CHAP 3

1400 Words
(TRIGGER WARNING!) The meeting ended around four o'clock in the afternoon. Fortunately, we had already taken care of all that needed to be done. From campaign plans, destinations, activities they want to carry out, etc. Even though I'm only listening to them, I'd be lying if I said that this day hadn't been exhausting. I am the mayor's secretary, but because he needs to clear his name, I am obliged to join his campaign. I'm not used to dealing with or interacting with a lot of people, yet I'll do all this just to accomplish my plans. Revenge? No, I'll make him regret ruining my life. Pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa aking kama nang makauwi ako sa apartment na tinutuluyan ko. Sampung minuto lamang ang layo nito mula sa munisipyo. Hindi kalakihan pero sapat na para sa isang maliit na pamilyang titira. Wala rin naman akong plano na magtagal dito lalo na at nasa ibang bansa ang anak ko. Wala ring rason para manatili ako. Tulala akong napatitig sa kisame. Isang mapait na ngiti ang kumurba sa mga labi ko ilang minuto ang lumipas habang marahan na inililibot ang paningin sa loob ng bahay. Ako lang mag-isa, walang masyadong gamit, tahimik, at nakapaninibago. Nakatatawang isipin na totoo nga ang sinasabi nila: bilog ang mundo. Parang kailan lang nakatira ako sa isang mansyon, maraming katulong, tadtad ng muwebles at iba't ibang kagamitan sa paligid, may negosyong mamanahin, at may pamilyang matatawag. In a snap, it all disappeared like a bubble. Unti-unting nag-ulap ang paningin ko habang sumisikip ang aking dibdib. Bago pa man ako tangayin ng isip ko sa nakaraan ay ipinikit ko ang aking mga mata. Napagdesisyunan kong matulog na lamang, tinatakasan ang pagkakataon na muli na naman akong iiyak dahil sa pagbabalik-tanaw. Nawalan na ako ng ganang kumain dahil na rin sa pagod na nananalaytay sa katawan ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip. Nang magising ako ay nangunot ang aking noo dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng apartment. Marahan akong bumangon upang sumilip sa bintana at gano'n na lamang ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko nang mapansin ang mga kalalakihan na nag-iinuman sa labas ng bahay na nasa harapan ng apartment na inukupa ko. Nanginig ang mga kamay ko at unti-unting bumigat ang aking paghinga lalo na nang may isang lalaking nabaling ang tingin sa aking direksyon. Mabilis kong isinara ang kurtina at itinago ang sarili ko sa gilid ng pader. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako sa aking pagkakatayo, isa-isa ring bumagsak ang mga luha ko nang tuluyang kainin ng takot at kaba ang dibdib ko. Calm down, Shayna. You're being paranoid. Pilit kong ikinakalma ang sarili ko pero hindi ako nagtagumpay lalo na nang marinig ko ang mga tawanan sa labas. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at mariing kinipkip ang aking mga tuhod. Inilagay ko ang mga kamay ko sa magkabila kong tainga habang walang humpay na umaagos ang aking mga luha. Muli na namang nanumbalik ang madilim kong nakaraan. "Please! Pakawalan n'yo na ako!" umiiyak na pakiusap ko, umaasang maaawa sila sa akin at pakikinggan ako. Nakagapos ang mga kamay ko sa likod ng upuan, maski ang mga paa ko ay nakatali rin sa ibaba. Sa harapan ko ay may limang lalaking nakapalibot sa isang lamesa, nag-iinuman at ang iba nama'y naninigarilyo. Pare-pareho nila akong tiningnan at sabay-sabay na nagpakawala ng halakhak—animo'y nakatatawang biro ang narinig mula sa akin. "Pakiusap, pakawalan n'yo ako. Ano ba ang kailangan n'yo? Pera? I can ask my dad for that," pakikipagnegosasyon ko. "Narinig mo ba 'yon, pare? Babayaran niya raw tayo!" sabi pa ng isa sa kanila at sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay muli na naman nila akong tinawanan. Napaismid naman ang lalaking kinausap niya na sa tingin ko ay tumatayong lider ng grupo nila at saka ako tiningnan. "Ineng, bayad na kami. Malaking pera na ang nakuha namin at malaki pa ang makukuha namin pagkatapos nito." "Sino ba kayo? Bakit ninyo ginagawa ito? Please! Pakawalan n'yo na ako!" Nagpumiglas ako mula sa pagkakatali sa akin, sinusubukang paluwagin iyon, pero bigo ako. Panay ang pagtulo ng mga luha ko. Wala ring tigil ang katawan ko sa panginginig dahil sa takot. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang madakip ako. Akala ko noong una ay mga holdapper lang sila, pero nagkamali ako nang paamuyin nila ako ng pampatulog at magising sa isang abandonadong gusali. Hindi naman sila nakasagot sa akin dahil isang tawag mula sa telepono ang kumuha sa atensyon nila. "Boss," ani ng lider nila. Alam kong nagsalita ang nasa kabilang linya dahil nakinig ang lalaki roon. Mayamaya pa at nakangiti niya akong tinanaw bago binasa ang kaniyang ibabang labi na tila nagustuhan ang narinig mula sa kausap. Mas lalo namang kumabog ang dibdib ko at sinubukan ko ulit makawala sa pagkakatali kahit pa nasasaktan ako. "Please! Let me go! Nagmamakaawa ako!" Halos maubos na ang boses ko sa kasisigaw pero panay lang ang tawa ng mga lalaking kasama niya. "Copy, boss. Kami na ang bahala sa mestisang ito. Walang kalimutan pagkatapos ng eleksyon, ah?" Natigil sa ere ang asta kong pagmamakaawa nang marinig iyon. Eleksyon? Ibinaba na ng lalaki ang telepono at hinarap ang mga kasama. Sumenyas siya sa mga ito na parang nagtuturok sa braso dahilan para maghiyawan sila. Nagpalakpakan pa ang iba sa kanila habang ang isa naman ay tumayo at nagpunta kung saan. "T-Tama ba ang narinig ko? Eleksyon? I-Iyon ba ang rason kung bakit ninyo ako dinukot?" garalgal na sambit ko sa pumipiyok na boses. "Sino? S-Sino ang nagbayad sa inyo?" Isa lang ang kalaban ni Daddy at hindi magawang tanggapin ng utak ko iyon. Imposible. Mahal niya ako, hindi niya magagawa sa akin ang bagay na ito. Ngumisi naman ang lalaking sumagot kanina sa telepono. "Manahimik ka na lang, miss, dahil wala kang makukuhang sagot. Huwag kang mag-alala, paliligayahin ka naman namin bago ka kunin ng ama mo rito." Napaawang ang bibig ko. Muli na namang sumipa ang takot at kaba sa dibdib ko lalo na nang bumalik ang lalaking umalis kanina, may bitbit na siyang isang syringe at nasisiguro kong hindi basta-bastang gamot ang nakalagay roon. Gamit ang natitira kong lakas ay sinubukan ko na namang makawala. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha pero hindi ako tumigil. Nagsisigaw ako, pinilit kong galawin ang mga paa't kamay ko, namamanhid ako sa sakit pero hindi ko na alam kung dahil ba sa ginagawa ko o dahil sa namumuong ideya sa utak ko. "Huwag ka nang pumalag, miss. Hindi sa ganiyang paraan ka namin planong pagurin," ani ng lalaking may bitbit ng syringe na nasa gilid ko na ngayon. Inulan na naman ng mga halakhak ang buong lugar habang panay ang pagmamakaawa ko, "Please! Babayaran ko kayo ng doble, pakawalan n'yo lang ako! Nagmamakaawa ako, huwag n'yong gawin ito. Please! Please stop!" Hindi naman nila ako pinakinggan. Pinanood lang nila akong magmakaawa habang hindi naaalis ang ngiti sa kanilang mga labi. Para silang nakatingin sa isang teleserye—natutuwa, nasasabik. Akala ko ay wala na akong iluluha pa, pero nang maramdaman ko ang pagbaon ng karayom sa aking braso ay tila gripo iyong lumaglag sa aking mga pisngi. Hindi . . . hindi niya magagawa sa akin ito. Mahal ako ni Yuan. Hindi niya ako ipahahamak ng ganito. "YSABEL!" Dinig ko ang isang pamilyar na boses habang tila yumuyugyog ang balikat ko. He loves me, right? Bakit? Paano niya nagawa ito? Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman kong may mahigpit na kumapit sa mga kamay ko. "Please! Don't do this! Parang awa mo na! Pakiusap tumigil na kayo!" umiiyak na sigaw ko at pilit na kumakalas sa pagkakahawak na iyon. Ginamit niya lang ba ako laban sa ama ko? "Ysabel, hey. It's okay, you're safe," dinig kong sabi niya pero hindi ako tumigil sa pagwawala. "Let go of me! Please don't do this! Pleas—" Natigilan ako nang maramdaman kong may mainit na dumampi sa aking balat. Ang kanina kong nanlalabong mga mata ay unti-unting luminaw nang nawala ang mga luhang naipon doon at bumungad sa akin ang namumungay niyang paningin. Nakaluhod siya sa harapan ko, nakahawak sa aking mga pisngi. Namumula ang kaniyang mukha at bakas ang ilang kalmot doon. "It's me . . . Yuan," aniya bago ako kinabig upang ikulong sa kaniyang dibdib."It's okay, I'm here now. No one's gonna hurt you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD