Being in a family with a politician is not easy. I almost became accustomed to sharing Daddy's time and attention with the individuals he holds in high regard over his decade in politics. I wouldn't say we are close, but we also don't tend to be detached from one another. Yes, he's been in politics before, and that's also the reason why he died.
"Provide her some security."
Marahang napaangat ang tingin ko sa lalaking kinamumuhian ko nang marinig ko ang sinabi niya. Seryoso ang kaniyang boses pero walang mabakas na anumang emosyon sa kaniyang mukha. Pasimple akong napairap at umismid nang bumaling ang kaniyang paningin sa akin.
"Thank you, Mayor, but I refuse," I said in the most respectful way.
Security my ass. You're just installing an eye on me.
Halos isang oras na rin silang nagdidiskusyon ng mga plano para sa kampanya. Hindi ako nakikisali dahil wala rin naman akong kailangang sabihin. Pampaganda at dekorasyon lang ako para doon.
"Politics is dirty. My opponent can target you any time, so whether you like it or not, you will have a guard," he declared, keeping a sharp gaze on me.
Walang laman naman akong natawa saka dalawang beses na napatango. "Yeah, I know that well."
Because that's you and your way, Mayor Shaunn Yuan Vallerio.
Umigting naman ang kaniyang panga na mukhang nakuha ang pasaring sa sinabi ko. Ibinalik niyang muli ang atensyon kay Ms. Becky matapos akong titigan ng ilang segundo, nababagot man ay pinili ko na lang ding pakinggan ang mga plano nila. Malinis at walang butas ang mga nilapag ng campaign manager niya. Nasisiguro kong malakas ang laban niya para sa darating na eleksyon kung hindi ko lang talaga sinira ang mga iyon.
The power of social media.
When I thought back on our argument, I grinned in secret. As I had anticipated, he was not stupid enough not to think that I was the source of the rumors about him. Well, I'm the only one who can raise a fuss over what happened three years ago anyway. I did that to make him need me and let me into his circle.
And it worked damn fvcking well.
Pare-parehong natuon sa akin ang kanilang atensyon nang mag-ingay ang telepono ko. Agad ko namang kinalkal ang bag ko para kunin iyon at nanghihingi ng dispensang namaalam lumabas. Ramdam ko ang titig sa akin ni Vallerio pero inignora ko iyon nang makita ko kung sino ang tumatawag.
"Did something happen?" bungad ko nang sagutin ko ang video call.
Agad kinain ng kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang palahaw na pag-iyak ng isang bata sa kabilang linya.
"Hello po, ma'am. Pasensya na po at naistorbo ko 'ata kayo. Si Sir Yno po kasi ayaw tumigil sa pag-iyak. Hinahanap po kayo," sagot niya sa akin at kinarga ang bata upang iharap sa camera.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at mabilis na naglamlam ang aking mga mata nang makita ang namumula niyang ilong. "Shhh. Stop crying, baby. Mommy is here," alo ko sa malambing na boses.
Agad namang natigil sa ere ang kaniyang paghikbi nang marinig ako.
"Yes, baby. Mommy's here," muli kong imik para patahanin siya.
Napatitig siya sa cellphone na hawak ng katulong at inagaw iyon sa kaniya. Napangiti naman ako nang alalayan siya ni Ate Hera sa paghawak niyon upang hindi mabagsak at hindi maglikot ang camera. Kitang-kita ko na ngayon ang napakag'wapong mukha ng dalawang taong gulang kong anak.
"M-My . . ." hirap na sambit ni Yno.
"Yes, baby," masuyong sagot ko.
"Home. Mommy . . . miss," sumisinok-sinok niyang patuloy.
Tila hinaplos ng lungkot ang dibdib ko nang makita ang anak kong nangungulila sa akin. Halos isang linggo na rin ang nakararaan nang huli niya akong makita nang personal kaya hindi nakapagtatakang hinahanap niya ako. Inayos ko ang cellphone sa aking kamay at saka inilapit ang screen sa aking labi na para bang hinahalikan siya ngayon.
"Soon, baby. I'll come home. Kaunting tiis na lang. Wait for me, okay? I'll bring you an ice cream when I come back," naglalambing kong saad, umaasang maaalo ko siya.
"When, Mommy?" namumungay niyang tanong.
Nakagat ko ang ibaba kong labi habang tinititigan ang malungkot niyang mukha. Bigla ay nagsisi akong iniwan ko siya at hindi isinama. Kung hindi lang magiging komplikado ang lahat ay hindi ko siya hahayaang malayo sa akin.
"Soon, baby. Soon," tangi kong sagot at hinaplos ang screen ng cellphone ko, iniisip na mahahaplos ko siya roon.
"Okay . . . Yno . . . wait Mommy." Kumurba ang isang ngiti sa mga labi ko nang halikan niya ang screen ng hawak niyang cellphone. "Love Mommy," dagdag niya.
"I love you too, bab—"
Natigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at bumungad ang mukha ni Vallerio. Tiim ang kaniyang panga at bakas ang galit sa kaniyang mukha. Mabilis ko namang naputol ang video call namin ng anak ko at itinago ang cellphone sa aking likuran. Pansin ko ang pagsunod niya ng tingin doon dahilan para mangangera nang husto ang t***k ng puso ko. Pinagpawisan ako nang malagkit at pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga sa mga oras na ito.
"K-Kanina ka pa ba riyan?" utal kong sambit.
Hindi siya agad sumagot. Nanatili siyang nakayuko na para bang gustong agawin ang hawak kong cellphone sa aking likuran. Mayamaya pa ay inangat niya ang malamig niyang tingin sa akin. Palihim naman akong napalunok at pilit na pinakakalma ang dibdib ko.
"You just walked out and broke the meeting to talk to your boyfriend?" he accused.
Napaawang naman ang bibig ko at ilang beses na napakurap. Paulit-ulit kong ipinasok sa utak ko ang sinabi niya pero hindi pa rin iyon tanggapin ng isip ko. Nakitaan ko ng inis ang kaniyang mukha nang hindi siya nakatanggap ng sagot mula sa akin.
"Next time, silence your phone when we are in a meeting, and if a call is not urgent, ignore it."
Hindi na niya ako hinintay pa na makasagot at pabalyang isinarado ang pinto ng kaniyang opisina. Sa lakas niyon ay napaiktad ako. Maski ang ilang staff na nakakalat sa hallway ay napasigaw dahil sa pagkakabigla.
Tulala lang naman akong napatitig sa pintuan. Ang kanina kong puso na nangangarera ay unti-unting kumalma nang maproseso ang nangyari. Hindi niya nakita ang anak ko.
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na mali ang naisip niya o ikaiinis na pinaratangan niya akong unprofessional sa trabaho. Hindi niya man direktang sinabi pero iyon ang laman ng mga salitang binitiwan niya. Napasuklay na lamang ako sa aking buhok gamit ang mga daliri ko at muling tiningnan ang aking telepono nang mag-beep iyon dahil sa pagdating ng isang mensahe.
Natutulog na po si Sir Yno, ma'am.
Message iyon ni Ate Hera, ang nag-aalaga sa anak ko sa Canada. Mayamaya ay isang litrato ang sunod niyang s-in-end na muling nakapanumbalik ng ngiti sa mga labi ko. Nakapikit na si Yno habang yakap ang paborito niyang stuffed toy, si Keroppi. Mabilis naman akong nagtipa ng reply.
Salamat, Ate Hera. Pasensya na po at nahihirapan kayo ngayon kay Yno dahil sa pagka-miss niya sa akin. Babawi na lang po ako sa inyo pagbalik ko. Kayo na po ang bahala sa anak ko, tatawag na lang po ako mamaya paggising niya.
Halos wala pang limang segundo nang i-send ko iyon ay pabalyang bumukas ulit ang pinto ng opisina. Kulang na lamang ay magdugtong ang mga kilay ni Vallerio nang mapunta na naman sa phone ko ang kaniyang paningin. Humigpit pa ang hawak niya sa seradura nang iangat niya ang mga mata sa akin.
"Turn off your fvcking phone and come inside my office, Ysabel," he remarked in the coldest possible tone while giving me a menacing stare.
What's wrong with this fvcking man?