Chapter 7

3759 Words
Hindi ko alam ang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay. Hindi na kinaya ng katawan ko ang pagod at pagkaubos ng dugo. Sa aking pagdilat, nakadapa ako at nakalaylay ang pakpak ko. Iba na ang damit ko, may nakakabit na karayom sa braso ko para sa dugo, malinis na rin ang silid ko. Wala ng basag na salamin, pinalitan na rin nila ang higaan ko at umaga na. Hindi ko lang alam kung ilang oras akong natulog, pero parang pagod pa rin ako at kulang ang pahinga ko. "Gising ka na pala anak." Sabi ni ina na kapapasok pa lang. May dala itong mga papel na hindi ko alam kung ano. Nakasunod naman sa kanya si Zoyla na palagay ko ay sila lang ang nakakaalam sa nangyayari sa akin. May dala si Zoyla na tray na may lamang karne at dugo batay sa naaamoy ko. Mas lumakas ang pang-amoy ko kasi kahit hindi nila sabihin, pinalibutan nila ng bulaklak ang sa labas ng silid ko. "Inomin at kainin mo muna ito, alam kong marami kang tanong." Sabi ni ina na nilapag ang dala at kinuha ang tray kay Zoyla. Dahan-dahan naman akong umupo. Nanunuyo ang lalamunan ko at nagugutom na rin ako kaya hindi na muna ako nagsalita. Kukunin ko sana ang pagkain pero hindi pumayag si ina dahil gusto niya akong alagaan at pakainin. Kaya naman dahil wala akong magawa, umayos na lang ako ng upo. Ginagalaw-galaw ko din ang pakpak ko para h'wag naman ito ma-stock, lalo na para maigalaw ang ugat-ugat ko doon. Sa bawat subo ni ina sa akin ay gumagalaw din ang pakpak ko pero sinisigurado kong wala akong matamaan, may sakit at nangingilo pa rin ako nararamdaman pero hindi na tulad ng una. Para akong bata na naglalaro habang pinapakain ng ina. Pero wala namang pumansin doon kaya tinuloy ko pa rin. Pinakain ako ni inang Victoria hanggang naubos ko ito at ininom na ang dugo. Si Zoyla ay nandoon lang sa kwarto na parang may binabasa na kung anong lumang libro. Si ina ay ngumiti bago kinuha ang dala niyang papel pagkatapos kog kumain. Batay sa nakikita ko, reports iyon sa mga negosyong hawak ko, charities, at mga sarili kong negosyo. "Ilang araw na po akong tulog, ina?" Hindi ko na mapigilang huwag magtanong. "Tatlong araw pa lang, pero hindi ko maisip na ganito na agad ang papel na kailangan mo pag-aralan sa gano'n kaikling panahon. Kaya tutulungan na kita." Nakangiti na naman siya. Parang wala siyang problema dahil sa pagiging masaya niya. "Ano po ako, ina?" Tanong ko sa kan'ya na nagpawala ng ngiti niya. Humarap siya sa akin, huminga siya ng mailalim bago nilapag ang papel at lumapit sa akin ulit. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mata. "Isang uri ng bampira na malalakas. Kasabay sila ng pure blood at ng lycan na nag-exist. Sila ang may pinakapurong dugo ng bampira." Kita ko din ang lungkot sa kanyang mga mata. "Pero ikaw na lang ang naiiwan sa kalahi mo. Hindi pa tamang panahon para malaman mo kung paano mo nakuha, pero kailangan ka naming itago. Itago ang tunay mong pagkatao." Paliwanag niya at inabot sa akin ang aklat na binabasa ni Zoyla kanina. Tiningnan ko lang siya kung ano iyong libro. Sininyasan niya akong buksan ko, at doon tumambad sa akin ang mga larawan na katulad ko. Mapababae man o lalaki. Mga kailangan kong pag-aralan. "May nagbigay sa akin niyan, na bubuksan ko lang kung kinakailangan. Kaya namin binuksan 'yan para malaman namin ang dapat gawin, at binasa na rin ni Zoyla ang kailangan mo lalo na kung magkasugat ka. Pero hindi namin pinakialaman ang dapat na ikaw lang ang nakakaalam. Diyan sa libro mo malalaman kung ano ka. Pero tulad ng sabi ko kanina, tayong apat lang dapat ang makakaalam nito. Dahil-" at huminga ito ng malalim na parang ang hirap ng sasabihin niya. "Dahil pinapapatay lahat ni ama ang mga katulad mo kaya ikaw na lang ang isang nabubuhay." Puno ng pag-aalala niyang sabi at hinawakan pa ng mahigpit ang kamay ko na parang ayaw akong mawala. Tumingin lang ako sa kanya na nagtataka. Parang naintindihan niya naman ang gusto kong sabihin. Hindi man ako magsalita, pero sa kay ina ay nagpapakita ako ng kahit kaunting emosyon na sa mata lang makikita. "Hindi kita kayang ipagkanulo kasi anak kita. Saka, hindi ako naniniwalang ang lahi niyo ang magiging dahilan ng pagkaubos ng bampira. Alam kong binayaran nila ang seer para sabihin iyon kay ama pero ng sinabi ko sa kan'ya ay hindi siya naniwala. Mas pinaniwalaan niya ang ibang tao, kaya naman, ayaw kong pati ikaw ay kunin din nila. Kaya, hangga't maaari, itago mo ito sa lahat huwag ka magpakita kahit kanino, kung lilipad ka siguraduhin mong walang may makakakita. Hindi natin alam kung sino ang pwede pagkatiwalaan." Mahabanag sabi ni ina. Tumango naman ako kasi hindi ko din naman siya kayang suwayin. Tumingin din ako kay Zoyla kasi parang may sasabihin siya. "Ang dinahilan ko ng pagwawala mo at ang sigaw na ginawa mo ay lumabas na ang vampire side mo. Ngayon lang ito lumabas, at hindi sila magtataka kasi dugo ng prinsesa ang dumaloy sayo, ibig sabihin hindi ka agad magbabago hindi tulad ng ibang turned vampire. Kahit sabihin pang turned vampire ka, dugo parin ng nakakataas kaya natural lang na huli ang vampire side nagpakita pero nandoon na ang lakas at bilis mo. Mas mabuti na ganoong alibay lalo na't ang lakas ng puwersang nagmumula sayo." Sabi nito at yumuko na nga. Alam ko kanina niya pa nilalabanan ang pagyuko sa akin. "At isa pa anak," agaw pansin ni ina at hinaplos ang pakpak ko. "Pag-aralan mo itong itago at pagpatuloy mo ang pagsasanay. May mas malaki pang dadating." Makahulugang sabi ni ina bago bumalik sa lamesa niya kanina at binalikan ang papel habang si Zoyla ay lumabas na. Ako naman ay inumpisahan kong basahin ang libro habang mas ginagalaw ko ang pakpak ko at sinusubukang ibalik sa likod ko ng paunti-unti na kahit may kasakitan ay nagagawa ko naman. Katahimikan ang bumalot sa amin ni Ina na may kanya-kanyang ginagawa. "Master, visit mother." Paalam ko kay maestro dahil wala naman kaming training ngayong gabi dahil may gagawin daw siya. Magdadalawang buwan na ang lumipas simula ng lumabas ang mga pakpak ko at nakilala ko ang pagkatao ko. Ayaw ko pa maniwalanang una, pero ng nabasa ko lahat ng impormayon sa libro na binigay ni ina, naunawaan ko na. Nag-insayo ako pero kadalasan doon sa himpapawid na maraming ulap para hindi ako makita nino man. Kung minsan ay pumupunta ako sa dagat para mas malawak ang malipad ko at matiwasay. May nakita ako doong rock formation at doon ako nag-iinsayo. "Nagpaalam ka ba sa mahal na Prinsesa?" Tanong ni Maestro habang inaayos ang bag na dadalhin. Nandito kami ngayon sa office niya kaya ayos lang kung mag-usap kami. "Yeah," maiksi kong sagot. Tatango lang sana ako pero hindi naman siya nakatingin sa akin. "Okay. Ikaw ang bahala pero mag-ingat ka. Nandoon ang kalaban." Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya at umalis na lang habang siya ay patuloy parin sa pag-ayos ng gamit na dadalhin niya ata sa kanyang pupuntahan. Hindi ko alam kung saan, at hindi din naman ako nagtatanong. Wala na akong gagawin pa kasi ginawa ko na lahat kanina pero gusto ko maligo at magdala ng dapat kong dalhin. Pero isang bagay ang hindi ko dinala---dugo---para hindi maamoy ng ibang bampira. Baka mapaaway pa ako sa dugo, pero kung wala, hahayaan na lang nila akong dumaan. Hindi ko pa nasusubukang umuwi na gamit ang pakpak ko, pero sa loob ng buwan na pag-aaral paano lumipad ay pinag-aralan ko din ang dapat kong daanan pauwi sa bansang aking kinagisnan. Mula din naman sa taas ay nakikita ko nang malinaw ang lupa kaya mabilis na lang ito kung susundan ko ang rota na pinag-aralan ko. Nagpaalam na rin ako kay Zoyla gano'n din kay Rhodora na naging kaibigan ko din naman. Hindi ko nga lang sinabi kung saan ang punta ko talaga at hindi naman ako nagsasalita. Kumaway lang ako sa kanila bago ako mabilis na tumakbo paputang gubat. Wala dito halos lahat ng mga kabataang bampira dahil nag-aaral sila kaya madali lang ito, walang makakakita sa akin. Malakas din ang pandama, pang-amoy at pandinig ko na umaabot ng limang daang metro o higit pa kaysa sa ordinaryong bampira na ilang metro lang. Kaya mararamdaman ko agad kung kailangan ko bang mag-ingat o magtago. Nang makarating ako ng gubat, umakyat agad ako ng puno at doon ako dumaan. Tumalon ako sa bawat sanga hanggang narating ko ang pinakamataas na puno, at 'yon ang inakyat ko hanggang dulo. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang buong siyudad kung nasaan kami ngayon. Halos wala ka ng makikitang tao at medyo may kadiliman na din. Mas umaayon sa akin ang gabi para sa pag-alis ko. Hinubad ko ang pinaibabaw kong damit pang-itaas para maiwan ang damit kong panloob. Isang itim na damit na bumabakat sa buong pang-itaas kong katawan, pero ginupit ko ang parte na pwede labasan ng pakpak ko at sinadya ko para talaga doon. Pumikit ako at sinamyo ang hangin at pinuno ang baga ko ng hangin bago nag-concentrate sa paglabas ng pakpak ko. Kasabay ng pagbuga ko ng hangin at siya ding paglabas ng malaki kong pakpak. Noong unang dalawang linggo ay hirap na hirap pa akong magsanay gamit ang pakpak ko. Masakit siya at nakakangilo ang bawat galaw ng buto ko. Sa paulit-ulit kong paggamit ng pakpak ko, sa tagal at palagi kong pagpapalabas, ay nasanay na rin ako at nawala na iyong ngilo sa paggalaw ng buto. Nagiging madali na din ang paglabas niya sa katawan ko. Pinagaspas ko ito hanggang umangat ako ng kaunti. Mula sa itaas, nagpabulusok ako pababa; nakatupi ang pakpak ko sa likod at ramdam ko ang hangin na humahampas sa aking mukha. Bago pa man ako tumama sa puno na mabababa, binuka ko na ang pakpak ko at lumipad. Natutunan ko na din na pakpak lang ang ilabas at hindi kasama ang mata, ngipin at kuko ko. Salamat sa aklat na bigay ni ina at marami akong nalaman. Nalaman ko din paano makipaglaban na gamit ang pakpak ko at hindi nakakasagabal. Ginagawa ko din advantage 'yon para mas madaling salakayin ang kalaban. Sa ngayon, sabi ni maestro ay nasasabayan ko na daw siya pero ang gusto ko ay mahigitan pa siya. Hindi ko alam, pero sa loob-loob ko gusto kong yumukod ang lahat sa akin. Hindi ako gahaman sa kapangyarihan, pero ang vampire side ko ay gusto niyang nakakataas siya kanino man, wala mang sinasabi pero inuudyok niya akong gawin 'yon. Gusto kong galangin at katakutan nila ako pero nandoon parin ang paggalang at pagmamahal nila sa pinuno nila. Pero hindi pa ngayon, kailangan ko pang magpalakas. Mabilis ang pagpagaspas ko ng aking pakpak na hindi nagtagal ay nasa gitna na ako ng dagat. Wala akong makikita na siguradong mawawala ako kung hindi ko ito pinaghandaan. Wala man ako makikita, pinag-aralan ko naman ang pwesto ng mga bituin... at sana tama ako sa pagkalkola ko. I spread my wings much wider and fly faster. I kept on flying until in a few minutes, I saw a land. Walang masyadong ilaw dahil gabi na. Siguradong tulog na ang lahat ng mga tao. Alam ko medyo malayo pa ako pero ayos lang, kaya kong lumipad kahit malayo. Mula dito sa taas, kita ko ang mga eskulturang kasing tanda ni ina at maestro. Ang alam ko, si ina ay apat na daang taon ng nabubuhay habang mas matanda ng 'di hamak si Maestro, kaya naging kawal siya mg dating reyna ng bampira. Si lolo ang pinakamatanda na nasa anim na daang taon na. Nakita pa daw nila ang pure blood na noon ay limang daang taon na ang tanda ng bunso bago ito nawala. Habang ilang taon pa lang noon si ina, kaya sobrang tagal na din. Nakikita ko din dito ang pangyayari sa baba. May ilang bampira ang naghuhunting habang ang iba naman ay abala sa kani-kanilang gawain. Dahil mataas ang kinalalagyan ko, alam kong hindi nila ako mararamdaman at kung maamoy man ay hindi nila malalaman kung nasaan. Hinayaan ko na sila at pinagpatuloy ang pag-uwi. Mas naisip ko na doon bumaba sa punong mataas na palagi kong pinaglalaruan ng bata pa ako. Hindi ko alam pero parang ang halaga ng puno na iyon sa akin simula ng bata pa ako. Hindi na nagtagal pa ang paglipad ko at narating ko ang lugar. Mahigit kalahating oras din ang nilipad ko pero hindi naman ako napagod kasi nasanay na ako na mas higit pa doon ang tagal ng paglipad ko; mas mabilis, mas matagal at mas magalaw ang training ko. Nag-concentrate ako ulit para maipasok ang pakpak ko. Mayroon akong peklat na malaki kaya palagi kong tinatago ang likod ko kasi baka maghinala ang iba. Kadalasan sa mga bampira, walang peklat na makikita, maliban lang kung gawa ito ng espadang gawa sa tinatawag nilang 'silver'. Tinupi ko na ang pakpak ko, at sa bawat tupi ng pakpak ko parang nababali din ang buto ko. Masakit noong una pero nasanay na rin ako. Pagkatapos ay bumaba na ako at patakbong pumunta sa rest house ni ina, kung saan siya naghihintay. Namimiss ko na siya kaya naman binilisan ko lalo. Nang makarating ako, hindi na ako nag-aksaya pang buksan ang gate ng bahay. Tinalon ko na lang ito at sinalubong ng yakap si ina na nakatayo sa harden sa harap ng bahay. Tumawa naman itong yumakap sa akin. "Na-miss ako ng anak ko, hmm?" at hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. "Namiss din kita anak," nakangiti niyang sabi. Kahit hindi ako nakangiti, alam kong kita ni ina ang saya sa mga mata ko. Lalo na ang mahigpit kong yakap. Dalawang linggo kaming hindi nagkita kaya hindi ko din mapigilang huwag siya ma-miss. "Ako kaya, kailan mayayakap?" Nakangiting pa rinig ni Kera. Natawa naman si ina na bumitaw sa akin kaya nilapitan ko na si Kera at binigyan ng yakap. Dahil hindi ako nagsasalita, si Kera lang ang panay kwento habang papunta kami sa hapag. Nakikinig lang ako gayo'n din si ina at natatawa paminsan-minsan. Pero alam ko, sa mga ngiti niyang 'yon, may problema siyang dinadala. Ayaw ko naman siyang pilitin para lang sabihin iyon sa akin. Basta mapakita kong mahal ko siya at mahalaga siya sa akin. 'Yan lang ang kaya kong ibigay sa ngayon, 'pag malakas na ako doon na lang ako gagalaw para makalaya siya. Kumain kami na si Kera pa rin ang salita ng salita. Hanggang naputol iyon ng biglang tumayo si ina. "Kailangan ako ngayon ng asawa ko. Pasensya anak, tinatawag niya ako." Nakangiti siya pero alam kong nalulungkot din siya. Wala naman akong magawa kaya naman tumango na lang ako kahit nag-aalangan pa ako. Umalis na agad si ina pero hinalikan niya muna ako ulit sa noo bago siya tuloyang umalis. Pinagpatuloy namin ni Kera ang pag-uusap... I mean, siya lang pala. Gising na gising ngayon si Kera kaya ang daldal. Ayaw ko man siya barahin, pero gusto ko talagang pumunta sa magulang ko. "Oh, saan sa pupunta?" Nagtataka niyang tanong ng bigla akong tumayo. Tumingin ako sa kanya at nagsalita. "Cemetery," 'yon lang ang sinabi ko. "Sama ako!" Mabilis niyang sabi na pasigaw pa pero umiling ako. Hindi na ako naghintay pa sasabihin niya at umalis na lang. Hindi niya kayang humabol sa akin kaya siguradong hindi na iyon hahabol pa. Alam niya namang kaya ko ang sarili ko. Nang makarating ako sa sementeryo, ang sarap agad ng pakiramdam ko. Miss ko na rin sila pero masaya na rin ako dahil alam kong nasa ligtas na silang lugar. Masaya na sila kung nasaan man sila ngayon. Naupo ako sa damuhan at tahimik lang na pinakiramdaman ang buong paligid. Ang bituin at ang malamig na hangin ang kasama ko. Napakatahimik na gustong-gusto ko ang ganitong katahimikan. Pumikit ako at sinamyo ang malinis na hangin pero may kakaiba akong naamoy na siyang kinakunot ng aking noo. 'Yong amoy ng mate ko na kahit kailan ay hindi nawala sa isip ko. Doon ko na lang din napansin ang sobrang tuyo nang bulaklak. Pero ang amoy niya ay nanatili lang doon sa bulaklak. Salamat naman at hindi ata umulan kaya hindi nawala ang amoy. Isa pa sa pasalamat ko, salamat sa kan'ya at dinadalaw niya ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung sino siya pero napakabuti niya at nalilinis niya din ang libingan ng mga magulang ko. Siguradong hindi siya isa sa kapit-bahay namin dati kasi wala naman pakialam sa mga magulang ko ang kapit-bahay namin. Magaling lang sila magpuna ng mali ng ibang tao, pero ni minsan ay hindi kami pinansin, maliban lang kung may kailangan. Napaisip ako bigla, kung... siguro naman, kahit silip lang pwede kong gawin, hindi ba? Kaya walang pagdadalawang isip na sinundan ko ang amoy. Naglakad lang siya sa madamo at maliit na daan. Hinawakan niya ang damo na nag-iwan ng amoy niya hanggang ngayon. Kahit napakaliit lang ng naiwang amoy, amoy na amoy ko pa rin iyon dahil mas matalas ang pang-amoy ko. Delikado ang lugar kung mag-isa ka lang pero kinaya niya para madalaw ang magulang ko. Nagpataba ito ng aking puso. Mabilis akong naglakad hanggang tumigil ang amoy sa highway kung saan pwede pumara ng masasakyan. Lumipat ako sa kabilang kalsada para alamin kung saan ang punta niya. Sa pamamagitan ng amoy, napag-alaman kong sa kabilang bayan ang punta niya. Isa din kasi sa tinuro ni maestro ang man-track ng isang tao, kahit anong uri man ng nilalang, kahit simoy lang nito ang gamit mo. Walang pag-aalinlangang tinakbo ko iyon hanggang napadpad ako sa bayan nila. Hindi ito 'yong terminal na hinintuan namin dati kasi hiwalay ang teminal nila sa bilihan. Mas naamoy ko ang samyo niya sa paligid pero mas sa isang nakasiradong... tinadahan ata 'to. Hindi ko alam kung ano ito, basta isang stall siya para magtinda ng kung ano-ano. Pero imposibleng nandito siya. Kaya naman naglakad-lakad ako ulit at baka masamyo ko ang amoy niya. Mas mahirap siya matukoy kung saan dahil nagkakalat ang naiwan niyang bakas. Kalagitnaan na ng gabi pero walang pakialam na nilalakad ko ang bawat kalsada ng bayang ito, bayang 'di ko na pinag-aksayan pang basahin. Hangang naamoy ko na nga. Isang napakabangong amoy. Para siyang bulaklak na kakamukadkad pa lamang. Ang bango na gusto ko magpakalunod na lang doon. Ang bango at ang puro ng amoy. Sinundan ko ito hanggang napadpad ako sa isang bahay na may dalawang palapag. Gawa ito sa kahoy pero alam kong matibay siya. Tulog na sila batay sa katahimikan. Tatlong t***k ng puso ng taong mahimbing ang tulog. Maingat akong tumalon sa balkonahe kung nasaan ang amoy ng mate ko ang nagingibabaw. May kasama siya na nakatalukbong at parang gusto ko din itong makita. May ilaw pa pala ang silid niya pero hindi gano'n kaliwanag. Kaya nakikita ko ang pigura niyang mahimbing na natutulog. Walang ingay akong lumapit sa kama na kinahihigaan nila. Yumukod ako para magpantay ang mukha namin. Nagulat pa ako sa nakita ko, pero napangiti din ako kasi siya pala. "Hindi ko inakalang ikaw ang nakatakda sa akin. Pero kahit noong tao palang ako, iba na ang nararamdaman ko noong unang kita ko pa lang sayo." Bulong ko habang titig na titig sa maamo niyang mukha. "Nagkita ulit tayo." Siya lang naman ang nakabangga ko ng araw na 'yon sa bus terminal bago ako dinukot ng hayop na lalaki. Ang babaeng nagbigay sa akin ng kakaibang kiliti at kilabot noon. Ang babaeng alam ko ay may gusto na ako unang tingin ko pa lang sa maamo niyang mukha. Tinanggal ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa kan'yang mukha. Sobrang dahan-dahan para hindi ko siya magising. Hindi pa tamang panahon. "Sana mahintay mo ako at matanggap sa araw na magkita tayo ng tuluyan." Bulong ko ulit. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa pagtitig sa maganda at mala-anghel niyang mukha. Nagpapakalunod ako sa saya na nakita ko na siya. Pero lahat ng iyon ay naputol ng marinig ko ang iyak ng bata. Mabilis akong umalis at nagtago sa balkonahe. Gumalaw ang mate ko at pinailaw ang buong silid. Hindi ako makapaniwalang bata pala, na siguro nasa tatlo hanggang apat na buwan pa lamang, ang isang pintig ng puso na naririg ko kanina. Umiyak ito kaya nagising ang mate ko. Nang umilaw ang buong paligid doon ko pa mas nakita ito ng malinaw. Gusto kong maiyak ng makita ko kung ano ang mukha ng bata. Kamukha niya ito at hindi maipagkakailang anak niya ito. "Shh! Shh! Tahan na anak." Pagpapatahan niya dito. Sinubukan niya itong padedehin pero ayaw kahit sa pag-ele ay ayaw parin hanggang dumating ang isa pang babae na palagay ko ay nanay niya. "Anong nangyayari sa bata Joahn?" Sabi ng nanay niya. Joahn... Joahn pala ang pangalan niya na nagpangiti sa akin pero kasabay noon ay naramdaman ko ang tubig na tumulo sa mukha ko mula sa aking mga mata. Dahil nasasaktan ako sa kaalamang may anak siya at posibling may asawa na rin. "Hindi ko nga din alam ang problema ni Kaela, ma'. Bigla na lang po siyang umiyak." Nahihirapang sabi ni Joahn. Gusto ko siyang aluin pero hindi ko kaya ang sakit. Paalis na dapat ako ng muling nagsalita ang ina ni Joahn. "Akin na nga 'yan. Hindi mo alam kong paano mag-alaga ng bata pero kinuha mo parin ito ng binigay ng babaeng iyon." Binigay? Ibig sabihin? "Legal daw kasi 'yong papel, ma. Pinapaampon po talaga sa akin noong ina. Hindi ko naman mahindian ang maliit na anghel na 'to." Dahilan niya at sinamahan pa ng ngumiti na mas nagpaganda sa kan'ya. Hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti ko. Masaya ako sa nalaman. Pero palagay ko ay kailangang tulungan ko na siya para tumahan ang batang namumula na ang ilong. "Sleep my daughter. Mother is just here." Bulong ko sa hangin na ewan ko kung narinig ba ng bata. Pero kinagulat ko ay tumahan ito at ngumiti. Ang isa pang nakakagulat, nakatingin ito sa akin na akala mo ay nakikita ako. Humiga ito sa balikat ng lola niya na nakatingin parin sa akin. Pumikit ito at natulog ng tuluyan. "Hay, salamat naman at natulog na." Sabi ni Joahn at kinuha ang bata at pinahiga ng maayos sa kama. "O, siya. Matulog kana at marami pang gagawin bukas." Sabi ng kan'ya ina bago lumabas ng silid, siya na rin ang pumatay ng ilaw at naiwan na naman ang ilaw na hindi masyado maliwanag. Nakangiti ko na lang silang pinagmasdan. 'I will keep you all safe.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD