"O, nandito kana pala." Salubong sa akin ni ina pagdating ko ng bahay-bakasyunan, kung saan kami palagi nagkikita. Papaliwanag na kasi ang araw ng ako'y dumating ngayon kaysa dati na hatinggabi pa lang nandito na ako. Medyo napatagal pa kasi kanina ang training namin at humirit pa, na ayos lang sa akin. Kailangan ko din iyon para manatili ang lakas ko.
"Huwag mo na sagutin, 'nak. Naamoy ko pa eh." Sabi ni ina na may kasama pang panunukso. Palagay ko ang naamoy niya na lang ay ang dumikit na amoy ni Joahn ng binuhat ko siya ulit na tulog, sinigurado ko 'yon. Paniguradong isang panaginip na naman ang naisip ni Joahn sa lahat ng nangyari. Pero nasabi ko na din naman sa kan'yang buhay ako, at sana maniwala siya. Kung hindi man, uulit ko na lang.
"Nambabae na naman po ba mahal na prinsesa?" Sabat ni Kera na ang lawak ng ngiti. May panunukso pa nga ang pagkakangiti nito. Palagi namang ganyan ang ngiti niya simula nang sinabi ni ina na may iba sa amoy ko. Alam kong panunukso lang iyong sa kan'ya dahil natural na sa amin ang ganitong gawi.
Alam din kasi nila na wala akong ni isang ginalaw doon sa mansion nila Zoyla at kahit sa eskwelahan na pinapasukan ko. Kahit sabihin pang sa buong Europa, wala akong ginalaw sa dumaan na mga taon. Akala lang nila, wala akong matipuhan o makakabusog sa uhaw ng vampire side ko. Kaya sa oras na umuuwi ako dito, dito lang ako nangangamoy ibang babae.
Actually, I started having a s****l intercourse with Joahn four years ago dahil hinang-hina na ako at hindi ko naman kayang gumalaw ng ibang babae. Pero sa dinami-rami ng nangyari, ngayon niya lang nakikita ang mukha ko. Noong una kasi, talagang aakalain mong panaginip lang talaga. Ayaw pa nga niya ng una, pero dahil sa pang-aakit ko sa kan'ya. Ayon, bumigay din naman. Tao man siya, nmararamdaman niya pa rinang koneksyon niya sa akin bilang kabiyak niya. Kaya walang kahirap-hirap na nagalaw ko siya. Masasabing rape nga siya, pero hindi nama siya nagpupumiglas, kaya puwede ring hindi. Wala man akong mukha, alam ko kilala ako ng kaniyang puso.
Pero naawa din ako sa kanya kapag umiiyak siya dahil iniisip niya na niloloko niya ang taong mahal niya. Alam kong ako ang mahal niya dahil sinabi niya sa akin. Noong una, nagselos pa ako kasi akala ko ibang tao. Pero nang malaman kong ako pala ang tinutukoy niya, napuno ng galak ang aking puso. Sobrang saya ko dahil mahal din pala ako ng mahal ko. Kaya naman paunti-unti akong nagpakilala---nagpakita. Noong una, boses ko lang ang naririnig niya at malabo ang mukha ko. Mula noon ay mas naging bukas na siya sa akin. Gusto niyang lumabas, pero hindi maaari pa ng panahon na 'yon. Kaya buong taong sa kwarto niya namin ginawa lahat. Bata pa noon si Kaela kaya wala pang kamuwang-muwang. Hanggang nito lang, dahil kailangan ko siyang sanayin, para sa sarili niya at sa anak namin. Nagpakita na nga ako. Mas naging pursigido siyang magsanay.
"Anak, kailangan mong mag-ingat ha? Mag-ingat kayo," sabi ni ina habang hindi pinansin ang sinabi ni Kera. Alam ko na alam niyang mate ko ang katagpo ko base sa amoy. Iisang amoy lang ang naamoy niya, pero si Kera ay hindi kayang maamoy 'yon dahil sa sobrang unti. Hindi tulad ni ina. Malakas kasi na bampira si ina kaya walang kahirap-hirap niya itong naamoy, habang si Kera ay hindi pa ganoon kalakas.
Tumango ako kay ina, humalik ako sa kaniyang pisngi at yumakapa sa kanya. Mahal na mahal ko ang ina ko kaya ayaw ko siya ma-disappoint sa akin. Gagawin ko ang lahat para maipagmalaki niya ako, kahit sabihin mang hindi niya ako totoong anak.
"Hindi sa pinagbabawalan kita. Mahalin mo ang tinakda sayo at huwag mo siyang lolokohin. Pero mag-ingat kayo." Bulong ni ina. Hindi ko alam pero ayaw niya iparinig sa iba, na akala mo ay may nakikinig. Hinigpitan ko na lang ang yakap ko kay ina para iparating na naiintindihan ko. "Maligo ka muna at magpalit. May pag-uusapan tayo." Pautos niyang sabi. Tumango ako at sinunod ang sinabi ni Ina. Nilampasan ko lang si Kera na ayaw paawat sa panunukso sa akin. Makakaganti din ako pag nag mahal na siya.
Pagdating sa kwarto ay naghubad na agad ako. Wala naman iba pang tao dito sa bahay maliban sa dalawa kaya ligtas akong maghubad. Pero hanggang ngayon, hindi ko pinapakita kay Kera ang peklat sa likod ko. Sinusubukan ko pa kasi hanggang ngayon na itago ito. Alam ko witch ang makakatulong sa aking gawin 'yon, kaya lang mahirap akong magtiwala sa ibang tao. Kaya, kahit may nakilala na ako, hindi ko pinagawa. Hindi ko alam kung ano ang maari nilang gawin pag may pera na nahalo ang usapan.
Hubo't hubad akong pumasok sa banyo at bumungad sa akin ang repleksyon ko sa salamin.
Sa nakilipas na taon, maraming nagbago sa akin. Ang blonde kong buhok na dati ay maiksi, ngayon ay umabot na sa pang-upo ko. Ang mata ko ay naging kulay pilak na ng tuluyan, kumikinang talaga ito tulad ng isang totoong pilak Naging mas maputi at mas makinis ang balat ko na dati ay may pagkakulay lupa dahil sa pagbilad sa araw. Tumangkad din ako ng isang dangkal, kaya halos ng mga babae ay naiilang sa tangkad ko. Mas nagkalaman na din ang katawan ko na dati ay buto't balat, na isang ihip na lang ng hangin ay puwede na akong tangayin. Nagbago ang hugis ng katawan ko. Lahat halos ay nagbago.
Ang may pinakamalaking nagbago, ay ang mukha ko. 'Yong dating nakangiti kong mga labi ay wala na. Ang kumikinang na mata dahil sa galak at saya ay wala na rin. Napalitan na ito ng isang mukhang halos walang emosyong makikita. Ang mas malala, ay parang nakatingin ka na lang sa balong malalim na walang tubig kapag tumingin ka sa mga mata ko. Matang walang kabuhay-buhay. Ito ang nakikita ng karamihan.
Pero, sa hindi alam ng karamihan. Naiibabalik ko ang dati kong pagkatao kapag kaharap ko si Joahn at si Kaela. Sila ang liwanag ko sa madilim kong mundo, sila ang buhay ko sa patay kong pagkatao at sila ang puso ko simula ng nawala ito. Sila ang lahat sa akin.
"Anak, pakibilisan." Rinig kong sabi ni ina. Alam kong bulong lang 'yon pero ang linaw sa pandinig ko. Importante ata talaga ang sasabihin niya kasi minamadali niya ako. Kaya naman nag-shower lang ako ng mabilisan at nagpalit ng panibagong damit. Naglagay na rin ako ng pabango kung sakali mang may natira pa sa amoy ni Joahn ay maitago ito. Napakasensitibo kasi ng ilong ni ina pero hindi ng katulad sa akin na kahit gaano man kalayo, naaamoy ko. Wala pa ring nakakaalam sa mga kakayahan kong iyon.
Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas ako at pinuntahan si ina sa harden niya. May araw na kaya siguradong tulog na si Kera. Lumapit ako kay ina na nakaupo sa upuang nandoon, sa harap niya. Papasikat pa lang ang araw kaya doon siya nakatingin. Alam kong gustong-gusto niya 'yon. Sinisimbulo ng pagsikat ng araw ang bago umaga, bagong pag-asa.
"Anak," panimula niya pagkaupo ko at hinarap na rin ako sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Mag-ingat kayo ha? Alam ko kung ano mo ang palagi mong binabalik-balikan dito. Alam ko rin na hindi siya kauri natin, kaya alagaan at bantayan mo sila o hindi kaya iwasan mo. Pero sa katigasan ng ulo mo?" Tapos ngumiti si ina na mapanukso. "Hindi mo gagawin iyong huli, kaya naman mag-ingat ka sa pakikipagkita sa kan'ya. Baka masundan ka nila, ayaw kong pati ikaw ay mawala." Kita ko ang pagiging malamlam ng mata ni ina. Nakita ko na ang nakaraan niya, at palagay ko ang kinakalungkot niya ngayon ay naalala niya ang alaala niyang hindi ko makita. Kung saan ang parteng pinakatatago-tago niya. Gusto kong malaman kung ano iyon, pero alam kong wala din siyang alam. Sinadyang burahin iyon para kahit siya ay hindi makaalam. Pero hindi mabubura ang emosyon kasama ng ala-ala. Maaring nabura ang tagpo na iyon sa kaniyang utak, pero hindi ang lungkot sa kan'yang puso.
"Alam ko malakas ang pandama mo," tinutukoy niya ay ang katulad sa kanya, "pero hindi lang naman ang bampira kalaban mo. Minsan nagbabayad sila ng witch para gumawa ng trabaho. Mas madali kasing makatago ang witch kaya mag-ingat ka baka... at baka gumamit sila." Patuloy niya habang nakatingin sa mukha ko at hinahaplos ang kamay ko na hawak niya. "Kung kailangan mo ng tulong, h'wag ka mahiyang lumapit sa akin. Ayaw ko ng maulit ang dati na wala akong magawa para kalabanin ang ama ko. Hindi ko hahayaang mangyari ulit 'yon." Sinabi niya 'yon, pero nagtataka naman siya kung ano ang dapat na hindi mangyari ulit.
"Ina," 'yan lang ang nasabi ko kasi tagos talaga sa puso ang sinabi ni ina. Mahal niya talaga ako kahit hindi niya ako anak. Naalala ko din anak ko, sana napadama ko din sa kanya ang pagmamahal ko.
"Basta mag-iingat ka para hindi sila mapahamak ng pamilya niya." Nakangiti niyang sabi kaya tumango naman ako. Tama naman kasi si ina. Hindi niya ako babalaan kung hindi mahalaga.
Pero kita ko sa mata niya na may sasabihin pa siya. "Ano pa 'yon ina?"
"Mag-aaral ka ba ngayong taon?" Tanong niya na pinagtaka ko. Ang layo kasi sa usapan namin kanina. Mukhang naisingit lang o binali niya lang ang topiko para mabaling sa iba. Hindi ko alam. Nasabi ko na rin kasi noon na mag-aaral ako, hindi ko alam kong nakalimutan niya o gusto niya lang makompirma. Tumango na lang ako bilang sagot. "Pwede ka bang mag-aral dito? Kaya mo naman hawakan ang negosyo mo doon kahit nandito ka, diba?"
Tama si ina. Kaya ko naman pagsabayin lahat ng walang kahirap-hirap. Halos hindi naman ako natutulog, na hindi naman namin kailangan, maliban lang talaga sa mga bampirang nasisilaw sa araw kaya natutulog sila sa umaaga.
Noong una, halos hindi ko matagalan ang araw pero nasanay na rin ako. Basta hindi ako tumitingin ng direkta sa araw, maayos lang ang paningin ko. Kahit naman ata tao, hindi makatingin ng direkta sa araw, kaya natural na ito.
"Bakit ina?" Alam ko may iba pa siyang dahilan o may iba pang bumabagabag sa kan'yang isipan. Hindi ko man kilala ng lubusan si ina, kita ko sa mga mata at ekspresyon ng mukha niya na may iba pang dahilan.
"Hindi talaga ako makakapagtago sayo ano?" Sabi niya na umiling pa at ngumiti siya sa akin ng napakatamis, tinitigan ang mukha ko bago nagsalita. "Kailangan ka ng kapatid mo anak." Sa wakas nasabi na nga ni ina. Napakurap-kurap pa ako dahil doon. Nabigla man ako, pero may tuwa akong naramdaman. May galak na bumalot sa puso ko. Hindi ko man siya nakita, pero kilala siya ng puso ko. Na parang nagkita na kami lalo na't may imaheng lumabas sa balintataw ko.
Pero napaiisip ako, saan naman niya ako kailangan? "Bakit po?" Alam na ni ina ang tanong ko.
"May nagtangkang pumatay sa kanya," at ng marinig ko iyon, hindi ko mapigilang huwag magalit. Ibang tunog ang lumabas sa bibig ko. "Huminahon ka anak. Ayos naman siya kasi dumating ang kaibigan niyang witch. Niligtas siya nito, pero mas mabuti na rin kung ikaw ang magbantay sa kanya. Ayaw kong maulit ang nangyari, tinambangan nila sita habang pauwi." Hinigpitan ni ina ang hawak sa kamay ko, ibig sabihin lang ay pinapakalma ako. "Hindi siya katulad mo, Liana. Hindi siya sanay makipaglaban, mas gusto niyang humawak ng libro kaysa sa espada. Mas magaling siya sa mga salita kaysa sa pakikipagbuno. Kaya nababahala ako anak, lalo na't may pananakot na itong natatanggap." Kahit ako na bahala din noong sinabi ni ina iyon. Mayro'n sa sarili ko na gusto ko siyang protektahan. Kapatid ko siya kahit ano man ang mangyari.
"Ano gagawin?"
"Samahan mo lang siya, anak. Alam kong magkakasundo din kayo, mabait din na bata ang kapatid mo. Malakas ang pandama mo kaysa sa pankaraniwang bampira na bantay niya kaya pag ikaw, mas malalaman natin kung sino ang kalaban. Sayo ko iiwan si Craselda dahil alam kong hindi mo siya pababayaan." Nakangiting sabi ni ina na hindi binibitawan ang isa kong kamay.
Tumingin lang ako sa kanya at pinatong ang isa kong kamay sa kamay niya sabay pisil doon. Nakuha naman ni ina ang gusto kong iparating kasi mas lumawak ang ngiti niya. Kita ko ang saya ni ina. Gusto kong pangalagaan lahat ng nagpapasa sa nanay ko.
Ito na ang tamang panahon para sa totoong mundo. Ang tamang panahon para masanay ako sa kasalukuyan. Ang pagkakataon para harapin ang kinaiinisan ko.
Lumapit ako kay ina at umupo sa tabi niyang upuan bago siya niyakap ng patagilid. I really love her motherly warmth and scent. It really calm my nerves, close to what my mate can give. Even Kaela can calm me even though I know she's not mine by her scent.
"You should be prepared. You will meet my father and husdand soon. I don't know what their reaction will be but keep in mind, mother is just here, I'll never leave you again." Sabay yakap sa akin. Pero halata ko may ibang meaning ang sinabi ni ina at hinayaan ko na lang iyon. Basta ang importante kasama ko siya.
Pagkatapos ng usapan na 'yon ay magkasama kami ni inang nagluto. Mabuti na lang at hindi na naman siya tinawag ng asawa niya kaya nakasama ko siya buong araw kaya masaya ako.
Napag-usapan na rin namin kung saan kami titira ni Craselda habang may ginagawa. Si ina na daw bahala sa lahat. Sa kan'ya na lang daw namin iasa ang lahat ng kailangan sa pagpason namin.
Sa kabilang probinsya daw kami mag-aaral ang kapatid ko. Ang huling nag-aral daw si Craselda doon ay anim na pong taon na nakalilipas. Tama lang iyon at walang nakakikilala sa kanya.
Natapos ang buong araw na masaya ang ina ko. Masaya na akong makita siyang masaya. Gusto ko man dalawin sila Joahn ay hindi naman pwede. Kaya kinagabihan ay tumuloy na ako sa pag-uwi sa mansyon ni Master.
Tulad ng dati, umakyat ako sa punong pinakamatas na alam ko sa lugar namin bago ko pinalabas ang pakpak ko. Medyo natagalan pa ako kasi ramdam ko na may sumusunod sa akin. Kaya napilitan pa akong umuwi ulit sa bahay ni ina at nilito ang nakabantay sa akin. Salamat naman at nakatakas ako sa kan'ya. Kaya halos hindi ako lumalabas ng bahay para walang makakita sa akin, pero nakita pa rin ako. Bahala siya mag-isip kong paano ako nakaalis, hindi niya naman ata maiisip na lumilipad ako. Ang mas maiisip niya, may kasama akong witch na pwedeng mag teleport sa akin.
Papaliwanag na ng nakarating ako sa mansyon. Patulog na ang bampira at gising na ang tao para mag-umpisa ng araw nila.
Hindi ko na sila pinansin pa, sanay na silang lahat sa akin. Diretso lang ako sa silid ko at nag-umpisa ng mag-empake. Alam ko nasabihan na ni ina si Master kaya mabuti ng handa.
Marami pa akong gagawin sa opisina, kaya naman mabuti na itong handa ang gamit ko. Mga hindi ko naman ginagamit sa araw-araw ang nilagay ko sa isang maleta at sunod na naman ang iba.
Nahiga ako sa kama at iniisip ang isang importanteng bagay. Kung sino ang mamahala ng kompanya ko dito na mapagkakatiwalaan. Lalong wala akong kaibigang bampira. Pero, kailangan ko nga ba ng bampira?
Kaya isa lang ang pumasok sa isip ko, malaki ang tiwala at alam kong loyal siya sa akin. Napatunayan ko 'yon sa loob ng apat na tao. Sa dami ng pagsubok ko sa kaniya, walang hindi siya nalagpasan. Loyalty and trust. 'Yan ang puhunan niya lang.
Si Rhodora.
Tama, siya ang pagkakatiwalaan ko dito. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at kinausap siya.
Bumaba ako ng kama at lumabas sa silis na inuukopa ko. Tanghali pa lang, siguradong kumakain pa lang sila ngayon. Ayaw ko namang makaisturbo ng pagkain nila, pinili ko na lang na maupo sa hardin sa labas.
Napakaganda at napakaaliwalas ng hardin. Alagang-alaga ito ng mga tao, ayon na rin sa utos ni Zoyla. Minimintina nila ang pag-aalaga ng mga halaman dito. Sinisigurado nilang gano'n at gano'n pa rin ang bulaklak na tumutubo dito dahil ang amoy ng mga bulaklak dito ay naayon lang sa pang-amoy ng mga bampira. Hindi puwede ang may matatapang na amoy baka kasi makasama sa kalagayan namin. Kaya ito, mas maganda dahil tama lang ang amoy.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Ilang ulit ko rin iyon na ginawa. Nakakapagpakalma siya.
"Liana." May bumasag sa aking pagmuni-muni. Kilala ko na agad kung sino ito. Hindi ko na pala siya dapat na tawagin pa. "Nandito ako dahil gusto kong magpaalam." Sabi niya kaya napatingin ako sa kan'ya. "Ngayong nakapagtapos na ako, puwede ba akong magtrabaho sayo?" Panlilinaw niya. Bakas pa sa kan'yang mata ang galak at saya. Nagpapahiwatig na gusto niya talagang magtrabaho sa akin.
Noon pa man, nakikita na ni Rhodora ang ginagawa ko. Minsan pa nga ay siya ang inuutusan ko, na nagagawa niya ng maayos. Ngunit tao pa rin siya kaya pinapasamahan ko ng tauhan ko. Tauhan ko na ako mismo ang sumanay.
"Good. You'll be my secretary. No need for application letter, I already made a contract. You just need to sign it." Sabi ko at pumikit ulit.
"Really?" She was so happy.
"I'm going home. You will handle the business here and report everything to me. I'll assign someone to hell you." Sabi ko pa at huminga ng malalim.
"B-but..." naririnig ko ang pagdadalawang-isip niya. Hindi niya ata naisip na iyon agad ang gagawin niya.
"I already taught you everything you need to know. I trust you." 'Yon lang ang sinabi ko bago ako tumayo at imiwan siyang nakatayo lang doon. Para siyang naging estatwa dahil hindi makapaniwala sa narinig.
Maari kong iwan sa mag-asawa ang negosyo ko, pero may sarili din silang pinapatakbo at minsan inuutusan sila ni ina. Kaya mas mainam nang iba ang maging katuwang ko dito. Sa akin pa rin naman babagsak ang lahat.
Nqpagbasyahan ko na lang na lumabas. Gusto kong bumili ng ilang gamit na puwede kong madala.
Isa pang nasa isip ko, palagi ko na silang makakasama pag-umuwi na ako. Excited na talaga ako.
Makakasama ko din kayo Kaela at Joahn.