Chapter 3

3284 Words
Nanay, tara na po. Laro na po tayo." Sabi ng isang batang ubod ng ganda. Siguro nasa apat na taon na siya base sa laki niya. Blonde ang buhok, kulay abo ang mata, matangos ang ilong, maputi ang balat at ang cute ng maliit niyang labi. "Nanay, habulin mo ako." Sabi ng papalayo niyang boses. Ang lamyos ng boses niya kaya hindi ko mapigilang h'wag mapangiti. Parang may sariling isip ang mga paa ko at sinundan siya. Takbo lang kami ng takbo. Pero habang tumatagal, mas lalo siyang lumalayo. Mas lalong hindi ko siya mahabol. Kaya naman tinawag ko na siya. "Anak, bumalik ka." Sigaw ko pa pero iyak niya na ang naririnig ko. "Nanay, tulungan mo po ako. Nanayyy..." Umiiyak niyang sabi. "Hindi. Hindi. Anak.... Anakkk kooo." Sigaw ko habang walang tigil ang luha sa paglabas sa mata ko. Nanlalabo man ang mata ay sinubukan ko parin siyang habulin. "Anakkk." Sigaw ko sabay bangon sa hinihigaan ko. Habol ang hininga akong napasapo sa aking dibdib. Kasabay din no'n ay ang pagbukas ng pinto. Nagsipasukan ang mga taong na nakasuot ng puting damit o mas madaling sabihin ay roba. "Huminahon ka, iha. Mahiga ka muna, baka makasama sa anak mo." Sabi ng isang babae at doon ako napabaling sa tiyan ko. Tama nga siya, buntis nga ako. Napaluha ako habang haplos ang tiyan ko, at kasabay no'n ang paghilab nito. "Ahrggg, ang sakit!" Sigaw ko at lalo akong napaluha nga sa sakit. Parang pinipiga ag loob ko na hindi ko mawari sa sobrang sakit. "Tawagin niyo ang prinsesa. May lason sa katawan niya kaya mapapaaga ang panganganak niya. Bilisan niyo." Utos ulit ng palagay ko ay doktor sa isa nurse na nandoon. Bigla naman itong nawala sa tabi ko at ramdam ko na lang ang hangin. Hindi na ako nagkomento pa kasi namimilipit na ako sa sakit habang ang iba ay tinatali ako para hindi ako magalaw. "Hi-hindi ko na kaya." Nanghihina kong sabi. Parang hinahalokay ng bata ang lamang loob ko. Pinipilipit ang mga laman ko sa sobrang sakit. "Ano ang nangyayari?" Sabi ng babaeng tumulong sa akin. Nakilala ko agad siya sa unang tingin pa lang "Nilason siya mahal na prinsesa." Sabi ng doktor ata habang may hinahanda sa paanan ko. Habang ang prinsesa ay napatakip naman ng bibig niya sa pagkabigla. "Tanggalin mo na agad ang bata. Madaliin niyo bago mahuli pa ang lahat." Utos ng tinatawag nilang prinsesa. Pagkatapos ay sumabay do'n ang kakaibang sakit na naman. "Owww! Kunin niyo na ang anak ko." Sigaw ko sa kanila habang pumwepersa. Alam ko ilang minuto na lang at masisira ko na ang pagkakatali nila. "Hawakan niyo siya, hihiwain ko na para mas madali." Utos niya na sununod ng nandoong nurse sa silid. Humilab bigla ang tiyan ko, at sa pagsakit ay sinabay niya din ang paghiwa. Halos panawan ako ng ulirat dahil sa sobrang sakit. Ungol na lang ang nagagawa ko sa sakit. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila. Pero bago man ako panawan ng ulirat, rinig ko ang iyak ng isang sanggol. "Babae. Babae ang anak mo." Sabi ng doktor. Napangiti naman ako doon, ngunit nakaramdam ako ng antok dahil ata sa pagod. Kaya bago pa ako tuluyang lamunin ng antok, pinigilan ko ang pagsara ng talukap ng aking mata. Nabigkas ko pa ang salitang gusto kong ipangalan sa kaya. "Keith Mikaela" "Nasaan na ang anak ko?" Sabik na tanong ko sa babaeng nakatayo sa gilid ng kama na kinahihigaan ko. Siya ang babae na nagligtas sa akin sa halimaw na 'yon. Pero nagtaka ako ng umiwas siya ng tingin. "Pasensya na." Nakayuko nitong sagot. Biglang akong binugso ng kaba nang nahulaan ko na agad ang gusto niyang iparating. Napailing ako habang nag-uumpisa ng bumuhos ang aking mga luha. Naninikip ang aking dibdib dahil hindi ko matanggap ang sinasabi ng aking utak. "Hindi. Hi-hindi." Hindi ako makapaniwala at ayaw kong maniwala. Hanggang narinig ko na ang paghikbi ng babaeng, na siyang nagpatibay sa sinasabi ng aking utak. "Pasensya na. Ginawa namin ang lahat, pero nagkulang sa sustansya ang bata. Nabuhay lang ito ng dalawang oras." Sabi pa nito, kasabay din ang pagpasok ng isang lalaki na nakaputing roba na nagpapakita ng indikasyon na doktor ito. Ang doktor ay may dala-dalang nakabalot sa lampin. Mas lalong akong napailing at bumuhos nang tuloyan ang aking masaganang luha nang maamoy ko kung ano ito, o mas madaling sabihin ay sino ito. 'Ang anak ko.' Mas lalong lumakas ang aking panaghoy, wala akong pakialam sa paligid at ang tanging nasa aking isipan ay ang anak ko. Bakit ba ako naging mahina? Bakit hindi ko naalagaan ang anak ko? Mga katanungan sa aking isipan, na kahit nino man ay hindi masasagutan. Kahit bunga ng kalapastanganan ang anak ko, mahal na mahal ko siya, segundo pa lang ng nalaman kong magkakaanak na ako. Pagkagising ko lang din nalaman na buntis ako, at sa oras din na iyon ay pinanganak ko siya. Binigay sa akin ng doktor ang bata pagkalapit niya. Nanlalabo ang aking paningin habang tinititigan ko ang munting anghel sa aking braso. "Hi-hindi. Hindi. Anak ko!" Sigaw ko habang hawak at hinahaplos ang malamig na niyang mukha ng nanginginig kong mga kamay. Ingat na ingat akong hawakan siya kasi baka mapisa ko siya. "Anak, gumising ka. Pa-para kay nanay, gumising ka anak." Sabi ko pa habang pinaghahalikan sa pisngi ang sanggol na hawak ko. "Anak, gumising ka. Aalagaan ka pa ni nanay, maglalaro pa tayo ni nanay. Mahal na mahal kita, kaya gumising ka anak. Kailangan ka ni nanay." Paamakaawa ko habang hinahaplos ang bawat parte ng katawan ng anak ko. Kung pwede ko lang siyang yugyogin ay ginawa ko na ngunit inaalala ko paring sanggol siya at anak ko. Naninikip ang dibdib ko habang tinititigan ang maamo niyang mukha. Isa siyang anghel na pinagkaitan ng buhay. Mas lalo akong napasigaw ng pumasok na sa isip kong... wala ng pag-asa. Patay na ang anak ko. Wala na siya. "Ahhh!" Hindi mapuknat ang aking pagluha habang yakap-yakap ko ang sanggol. "Pasensya na, Liana. Ginawa naman namin ang lahat." Nakayukong sabi ng babae. Alam kong mapagkakatiwalaan siya at nagsasabi ng totoo kaya naman nakokonsensya ako na sinisisi niya ang kanyang sarili. Pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi, "may lason din kasi sa katawan niya." Doon ako napalingon sa kan'ya sa pagkagulat. "A-anong sabi mo?" Galit at pagkalito ang mahahalata sa boses ko ng sinabi ko 'yon. "Habang tulog ka ay mayro'ng nagtangkang patayin ka. Sa palagay namin, nagsakripisyo ang bata para kunin ang lason. Ang bata pa niya pero nagawa ka na niyang ilagtas." Nakangiti niyang sabi pero alam nababakas din ang nalulungkot sa kaniyang boses. Nanginginig ako lalo dahil sa pagkawala ng anak ko at poot sa kung sino man ang may gawa nito. Mga hayop sila! "Sino?" Matigas kong sabi sa babae. "Liana-" may pag-aalinlangang sabi nito. "Sino ang may gawa?" Nanlilisik ang ang aking mata ng tumingin ako sa kaniys habang tinatanong siya. Huminga naman ito ng malalim bago sumagot. "Ang pamilya ng ama ng anak mo. Ang pamilya ng taong gumahasa sayo at napatay mo." Sabi nito habang titig na titig sa mga mata ko. "Prinsesa!" Napasinghap ang doktor dahil sa sinabi nito sa akin; na prinsesa pala ng halimaw na kong kauri ko na ngayon. Alam kong nagbago na ang pagkatao ko, hindi na ako tao. Napatingin ako sa anak ko na wala na talangang buhay. Hindi dapat ito nangyari sa kan'ya. Dapat masaya siyang lumaki kahit man sabihing gawa siya sa hindi tamang pagkakataon. Pero, dapat matatamasa niya ang biyaya ng buhay na pinagkait nila sa kanya. Hindi ko sila mapapatawad. "Gusto kong lumakas," sabi ko at tumingin sa kanya, "gusto kong maghiganti!" Puno ng determinasyon kong sabi habang diretsong nakatitig sa mga mata niya. Sinuklian niya lang ako ng maliit na ngiti at tumango. Tumango lang din ako at tiningnan ang anak ko. Hinaplos at menemorya ang bawat anggulo ng kanyang maliit na mukha. Napakapayapa ng pagkakapikit niya. Hindi ko na namang mapigilang tumulo ang mga luha ko. "Paghihiganti kita anak. Para sa binawi nilang buhay mo at dapat na buhay ko." Sabi ko sa aking isipan at hinalikan ng mariin ang noo ng anak ko. Ito na naman ako... Nakatulala habang nakatingin sa puntod ng anak ko. Ilang araw na ba ang lumipas pagkatapos kong sumilang ng isang anghel? Hindi ko na alam kasi mas pumapasok sa isip ko ang gagawin kong paghihiganti. Sa ngayon, wala pang sinasabi ang prinsesa dahil magpagaling daw muna ako at mag-ipon ng lakas ng loob. Hindi daw kasi kung sino-sino ang magsasanay sa akin, kundi isang reteradong heneral ng kawal ng palasyo nila. Palasyo ng mga bampira na ngayon ay kinabibilangan ko na. Naging isa akong kauri nila dahil kinagat at pinainom ako ng prinsesa ng dugo niya bago ako mamatay ng araw na iyon. 'Yon lang ang naisip niyang gawin upang maligtas pa ako. Naawa siya sa nangyari sa akin, kaya ginawa niya akong ganito. Hindi ko naman siya sinisisi. Hindi ko alam kung anong nilalang 'yong magsasanay sa akin, pero sigurado akong malakas siya kasi mas matanda pa daw iyon sa hari at ilang hari na rin ang pinagsilbihan nito. Sa isipin pa lang na matanda ito ay siguradong strikto, natatakot na ako at gusto ko ng umatras. Pero pagnakikita ko ang puntod ng anak ko, nagkakaroon ako ng lakas para ipagpatuloy ito. Napag-isip-isip ko na rin na hindi na lang sa anak ko ang gagawin kong ito. Pati na rin sa mga babaeng binababoy ng mga halang ang bituka. Para sa mga babaeng winasak nila. "Liana, pinapatawag po kayo ng prinsesa." Rinig kong sabi mula sa malayo. Alam kong si Kera 'yon, ang inatasang umalalay sa akin habang nandito ako sa bahay-bakasyonan ng prinsesa at kung saan din namin piniling ilibing ang anak ko. Siya lang ang kasama ko dito at mabait naman ito kaya magkasundo kami. Siya din ang kumukuha ng dugo mula sa mga alagang hayop na nandito na inaalagaan niya o hindi kaya ay kukuha sa hospital na pinagdalhan nila sa akin noong nakaraan. Hawak nila ang hospitalna iyon kaya madali lang sa kanila. Ilang araw ding hindi ko nakita ang mahal na prinsesa at mayro'n sa loob ko na namgungulila ako sa kaniya. Naging malapit na sa loob ko sa kan'ya, hindi ko alam kung dahil siya ang naglikha sa akin, o dahil may iba pa tulad ng nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag. Isa pang pinagtataka ko, bakit niya pa ako binuhay dahil sa pagkakaalam ko, namatay na ako ng araw na 'yon. Nawawala na ang ulirat ko, pero alam ko may narinig ako. Hindi lang ako sigurado kung ano 'yon, pero hindi lang awa iyon. "Lia-" tawag niya ulit sa akin pero tumayo na ako at agad na tumakbo papunta sa harapan niya bago pa niya makompleto ang pangalan ko. "Liana naman. H'wag ka manggulat." Sabi niya nakahawak pa sa dibdib dahil nagtagumpay ako sa paggulat sa kanya. Tiningnan ko lang siya pero hindi nagsasalita. Hindi ko alam, isa din 'yon sa nagustuhan ko sa kanya. Kaya niya akong basahin kahit walang emosyon ang mukha ko. Malaki talaga pinagbago ko simula ng nangyari akin ang malagim kong nakaraan. "Alam ko mabilis ka, pero h'wag ka naman mambigla. Kung hindi lang ako bampira, inataki na ako sa puso." Nakanguso pa niyang sabi. Inakbayak ko na lang siya at tinakip ang jacket ko sa kanya. Nawala kasi ang mga ulap na nakatakip sa araw kanina, baka masunog pa siya kung hindi ko siya takpan. Naging bampira siya dahil sa kagat tulad ko. Ngunit ang kaibahan namin, siya nasusunog, habang ako ay walang problemang maglakad sa araw katulad ng prinsesa at sa hari. Hindi ako sigurado kung bakit, pero naiisip ko baka dahil sa dugo ng prinsesa ang dumadaloy sa katawan ko kaya nagagawa ko din ang nagagawa niya. "Hisss." Nag-hiss pa si Kera ng marating namin ang mas malilim na parte ng bahay. "Mabuti at nandito na kayo. Pwede pa tayo mag-usap ng bagay-bagay bago dumating ang magiging maestro mo." Bungad agad ng prinsesa pagkakita sa amin. Ang lapad ng ngiti niya at lumapit sa amin lalo na sa akin. Niyakap niya ako pagkalapit niya sa amin habang ginulo niya ang buhok ni Kera. Noong una, akala ko kaedad ko lang ang prinsesa, pero nasa isang daang taon na pala siya at may isang anak sa asawa na pinili ng kaniyang ama. Ang anak niya ay hindi ko pa nakikita, sabi niya hindi pa daw ito ang tamang panahon. "Come Liana, may pag-uusapan muna tayo." Nakangiti niyang sabi habang tumango naman ako. Habang si Kera naman ay yumuko na at pumunta sa kusina para sa meryenda. Isa pa sa katangian na naiiba sa akin ay ang pagkain ng pagkain ng ordinaryong tao. Kasi si Kera ay dugo lang talaga ang bumubuhay at mahihirapan sila pag pagkain ng tao. Habang ang prinsesa ay kumakain ng din ng pagkain ng tao at umiinom ng dugo tulad ng ginagawa ko. Kung gusto mo ng dugo lang, pwede naman pero mas madaling mawala ang pagiginga tao na natitira pa sa sarili mo. Kaya kadalasan ay mga turned or bitten vampire ang nagiging rogue, ayon sa kwento ni Kera na mas matagal na sa ganitong buhay. Nauna na ang prinsesa maglakad kaya sumunod na ako ngunit bigla siya tumigil at lumingon sa akin. Nilahad niya ang kan'yang kamay at tinanggap ko naman ito. Pinulupot naman niya ang kanyang braso sa braso ko kaya ang lagay namin ay nakaabresite kaming naglalakad papunta sa silid na naroon. Pagkapasok namin ay naupo agad siya sa kamang naroon at tinapik ang sa tabi niya na parang sinasabing maupo na rin ako. Sinunod ko naman ang gusto niya. Pagkatapos ay inumpisahan niyang tanggalin ang pagkakatali ng damit niya. Isa itong damit na parang bestida pero hanggang paa ang haba at bumabakat iyon sa katawan. Nakatali ang harapan nito ng maraming beses at natatakpan talaga ang leeg mo. Mayroong may manggas pero ang sa prinsesa ay wala pero takip na takip ang leeg. Kusa na ding gumalaw ang kamay ko at tinulungan siyang magtanggal ng pagkakatali ng damit niya. Alam ko naman ito kasi noong huli niyang punta sa akin ay ginawa niya din ito. Nang matanggal na nga namin, tumambad sa harapan ko ang maputi niyang dibdib. Tinabingi niya ang kan'yang ulo para pagbigyan ako ng lugar para makalapit sa kanya, sa balat niya. Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang beywang at nilapit ang bibig ko sa kanyang balikat. Pumikita ang prinsesa pagtingin ko at hinalikan siya sa kanyang balikat. Binigyan ko siya ng maliliit na halik, habang ang kamay ko ay naglakbay paitaas para suportahan ang kaniyang likod. Hinahalikan ko pa rin siya hanggang naririnig ko na ang pagdaloy ng dugo sa kan'yang mga ugat. Lumabas ang pangil ko. Ang isang kamay na nasa kanyang beywang ay lumipat sa kan'yang leeg para alalayan siyang manatili aa kanyang posisyon. Nakahanap ako ng tamang lugar, dinilaan ko ito at himalikan. Naramdaman ko pa ang pagnginig ng prinsesa lalo na ng sinipsip ko ang lugar na iyon ng kan'yang balat. Binuksan ko ang aking bibig, at paunti-unti ay binaon ko sa makinis niya balat ang aking mga pangil. Dumaloy muna roon ang matamis at masarap na dugo. Lasang-lasa ko ito, at mas masarap pa kaysa sa hayop o kahit sinong tao. Sinimulan ko itong sipsipin. Dahan-dahan ang bawat pag sipsip ko at paglagok ng dugo niya. Narinig ko la siyang napa-hiss kaya ginalaw ko ang kamay ko sa likod niya, hinaplos ko siya doon. Nang alam ko ng tama na ang nakuha ko, hinugot ko na rin ang pagkakabaon ng pangil ko at dinilaan ang umapaw ng dugo. Nang malinis ko ang balat niya, ang kinis parin doon na akalain mong hindi nabahiran ng kahit anong sugat. "Are you satisfied?" Tanong niya sa akin habang ako naman ay yumakap ng tuluyan sa kan'ya. Niyakap niya rin ako pabalik parang yakap ng isang ina ang naramdaman ko ng araw na 'yon. "Opo. Mas naramdaman ko po na mas natanggal ang pagkauhaw ko." Sagot ko naman habang tinaas ang braso ko para makakuha din siya ng dugo ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero kinukuhanan niya ako gamit ang karayom. Nilalagay niya ito sa isang bote na maliit at hindi ko alam kung ano ang gagawin niya doon. Ang laki ng tiwala ko sa kanya kaya ni minsan ay hindi ko pinaghinalaan ang intensyon niya. "Okay. Good." Sabi niya pa at tinurok na nga ang karayom. "Sasabihin ko ngayon sayo ang klase ng bampira. Ang maestro mo na ang bahala sa iba, basta 'yong pamilya ko ang mahalagang makilala mo." Hindi ko sinasabi sa kan'ya, pero kilala ko na ang pamilya niya dahil nakita ko ang mga ito sa memorya niya ng iniinom ko ang dugo niya. Alam ko rin ang hirap na dinanas niya sa asawa niya. Pero mayroon akong hindi mabasa, na para bang natatakpan ito o binura na. Hindi ko makita ang parteng iyon ng buhay niya. "Mayro'ng tatlong nilalang ang alam namin sa ngayon na nandito pa. Ang iba kasi lalo na ang dragon ay kinukulong na nila kasi naghahasik na ang mga ito ng takot at kamatayan sa mga tao." Alam ko na iyon pero nagtanong parin ako. Ang komportable ng posisyon ko kaya hindi ako umalis doon. "Mga taong nagpapalit anyo bilang dragon, at mayro'n ding nagpapalit sa iba pang nilalang, ang masasama o kriminal ay sinama din sa kulungan na 'yon na ni minsan ay walang nakakalabas." Kwento niya habang hinahaplos ang ulo ko. "Kaya ang natira sa ngayon ay ang werewolves o taong lubo, witches at bampira." "Ang bampira ay may iba't ibang lakas o katayuan sa lipunan. Una ang pure blood na ginto ang mga mata, sila dapat ang hari at reyna pero namatay na sila lahat at walang nakakaalam kung nasaan ang sunod na henerasyon. Pangalawa, ay ang lord na may abuhing mata. Lord din kami, pero dahil ang pamilya namin ay may nahalong pure blood, dati-dati pa, kami ang humawak sa trono hindi ang ibang lord. Ibabalik din namin ito pagdating ng kahit isa lang na pureblood na alam kong may nabubuhay pa." "Sumunod ay ang mga ordinaryong bampira. 'Yong mga taga-sunod sa hari at lords pero may kakayahang lumaban at may natatangi ding lakas at bilis. Tapos ang panghuli ay ang turned o nakagat na bampira. Sila naman 'yong kadalasan ang nagiging rogue na pinapatay at nakapatay ng inosente. Ang rogue ang pinamabilis patayin at alam ko pag-aaralan niyo kung paano naman kaya hindi ko na idedetalye." "At ang nasa litrato sa sala ang poprotektahan mo. Ang pamilya natin." Dugtong niya pa at saka ko naramdaman ang paghalik niya sa noo ko. "Ang hari at ang anak ko lang ang ingatan mo." Sabi niya pa kaya tumango naman ako. Napatigil kami sa pag-uusap ng maramdaman ko ang isang presensya. Nasa salas na ito at kasama si Kera. Kaya naman nag-ayos na ang prinsesa bago kami lumabas sa silid. Doon ko nakita ang isang, masasabi kong gwapo na lalaki. Kung hindi na ako ilag sa lalaki ay baka pinuri ko ito, pero nagbago na ang lahat. "General, mabuti at nakarating ka." Magiliw na bati ni Victoria, hindi ko pa pala nasabi ang pangalan niya. Siya si Victoria Vaughn. "Mahal na prinsesa," at inabot ang kamay ni Victoria at yumuko itong hinalikan ang likod ng palad. "Pero huwag niyo na po akong tawaging heneral, mas gusto ko ang maestro." Tumango naman si Victoria. Nag-usap pa sila ng kung ano-ano hanggang dumating na sa akin ang usapan. "Ito pala si Liana, siya ang tuturuan mo." Pakilala ng Prinsesa at inakbayan akong nakaupo sa tabi niya. Tiningnan naman ako nito na parang sinusuri. Pagkatapos ay kita ko ang kakaibang ngiti niya bago tumango. Habang ako ay kinakabahan, parang may iba siyang binabalak, kaya naman sana ay magagawa ko ito ng hindi siya napapatay. Ang sarap niyang sakalin ngayon pa lang eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD