CHAP 5

1499 Words
"Eat a lot, then sleep early, okay? Be a good boy while Mommy is away." I temporarily dropped my phone on top of the bed so I could get dressed properly. Naghahanda na ako para sa pagpasok ko sa trabaho. Alas-otso ang pasok ko pero alas-singko pa lang ay gising na ako para makausap si Yno. Gabi na ngayon sa Canada habang umaga naman dito sa Pilipinas. Masyadong malayo ang agwat ng oras kaya kailangan ko talagang diskartehan ang pakikipag-usap sa anak ko. "Okay, Mommy. Yno . . . behave." Awtomatiko akong napangiti nang marinig ang boses niya. Minadali ko ang pagbubutones ng suot kong blouse at agad na kinuha ang phone ko para muling iharap sa akin ang camera. Kasalukuyan siyang pinakakain ni Ate Hera, namumukol ang mga pisngi niya sa bawat pagnguya na lalong nakapagpangiti sa akin. Ang g'wapo naman ng anak ko. "Eat slowly, baby," masuyong paalala ko na tinanguan naman niya nang tipid. "Home . . . Mommy?" aniya matapos lunukin ang pagkain sa bibig niya. Muli naman akong nakaramdam ng suntok sa dibdib ko. Kitang-kita ko ang pangungulila ni Yno at ang pag-aasam niyang makasama ako. Palihim akong bumuntonghininga at pilit na ngumiti sa harap ng camera. "Soon, baby. I miss you." Hinaplos ko ang mukha niya sa screen, pilit na dinadama ang pisngi niya sa isip ko. "Yno . . . love . . . Mommy," aniya sa putol-putol na paraan at saka hinalikan ang phone ni Ate Hera. Natawa naman ako nang magkaroon ng dumi ang screen, mukhang lumalin ang mantsa galing sa bibig niya. Mabilis naman iyong pinunasan ni Ate Hera saka muling ibinalik sa harap ni Yno ang telepono. Sinubuan niya ulit ng pagkain ang anak ko. "I love you more, baby," buong puso kong tugon at isinandal ang phone ko sa unan. "Sleep early, okay? Mommy needs to go to work now," dagdag ko habang inaayos ang dadal'hin kong bag sa trabaho. Tumango naman si Yno at nag-flying kiss bilang paalam sa akin. Pareho kaming natawa ni Ate Hera nang may tumakas na kanin sa bibig niya. Kung nasa harapan ko lang siya ngayon ay baka kanina ko pang napanggigilan ang mga pisngi niya. Hindi ko muna agad pinatay ang video call namin. Sinulit ko ang nalalabing minuto na mayroon ako para panoorin si Yno habang nag-uusap kami ni Ate Hera. Bawat k'wento niya tungkol sa ginawa ng anak ko maghapon ay hindi ko pinalampas. "Hindi naman ako chismosa, Ma'am. Pero matanong ko lang, nasaan po ang ama ni Yno?" Asta kong isusuot ang aking itim na ankle strap heels nang mapahinto ako dahil sa tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. Napatitig lang ako kay Yno habang unti-unting nilalamon ng pagsisisi at konsensya ang dibdib ko. Three years ago, when I found out that I was pregnant, I hated him. I loathed my own child. I'm not sure whether I can even accept him, let alone how. I was drugged; I don't know what really happened that day. Thinking that I might have been raped and that he was the result made my stomach turn completely in disgust. I was a mess at that time. I couldn't think straight because only bad memories are floating around in my head. Even so, I couldn't abort him . . . or rather, I didn't have time to take care of my own problem. Daddy was killed. Mommy was in a coma and died after three months. Our companies went bankrupt. I don't know how to insert my own sh*t. As I carried all the burdens, I didn't realize that nine months had passed. Nang manganak ako, hindi ko agad hinawakan o tiningnan man lang ang anak ko. Takot na takot ako. Bawat ungot at iyak niya ay parang lastikong humihila sa akin sa nakaraan, sa bangungot na pilit kong kinakalimutan. Halos isang linggo ring gano'n ang kalagayan ko, hindi ako umalis sa ospital. Ang mga nurse ang siyang tumitingin at nag-aasikaso sa bata hanggang isang araw, sinubukan ako ng tadhana. Nagkaroon ng bombing incident sa Canada at lahat ng mga nurse at doktor ay abala sa paggamot sa mga biktima. Naiwan ako sa loob ng k'warto kasama ang sanggol na nasa baby crib ng ospital. Noong una ay tahimik lang siya hanggang sa bigla na lang akong naalarma nang marinig ko siyang dumuwal at tila nabubulunan sa pagitan ng pag-iyak niya. Sinubukan kong magtawag ng nurse pero dahil sa sitwasyon ay walang bakante sa kanila. I was pacing back and forth, and I didn't realize that my tears were falling. I was overcome with worry, panic, and fear. I screamed out for assistance once more, but nobody seemed to hear me. I could feel my body trembling as his cries got progressively worse and farther apart. His tiny hands were raised as if pleading with me to assist him, and I could handle it anymore. I just found myself holding the baby while gently stroking its back. Silently praying that he will be fine. Natigil lang sa ere ang kamay ko at tila bumalik ang ulirat ko nang maramdaman kong may mainit na sumisipsip sa itaas ng dibdib ko. Doon ay bigla ring pumasok ang isang nurse, nanlaki ang mga mata niya nang makitang karga ko ang sanggol sa mga bisig ko. Halatang hindi niya inaasahan ang eksenang bumungad sa kaniya. Nakita ko pa ang pagdadalawang-isip niyang lapitan ako pero sa huli ay ginawa pa rin, inilahad niya sa akin ang kaniyang mga braso para kunin ang bata. Hindi ko alam pero nang mga oras na 'yon ay para bang gusto ko siyang ipagdamot. Napansin siguro iyon ng nurse kaya naman kusa na rin siyang lumayo at binigyan ako ng tipid na ngiti. Iniwan niya muli kaming mag-ina sa silid. Ilang minuto ang lumipas, nanatiling kipkip ko ang sanggol sa katawan ko. Tila may kung anong humaplos sa puso ko habang nararamdaman ang init ng katawan niya at mga mumunting t***k ng kaniyang puso. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng kaginhawaan at kapayapaan. Muling naipon ang mga luha ko, hindi sa takot kundi sa tuwa. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at niyakap ang sanggol na hawak ko. Sorry. I'm sorry for hating you. I'm sorry for being afraid of you. I'm sorry if I wasn't a good mother. Kasabay ng paghalik ko sa tuktok ng ulo niya ang paglaglag ng mga luha ko. Babawi ako. Babawi si Mommy. Mahal kita, anak. "Naku, Ma'am! Pasensya na po sa pang-iintriga ko. Mukhang ayaw niyo pong pag-usapan ang bagay na iyon. Pasensya na talaga." Para akong hinatak sa realidad nang marinig ko ang boses ni Ate Hera. Tipid na lang akong napailing at ngumiti bago ipinagpatuloy ang kanina kong gagawin. Alam kong darating ang araw na may mga taong magtatanong tungkol sa ama ni Yno, hindi ko lang siguro inaasahan na ngayon ako uusisain ni Ate Hera. "He's dead," sagot ko sa kanina niyang tanong na nakapagpasinghap sa kaniya. "Talaga, Ma'am? Naku! Sayang naman," aniya habang nananatiling namimilog ang mga mata. "Napakag'wapo ni Yno, panigurado mana siya sa inyo ng daddy niya." Napailing na lang akong muli at hilaw na natawa. "Sige na, Ate Hera. Papasok na po ako sa trabaho. Kayo na po muna ulit ang bahala sa anak ko. Tatawag po ulit ako mamaya paggising ni Yno." "Sige po, Ma'am. Behave naman po ang little boy natin, mana sa Mommy." Humagikhik siya pagkatapos. "Oh, Yno. Say bye to Mommy." Itinutok niya ang camera sa anak ko. "Bye . . . Mommy. Love Yno." Inangat ni Yno ang kamay niya sa ere at kinaway-kaway iyon. Napangiti ako at ginaya ang ginawa niya. "I love you more, baby." When I hung up the call, I put my phone in my bag and double-checked myself. I was wearing a white buttoned top and a black skirt with a small slit on the side. My hair is in a high ponytail. The climate here in the Philippines is too hot right now, so I decided to tie my hair up. Ayaw ko namang magmukhang basang sisiw mamaya. Nang makuntento sa itsura ay naglakad na ako patungo sa pintuan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ko at gano'n na lang ang pangungunot ng aking noo nang mabungaran ang hindi inaasahang tao sa labas ng apartment ko. Ang mayor ng Mabini, Shaunn Yuan Vallerio. "Why are you here?" I asked nonchalantly. Prente naman siyang namulsa. "Your apartment is on the way, so I stopped by. Sabay na tayong pumasok sa opisina." "You know I won't buy that sh*t, right?" Hindi ko napigilan ang pag-angat ng isang kilay ko. Hindi siya agad sumagot. Tinitigan niya lang ako sandali bago marahang pinasadahan ng dila niya ang kaniyang ibabang labi. Mayamaya pa ay isang ismid ang pinakawalan niya. "What do you want to hear then? I came here to check on you?" hamon niya. I rolled my eyes and walked past him after locking the door. "Now that's stupid bullsh*t," I mumbled, enough for him to hear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD