CHAP 4

1368 Words
My thoughts were racing as I was sitting quietly on the couch in my living room. I find it hard to believe that the person who gave me a bad past would also be the one who tried to console me. Isn't it ironic? "Are you okay now?" Mula sa tasang hawak ko ay napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Katulad kanina ay bakas ng pag-aalala ang kaniyang mukha habang nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o magagalit dahil doon. Nakaupo siya sa gilid ko, nasa kalahating metro ang pagitan naming dalawa habang may isa naman siyang tauhan na nakatayo dalawang dipa ang layo mula sa amin. Hindi ko na rin naririnig ang ingay mula sa labas ng apartment. Instead of answering him, I gently dropped the chamomile tea I was holding on the center table. "Why are you here, Mayor Vallerio? How did you find me?" I asked nonchalantly. "Ysabe—" Pinutol ko ng isang mariing tingin ang asta niyang pagtawag sa pangalan ko at ang iba pa niyang sasabihin dahil alam kong hindi iyon konektado sa binitiwan kong tanong. "Sinusundan mo ba ako?" direktang paratang ko. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago umiling. Sandali niyang nilingon ang lalaking kasama na nasisiguro kong bodyguard niya dahil pamilyar na sa akin ang mukha niyon. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo saka ako muling hinarap, seryosong-seryoso ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. "I'm not following you . . ." He sounded uncertain as well. "Well, I did follow you, but not as much as you think. Like I said, you need security, especially with the election coming up. I was planning to formally introduce you to your guard, so I looked for your address and went with him." Hindi ko naman napigilang irapan siya kasabay ang pag-ismid ko. "Wala na tayo sa munisipyo, Shaunn. Tayo-tayo na lamang ang nandito, maglolokohan pa ba tayo?" "What?" Mabilis na nagdugtong ang mga kilay niya sa pagkakakunot. "Come on, Mayor Vallerio—" I stated his name sarcastically. "—we both know that you placed him here merely to keep an eye on my movements rather than to shield me from potential danger." Umigting naman ang kaniyang panga. Kita ko sa mukha niya ang kagustuhang makipagtalo pero hindi itinuloy sa hindi ko malamang dahilan. Mariin siyang pumikit bago humigit ng malalim na hininga. "Whether you like it or not, he'll stay with you," he said with an authoritative tone. "Hilig mo talaga iyan, 'no? Ang daanin lahat sa gusto mong paraan para manalo ka." I scoffed and stood up from my seat. Dama ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin habang naglalakad ako patungo sa harap ng pintuan. Walang emosyon akong tumayo roon nang lingunin ko siya pati na rin ang lalaking kasama niya. Pinagkrus ko ang mga kamay ko at saka bahagyang itinagilid ang aking ulo. "Umalis na ka na rito, Mayor Vallerio, isama mo na rin ang alagad mo bago ko pa kayo kasuhan ng trespassing," aniko sa malamig na paraan. Sandali siyang nakipagsukatan ng tingin sa akin bago walang imik na tumayo. Mabagal niyang pinaliit ang distansya naming dalawa, gumilid naman ako sa pintuan sa pag-aakalang lalabas na siya pero natigilan ako nang masuyo niya akong hawakan sa braso. Tiim-bagang kong inangat ang paningin ko mula sa kamay niya patungong mukha. "What now, Mayor Vallerio? Do you expect me to appreciate your presence here in my house?" I said coldly. Hindi naman siya agad sumagot, walang emosyon niya lang akong tinitigan. "Itigil mo na 'to, Ysabel," aniya sa mababang tono. Pinagkunutan ko lang siya ng noo. "Napapahamak ka lang sa ginagawa mo. Itigil mo na ito at bumalik sa Canada," patuloy niya pa. Wala pa ring mabakas na emosyon sa mukha niya pero nanatiling pabulong ang kaniyang pag-imik. I shook his arm and smiled mischievously. "News flash, Mayor Vallerio. I will never stop dragging you down, even if you stab me right now." "Is that your only goal? 'Yan lang talaga ang rason kung bakit ka bumalik dito? 'Yan lang ang dahilan kaya mo hahayaang mapahamak ang sarili mo?" nakaigting ang pangang tanong niya. It sounded like an insult, and that's why I didn't stop my hand from moving anymore. I slapped him hard. The bodyguard who was with him was about to approach us, but he quickly signaled him to stop. He faced me again, but this time his eyes were a bit red with a mixture of anger and . . . sadness? No, I just saw it wrong. He's a monster. Hindi ito k'wentong pantasya kung saan nagiging pusong mamon ang isang demonyo. "Opps! Sorry. Biglang nangati ang kamay ko, akala ko kasi kadkaran 'yang mukha mo sa sobrang gaspang," sarkastiko ngunit mariin kong sabi. Mukhang naputol ko ang pasensya niya, o mas tama bang sabihin na nasagad ko ang pagpapanggap niyang maging mabait sa harapan ko. Hinawakan niya akong muli sa braso, pero sa mga oras na ito ay medyo mahigpit na iyon. Matalim niya akong tinitigan habang halos mamutok ang mga ugat niya sa leeg sa matinding pagpipigil ng emosyon. "One month, Ysabel," he said firmly. "I'll let you stay for a month; after that, whether you like it or not, leave this fvcking country." Kumawala ang halakhak sa bibig ko at saka angat-kilay na sinalubong ang titig niya. "Who do you think you are, Mayor Vallerio?" I mocked. I thought that my words would make him even angrier, but the edge of one of his lips gently lifted. He seemed to hear a funny joke. Slowly, he released his grip on my arm and placed his hand on my waist. I even felt his slight squeeze on my side before he pulled me closer while not breaking his stare at me. I didn't stop him; I let him play the game he wanted to play. I don't care that our bodies are near each other, not because I want to. I made him feel that he's a nobody and that his presence didn't affect me at all but pure hatred. Unti-unting bumaba ang mukha niya patungo sa gilid ng ulo ko, sinadya niya pang palandasin ang kaniyang labi sa tainga ko bago bumulong, "As far as I know, Ysabel, we . . ." he purposely paused for a moment. " . . . didn't break up. So that still makes me your boyfriend, right?" Palihim kong naikuyom ang aking kamao sa pag-usbong ng matinding galit sa dibdib ko. Gusto ko siyang sampalin ulit pero pinigilan ko ang sariling magpatalo sa pang-uuyam niya. Nagawa niya akong lokohin at gamitin noon kaya hindi na dapat ako mabigla kung ganito kakapal ang mukha n'ya. Mas masahol pa siya sa pinakamasamang tao sa mundo. Winaksi ko ang kumakain na pagkamuhi sa dibdib ko saka ginaya ang ginawa niya. Habang nanatili siyang nakayuko sa gilid ng aking ulo ay itinagilid ko ang aking mukha—sapat lang para tumama ang labi't hininga ko sa kaniyang tainga. Napaismid ako nang madama ko ang pagdaan ng tensyon sa mga balikat niya dahil sa ginawa kong iyon. "So . . ." like him, I intentionally slowed down my next words. "That makes me a cheater, then?" I wet my buttom lip, and I made sure he felt that. "One? Two? Three? Oh, gosh! I couldn't remember how many men I've slept with. Should I say sorry to my killer boyfriend now?" I said, mocking. His breathing raged. I don't know which of the things I said caused that, but I don't care anymore. I was enjoying the anger I felt from him. Marahan siyang dumistansya at agad na sumalubong sa akin ang matalim niyang tingin. I swear, he looked like he's going to kill again. Mariin niyang pinikit ang kaniyang mga mata, animo'y pilit na nagpapakalma. "Ego hurts, Mayor?" I chuckled. "Na-reality check ba?" "Ysabel," he called my name with a warning tone. Ang kapal talaga ng mukha. Tumawa akong muli saka binura lahat ng emosyon sa mukha ko. Mariin kong itinuro ang labas ng aking pintuan habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Umalis ka na, Mayor Vallerio, baka mangati ulit ang kamay ko at hindi lang sampal ang magawa ko sa iyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD