CHAP 1
Rumors. It's ironic to consider that it can damage even the most prominent name. Regardless of whether what they hear is accurate or not, they will judge your personality as if they already know the truth.
Well, in his case, the rumors are true.
My lips curled into a grin as I continued to walk the corridor. Although I was being watched, I chose to ignore it. Clutching my bag on my arm, I focused my gaze directly on the door in front of me. His office.
Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ay naririnig ko na ang komusyon sa loob. Napasuklay na lamang ako sa aking buhok gamit ang mga daliri ko at saka kumatok ng tatlong beses. Hindi ko na hinintay pa na may magbukas sa akin, kusa ko nang pinihit ang seradura at inimbitahan ang sarili kong pumasok.
"Those issues will die over time. We don't need to involve he—" He paused in mid-sentence when our eyes landed on one other.
From his seat, his jaw quickly clenched, and he fixed an intense gaze on me. I also caught his companions' attention. His campaign manager, who was standing in front of him, sighed and then greeted me politely.
"Sorry, I'm late. Naipit sa traffic," aniko saka tipid na ngumiti.
"What are you doing here?" Bakas ang kalamigan at kaseryosohan sa boses niya.
I looked at him, scanning every inch of his body. I didn't try to cover it up. Three years have passed since I last saw him, and I can say that he looks very different now.
"Good afternoon, Mayor. I am Shayna Ysabel Ruiz, your new secretary," I said with a ghostly sneer hidden behind my smile while staring at the respected and well-known mayor of Mabini—Shaunn Yuan Vallerio.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "And who gave you the permission to be in that position?"
Nakibit-balikat naman ako saka tamad na nilingon ang campaign manager niya upang iparating ang sagot sa kaniyang katanungan. Matapos 'yon ay prente akong naglakad patungo sa couch na nasa gilid ng opisina niya at naupo. Muli kong sinalubong ang kaniyang paningin at bahagyang ngumiti.
"What? Don't tell me you're thinking of firing me on my first day of work, Mr. Mayor?" Even though I made an effort to hide my sarcasm, I am certain that he could pick it up in my tone. "I'll cry if that happens. Kailangan ko pa naman ng trabaho ngayon." Peke akong nalungkot.
"Mayor," singit ng campaign manager niya na tila napapagod na sa pagpapaliwanag sa kaniya.
"I cannot approve this. Not her," pinal na sabi ng mayor ng Mabini.
"Why? Masyado ba akong mababa para sa 'yo, Mayor?" Umarte akong nasaktan.
Dama ko ang paghigit niya ng hininga kasabay ang muling pag-igting ng kaniyang panga. "Don't play with me, Ysabel. You being here in my office doesn't make any sense at all."
"I need a job. I need money. You are hiring a secretary. Which of those doesn't make sense to you?" I almost rolled my eyes at him.
Hindi niya ako sinagot, bagkus ay hinarap niya ang campaign manager niya at mariing tiningnan. "Paalisin mo na siya rito, Becky," utos niya.
Napahilot naman sa kaniyang sentido ang kausap saka ako tiningnan ng may paumanhin bago ibinalik ang atensyon sa nirerespeto nilang mayor.
"Mayor," muli niyang tawag, nakikiusap. "Malapit na ang eleksyon, hindi makatutulong sa kampanya n'yo kung mananatiling maingay ang issue. Oo, lilipas nga iyon, pero kailan pa? We need her. Mas magiging madali ang lahat kung mapupunta siya sa puder niyo lalo na at kayo ang sentro ng atensyon. Kung makikita ng mga tao na kinupkop niyo si Ms. Ruiz sa trabaho, hindi na nila iisipin na kayo ang nagpapatay sa ama niya. It's a win-win situation, Mayor Vallerio. The rumors will die down instantly, and your name will be in the spotlight because you even helped her get a job."
He will run for governor. The election is only a month away, so I understand why his ally is so desperate. It won't benefit his campaign if the rumors persist because his opponent is formidable. Who would want to vote for a murderer, then?
Palihim akong napaismid nang mariin siyang pumikit. Alam kong tutol siya sa plano ni Ms. Becky, pero wala siyang magagawa dahil sa mga oras na ito ay iyon lang ang makasasalba sa kaniya. Hindi naman siguro siya bobo para sumugal sa larong alam niyang matatalo siya.
Nang magmulat siya ay diretso ang kaniyang tingin sa akin. Nginitian ko lang naman siya saka pinagkrus ang mga hita ko. Alam kong hindi pormal ang naging pagsagot-sagot ko sa kaniya kanina, pero wala na akong pakialam doon.
"Iwan niyo na muna kaming dalawa," walang emosyon niyang utos habang hindi inaalis ang kaniyang paningin sa akin.
Nag-aalangan man ay sumunod ang campaign manager niya saka ang dalawa niya pang tauhan na tingin ko ay katulong niya rin para sa darating na eleksyon. Prente ko lang namang nilaro ang mga kuko ko habang hinihintay na maiwan kaming dalawa. Inaasahan ko na ito.
As soon as the door shut, I felt him get to his feet. Just then, I slowly raised my head to meet his eyes again. He's dead serious. If someone else was in front of him, she could have been trembling in dread.
Such a thick-faced jerk to act like this in front of me.
Naupo siya sa kaharapan kong couch. Bahagya siyang yumuko at ipinatong ang kaniyang mga siko sa magkabila niyang tuhod. Mariin niya akong tinitigan.
"You're the one who spread the rumors, right?" he said.
Hindi iyon tanong, sigurado siya sa binitiwang salita na para bang kailangan niya lang ang kumpirmasyon ko. Bahagya naman akong natawa at marahan na binasa ang ibabang labi ko. Sa ikalawang pagkakataon ay hinagod ko ng tingin ang kabuohan niya.
"Tamang duda ka naman, Mayor," mapaglarong sambit ko.
For the nth time, his jaw clenched. "What do you want?" he asked directly, slowly rising to lean against the couch.
Nagkibit-balikat naman ako. "Trabaho? Pera? Nasabi ko na naman kanina, 'di ba?" inosente kong sagot.
"Ahuh. And you think I'll believe that s**t?" he said coldly. "Why would the daughter of the man I was rumored to have killed work for me?"
I smirked and stared at him. "Rumored? As far as I know, Mayor Vallerio, you really killed my father."
"Then why are you here even though you know that stuff?" he countered.
Ako naman ang hindi agad nagsalita matapos niyang sabihin iyon. Nagtitigan kaming dalawa, tila sa gano'ng paraan naglalaban at nagsusukatan ng tatag. Isang ngiti ang pinakawalan ko at saka ginaya ang posisyon niya, prente rin akong sumandal sa inuupuan ko. Sandaling bumagsak ang paningin niya sa mga hita ko, nagsalubong ang mga kilay niya at tiim-bagang na nag-iwas ng tingin.
"Don't you need my help, Mayor Vallerio?" pag-iiba ko sa usapin.
Hinarap niya naman akong muli at walang emosyon na umismid. "We both know that you're not going to help, Ysabel. You're planning to ruin me."
Ysabel. What a shameless creature.
"Hmm. Yes, you're right." Tumango-tango pa ako. "Pero 'wag kang mag-alala dahil hindi pa sa ngayon."
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. Mabilis na sumunod ang kaniyang paningin sa akin nang maglakad ako patungo sa desk niya kung saan may nakalagay name plate sa harapan niyon. Marahan kong hinaplos ang nakaukit niyang pangalan.
"Then when are you planning to ruin me?" I heard him ask.
Hindi ko napigilang matawa at saka siya hinarap. "Are you excited?"
"I don't have time to fool around with you, Ysabel." He stood up and walked in my direction.
Do I look like I'm fooling too?
Tinukod niya ang mga kamay niya sa lamesa, kinukulong ako sa pagitan niyon at bahagyang yumuko upang magpantay ang aming mga mata. Seryoso siya habang mapaglarong ngiti naman ang kumawala sa mga labi ko at nilabanan ang titig niya. Hindi pa ako nakuntento roon, marahan kong inangat ang isang kamay ko at sens'wal na hinaplos ang kaniyang panga. Mabilis namang tumiim ang kaniyang bagang.
"It's better to drag you down when you're at the top, Mayor Vallerio. I'll wait for you to win this election because after that, I'll make sure you'll beg at me," I responded with a deliberate tone and grinned at him.
"Beg me, Mayor, as I make your life a misery," I mentally noted.