagkita at ipinakilala sa isa't-isa. I can't remember lahat pero alam ko na si Amanda ang tipo ng babae na open minded. Hindi siya madali mabulag sa mga naririnig lang or sabi-sabi lang sa kanya. Mas gusto niya ang kinikilala niya muna ang tao kesa hinuhusgahan ng walang tamang basehan kundi ang mga bagay na naririnig lang sa mga sabi-sabi. Hindi ganung tao si Amanda that's why I like her at the first time na nakausap ko siya. Hindi ko makakalimutan kung paano din ako tratuhin ng pamilya ni Daddy pero si Amanda hindi. She's kind. Napakabait niya sa akin at iyon ang bagay na nagustuhan ko sa kanya. Kaya ang puso ko mabilis nahulog dahil sa mabait niyang pakikitungo sa akin sa tuwing magkasama kami. But sa bahay... “Mare, alam mo bang su-masakit na talaga ang ulo ko sa anak ng asawa ko. Gosh! Palamunin na nga dito sa bahay wala pang magandang ginawa. Sakit ng ulo. Pinasasakit niya talaga ang ulo ko at kung pwede ko lang siya maalis sa landas ng pamilya ko matagal ko na ginawa. Kaya lang ang baliw niyang ama. Lagi humahadlang sa gusto ko. Isa pang sakit ng ulo ko dito sa bahay." narinig ko na kwento ng stepmom ko sa kanyang kaibigan sa cellphone. “Oo, mare. Naku, sinabi mo pa. Palamunin lang dito. Minsan nasampal ko na nga sa pagsagot-sagot sa akin. Ang kapal ng mukha. Pasalamat nga siya at tinanggap ko pa siya dito sa bahay. Anak lang naman siya sa labas ng asawa ko sa baliw at kaladkarin niyang Ina. Kung hindi ba tanga. Alam niyang may asawa pumatol pa at ipinagpatuloy pa ang pakikipagrelasyon sa asawa ko." kita ko sa mga mata nito ang plastic nitong mga ngiti sa mukha. Nakuyom ko ang dalawang palad ko. Sa galit ko sa mga paninira niya sa Nanay ko. Gusto ko siyang sugurin. Subalit pilit ko na pinipigilan. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa pinipigilan kong galit sa kanya. “Naku, mare tama ka din doon. Napaka kapal talaga ng pagmumukha. Kung may konsensya at hiya sana matagal na siya kusang umalis dito sa bahay." dagdag na narinig ko pa. Huminga ako ng malalim. Pilit pa rin pinipigilan ang sarili ko sa panunuya niya sa amin ng Mama ko. “Sige na, Mare. Tatawagan nalang kita ulit at may gagawin lang ako." sabi niya, binaba na ang tawag at pakikipag-usap sa kanyang kaibigan. Nagulat at nanlaki ang mata niya nang makita niya ang nanlilisik na mga mata ko na nakatingin sa kanya. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko sa gigil. Pero mas pinili ko ang tingnan na lang siya at balibagin ng nakakatusok ko na tingin. “Anong ginagawa mo dito?" tanong niya, parang wala lang sa kanya. Maang na tanong niya na tinaasan ako ng kilay. “Narinig mo?" tanong niya ulit. Ngumisi siya, inirapan ako at masamang tiningnan. “Eh ano kung naririnig mo? Totoo naman. Hampaslupa ka lang dito sa pamamahay ko. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon na malaki ka na, wala ka pa ring pakiramdam at pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa pamilya ko." Ramdam ko sa kanya ang pagiging walang puso niya na sinabi iyon. Kahit kailan talaga ay napaka-walang puso nito. “Oh, bakit ganyan ka makatingin? Tama naman ako di 'ba?" tawa-tawa siyang tanong niya at mas nanggigigil ako sa kanya nais ko siyang sampulan. Gusto ko paliparin itong nakakuyom kong kamao. Pero— mas pinili ko pa rin wag siyang patulan dahil alam ko na rin ang mangyayari sakali na mangyari ang nasa isip ko. “Ang yabang mo. Hindi mo naman pala kaya. Sige, bakit hindi mo iangat 'yang kamao mo. Tutal ay iyon naman talaga ang gusto mong gawin di ba?" hinahamon niya ako. Kinuha niya ang isang kamay ko at pilit niya ako inuutusan na patamain ko ito sa mukha niya ito. Ngunit hindi ko nagawa. Kaya siya na mismo ang gumawa. Isang napakalakas na sampal ang ginawa niya sa mukha ko. Halos lumipad ang pisngi ko na tinamaan n'on. Masama akong timingin sa kanya. Nag-tatangis na naman ang mga ngipin ko sa gigil na patulan na siya. Sasampalin sana niya ulit ako ng dumating si Dad. Si Dad ang siyang sumalo ng sampal nayon na pinigilan niya ng isa niya na kamay na nakahawak sa braso ng stepmom ko. “A-anong ginagawa mo?" galit si Dad na nagtanong sa kanyang asawa. “Tinuturuan ng leksyon iyang bastardo mong anak." malakas na boses n'yang tugon kay Dad. “Ang kapal ng mukha na pag-salitaan ako." gawa-gawa niyang kwento at pagsisinungaling niya upang sa akin mabaling ang galit ni Dad. “Totoo ba, Marco?" Umiling ako. Nanginginig ako at nangingilid na ang luha ko sa mata. Alam ni Dad na hindi ko magagawa iyon. Kung may mas nakakakilala sa akin. Si Dad iyon. “Aba, sinungaling ka pa. Mana ka talaga sa malandi mong Ina." sigaw ng stepmom ko. Hinihingal na siya sa sobrang gigil at galit niya sa akin. Dapat ay hahablutin niya ako sa aking buhok. Naunahan lang siya ni Dad. “Tumigil ka na" suway niya sa kanyang galit na asawa. “Sa tingin ko. Ikaw ang unang may kasalanan at nag-umpisa nito. Hanggang ngayon ba? Hindi ba pwede na tigilan mo na ang pang-aaway kay Marco? Ikaw ang mas malaki ang agwat sa bata. Pero mas may isip pa sayo yung bata kung tutuusin." “Hey, Marco. Are you okay? Natulala ka nalang. Anong nangyayari?" tanong ni Lara. Nawala pala ako sa pakikinig sa mga sinasabi nito habang umiikot-ikot kami sa bawat department ng office ni Amanda. “Yes, ayos lang ako. Pasensya na." sabi ko na pinunasan ang tumulo na luha sa mata ko. “Saan ba kasi naglalakad ang utak mo? Si Amanda ba dahilan?" Umiling ako. “Oh, hindi pala. Pero sino?" tanong nito. “Wala wag mo na itanong if okay lang!" nakiusap ako. “Okay! Mukhang personal. Mas mabuti nga na wag mo na i-kwento at baka magkaiyakan pa tayo dito." sagot ni Lara. “Okay, nandito na tayo. Dito ang magiging mesa mo." sabi niya at itinuro sa akin ang isang bakanteng mesa. “As of now, Marco alam mo naman na ang magiging work mo dito. Sa ngayon ikaw na ang acting head engineer sa department. So sana please. Wag mo pasasakitin ulo ko." tumawa siya. “Joke lang!" “Ikaw naman" wika ko. “Jen, halika dito." tinawag n'ya ang isang babae. “Jen, si Marco pala. Siya na ang bagong acting head engineer niyo. So please sana kayo na ang bahala sa kanya ahh! If may tanong siya. Paki assist nalang siya maging sa mga kailangan niya." bilin ni Lara. “Wag kang mag-alala, Miss Lara. Ako na bahala sa kanya. Kami na bahala sa kanya dito." “Mabuti naman." tugon ni Lara. “Sige, aalis na ako." sabi ni Lara bago ito umalis at tuluyan iwanan ako. “Hi, Jen pala!" pakilala ng babaeng kausap ni Lara kangina. “Sila naman mga makakasama pa natin dito sa team. Si Carl, Eric, and hector. Wag kang mag-alala ma-babait sila. And if may tanong ka. Ask ka lang sa kanila. Sasagutin ka ng mga iyan." sabi ni Jen. “Salamat!" sabi ko. “Wala iyon. Welcome sa team." sabi ni Hector. Lumapit ito, saka ito nakipag-kamay sa akin. “Salamat" “Wala iyon. Basta if ever may tanong ka. Andito lang kami. Walang problema sa amin. Sasagutin namin lahat ng tanong mo." “Talaga?" lumiwanag ang mukha ko nang may maisip akong itanong. “Bakit napangiti ka?" takang tanong ni Eric. “May boyfriend na ba si Ama— sorry! Ma'am Amanda pala. May boyfriend na ba siya?" nagtatawanan silang apat. “Bakit mo naman naitanong? Type mo?" siniko ako nito sa braso. Si Carl inakbayan ako. Napalunok tuloy ako ng pag-kumpulan nila ako tatlo. Si Jen natatawa na lang habang pinapaamin ako ng tatlo. “Gusto mo si Ma'am Amanda ano?" ganun ulit, napalunok na naman ako ng magsi-tawanan silang lahat. “Okay lang iyan. Natural sa una pa lang ay nabihag ka na agad sa ganda niya. Kasi ang totoo kami man n'on. Nabighani talaga kami sa kanya noong unang araw na interview namin. Kaya lang—" putol nitong pahayag. Inilibot sa paligid ang mata. “Bakit?" Si Jen ang sumagot. “Hindi nila mapormahan kasi nga may iba na mahal si Ma'am Amanda. Hanggang ngayon sa pagkakaalam ko ito pa rin ang laman ng puso niya. Hindi niya makalimutan iyong lalaking unang minahal niya." “Tama si Jen. Kaya kung popormahan mo siya. Mahirap kalaban iyong taong laman na nang puso niya at hindi makalimutan." “Pero di ba? Hindi pa natin nakita na nagpupunta dito iyong sinasabi ni Miss Lara na boyfriend ni Ma'am Amanda? Ilang taon na ako dito. Hindi ko pa talaga ito nakita na sinundo siya o kaya naman ay pinasyalan man lang sana siya dito. Anong klaseng boyfriend iyon?" “Baka sa labas lang naman sila nagkikita na dalawa? Oh, baka naman kasi nasa ibang bansa? Parang nadinig ko ay nasa Paris raw ang nabanggit ni Miss Lara." sabi pa ni Jen dagdag sa sinabi ni Eric. “Oo, nasa Paris." sabay napatingin sila sa akin. “Pre, diba sa Paris ka raw galing? Engineer ka raw sa Paris sa isa sa mga kilala at malaking company don?" Tumango ako na napangiti. “Bakit umalis ka don? Kung maayos at maganda naman ang trabaho? Lalo na kung malaki pa ang sahod. Bakit iniwan mo at i-pinagpalit lang dito sa Pinas na may maliit lang na sweldo?" tumawa ko “Hindi naman important yung sahod sa akin. Ang mahalaga sa akin ngayong yung maayos ko muna ang problema ko dito sa Pinas at saka ako babalik sa Paris if kinakailangan." sagot ko. “Hindi ka pa pala nagresign don?" Umiling ako. “Wow!" mangha na wika ni Carl. “Parang bakasyonista ka lang pala dito talaga sa pinas? Babalik ka pa pala ng Paris." Tumango-tango ako. “Anong plan mo? Bakit pumasok ka dito?" “Wala naman. Si Lara kasi kapatid siya ng best friend ko. Nalaman ko sa kanya na kailangan dito ng engineer. Kaya, she asked me kung pwede muna ako magwork dito habang naririto pa ako sa pinas." Pagsisinungaling ko hahaha! Pero sa isang banda ay totoo naman eh! Hindi pa talaga ako official na nag-resign sa trabaho ko sa Paris. Hindi tinanggap ng boss ko. Nang company na pinapasukan ko. Binigyan niya ako ng indefinite na vacation leave at kung kailan ko gusto bumalik ay ayos lang sa kanila. Nagtatrabaho din ako sa kanila. May ipinadala na nga na mail yung architect namin sa office. Tulad ng dati ihingian niya ako ng advice about sa blue print copy na ipinadala niya sa akin. Hindi ko pa nga napag-aralan. Kaya hindi pa ako nakasagot sa kanya. Siguro ay mamaya nalang. “Si Ma'am Amanda" malakas na bulong na sabi ni Carl. Agad sila mga nagsibalik sa mga pwesto nila. Naiwan ako nalang sa upuan ko. Nilingon ko ang bulto ni Amanda na napansin ni Carl at tama nga ito. Nakatingin ito sa amin. Habang ako man ay umiwas na lang ng tingin sa kanya. Lumakas kasi ang kabog ng aking puso ng makita si Amanda. Gusto ko siyang yakapin. Ngunit alam kong baka magtaka ang mga tao dito oras na gawin ko ito. Pero nasasabik talaga ako na yakapin siya. Ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Kahit narinig ko sa mga tao niya ang tungkol sa amin ni Amanda. Masaya ako na marinig na mahal pa rin niya ako sa kabila ng kanyang pagsusungit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD