Chapter 4

3010 Words
"Pwede po ba ako dumalaw muna sa magulang ko bago tayo umalis?" Pagbukas ko ng usapan habang kumakain kaming tatlo. Napatingin naman ang prinsesa kay Kera. Habang si Kera ay nanlaki ang mata, kinagat ang ibabang labi na akala mo may ginawang mali. "Sorry po mahal na prinsesa," at mayro'n ngang hindi ginawa. Mababasa ko naman ang kaniyang isip, pero hindi ko ginawa. Alam ko pa rin na personal iyon. Huminga naman ng malalim ang prinsesa at tumingin sa akin. "Anak," simula ng niligtas niya ako ay 'yon na ang tinawag niya sa akin at ngayon ay nakakasanayan ko na rin, "sabihin ko na lang sayo mamaya. Kain muna tayo." Nakangiti niya sabi kaya tumango naman ako. Hindi ako nagpumilit pa kahit gusto ko ng marinig iyon dahil mukhang tungkol naman sa akin. Pinagpatuloy namin ang pagkain habang sila ni Maestro Hector ay abala sa pag-uusap gamit ang ibang lenggwahe. Hindi ko pa alam ang mga 'yon dahil hanggang English pa lang na libro ang napapag-aralan ko. Dahil din may iba na akong dugo, mas nagiging matalas ang isip at memorya ko. Mas madali na sa akin na pag-aralan ang lahat ng bagay, kaya alam ko kaya ko ang ipapagawa sa akin. Hindi din sa pagmamayabag, noong tao pa lang ako, matalas na din ang aking pag-iisip. Palaging matataas ang marka sa eskwelahan na nakukuha ko. Kahit mahirap kami, napag-aral ako nila Nanay. Kahit halos dalawang oras ang kailangang lakarin, kinaya ko para makapag-aral ako. Ang bayarin ko ay sila ni Nanay ang bahala. Kaya malaki ang utang ko sa kanila. Patuloy lang kaming kumain habang may kaniya-kaniyang iniisip at ginagawa. Kami ng prinsesa ay pagkain ng tao pero mayro'n din dugo sa hapag. Si Maestro ay karne ng hayop pero madugo-dugo pa ito. Nakakadiri siya kung titingnan pero sinasanay ko na ang sarili ko doon. Umpisa pa lang ito at madami pa akong pagdadaanan, kaya umpisa pa lang ay dapat na akong masanay. Hindi din nagtagal ang pagkain namin dahil nagmamadali na rin kami. Hindi na ako magdadala pa ng kung anong gamit kasi nandoon daw lahat ng kailangan at kakailanganin ko. Dahil na din sa nagmamadali kami, gagamit kami ng tinatawag nilang eroplano para makapunta sa lugar kung saan si Maestro nakatira at saan niya ako sasanayin. Hindi daw kasali sa bansa namin, kundi labas ng bansa. Simula ng nawala na sa serbisyo si maestro, mas pinili nitong mamalagi sa ibang bansa. "Anak, halika muna dito." Tawag sa akin ng prinsesa at lumabas ng bahay. Sumunod naman ako sa kanya at tumigil kami sa hardin na naroon. "Huwag ka sana mabibigla sa sasabihin ko, anak." Sabi niya na kinakunot ng aking noo, nagtataka ako kung ano ang sinasabi niya. Ito ba 'yong gusto niyang sabihin kanina pa? "Wala na sila Liana," naghihinayang niyang sabi at napabuntong-hininga pa bago nagpatuloy, "ang nanay mo, hindi niya kinaya ang pagkawala mo kaya nang araw ding iyon siya binawian ng buhay. Inataki siya sa puso. Tapos 'yong tatay mo, hindi tumigil sa paghahanap sayo kasi naniniwala siyang buhay ka pa. Hanggang, noong ikalawang linggo, hindi na rin kinaya ng katawan niya ang pagod at hirap. Ang tiyahin mo ay wala na ding magawa dahil pinagbabawalan na ng asawa, lalo na't nagkakasakit na ito." Nakatingin lang siya sa mata ko habang sinasabi iyon, isang malagim na balita para sa akin. Panibagong sakit na naman ang bumalot sa pagkatao ko. Ang nag-alaga at nag-aruga sa akin ay wala na. Alam kong matatanda na sila, pero alam ko tatagal pa ang buhay nila kung walang mangyayaring masama. Si nanay may sakit sa puso, kaya iyon nga ang naging dahilan at si tatay sa pagod, na siguradong naglakad lang siya. Gusto kong umiyak ulit pero wala naman magbabago doon. Wala na sila, kaya isa lang magagawa ko para sa kanila, matupad ko ang pinangarap nila para sa akin. Kahit saan man sila, makikita nilang nagtagumpay ako. "Pasensya anak. Hindi naman namin pwedeng sabihing buhay ka lalo't iba na ang anyo mo." Sabi niya pa at hinawakan ang kamay ko. Pinisil-pisil niya pa ito na nagpagaan naman ng nararamdaman ko. Sa hindi malamang dahilan, kilala siya ng puso ko. "Mahal na-" pero pinutol niya ang sasabihin ko sanang 'mahal na prinsesa'. "Anong sabi ko na itawag mo sa akin?" Nakangiti niyang sabi. Siguradong pinapagaan niya lang ang loob ko. "I-ina." Nauutal kong sabi dahil naninibago ako. Pero siya ay tumango sa sabihin ko. "P-pwede ko bang dalawin ang puntod nila bago ako umalis? Kahit sandali lang?" Sabi ko pero walang bakas ng emosyon ang mukha ko maliban sa boses kong pumiyok. "Oo naman. Sasamahan ka ni Kera. Gabi naman na kaya pwede mong gamitin ang bilis mo." Pagpayag niya habang tinitingnan ako ng abo niyang mata at nakikita ko ang pula kong mata doon. "Salamat, ina." Ika ko at yumakap ako sa kan'ya. Siguro, matagal na naman kaming magkikita kaya huling yakap ko na rin ito sa kanya. "Magdala ka na rin ng bulalak." Habilin niya sa akin at nakangiti siya bumitaw. Pumasok siya sa loob ng bahay at dinig ko pa ang pagtawag niya kay Kera. Ako naman ay pumili ng paboritong bulalak ni nanay na palaging inuuwi ni tatay mula sa bundok. Mga puting wild orchids 'yon at mabuti na lang mayro'n dito dahil hindi na ako aalis pa. Likuran kasi ng bahay-bakasyunan ay halos gubat na, at sanang namumuhay dito ang mga ligaw na bulaklak. Ang para kay tatay naman ay gano'n din. Mas gusto niya kasi kung ano ang nagpapasa kay nanay. Gano'n niya ito kamahal. Na kahit lumipas na ang mga taon, hindi nabawasan o nagbago man lang ang nararamdaman nila. Mas tumibay pa ito sa pagsubok na dumating. "Tara na?" Panggugulat ni Kera pero hindi naman ako naapektuhan kasi kanina ko pa siya nararamdaman. Gusto pa atang bumawi, pero hindi naman niya magawa kaya bumusangot na lang siya. Bumulong-bulong pa ito ng kung ano, hindi ko naman pinansin pa. Nauna na akong naglakad palabas ng gate, hanggang naisipan kong magmadali na rin. Hindi kami pwedeng matagalan sa himpapawid dahil baka masikatan ng araw ang kasama ko. Baka magkaroon pa ng aksidenting pag nagkataon. "Sumunod ka sa akin, alam ko kung saan ang puntod ng mga magulang mo. Pinaalam sa akin dati ng mahal na prinsesa, baka nga hanapin mo daw. Tama nga naman siya." Imporma ni Kera, na kinatango ko na lang. Nauna na agad siyang tumakbo kaya sumunod na lang ako. Nang tumakbo siya ng mabilis, gano'n na rin ang ginawa ko para magsabay kami. Hindi parin ako umiimik na nakaugalian ko na rin. Kaya ko siya lampasan kung gugustohin ko, pero hindi ko alam kung saan sila nanay at tatay kaya sinabayan ko na lang siya. Maaga pa ang gabi pero wala ng tao sa kalsada, na siyang nakaugalian na, kaya naman pwede namin gamitin ang kakayahan namin. Hindi naman pala kalayuan ang sa amin dahil wala pang kalahating oras ay narating na namin ang lugar. Mas mabilis pa kami sa sasakyan na siguradong aabutin pa ng siyam-siyam. Nasa pampubliko kaming libingan. Libre lang dito kaya dito talaga kadalasan nililibing ang tulad naming mahihirap. Nauna ulit si Kera maglakad habang ako ay nakasunod lang, tinitingnan ko ang aming dinadaanan. Madilim ang gabi pero walang kahirap-hirap iyon para sa amin ni Kera. Pula ang mga mata namin ngayon na umiilaw, indikasyon na naging bampira kami dahil sa kagat. Isang palatandaan ang mata para malaman kung ano kang uri ng bampira. Ilang sandali pa ay nakita din namin ang aming pakay. Makikita pa ang pangalan sa kahoy na ginawang krus kaya sigurado akong sa kanila ito ni nanay at tatay. Sa pagkakita ko ng kanilang puntod, doon na bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan pa na bumuhos ang emosyong tinatago ko. "Nay! Tay!" Tawag ko sa dalawang taong nagbigay sa akin ng buhay. "Hindi niyo na po m-makikita ang magagawa ko. B-bakit po agad-agad naman? Gusto niyo na po akong m-makasama? Paano po ba 'yan? Nandito pa po ako." Sabi ko na akala mo nagbibiro pero ang loob ko ay wasak na. Ganito ko nakagawiang kausapin ang mugalong ko, pero ni minsan ay hindi ako naging bastos at pasaway na bata. Naging mabuti ako at masunuran tulad ng gusto nila. Naramdaman ko ang paghagod ni Kera sa likod ko. Napaluhod ako at napatukod na sa lupa para suportahan ang katawan ko na huwag bumagsak. Dinidiligan na ng luha ko ang lupa na inaapakan ko, lupang kinalalagyan na nila. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak hanggang wala na kong maibuhos pa na luha. Paulit-ulit kong sinasambit ang pangalan nila. Alam kong kung nasaan man sila ngayon, ay masaya na rin sila. "Nay, Tay," at sabay punas sa dumaloy na luha sa aking pisngi. "Pangako po. Tutuparin ko ang pangarap niyo po sa akin at hihigitan ko pa po 'yon. Pangako po." Sabay ay may pilit na ngiti sa aking labi kahit ang hirap na. Sa palagay ko, ito na rin ang huling ngiti ko, pero sana huwag naman. Gusto ko pa ring sumaya, kahit nangyari ang nakaraan ko. Nilagay ko ang dala kong bulaklak sa tabi ng bulaklak na nandito pa. Medyo lanta na ito, siguro dalawa o tatlong araw na itong nandito, pero nandoon pa ang amoy. Pero may isa pang amoy na hindi galing sa bulaklak o kahit anong pabango. Kakaiba ang halimuyak nito. Nakakaakit! Napabaling ako kay Kera. "Naamoy mo ba 'yong amoy na galing sa bulaklak na ito?" Tinuro ko na rin ang tinutukoy ko. Sinubukan niyang amoyin ang sinasabi ko. Lumapit pa nga ito para makasigurado. "Wala naman ah." Sagot niya at umiling pa bago tumayo sa kaninang kinakatayuan niya. "Pero, may kakaiba. Ang sarap niya sa pang-amoy at gusto kong akin lang." Paliwanag kong nakatingin sa kanya at nakita ko na nanlaki ang mga mata niya. "Ano ''yon Kera?" "W-wala." Nauutal niyang sabi, pero nang makita niya ang seryoso kong mukha, napilitan siyang magsalita. "Pe-pero Liana, wala ng oras para puntahan mo pa siya. Hindi natin alam kung saan siya nakatira. Isa pa, hindi ka pa karapat-dapat sa kan'ya." Masakit ang huli niyang sinabi, pero nagpumilit pa rin ako dahil gusto kong malaman. "Pero ano ko ba siya? Bakit mayro'n sa isip ko na dapat ko siyang hanapin, na protektahan?" Tanong ko ulit. "Ma-mate. Soulmate mo siya." Napipilitan niyang sagot na kinakabahan pa. Napatayo ako at napangiting tumingin sa kan'ya, alam kong para na akong baliw sa lawak ng pagkakangiti ko. "Kailangan ko siyang makita kung gayon." Sabik kong sabi at hinawakan siya sa balikat. Yumuko naman si Kera bago sumagot. "Pero, kaya mo ba siyang ipagtanggol na? Paano kung ordinaryong tao siya? Maari ka niyang patayi o ikaw ang makapatay sa kanya. Hindi mo pa nakokontrol ang pagkasabik mo sa dugo. Mahirap ang hinihingi mo Liana. Hindi pa natin alam kung taga saan siya. Mahirap kung amoy lang niya ang susundan natin." Paliwanag niya. Doon ako natauhan, pumasok sa aking isipan ang tama at mali sa ngayon. Kung hindi ko nailigtas ang anak at magulang ko, paano pa kung ngayong mas maraming magtatangka sa buhay niya dahil sa akin? Isa pa, halimaw na rin ako. Maari ko siyang masaktan kung hindi ko pa nasasanay ang sarili ko sa mga tao. May punto si Kera ng mga oras na iyon. "Tama ka. Wala pa akong lakas para maingatan siya." Sabi ko at tumingin kay Kera. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tara na. Nag-aabang na ang maestro mo sa labas ng bahay. Doon ka daw niya hihintayin." Tumango naman ako sa sinabi niya. Kahit nalulungkot ako, sinantabi ko na lang muna. Nagmadali agad kaming umalis dahil baka mahuli pa kami. Sa daan, hindi ko na rin naamoy ang amoy ng tinatawag niyang mate ko. Hinayaan ko na lang muna. May tamang panahon para doon. Kung wala man, gagawa pa rin ako. Tama nga si Kera sa sinabing nandoon na ang guro ko sa harap ng bahay at naghihintay. May ngiti siya sa labi pero alam kong isa siyang seryosong tao pag kailangan. "Tara na, Liana. Kailangan na nating magmadali." Pumasok na siya agad sa sasakyan at hindi na ako hinintay pang.makasagot. "Mag-ingat ka dito at hintayin mo ang pagbalik ko." Sabi ko kay Kera. Tumango naman siya at pinipilit na huwag umiyak. Niyakap ko na lang siya at sinuklian niya naman ito. Kahit sandali pa lang kaming nagkakilala, napalapit na din ang loob ko sa kan'ya. Pagkabitaw namin ay pumasok na agad ako ng sasakyan at baka matagalan pa kami. Tahimik lang kami buong biyahe na umabot ng dalawang oras. May driver kami kaya nakapikit lang si Maestro habang ako ay nakatingin sa labas. Madilim man ay malinaw ko namang nakikita ang dinadaanan namin. Hindi ko pa nakikita ang lugar na dinaanan namin. Pagdating namin sa paliparan, doon ko nakita ang isang maliit na sasakyan panghimpapawid. Napakaganda nito, at ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito. Siguradong ang mahal ng bili nila dito. Iilan pa lang nakakagawa nito kaya sobrang mahal. Inalalayan na agad kami ng driver namin. Siya na rin ang nagbuhat ng ibang gamit na dala namin. Ang driver namin ay siya ring magpapalipad ng eroplano. Dalawa lang kami ang pasahero kaya mas madali lang sa amin. Pinasuot muna sa akin ni maestro ang isang gamit na pantakip sa tainga kasi maingay daw ang sasakyan namin at baka hindi ko kayanin. Pero hindi niya alam kaya kong kontrolin ang pandinig ko. Pero sinuot ko parin iyon para wala ng problema. Pagkasakay at nang maayos na ang lahat ay umalis agad kami. Tulad ng nasa sasakyan, nakatingin lang din ako sa labas. Kita ko ang madilim na lupain sa baba. 'Wag ka mag-alala mahal ko. Babalik akong handa na para sayo.' Sabi ko sa aking isipan para sa aking pangako sa isang taong hindi ko pa nakikita pero parte na agad ng aking pagkatao. Malaking parte siya na alam kong bubuo sa akin, ang wasak na ako. Siya ang nag-iisang pag-asa para bumalik ang buhay at sigla na mayroon ako dati. Kung ano-ano na ang naiisip ko habang nasa himpapawid kami. Ang dami ko ng plano para sa susunod pang mga tao. Medyo matagal din ang biyahe namin pero wala naman akong magagawa. Pero ang tansya ko ay papunta kami ng hilagang silangan. Kung saan may mga bansa na sakop ng tinatawag nilang Europa. 'Yon din ata ang salitan nila ng mahal na prinsesa kanina kaya dapat ko din itong pag-aralan. Sa malalim kong pag-iisip, hindi ko namalayang bababa na kami kung hindi pa ako kinalabit ni maestro na humanda na sa pagbaba. Humawak ako sa gilid tulad niya para sa kaligtasan ko. Medyo maalog pa ang pagbaba namin at nakakatakot siya para sa ordinaryong tao. Ilang minuto pa ay ligtas kaming nakababa at nakapasok ulit sa isa pang sasakyan. Sinalubong kami ng isa na namang bampira na driver ata nila dito. Mas madilim ang loob ng sasakyan bilang pangprotekta sa sikat ng araw. "Buenas noches, señor. [Good evening, Sir.]" Sabi nito kay maestro na hindi ko naman naiintindihan. Pero yumukod ito kaya siguro paggalang iyon. Suminyas naman ang maestro na aalis na kami. Sa daan kita ko ang kaibahan ng bansang ito sa kinalakihan ko. Dito masasabi mong ang unlad nila, ala-una na ng madaling araw ayon sa relo sa harap ng sasakyan, pero buhay pa rin ang buong paligid. Pero habang tumatagal ay kumukunti ang bahay na nadadaanan namin hanggang sa wala na nga. Napalibutan na kami ng matatayog na punong kahoy. Wala naman kaming nakasalubong na panganib sa daan kaya siguradong ligtas ang gubat. O dahil may bantay? Nakikita ko ang iilang pulang mata na napapatingin sa gawi namin. Pero hindi mata na galit kundi pagtataka. Malayo man sila at gumagalaw kami, kitang-kita ko iyon ng walang kahirap-hirap. "Estamos aquí, señor, señora. [We are here, Sir, Madam.]" Sabi ng driver at ngumiti sa amin. Hindi ko ito sinuklian pero tumango ako. Unang bumaba si Maestro at sumunod ako. Ang laki ng bahay, para itong palasyo sa laki nito. May bantay na mga bampira ngunit ang iba ay kung ano-ano ang ginagawa. Hindi ko na lang pinansin lalo na ang mga tingin nila sa akin ng may pagnanasa, sa laman man o sa dugo. Binaliwala ko na lang sila at sumunod na lang sa guro ko. "Mi amado esposo, Estás aquí. [My beloved husband, you're here.]" Sabi ng babae na tumatakbo at sinalubong ang guro ko ng yakap at halik. Napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang manood ng ganoong eksena. "Ya me trajo a la hija de princesa, mi nuevo alumno. [I already brought the princess daughter, my new student.]" Sabi ni Maestro na hindi ko naman maintindihan. Kailangan ko na talagang pag-aralan ang iba't ibang lenggwahe. Nakakaasiwa na kasing makarinig, at baka ano na ang sinasabi nila tungkol sa akin. "Ano ang pangalan mo iha?" Sabi ng ginang at nilapitan ako. Hinawakan ang kamay ko na parang kinakagalak akong makilala. Tintanggap niya ako ng maluwag dito sa bahay nila. "Liana Vaughn." Si Maestro ang sumagot pero nagtaka ako kung bakit ang apelyido ng prinsesa ang gamit ko. Alam kong anak na ako ni ina, pero hindi ko alam na gagamitin ko pala ang apelyido niya. "Kamahalan," sabi ng ginang at nagtangka sanang lumuhod pero hinawakan ko ang kamay niya para huwag gawin ang kanyang iniisip. "Paano po ako naging Vaughn?" Nagtatakang kong tanong. "Dahil dugo ng Vaughn ang nanalaytay sayo iha." Ang ginang ang sumagot at tiningnan ang ang kamay ko. Kita kong maluha-luha siya ng makita ang marka sa daliri ko na parang singsing. "Nagbalik kana.." bulong niya pero klaro kong narinig. "Ano po 'yon?" Wala akong maintindihan. Ako, nagbalik? Saan? "Ah, wala. Naiiyak lang ako dahil nabalitaan ko ang nangyari sa anak mo." Naiiyak niyang sabi at niyakap ako. Hindi ko alam pero parang ang laki na agad ng tiwala ko sa mag-asawang ito. "Samahan mo na siya Zoyla sa magiging silid niya. Magpapahinga na rin ako." Utos nito sa asawa at umalis na ang maestro. Masaya naman akong hinatid ni Zoyla sa magiging silid ko sa mansyon nila. "Magkikita tayo muli bukas. Pagpahinga kana." Sabi niya bago sinarado ang pinto. Tama siya. Bukas na magsisimula...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD