Revenge or Love
Chapter 13
“Napapangiti ka pa riyan." sabi ni Lara. Napansin niya pala ang naging pagtawa ni Marco habang naalala ang ilang past nila ni Amanda.
Masaya pa sila naman talaga non. Sa school kung saan naging halos simula nilang dalawa. “So, nakita mo na?"
“Ito? Oo at hindi pa rin talaga siya nagbago." natatawa na tugon ni Marco.
“Bakit? Mukhang masaya ka pa sa nakita mo ahh!" tanong nito sa kanya.
“Hindi naman. Sa sketch ni Amanda naalala ko lang iyong mga panahon na dating siya."
“Ahh! Sabagay may tama ka naman din sa sinabi mo. Until now si Amanda kung ano siya noon nang makilala ko siya ganun pa rin siya sa ngayon. Hindi naman siya nagbago. Isang bagay lang pala ang ipinagbago niya nung iwan mo siya. Sobrang nasaktan siya non. At halos hindi nga niya kinaya sumabay pa ang pagkawala ng sanggol na dinadala niya. Masakit iyon. Alam mo naman 'yon di ba? Kung gaano mas masakit ang mawalan ka ng anak kesa sa taong minamahal mo pero nagawa ka pang iwan."
“Grabe, panunumbat ba tawag diyan?" biro ni Marco.
“Hindi!" umayos sa pagkakaupo si Lara.
“Kala ko ba isa ka sa mga taong alam kong susuporta sa pagbabalik ko at panunuyo sa kanya?"
“Nag-uumpisa ka na ba? Mukhang malabo pa nga na makapag umpisa ka." tumawa ito.
“Grabe ka!" sagot niya. Huminga.
“Syempre! Ang hirap din lapitan ng best friend mo. Saka ayaw ko naman na mapag-usapan kami dito sa mismong office niya. Gusto ko pa rin incase. Keep in private lang. Walang nakakaalam maliban syempre sa inyo ng Kuya mo."
“Sabagay! Mahirap nga naman ang mapag-usapan sa mga katayuan niyo. Pero matanong ko pala. Narinig ko. Babalik ka pa raw ng Paris?" tanong ni Lara.
“Pinag-iisipan ko pa! Pero habang hindi ko pa natatapos lahat dito. Hanggang hindi pa kami maayos. Baka magstay muna ako dito. Pero siguro if wala nang pag-asa. Baka sakali d'on umalis na ako ng bansa at tumakbo ulit palayo." direct niyang wika.
Naiisip pa lang naman ni Marco iyon. Wala pang finalize na plano. Gusto niya rin kasi ang maayos niya muna ang sa kanila talaga ni Amanda bago siya magdesisyon para sa sarili niya.
Nais niyang magkabati sila at makuha niya ulit ang tiwala nito bago siya tumungo sa Paris kung hindi man siya matanggap ni Amanda sa buhay nito.
“So, may plano ka pala?"
Hindi alam ni Marco na mula sa kwarto ni Lara naririnig sila ni Amanda sa kabilang kwarto. Kung ano man ang pinag-uusapan ng dalawa. Naririnig lahat iyon ni Amanda.
Bago pa man dumating at ipinatawag ni Lara si Marco. Kausap ni Lara si Amanda. Ngunit nakatuwaan niya na wag ibaba ang connection ng kanyang telephone sa office ni Amanda. Sakto na dumating si Marco inilapag lang iyon ni Lara sa mesa me.
“Oo, kailangan eh. Alam mo naman na hindi ako basta agad na susukuan ang isang bagay na alam ko na kahit maliit lang ang chance ay magagawan ko pa ng paraan. Alam mo iyan diba?" malakas ang loob niya at alam niya naman na tama siya sa sinasabi niya sa kapatid ng kanyang kaibigan.
Hindi talaga siya nawawalan ng pag-asa. Kaya habang nakatanaw sa kabilang kwarto. Bumuntong hininga muna siya at si Lara nakatingin sa kanya ng deretso.
Si Amanda tumutulo ang luha n'ya habang napapakinggan niya ang usapan ni Lara at Marco.
Hindi na maitatago at maikakaila na my malakas na impact si Marco sa kanya. Mahal nya ito at kahit anong tago niya alam niyang hindi niya na niya iyon maitatago.
“Mahal pa nga talaga siya?"
“Oo! Bakit hindi ba halata?" natatawa niyang tugon kay Lara.
“Hindi naman sa ganun. Pero hindi na mas maganda if sa kanya mo mismo ng diretso na sabihin na mahal mo siya?⁵ Sabi ni Lara. Napaisip siya natawa siya para sa sarili niya. Pero yung napakikinggan lahat ng mga sinasabi niya. Patuloy lang sa pag-iyak.
Marco... samo niya na sambit niya nang siya lang ang nakakarinig. Kumuha siya ng tissue sa ibabaw ng kanyang lamesa. “Mahal din kita Marco" nasambit niya habang nakasandal sa kanyang silya at inaalala si Marco. Mahal pa talaga niya si Marco kaya nga lang hindi niya malaman da sarili niya kung bakit ayaw niya masabi dito na mahal pa rin niya ito.