bc

Destined

book_age18+
1.1K
FOLLOW
5.4K
READ
revenge
dark
mate
powerful
brave
royalty/noble
gxg
mystery
vampire
royal
like
intro-logo
Blurb

I don't regret everything that happened to my life.

I don't regret those painful past that I've felt.

I don't regret all those suffering.

Becuse in the end.

It's all worth it.

Becuse I know that I will be with you at the end.

The one i'm DESTINED of.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hindi ko alam, pero kinakabahan akong ngayong araw na 'to. Hindi dahil aalis ako papuntang ibang lungsod para magtrabaho at iiwan ko ang aking magulang dito sa look namin, kami ay sakop ng probinsya ng Kalumpit. Kundi may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko mawari kung ano. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo anak?" Sabi ni nanay na bakas sa mukha ang pag-aalala. "Kaya nga anak. Kaya naman natin pag dito lang, hindi mo na kailangan gawin 'to." Segunda naman ng aking tatay. "Nay, tay, ang habol ko naman po doon ay ang makapag-aral ako. Diba po sa pasukan, papaaralin nila ako tiyang pero ngayon magtatrabaho ho muna ako sa kanila? Kaya ko po 'to kung 'yon po ang inaalala niyo. Ako pa ba?" Sabay labas ko ng aking braso para ipakita ang muscle ko na wala naman kasi sa payat ko. Natawa na lang sila sa ginawa ko; siguradong mangungulila ako sa mga ngiti nilang ito. "Palagi ka naming maaalala anak. Mag-ingat ka doon ha?" Sabi ulit ni nanay at niyakap ako. Alam ko nag-aalala talaga sila sa akin. Nakiyakap na rin si tatay at hindi na umimik pa. Alam kasi nilang hindi na magbabago pa ang aking isipan. "Hulog ka talaga sa amin ng langit anak." Bulong pa ni nanay. Kumalas ako at tiningnan silang dalawa. Kinakabisado ko ang mukha nila kasi alam ko matagal ko ulit silang makikita. Gagawin ko ang lahat ng ito dahil sa kanila, sila ang inspirasyon ko para magsumikap. "Kayo po ang hulog ng langit sa akin, nay. Kasi po, kahit hindi niyo po ako anak o kadugo, inalagaan niyo po ako. Kaya po ako naman po ang magbibigay ng magandang buhay sa inyo." Nakangiti kong sabi. Ang dami ko kasing pangarap at halos lahat ng iyon ay para sa magulang ko. Gusto kong ibalik ang pag-aalaga at pag-aaruga nila sa akin. Kahit matanda na sila, binuhay nila ako sa abot kanilang makakaya kahit sobrang hirap na para sa kanila. "Gawin mo din iyon para sa sarili mo. Matanda na kami kaya hindi na din kami magtatagal. Kaya naman, para din sa sarili mo anak." Malamlam ang matang sabi ng nanay ko. "At pagkakatandaan mo, mahal na mahal ka ni nanay at ni tatay ha?" Dugtong naman ni tatay sa sinabi ni nanay. Nakangiti akong tumango at yumakap ulit sa kanila. May namumuong luha sa aking mga mata pero pinipigilan kong tumulo 'yon dahil ayaw kong makita nila akong umiiyak. "Tara na anak." Sigaw ng tiyahin ko na kapatid ni nanay, nakasakay na ito sa sasakyang de-gulong na pampubliko. Mas bata ang kapatid ni nanay kaysa sa kan'ya ng dalawampong taon. Anak kasi ito sa iba ng kanilang ama kaya ang layo ng agwat nila. Pero hindi naging basehan iyon para mag-away sila, mas naging malapit pa nga sila sa isa't isa. Hindi din naging basehan ang estado nila sa buhay para maliitin si ina at baliwalain. Napalaki sila ng maayos kaya naging sanggang-dikit din ang dalawa. "Opo, tiyang. Susunod na po ako." Sigaw ko pabalik at bumaling ako sa kanila ni nanay. Umiiyak si nanay na nakayakap kay tatay kaya napayuko na lang ako dahil ayaw ko siyang makita na ganyan. Binuhat ko na ang bag ko na may lamang damit. Tumalikod na ako at nag-umpisa na agad akong maglakad habang kumakaway sa kanila. Dahil hindi ko na mapigil ang luha ko, tumalikod na ako ng tuluyan. Tuloy-tuloy akong pumasok sa bus na nakaabang habang sige parin ang pagtulo ng mga luha ko kahit anong pigil at punas ko. Lumapit na ako kay tiyang at naupo sa tabi niya. Mabuti at hindi ako sa bintana nakapwesto para makita nila nanay ang pag-iyak ko. Ayaw kong makita o ipakitang nasasaktan ako. "Makikita mo pa naman sila anak eh." Sabi ni tiyang sabay hagod ng aking likuran. Tumango naman ako. Tama naman si tiyang. Kailangan ko magtiis at sa susunod makikita ko naman sila. Ilang sandali pa, ang iyak ay naging hikbi hanggang tumigil na nga ako sa pagluha. Hindi ko pa nga naramdamang umandar na ang bus dahil ang lalim ng iniisip ko habang umiiyak. "Matulog ka muna anak. Mahaba pa ang biyahe natin." Tumango na lang ako at umupo ng maayos. Hindi naman ako inaantok kaya naman tumingin na lang ako sa harap. Nasa unahan kasi kami kaya kita ko ang nadadaanan namin. Ngayon lang ako nakaluwas ng look namin kaya mas pinili kong tumingin sa daan kaysa sa matulog kagaya ni tiyang. Halos puno at mga palayan, tubuhan at maisan ang nadaanan namin. Nasa look parin kami namin kung saan ako lumaki. Bundok na talaga sa amin. Ang susunod pa na lugar, na lungsod na, at ang sunod pa no'n ang pupuntahan namin, kung saan nakatira si tiyang kasama ang pamilya nito. Nakapag-asawa kasi siya ng isang doktor kaya doon sila nakatira dahil doon ang trabaho nito. Naka isang oras na kami sa biyahe ng tumigil kasi may sasakay. Hindi ko nilingon kung sino man iyon kasi hindi ako palakaibigan na tao. Ramdam ko na umupo siya sa kabilang upuan na nasa tabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Siguro isa na din sa nakagawian ng katawan ng isang tao, pag may bagong dating, titingnan agad; hindi para magpapansin kundi para kilalanin ito kung panganib ba ito o hindi. Ayaw ko mang tumingin, kusa namang gumagalaw ang katawan ko. Lalaki na kay tangkad at alam ko gwapo siya pero wala naman akong naramdamang pagkagusto. Kaya simpling tingin lang ang pinukol ko sa kan'ya. Ngumiti siya kaya naman ngumiti din ako ng maliit lang. Hindi ako sanay na bumabati pero nakakahiya naman kung sungitan ko 'to na wala namang ginagawang masama, isa pa hindi ko din naman gawain 'yon. Tinuro sa akin ng magulang ko na h'wag maging bastos at maging mabait sa kapwa. Palagi nila akong pinapangaralan ng mabuting asal na walang problemang sinusunod ko kasi alam ko para din sa akin 'yon, sa ikabubuti ko. Hindi ko na agad pinansin ang lalaki at tumingin na lang sa harap. Ang ganda tingnan ng kalikasan lalo na't ang luntian ng paligid. Pero, ramdam kong parang may nakamasid sa akin. Ramdam mo talaga kasi parang nanunuot sa aking kalamnan ang kan'yang titig. Sa pamamagitan ng gilid ng paningin ko, hindi nakaligtas sa akin ang tingin ng lalaki na palagay ko nga hindi na kumukurap. Diretso ang tingin nito sa akin, pero baka mamaya wala lang naman 'yon kaya binaliwala ko na lang; kahit nagbibigay na ito ng kakaibang kilabot sa akin. "What's your name, miss?" Rinig kong sabi nito pero hindi ko ito nilingon kasi baka iba naman ang kinakausap. Hindi sa hindi ko naiintindihan ang sinabi niya dahil kahit papaano ay alam ko naman 'yong lenggwaheng kan'yang ginamit, kaya hindi ko siya nilingon ay dahil ayaw ko lang mapahiya. "Sino kinakausap mo, iho?" Tanong ni tiyang na gising na pala. Nagising ata siya ng tumigil kanina ang sasakyan, at narinig niya ata ang sinabi ng lalaki. "Iyang nasa tabi niyo po." May pagka-slang na sagot nito. Mahahala talagang hindi siya taga rito at isang dayuhan ng aming bansa. Naramdaman ko naman ang pagkalabit ni tiyang at nang lumingon ako sa kan'ya ay nginuso nito ang lalaki na kausapin ko daw. May panunukso akong nakikita sa kaniyang mga mata ngunit hindi ko na lang pinansin. "Ano po 'yon?" Magalang kong tanong sa lalaki. Alam kong halos magkaedad lang kami pero ayaw ko ngang maging bastos. "Tinatanong ko kung ano ang pangalan mo?" Napakamot pa sa batok nitong tanong. "Gano'n po ba," maang-maangan ko. "Liana po pala." Sabi ko at yumuko. Ayaw ko lang salubungin ang titig niya, nakakailang ang klase ng titig na pinupukol niya sa akin. "I'm Enrique." Nakangiti nitong sabi at nilahad ang kamay niya. Ngumiti naman ako at inabot 'yon at nakipagkamay. Binitawan niya din naman ito agad kaya hindi naging bastos sa paningin ko. Nagtanong-tanong pa siya ng kung ano-ano at sinagot ko naman ng maayos kasi pansin kong mabait naman siya. Sa hilas ng kan'yang mukha ay mapagkakatiwalaam naman siya kaya puwede siya maging kaibigan. Nag-uusap lang kami buong biyahe. Halos kinwento niya ang lahat ng mga lugar na napuntahan niya na. Siya lang talaga nagsasalita at nakikinig lang ako at minsa'y napapatawa din sa mga patawa niya. May pagkakomedyante din siya kaya maaaliw kang kausapin siya. Hindi ko na namalayan ang takbo ng oras hanggang sa tumigil ang sasakyan kinalulunan namin sa harap ng isang establisyemento. Tanghali na pala at nasa kabilang bayan na kami. Pinapababa na ako ni tiyang para mananghalian. Sumabay na din sa amin si Enrique kumain kahit dito na talaga babaan niya. Gusto pa daw akong kasama kaya naman hinayaan ko na lang, wala naman kasi sa akin 'yon. Mas maganda nga iyong mapaparami ang kaibigan ko. May maliit na karinderya doon pero marami ang kumakain at kakain kaya hindi mag kandaugaga ang bantay sa pagbigay ng pagkain; dito namin napiling kumain. Mukhang malinis at masarap naman ang pagkain dito dahil halata sa mukha ng kumakain. Papaupo na sana ako ng makaramdam ako ng pamimigat ng pantog ko. Hindi ko na 'to mapipigil pa, kaya naman ako'y nagpaalam na muna kanila na magbabanyo lang ako. "Tiyang, Enrique, magbabanyo lang po ako sandali." Paalam ko sa kanila, at tumango naman silang dalawa. "Sa likod lang nito ang palikuran. Diretsohin mo lang itong daan, tapos ay lumiko ka sa kanan. Doon makikita mo na ang nakasulat na palikuran." Nakangiting pagbibigay ni tiyang ng direkyon sa akin at suminyas pa kung saang daan ang dapat kong tahakin. Tumango ako at umalis. Sinunod ko na lang ang tinuro ni tiyang kung nasaan ang palikuran. Dumiretso ako tapos ay lumiko ako pakanan. Sinunod ko ang turo sa akin at sa pagliko ko, hindi ko inaasahang may mababangga ako. Ang lakas ng pagtama ko sa kanya na kinatumba ko pa talaga. Mabuti na lang at hindi maputik ngayon kaya hindi ako nadumihan lalo na't lupa dito at siguradong maputik kung basa. Napahawak nga lang ako sa pang-upo ko kasi napaupo talaga ako sa lupa at masakit 'yon. "Pasensya! Pasensya sayo, miss." Sabi ng mala-anghel na boses na alam kong nanggaling sa nakabangga ko. Ang sarap sa pandinig ng kan'yang boses, kahit buong araw siyang magsalita hindi ako maiinis o maboboryo. Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kan'ya. Nagtama ang aming mga mata at sa pagkakataong 'yon ay tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Nagkatitigan kami ng kulay tsokolate niyang mata na parang binabasa ka at puno 'yon ng masayang emosyon. Nakapahihipnotismo ang mga mata nito. Pero palagay ko medyo tumingkad ang kulay ng mata niya pero hindi ko na lang pinansin dahil bigla ding naglaho. Baka sa sinag lang iyon ng araw. Ang ganda niya talaga. Ngayon lang ako nakakita ng kasing ganda niya kahit sa artista na nakikita ko sa telebisyon ay walang sinabi sa ganda niyang taglay. Ang kinis ng mukha niya na mamula-mula pa dahil ata sa sikat ng araw. Ang mata nitong na puno ng saya, ang maliit at matangos nitong ilong at ang manipis na hugis puso niyang labi na napakanatural ng pagkapula. Matangkad din siya kasi flat lang na sapatos ang suot niya kaya kita mo talaga at hindi daya. Naka sando ito ng itim na pinatungan ng polo at naka short siya ng maong na abot hanggang tuhod. Ang simple lang niya pero ang lakas ng dating kahit walang kolorete sa mukha. "Miss," pukaw nito sa akin habang nakalahad ang kamay. Nahiya naman ako, palagay ko namula pa ako, dahil nakatulala talaga ako sa ganda niyang taglay. Dahan-dahan ko namang inabot ang kamay niya, at sa pagkadaiti ng aming mga kamay, kakaibang boltahe ang naramdaman ko. Kasabay pa doon ang pagsakit ng balat ko na matatagpuan sa aking kaliwang dibdib. Hindi ko alam kong naramdaman niya 'yon pero ang lawak ng pagkakangiti niya na nagpangiti na din sa akin. "Pasensya na," sabi ko ulit na nakayuko. Ang sarap sa pakiramdam nang pagkakahawak niya ng kamay ko, at ayos lang sa akin na hawakan niya 'yon kahit paulit-ulit pa. Pero napatingin ako sa kan'ya ng pisilin niya ang kamay ko. "Pre, tara na." Tapik ng isang lalaking dumaan sa likuran ng babaeng kaharap ko ang nag pabalik sa akin sa totoong mundo. Nakatitig na naman kasi ako dito ng hindi ko namamalayan. Parang magkaibigan lang sila dahil sa tawag nito sa babae. "Sige, miss. Ingat ka... at pasensya ulit." Sabi niya na ang lapad ng ngiti, lumabas pa ang mapuputi nitong ngipin. Pinisil niya muna ang hawak niyang kamay ko bago bumitaw at nakaramdam pa ako ng pagkadismaya dahil doon. Pero hindi ko na lang muna pinansin dahil hindi ko naman siya kilala pero iba na agad ang epekto niya sa akin. Naglalakad na siya paalis pero napangiti ako na naglalakad ito ng patalikod. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa kasi para itong tuta na ang sarap pisilin dahil sa kakwelahan na pagpabago-bago ng ekspresyon sa mukha. Tinanaw ko lang siya hanggang nakarating siya sa sasakyan sa dulo. Sasakyan ata 'yon ng nagdedeliver ng iba't ibang paninda at dinadala sa mga maliliit na tindahan. Halatang pinasadya lang ito para may mailagay na mas maraming paninda. Kumaway siya sa huling pagkakataon. Kumaway din ako pero parang nasasaktan ako ng makitang lumalayo siya sa akin... na parang gusto kong nasa tabi ko lang siya. Iniling ko na lang ang aking ulo para mawala ang kung ano man 'yon. Para akong tanga sa isiping iyon. Ano iyon? Nagkakagusto na ba ako? Isa pa, babae iyon. Napailing na lang ulit ako at tumuloy na rin ako sa banyo. Masakit pa rin ang balat ko pero hindi na katulad kanina. Kaya pagkatapos kong magbanyo, humarap ako sa salaming nandoon at nilihis ang damit ko para makita ng maayos ang balat ko. Nagulat pa ako na mas lalong pumuti ang balat ko na isang pakpak, pakpak ng isang anghel. Kahit puti ang balat ko, mapapansin mo pa rin kasi medyo may pagkamorena ako. Akala ko dati gano'n lang talaga ito at mawawala rin. Pero hanggang pagtanda ko ay hindi na ito naalis pa. Ang ganda nito lalo kaya namangha ako. Sa paghawak ko dito, may isa pa akong napansin. Pero ang nakita ko ay sa daliri ko naman. May parang tintang nakapalibot sa daliri ko. Tiningnan ko agad ito ng malapitan. Pero hindi siya tinta, parang balat din kasi kahit anong hugas ko, hindi matanggal. Parang sing-sing ito na nakapalibot sa daliri ko. Kulay puti at itim na nakapalibot, at sa pagtagpo nila ay nandoon ang isang pares ng pakpak. Hindi tulad ng balat sa dibdib ko, ang puting bahagi ay katulad ng nasa dibdib ko habang ang isang parte ay itim na parang pakpak ng paniki. Hindi ko alam pero mas gusto kong makita ang pakpak ng paniki. Parang hinihikayat ako nito sa hindi ko mawaring dahilan. "Anak, matagal ka pa ba?" Rinig kong katok ni tiyang. Hindi ko napansing natagalan na pala ako. Nagmamadali kong inayos ang sarili ko bago lumabas. Pero kailangan ko lang talagang itago ang nasa daliri ko. Baka magtaka si tiyang kung saan galing itong mala-singsing sa daliri ko na kahit ako mismo ay hindi ko alam kung saan. Lumabas na agad ako ng banyo at sumabay kay tiyang pabalik sa kainan, naabutan pa naming nandoon pa si Enrique at may pagkain na sa harapan nito. Pero ewan ko kung namamalikmata ako, ngunit nakita ko na nagbago ang kulay ng kan'yang mga mata. Naging matingkad na pilak na kanina ay abo na mapusyaw lang. Nakita ko 'yon pagkatapos niyang parang unamoy ako. Hindi ko na lang pinansin kahit puno ako ng kuryosidad. Ayaw kong magtanong at baka namalikmata lang ako, kaya pinili ko na lang na umupo na lang at kumain. Nang matapos akong kumain, magpapaalam na sana ako sa kay Enrique para umalis pero pagharap ko ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin. May binubulong-bulong pa ito hanggang inutusan niya ako. "Magpaalam kana, aalis na tayo." Seryoso niyang sabi. Napakunot ang aking noo sa pagtataka at lumingon sa likod ko baka kasi may iba siyang kausap pero wala naman akong nakitang iba. "Ano 'yon?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Hindi tumalab sayo?" Puno ng gulat niyang tanong pabalik. "Ang alin?" Tanong ko ulit na nagtataka pa rin. Hindi niya ito sinagot at nagbago ang kanyang kaninang maamong mukha sa isang kayang pumatay. Napaatras ako sa takot ko sa kaniya, pero hindi ako nakaligtas ng hilahin niya ako papalapit sa kanya at kinulong sa mga braso niya. "Akin ka lang tao." Bulong niya sa akin na nagpatayo ng buhok ko sa batok. Kita kong napalingon sa amin si tiyang dahil hindi ako nakasunod. "Anak, aalis na tayo." Nakita niya ang posisyon namin, parang magkasintahan na nagpapaalaman sa isa't isa. Ngunit nakita niya ata ang takot sa mga mata ko nang tumitig ako sa kan'ya at nagmamakaawa kaya napalakas ang boses ni tiyang. "Bitawan mo ang pamangkin ko, Enrique. Aalis na kami." Malumanay na sabi ng tiyahin ko pero malakas 'yon para marinig ng iba kaya naman napatingin din sila sa gawi ko. Alam kong ngumisi lang si Enrique, batay sa nakikita ko sa gilid ng mga mata ko, at hindi pinansin ang tiyahin ko. Hinila niya ako papunta kung saan habang ang tiya ko ay nanghihingi ng tulong. Nagpumiglas ako ng mahimasmasan ako at maisip ko kung ano ang pinanggagawa ni Enrique. Nakaramdam ako ng takot sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko. "Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Sabi ko habang nanglalaban pero may pagkabakal ata 'tong nakahawak sa akin kasi hindi man lang natinag. "Bitawan mo nga ako! Akala ko kaibigan ka!" Sigaw ko sa kan'ya at sinubukan ko na ring magpumiglas ngunit wala rin akong napala. "Ha-ha-ha!" Tawa niya na akala mo isang demonyo. Nakaramdam ako ng pangingilabot ora mismo. "Nagpapatawa ka ba? Hindi ako kaibigan, Liana." Diring-diri ako ng sinabi niya ang pangalan ko, pero mas lalo ng dinilan niya ang tainga ko. "Hayop ka! Pakawalan mo ako! Ano ba ang gusto mo?!" Inapakan ko pa ang kan'yang paa, ni hindi man lang ito natinag. "Tulong! Tulongan niyo ako!" Sigaw ko pa sa ibang tao. "Walang makakatulong sayo. 'Yong sa tanong mo... ikaw. Ikaw ang gusto ko. Ang lahat ng nasa iyo." 'Yon lang ang narinig ko bago niya tinakpan ang bibig at ilong ko ng panyo. May naamoy ako doon hanggang nararamdaman ko ng mawawalan ako ng malay. "Nay, Tay, patawad po. Hindi ko na matutupad pa ang pangarap ko." Sabi ko sa aking isipan hanggang tuluyan na akong nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

The Sex Web

read
153.2K
bc

Zion's Akira (BxB)

read
25.9K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.7K
bc

NINONG III

read
389.3K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook