Chapter 8

3093 Words
"Hi, sweetie!" Bati ko sa kutong lupa na nakatingin sa akin ngayon. Nakaka-miss talaga ang batang ito. "Ina." Pasigaw niyang tawag sa akin. Kaya naman nilagay ko ang daliri ko sa harap ng aking labi para sabihin tumahimik siya at huwag lumikha ng kahit anong ingay. Hindi pwedeng mahuli kami ng kan'yang isang ina, malalagot talaga kami. Pero ang labas ay ginaya pa ako. Tuwang-tuwa itong bumaba mula sa kama niya. Katabi lang nito si Joahn pero dahil sa magaan lang siya, hindi mo mararamdaman ang paggalaw ng kama. Ako naman ay dahan-dahan na pumasok mula sa balkonahe para salubungin ang makulit na batang ito. Ilang taon ko na ba itong ginagawa? Nakakatawa man, pero gano'n na nga. Apat na taon ko na itong ginagawa. Bawat linggo ay umuuwi ako para makita si ina, ang anak ko at mabisita si Kera. Pero ang mas pinupuntahan ko, ang ang mag-ina ko. Oo, hindi niya alam pero inaako ko na ang responsibilidad sa kanilang dalawa. Ang mas kinasisiya ko, ni minsan ay wala akong nakita na kasintahan si Joahn, mapababae o lalaki man ito. Kahit nga si Kaela wala din alam. Sa edad nitong apat na taon at anim na buwan, matalas na ang pananalita nito. Sa nakalipas na taon, mas napalago at napalaki ko ang negosyo ko sa buong Europe. Pati na rin negosyo ni ina ay napalago ko din kaya nababawasan ang pag-aalala ni ina. Ito ang naisip kong umpisa. Kailangan kong magpadami ng pera at kapangyarihan sa aspetong ekonomiya. Isa ito sa kailangan para matalo ko ang kalaban. 'Yong training ko? Araw-araw pa rin naman at hindi ko ito pinapabayaan. Pero simula noong nakaraang dalawang taon, sumasama ako kay maestro para magligtas ng mga bampira na nahuli ng mga hunters. Walang awa ang mga hunters kaya kailangan ko din mag-ingat sa kanila. Sa nakalipas na taon, nagawa kong itago ang mate ko at pagkatao ko. Hindi lang ang hunter ang tinatakasan ko, pati na rin ang asawa ni ina at ang buong kalahi ko na nagpapatay sa kauri ko, sa mga bampirang kauri ko---bampirang may pakpak ng paniki. Nakatapos ako sa kursong kinuha ko. Gusto ko pa nga sanang mag-aral ulit, pero inuna ko muna ang kompanya. Hindi pa man sigurado, pero ngayong taon ay gusto kong mag-aaral muli. Mas matanda si Joahn sa akin ng isang taon pero hindi naman halata sa mukha niya kasi napakaamo nito. Halos magkatulad nga sila ng mukha ni Kaela na halos mapagkamalan mong totoo niyang anak ang bata. Ang pinagkaiba lang nila ay ang mata nito na kulay abo. Halos katulad ko na pero nakikita ko parin ang kulay asul doon. Dati kasi, kulay asul ang mata ko hanggang nagbago. Naghalo ang blue at gray. Ngayon nga ay gray na nga, pero paglumabas ang pakpak ko, silver na siya. Habang si Joahn ay kulay mapusyaw na brown ang kulay ng mata. "Ohmm..." Muntikan na akong mapasigaw ng biglang hinila ni Kaela ang kamay ko at sinubo ang daliri ko. Nakagawian niya na itong gawin sa daliri ko. Noong sanggol pa lang siya ay hindi pa halata ang totoo niyang pagkatao, pero habang tumatanda siya, naamoy ko na. Siya ay kalahating bampira at isa pang amoy na kahit kailan ay hindi ko pa naamoy. Pero magkatulad sila ng amoy ni Joahn, ewan ko lang kung dahil palagi silang magkasama o may kakaiba talaga kay Joahn na hindi ko matukoy kung ano. Pero pinapaniwalaan ko na lang ang una kong sinabi. Hindi kasi nalalayong mahawa ka din sa amoy ng isang tao lalo na kung palagi kayong magkasama. Sinubo niya ang daliri ko hindi para paglaruan, kung hindi ay sumipsip ng dugo doon. Hindi ko alam kong paano niya nasusugat iyon, pero nakakakuha siya ng dugo mula sa akin. Isang beses sa isang buwan niya iyon ginagawa, at hinahayaan ko lang siyang uminom ng dugo ko. Kaya din ata napapalapit ang batang ito sa akin dahil dugo ko ang kinukunsumo, hindi pa ito nakakainom ng ibang dugo. Ilang sandali lang ay sustento na rin siya sa nainom niya. Binitawan niya ang kamay ko na may malawak na pagkakangiti ang mga labi. "Salamat, nanay." Masaya niyang sabi at yumakap sa akin, habang ako ay nakayuko na para magpantay kami. "Nay, nagawa ko na ang assignment ko." Masaya niyang imporma sa akin. Hindi isang ordinaryong assignment ang sinasabi niya. Assignment 'yon na sinabi ko para sa totoo niyang pagkatao. Alam niya nang isa siyang kalahating bampira dahil sinabi ko sa kan'ya ang totoo niyang pagkatao. Pero para daw sa kany'ya, kami ang totoo niyang magulang. Kung buhay siguro ang anak ko, kasing edad niya na rin siguro. "Nagawa mo? Pakita mo nga sa akin?" Bakas din ang pagkagalak sa aking boses at hinaplos ko ang mukha niya. Sabik naman siyang tumango bago pumikit. Nag-concentrate naman siya hanggang wala na nga akong maamoy sa kanya kung hindi parang isang ordinaryong tao na lang siya. Napangiti naman ako kasi nagawa nga niya. Tinuro ko kasi iyon para itago ang pagkatao niya. Para sa kaligtasan niya, nilang pamilya. Isa sa pinakabawal sa amin ay ang makipag-mate sa hindi namin kauri at mas lalong magkaanak. Pinapatay nila ang mga ito. Kaya siguro siya binigay sa mga tao kasi baka mapahamak ang totoo niyang magulang. Hindi pa lumalabas ang vampire side niya pero nakuha niya na halos lahat ng kakayahan ng isang bampira. Sa palagay ko, mataas ang kinalalagyan ng magulang niya dahil sa gray niyang mga mata. "Ang galing naman. Sandali pa lang, alam mo na ah?" Namamangha kong usal at ginulo ko ang kanyang buhok na nagpahagikhik naman sa kanya. Nakaupo kasi kami ngayon sa sahig habang si Kaela ay nakayakap sa braso ko at nakasandal sa dibdib ko. "Pero, kaya mo ba patagalin sweetie?" "Subukan ko po, nanay," at tinuloy na nga niya. Medyo nawawala-wala pero kahit paano ay nagagawa niya. Bata pa naman siya kaya ayos pa. Alam ko din, hindi pa siya naamoy ng ordinaryong bampira kaya hangga't maaga pa ay kailangan ko na siyang turuan. Salamat naman at nagagawa niya kaagad ng walang kahirap-hirap. "Kamusta naman ang school mo?" Nag-umpisa na kasi siyang mag-aral. Sa mura niyang edad ay marunong na siyang magsulat at magbasa. May isa pa siyang kakayahang hindi nila alam, ang magsalita ng iba't ibang lenggwahe. "Okay naman po. Pero gusto ko na pong umalis doon. Panay po sila laro eh." Kita ang pagkabagot sa mukha niya. Siya kasi ang bata na mas mahilig humawak ng libro kaysa humawak ng patpat at bola. "Pero sweetie, hindi pa angkop ang edad mo para sa mataas na antas. Makilaro ka na rin muna. Ayaw mo ba magkaroon ng kaibigan?" Sabi ko habang sinusuklay ang buhok niya. Pagdating talaga sa kanya, madaldal ako. "Ayaw ko sa kanila nanay. Ang aarte po eh." Sabi niya ulit. Tapos nagkwento na siya ng mga laro nila at kung anong klaseng kakaro sila. Mga ginawa nila ng mama niya. Ganito siya kadaldal kaya napilitan na rin akong magsalita para sa kan'ya. Pero sa iba, gano'n parin ako tulad ng dati. "Tapos niyong pumunta sa store, saan pa kayo pumunta? Hindi kayo nag-deliver?" Palagi kasi gano'n ang routine nila. Palagi siyang sinasama ni Joahn kaya ang daming kwento ng bata. "Hindi po kami umalis. May dumating po kasi eh." Nagsusumbong niyang sabi at bumusangot ang mukha niya pero maganda pa rin. "Bakit? Ano ba ang nangyari at parang ayaw mo doon sa dumating?" Puno ng kuryosidad kong tanong sabay alo sa kanya. Parang iiyak na kasi at siguradong may ginawa 'yon sa kanya. "Ka-kasi po. Parang aagawin niya si mama sa akin. Ang panget niya pong magpa-cute kay mama. Nakakadiri po siya." Tapos at tumingala sa akin na malungkot ang mukha. "Tapos sabi niya sa akin, kukunin niya si mama. Mawawalan daw ako ng mama dahil sasama na si mama sa bahay niya." Kasabay din ang pagtulo ng kanyang mga luha. Dinamdam nga niya ang sinabi ng lalaki... napakasalbahi niya, pati bata ay pinapatulan. "Shh, h'wag kang umiyak. Si nanay ang gagawa ng paraan ha? Hindi hahayaan na mawala si mama. May tiwala ka naman kay nanay, diba?" Cute naman siyang tumango. "Edi, tiwala ka lang kay nanay. Ako gagawa ng paraan ha? Ako bahala sa baby Kaela namin." Palubag loob ko, na gagawin ko din naman, at hinalikan siya sa noo. Pero nagulat ako ng kumalas siya at tumayo. Nagtataka ako ng naglakad siya palabas ng silid at papunta sa lola niya. Pero bago siya makaliko, "enjoy your night with mama," at sinirado na ang pinto. Napailing na lang ako at napalatak. May pagkapilyo din ang batang iyon. Pero, tama siya. I should enjoy a night with my mate. Kaya naman lumapit na ako sa mate ko na mahimbing na natutulog. Na miss ko rin siya dahil isang beses ko nga lang siya nakikita sa isang linggo. Lumuhod ako sa kanan ng kama kung saan siya nakarap ngayon. Hindi parin nagbabago ang kan'yang mukha kahit limang na taon na ang lumipas simula ng makita ko siya sa bus station. Nandoon parin ang napakaamo niyang mukha, pero nakikita ang pagiging palaban niya. Tinanggal ko ang iilang hibla ng buhok na nakatakip sa isang banda ng kanyang mukha. Inipit ko ito sa tainga niya. Sunod ay hinaplos ko ang makinis niyang mukha, ang alaga niya talaga sa katawan. Pero bago pa siya magising, bumulong ako sa kanya. "Matulog ka ng mahimbing, mahal ko," at kitang-kita ko kung paano gumihit ang ngiti sa kan'yang mga labi bago mas natulog pa ito. Kakayahan ng lahat ng bampira ang pagpatulog sa ordinaryong tao---lalo na sa pagkain nila. Pero ako, may kakayahan din akong patulogin ang kauri ko na dapat ko ding itago. Nang naging mahimbing na ang tulog niya. Dahan-dahan ko na siyang binuhat. Kahit sa pagbuhat ko, nakangiti parin siya at nagsumiksik sa akin. Ang bago talagang kaniyang natural na amoy, nakakaadik ito sa akin pero gustong-gusto. Hindi ako magsasawang singhutin ito. Tiningnan ko muna ang paligid at nang masiguradong walang bampira o ibang nilalang; ang mga tao naman ay tulog na kasama na doon ang maglola. Pumwesto na ako sa balkonahe at tumalon papunta sa bubong ng katabing bahay na buhat pa rin si Joahn. Maingat naman ang ang pagkalapag ko at wala akong nagawang ingay kaya pinagpatuloy ko na lang. Dumaan ako sa bubungan ng mga bahay hanggang narating ko ang gubat. Mabuti na lang at wala kaming nadaanang ibang nilalang. Nang nasa gubat na kami, doon ako medyo nahirapan. May mga werewolves kaming makakasalubong kaya ilang beses din kami umiiwas at mas lumalayo sa talagang pupuntahan namin. Medyo nga tumagal kami bago namin narating ang bahay na tinayo ko para sa amin. Ilang taon ko na ding pinatayo itong bahay, pero ngayon ko lang napakita sa kanya. Ilang buwan ko ng ginagawa itong pagdala sa kanya sa kung saan habang tulog at gigisingin pag nandoon na kami. Ang buong akala niya, panaginip lang itong lahat. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko, kaya ginagawa ko ito. Nang makarating kami sa bahay ay pumasok na agad ako. Ang bahay ay nakatayo sa ibabaw ng bundok. Napalibutan ng makakapal na punong-kahoy, may bulaklak sa paligid at may ilog sa baba ng bundok. May mga patibong akong nilagay sa paligid, kaya alam kong ligtas kami dito. Sinigurado ko muna ang lahat bago ako nagpasyang dalhin siya dito. Gawa sa kahoy at batoang bahay pero napakaaliwalas nito tingnan lalo na sa samyo ng hangin na umiihip. Mayroon din namang gamit dito kaya nilapag ko na sa kama si Joahn bago siya gisingin. Inayos ko siya ng higa bago ako tumabi sa kanya. Nahiga ako sa kan'yang tabi pero patagilid. I kissed her cheeks. "Wake up, mahal ko." Bulong ko pero hindi siya dumilat, alam ko naman na gising na siya pero ayaw pa ring dumilat. Bubulungan ko sana ulit siya pero hinawakan niya ang mukha ko bago hinarap ako at sinalubong ng labi niya ang labi ko. Na-miss ko din siya kaya hinayaan ko siya hanggang ginalaw niya na ang kaniyang labi niya, na agad ko namanbg tinugon. I missed her sweet lips. She taste like a ripe mango... and I swear, this will be my favorite fruit from now on. Ang kaninang simpleng halik lang ay nadadagdagan na ng dila. She sucked my tongue that made me moan. Hindi ko na napansin na nakadagan na rin pala ako sa kan'ya, nadadala na ako. Pero parang wala lang ang bigat ko sa kan'ya dahil mas niyakap niya pa ako. I almost lost my sanity with just a kiss. I wanted to devour her---kiss her, lick her, suck her skin, taste her and pleasure her. But I couldn't do that. So, I pulled myself away from her. "Hi, beautiful." Bati ko sa kanya, na sinuklian niya ng nakakalaglag panty na ngiti. Hindi ko naman ikakaila na ilang beses na naming ginawa iyon. Pero lahat ay akala niya ay panaginip lang. Every moment of it, I treasure them. But I never mark her yet. Hindi ko sila pwedeng ipahamak. Kasi kapag minarkahan ko siya, malalaman ang relasyon namin at alam kong hindi titigil ang mga kalaban ko hangga't hindi napapatay ang isa sa amin. Pero ang kadalasan nilang pinapatay ay ang tao. Habang ang bampira? Nagiging alipin. "I don't want to wake up if everytime I wake up you are gone. I want to stay in this dream. I can see you in here. Mahirap man tanggapin na wala ka na, pero mas mahirap ang hindi ka na makita ng tuluyan." Naiiyak niya sambit at hinaplos ang mukha ko. Napapikit ako dahil sa ang gaan sa pakiramdam. "H'wag kang mag-alala. Totoo ako." Sabay dinilat ko ng aking mata para makita ang reksyon niya. Pero tinawanan niya lang ako. "H'wag ka nga magbiro. Nabalitaan ko lahat ng nangyari sayo." Natatawa niyang sabi pero hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kan'ya ng seryoso at nahalata niya naman ata. "Hindi ka nagbibiro?" Wala na ang ngiti niya. "Hindi. Pero sana matanggap mo kung ano na ako ngayon." Dahil naaalala niya pa naman ako. Kaya din pala palagi siyang pumupunta sa mga magulang ko, dahil naging kaibigan niya sila. Magkatulong sila ni tatay na naghanap sa akin. Hindi man niya ako kilala, pero sabi niya, may kakaiba na siyang nararamdaman sa akin noong unang araw pa lang ng kami ay nagkita. Tinulungan niya sila nanay at tatay. Hanggang sa pagpanaw nila ay hindi niya sila iniwan, siya parin ang tumulong. Kaya ang laki ng pasasalamat ko sa kanya. Si Kaela? Iniwan lang daw ito sa harap ng bahay nila. Kasama doon ang papel na naging kasulatan ng ina. Pinapaampon nito si Kaela, pero kukunin niya ang bata pag masama ang pagtrato nila rito. Akala pa nga niya noong una, peke iyon lalo na't walang pangalan maliban sa pangalan niya na kailangan niyang permahan. Pumunta pa siya sa abogado para makumpirma ang totoo... at totoo daw iyon, isa iyong blood oath. Hindi kailangan ng pangalan basta may dugo na galing sa taong sangkot. Wala na ring nagawa si Joahn kundi ilagay ang dugo niya. Oras ko na rin ata magkwento, kaya sinabi ko ang lahat sa kanya. Wala akong tinago sa kanya. Kasama na doon ang paggahasa sa akin at ang namatay kong anak. "I'm sorry at umalis ako ng araw na iyon. Sana pala nakipag-usap pa ako sayo ng matagal. Baka sakaling iniwan ka niya." Malungkot niyang sabi. Ayaw ko namang sisihin niya ang kan'yang sarili kaya hinawakan mo ang kaniyang kamay. "Hey, kahit ginawa mo iyon, kung mangyayari-mangyayari talaga ng araw na iyon. Malaki lang pasasalamat ko dahil nandiyan si ina. Niligtas niya ako." "Pero hindi nailigtas ang anak mo. Anak mo 'yon eh. Kahit sino man ang ama niya, tatanggapin ko siya." Sabi niya na siyang nagpangiti sa akin. Ang bait talaga niya. "Mahal ko din siya kahit sa ganoong paraan siya nabuo. Pero dugo at laman ko pa rin siya." Napabuntong-hininga ako. "Ngunit kinuha pa rin nia siya sa akin. Wala na akong magagawa kung hindi ay bigyan siya ng hustisya. Hindi pa ngayon, pero malapit na." May diin kong sabi sa huli. Hinawakan niya ang kamay ko na siyang nagpahinahon sa akin. "Hindi nasaaagot ng paghihiganti ang lahat. Pero dahil mahal kita, susuportahan kita. Alam kong alam mo ang ginagawa mo eh." "Salamat mahal." Sabi ko dahil natuwa ako sa kan'yang tugon. Napakabait niya kahit masama na ang gagawin ko, oo pa rin. Alam kong alam niya naman kung bakit ko ito ginagawa. Sabi nga niya, alam ko ang aking ginagawa. "Pero sana sa susunod. Makilala ko din ang anak mo." Sabi niya nanakanguso. Kitang-kita ko talaga dahil nakatagilid siya sa akin at ako ay nakaharap sa kan'ya. Umangat talaga ang kaniyang nguso. Natawa na labg ako dahil doon. "Huwag kang mag-alala. Dadalhin kita doon, kayo ni Kaela. Tapos, ipapakilala na rin kita sa ina ko." Masaya kong sabi. "Si-sigurado ka? Kinakabahan na agad ako ng sinabi mong ina mo. Hindi ko alam kung handa na ako. Nakakapanibago lang. " Bakas ang kaba sa kaniya kahit wala pa nga. "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita pinipilit eh. In time. Kung kailan ka handa na." Tumango naman siya sa sinabi ko at nagsumiksik sa akin. "Sana, balang-araw, makasama na kita ng tuluyan." Nagsalita siyang muli. Isa din ito sa panalangin ko. "Sana nga. Para masaya na ang lahat." Nakangiti kong sabi at hinalikan siya sa noon. "Mahal kita." Madamdamin niyang sabi. "Mahal na mahal din kita. 'Yan ang palagi mong tatandaan." Sunod ay namutawi na ang katahimikan. Ninanamnam na lang namin ang kapayapaan ng paligid. Nakasandal siya sa aking dibdib at komportable kami sa aming posisyon, pero kailangan naming gawin ang pinunta namin dito. "Tara na. Training na tayo." Isa ito sa ginagawa namin sa loob ng apat na buwan. Kailangan ko siya sanayin para mailigtas niya ang kaniyang pamilya pag nangyari ang 'di dapat mangyari. Hindi naman natin hawak ang ating tadhana, pero mas mabuti na ang handa. Hindi na nga siya umangal pa at tumago na lang. Sumunod na rin ako sa kan'ya at inumpisahan namin ang pagsasanay. Noong nakaraan, panay depensa ang tinuro ko sa kan'ya. Kahit sa napakahirap na sitwasyon ay tinuro ko rin. Salamat na lang at natutunan niya rin ito. Kaya ngayon ay panay opensa naman ang tinuro ko. Bawat atake niya ay malakas na para sa aking tao. Mabilis na rin ang kaniyang galaw na mas maganda. Nasasanay ko na si Joahn at mabuti na lang mabilis siyang matuto. Nang matapos ang aming insayo ay naligo na kami agad. But before I bring her home, syempre, nag-homerun din ako. Pero hindi namin kinalimutang maligo ulit. We need to be careful. Danger is always there, watching for the perfect time to attack. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD