"Hindi kami eskwelahan kaya kailangan mo pa ring pumasok sa totoong paaralan. Kung wala ka kasing dahilan kung bakit ka pumunta sa basang ito, pababalikin ka nila sa pinanggalingan mo. Pero h'wag kang mag-alala iha, nagawa ko na ang lahat ng kailangan mo." Imporma sa akin ni Zoyla kinaumagahan.
Nasa hapag kainan kami ngayon, at mga karne na may dugo-dugo pa ang nakahain. May sariwa din na dugo ng hayop kaya 'yon na lang ang ininom ko at hindi na kumain pa. Wala din naman akong gana, wala lang dahilan.
"Pero hindi pa po ako sanay sa maraming tao. Baka po may atakihin ako at makapatay pa." Nakayuko kung sabi. Kasi naman ilang araw pa lang ba ng gumising ako? Hindi pa umaabot ng buwan simula ng magkamalay ako. Hindi ko pa gamay ang bago kong pagkatao at baka magkamali pa ako.
"Kaya isasama kita sa pinapasukan kong eskwelahan, at mamamalengke din kayo mamaya ni Zoyla para masanay ka. Susubukan namin ang kontrol mo sa sarili. Kung magkaproblema man, mabuting nandoon kami." Sabi ni Maestro habang nagpupunas na ng labi.
Pansin ko sa kanila, ang galaw nila ay galaw mayaman na parang takot magkamali; dapat kalkulado ang bawat galaw, at napakahinhin. Pero kahit lalaki si Maestro hindi naman nakakabawas ng pagkakalalaki niya iyon. Parang mas kagalang-galang pa nga ang dating kapag siya ang gumawa.
Wala silang anak, ayon sa kanila. Kaya kami lang na tatlo ang kumakain sa hapag. Habang ang ibang kasama namin dito sa malaking bahay ay may kan'yang oras ng pagkain. Hindi naman sila katulong pero ganoon ang patakaran nila rito. Ewan ko kung bakit gano'n pero hindi na lang ako nagtanong pa. Nakikitira lang ako dito kaya igagalang ko na lang kung ano ang patakaran nila at piliting h'wag lumabag.
Nagmadali na rin akong ubusin ang dugo na iniinom ko kasi parang paalis na si Maestro. Mabuti na lang at maaga ako nagising at naligo kanina. Hindi naman namin kailangan talaga ng tulog pero dahil na rin siguro sa byahe ay nakatulog ako.
Suminyas lang si Maestro na aalis na kami kaya yumuko lang ako ng kunti kay Zoyla bilang paalam ko. Dala ang bag ko na may isang damit, pamunas na hindi naman talaga kailangan, at isang baonan ng tubig pero ang lamang ay dugo; sumunod na ako kay maestro. Hindi ako tumakbo pero binilisan ko ang bawat hakbang ko para maabutan siya. Napangiti naman si Maestro sa ginawa ko pero hindi ko lang pinansin. Alam ko naman kasing kailangan namin kontrolin ang bilis at lakas namin kaya palaging nasa isip ko iyon.
Naglakad kami palabas at doon may iilang naglalakad na bampira ay yumukod kay maestro pero kakaiba ang tingin na binibigay nila sa akin. Nakapantalong maong at t-shirt na pinarisan ko ng sapatos na gawa sa tela at guma ang swelas ang suot ko, pero para akong isang pagkain kung tingnan nila. Hindi naman labas lahat ng balat ko para maging pulutan. Hindi ko na lang sila pinansin at kahit na ni katiting na sulyap ay hindi ko ginawa. Diretso lang ang tingin ko at walang emosyon ang mukha.
Pasakay na sana kami ng isang sasakyang de-gulong na nakaparada sa harap ng bahay, nang biglang may naamoy ako. Masarap na amoy. Nakakaadik!
Bago pa ako mahawakan ni Maestro ay nawala na ako sa tabi niya. Mabilis ang galaw ko at bigla na lang akong lumitaw sa babaeng nadapa. Amoy ko ang dugo na nagmumula sa kanya. Ang sarap no'n at alam ko ding naging pula na ang mata ko.
Kita ko ang takot sa mata niya sa biglang paglitaw ko sa harap niya. Ang sarap itusok ang pangil ko at sipsip ang masarap na amoy na 'yon. Sigiradong masarap din ang lasa nito kapag matikman ko na.
"Sh*t! Magiging pagkain pa ata ng new born."
"Bago lang siya dito ah, malas niya naman."
"Sayang, hindi ko pa natikman 'yan eh."
"Kawawa naman."
"Por favor, mi hija de repuesto. [Please, spare my daughter.]"
"Dug, dug, dug."
'Yan ang naririnig ko sa aking paligid pero mas lamang ang ang t***k ng puso niya. Nakakaadik ito sa pandinig kasama na ang amoy ng ilang likido na dumadaloy mula sa kanyang katawan.
Dahan-dahan akong lumapit sa babaeng hindi ko kilala. Sa bawat hakbang na ginawa ko, gumagalaw din ang ulo ko na pinagmamasdan siya na parang isang leon na nilalapitan ang kanyang pagkain. Nadapa siya kanina at may sugat ang tuhod at palad niya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang kapayatan niya, at bakas sa kung ano na nasa kan'yang mukha. Siguro mas matanda lang ako ng isang taon sa kanya. Sa bawat hakbang ko ay gumagapang siya ng paatra, ramdam ko ang kanyang takot na mas nagpasigasig sa aking kagustuhang dakmain siya.
Sa kakaatras niya ay napasandal na siya sa semento kung saan nakatanim ang ilang halaman. Wala na siyang maatrasan kaya naman yumuko ako para magpantay ang mukha namin.
"No. Por favor, no me mata. [Don't. Please, don't kill me.]" Hindi ko man naiintindihan ang sinasabi niya, alam kong takot at pagmamakaawa 'yon. Tiningnan ko lang siya at dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Napapikit siya at parang hinihintay na lang ang mangyayari sa kanya. Hinawi ko ang damit niya. Dahan-dahan, nilapit ko ang aking labi sa kanyang balikat at ng dumapo na ang labi ko, napasinghap siya gano'n din ang tao sa paligid. Pero nakita ko ang pagdilat niya ng wala siyang maramdamang sakit.
Dinilaan ko ang totoong pakay ko sa bandang leeg niya kung nasaan ang sugat niya. Alam ko mas umilaw ang mata ko sa pagkatikim ko ng dugo. Hindi sa pagkasabik, kundi dahil sa isang bagay.
Walang salita na bigla akong gumalaw; tumayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa lapastangang lalaki. Pagtapat ko sa kanya, buong lakas kong winasiwas ang kamay ko at hinampas siya sa tiyan. Isang pader ang nasira sa pagtalsik ng lalaking aking sinikmurahan. Lahat sila napasinghap sa ginawa ko, kahit si Maestro ay natakot ata lalo na ng tumayo ang lalaki na namumula ang mata na nagpapahiwatig na galit ito. Alam kong takot si Maestro, nararamdaman ko ito, dahil baka hindi ako makalaban at ang iba ay tinatawanan na ako ngayon. Akala nila nakakatuwa ang sitwasyon ko ngayon.
"¿Cuál es tu problema? ¿es suficiente su sangre no es delicioso? ¿o desea una atención? Puedo darle. Pero Prepárate porque vas a comer el polvo. [What's your problem? Is her blood not delicous enough? Or you just want an attention? I can give you that. But prepare yourself because you're going to eat the dust.]" Sabi ng lalaki sa salita nila na hindi ko naman naintindihan pero mas umingay ang nanonood, parang suportado siya nilang lahat.
Hindi niya na ako hinintay na magsalita, inataki niya na agad ako. Hindi man ako bihasa sa pakikipaglaban, pero nang nandoon pa ako sa bahay-bakasyonan minsan tinuruan ako ni Kera at nanonood kami dati ni tatay ng palabas na may laban. Pero mas gagamitin ko ang utak ko dito, kasama din ang bilis at lakas.
Sinuntok niya ako sa mukha pero naiiwas ko agad ang mukha ko. Sumipa siya patama sa sikmura ko, umatras ako. Umikot siya para ipatama ang isa niya pang paa pero yumuko ako. Mabilis agad akong lumayo pero sinalakay niya parin ako ng sipa. Mabilis siya gumalaw pero kulang pa para masabayan ako.
"Ano to? Prin-" may sasabihin pa sana si Zoyla na naghihingahos papunta dito sa labas, pero pinutol siya ni Maestro na nakita ko sa gilid ng mata ko. Dahil sa pagtingin ko kay Zoyla ay natamaan ako sa mukha. Ramdam ko ang pagdugo ng labi ko at napatabingi pa ang mukha ko. Dinilaan ko ang aking labi na nasugatan at gumaling naman ito agad. Wala akong naramdaman na kahit anong sakit, nasanay at manhid na ata ang katawan ko.
Dahan-dahan akong bumaling sa kanya at tumahimik ang lahat sa pagkislap ng mata ko. Kita ko pang nakangisi ang kalaban ko pero ng tuluyan na akong humarap ay nawala ito.
Walang pag-aalinlangang sinalakay ko ang hambog na lalaki. Hahampasin ko dapat siya ng aking braso pero naharang niya ito ng dalawang kamay, ngunit kitang-kita ko kung paano pa siya nahirapan sa lakas ko. Pinipigilan niya ito kaya hindi niya napigilan ang pagtama ng isa kong kamao sa kan'yang sikmura. Tumalsik siya sa isang paso na nabasag agad sa lakas ng pagkakatama niya dito. Narinig ko din ang pagkabali ng buto niya sa dibdib, kaya namimilipit ito ngayon at ang bagal niyang gumaling. Napasuka na rin siya ng dugo.
Naglakad ako papalapit sa kan'ya, na hindi parin nagpapakita ng kahit anong emosyon, na nagpaatras naman sa mga bampira na nasa kaniyang gilid at likod. Hindi ko alam kung ano ang nakikita nila pero ang gusto ko lang ngayon, ay ang patayin siya.
"You. Broke. Rules. You. Die." Sabi ko na may diin ang bawat salita. Mas kita ko ang panginginig niya habang naamoy ko ang takot na bumabalot sa kanya. Alam kong alam na nila kung ano ang tinutuloy ko kasi hindi na sila nagsalita pa at umatras na lang.
"Ten piedad. No quiero morir aún. [Have mercy. I don't want to die yet.]" Pagmamakaawa ng lalaki pero para akong bingi na walang narinig.
Lumuhod ako gamit ang isang tuhod para magpantay kami. Hinawakan ko ang leeg niya ng madiin gamit ang kaliwa kong kamay habang ang isa ay dahan-dahan kong dinidiin sa dibdib niya gamit ang mahahaba kong kuko, gusto kong dukutin ang kanyang puso. Lumalabas na ang dugo sa kanyang dibdib na unti-unti ng tinutusok ng kuko ko at rinig ko ang paulit-ulit niyang pagmamakaawa. Gustong-gusto kong marinig ang kanyang pagmamakaawa katulad ng gusto kong makita ang dugo na dumadaloy sa dibdib nito. Gusto ko siyang nasasaktan, at gusto kong makita siyang mamatay ng paunti-unti. Hindi siya nararapat makatanggap ng madaling kamatayan.
"Tama na, Liana." Awat ni Maestro, na nagpaswerte naman sa kan'ya. "Ako na ang magpaparusa sa kanya. Alis na tayo." Sabi nito na pautos at tumalikod na agad. Nanlilisik lang akong tumingi sa kaniyang likod, nanggagalaiti ako tapos aawatin niya ako kaagad? Pero wala akong magagawa kundi bitawan siya. Binunot ko ang daliri kong nakabaon na at binitawan siya na parang isang sako ng maruming basura. Napahawak siya sa leeg at dibdib habang nanatiling nakahiga sa semento.
Binaliwala ko na ito at nilapitan ang babae na hindi man lang nila tinulungang tumayo. Tinulungan ko ito at iniwan na lang ng hindi nagsasalita, basta maayos na siyang nakatayo doon.
Naglakad na ako papalapit kay maestro na nasa labas parin ng sasakyan, halatang hinihintay ako. Mukhang masesermunan din ata ako ngayon.
"Pasok na. Kailangan na nating umalis." Sabi niya pero kasabay din no'n ay narinig ko ang isang bagay na papunta sa amin. Gumalaw agad ang katawan ko kahit hindi pa ako nakapag-isip. Umilag ako ng kaunti para hindi ako matamaan, pero ang mas kinatakot ko ay papunta ito kay Maestro.
Kaya bago pa man iyon mangyari, buong bilis kung hinuli ang patalim. Salamat lang at nahuli ko ito, pero unti-unti ring tumulo ang dugo sa bawat gitna ng daliri ko. Gahibla na lang ang layo ng dulo ng patalim at ng dibdib ni Maestro. Nagpakulo ito ng dugo ko. Kaya naman kahit nahihirapan man, hinagis ko ang patalim pabalik sa pinanggalingan nito.
Natahimik ang buong paligid ng tumama ang patalim sa dibdib niya. Ang lalaking uminom ng dugo ng tao na pinagbabawal dito. Ang lalaking nakalaban ko kanina, na binigya ko pa ng pagkakataon na mabuhay... pero sinayang niya.
Pinipilit niyang binubunot ang patalim, pero isa iyong patalim na ginagamit sa pagpatay ng werewolf at bampira. Pero ang mas matindi doon, ang dugo ko na lason sa kanila ayon sa sabi ni ina, at sa mga bampira lang ito gumagana dahil ang ibang lahi ay hindi naman umiinom ng dugo. Lason ito maliban lang kung pinainom namin ito ng kusa sa kanila. Kita ko ang pagkalat ng itim na lason sa buo niyang katawan hanggang siya ay naging abo.
Hinayaan kong dalhin ng hangin ang kanyang abo. Dinilaan ko na muna ang sugat ko para sumara ito kahit hindi man agad gumaling.
"Sinayang niya lang," at pumakatak si Maestro. "Linisin niyo na 'yan." Utos niya at pumasok na sa sasakyan. Sumunod naman agad ako. Dinilaan ko lang ang dugo na umagos sa sugat ko at malinis naman na ito ulit. "Ang galing mo bilang isang bampirang bagong gising at wala pang alam sa pakikipaglaban. I'm excited to teach you now." Tinapik pa ako sa balikat habang sinasabi niya iyon. Hindi ako sumagot at tumango lang sa kanya. Hindi na rin siya umimik pa pero may ngiti sa labi na akala mo may ibang binabalak.
Ilang minuto din ang ang aming tinagal sa daan bago kami tumigil sa harap ng isang malaking gusali. Gawa sa bakal ang pader at tarangkahan habang ang malaking gusali na may apat na palapag ay gawa sa bato. Ang ganda at ang lawak nito. May iba ding maliit na gusali sa gilid pero palagay ko ay opisina lang nila 'yon o kung ano pa man.
Malawak ang harden sa pagbungad mo pa lang, may fountain pa nga. Ang ganda dito at ang ganda din ng babae na naglalakad lang. Mas higit na marami ang mga kalalakihan kaysa sa mga babae. Siguro dahil nasa isip pa rin ng tao na mahihina ang mga babae
Sa loob ay kailangan ng lakarin, kaya naglalakad kami ni maestro. Naunang naglakad si Hector o maestro kaya sumunod lang ako hanggang tumigil kami sa harap ng isang malaking gusaling bukas. Ito ata ang tinatawag nilang gym dahil sa lawak ng loob na kasya ang maraming tao.
"Doon ka muna sa itaas, hintayin mo ako. Mamaya nandito na ang mga estudyante ko." Tumango lang ako at umakyat sa pinakamataas. Kita ko agad lahat mula dito sa pwesto ko. Tiningnan ko ang paligid nito. Okay naman pala 'to. Malaki ito kaysa sa probinsya na nag-aaral lang kami sa kwarto na gawa sa kahoy.
Hindi din nagtagal at dumating na estudyante niya daw. Doon na ako nag-umpisang mahilo sa dami ng amoy na bumalot sa paligid. Gusto kong sipsipin ang lahat ng iyon. Natatakam akong matikman silang lahat, sariwa at matamis.
Bago pa man mangyari ang pumapasok sa utak ko ay ininom ko ang dugo na baon ko. Pero wala pa ring epekto at hindi ko pwede ubusin agad. Alam ko nagbabago na ang kulay ng mata ko kaya napapikit na ako. Ang pangil ko ay lumalabas na kaya naman yumuko ako at itinakip ang kamay ko. Sa pagpipigil ko, ikiniyom ko na ang dalawa kong kamay para doon ilabas ang buong pwersa ko. Hindi ako pwedeng makapanakit, kaya bago ko pa magawa 'yon ay inalala ko ang anak ko, si nanay at tatay, si ina, si Kera, ang mag-asawa kong guro, iba pang mahal ko at ang mate ko na amoy niya lang ang alam ko.
Nagawa ko namang magpigil. Nakakalimutan ko sandali ang amoy nila. Pero mas tumidi ang pahirap ko ng naghalo na ang pawis sa amoy nila. Mas nagpasarap ito sa mga dugo nila.
Ilang oras din ang paghihirap ko hanggang natapos. Nakayanan ko ito.
Ang hirap magpigil sa isang bagay na hinahanap ng katawan mo, ng loob mo. Pero, dapat kong gawin, dapat kong pigilan kung gusto ko pang mabuhay.
Kung dati, gusto ko na lang sumama sa anak ko dahil wala na din namang silbi ang buhay ko dito---ni minsan hindi 'yon nawaglit sa isipan ko. Pero nakita ko ang pinagdaanan ng babaeng iyon, naisip ko na kailangan din nila ng magliligtas sa kanila, na hindi lang ako ang nawalan. Mas nabuksan ang isipan ko.
Simula pagkabata, sinasaktan at ginahasa na siya ng ama-amahan niya pero pinagpapatuloy niya pa ring mabuhay. Kinuha siya ng ina niya, pero pinagsasamantalahan naman ng mga bampira; iniinom ang dugo at ginagamit na parausan. Napakahirap ng sinapit at pinagdaanan niya pero gusto niya pa ring mabuhay.
Nahanap ko na ang dahilan ko para mabuhay pa. Saka mayroon pang isa, gusto ko pang makita at makilala ang tinadhana sa akin. Ang babaeng sana tatanggap sa kung ano ako.
"Good job, Liana." Tapik sa balikat ang natanggap ko mula kay Maestro. "Pinatunayan mong kaya mong magpigil kahit napupuno kana ng pagnanasang ubusin ang dugo nila. Ang bilis mo na kontrol ang gano'ng bagay." Nakangiti niyang sabi.
Nandito na pala kami ngayon sa sasakyan at pauwi na dahil tapos na ang pang-umaga niyang klase. Isa pala siyang propesor at doon din daw ako mag-aaral. Hindi ko pa naman nalibot ang buong eskwelahan, pero alam kong hindi naman ako maliligaw.
"Pagdating natin sa bahay, aalis kayo ulit ni Zoyla. Maghanda ka, mas malala ang pupuntahan niyo." Nakangiti niyang sabi na parang ang dali lang ng pinapagawa niya. Pero tumango na lang ako. Para din naman 'yon sa akin, hindi para sa interest nila.
Ilang minuto din kaming tahimik hanggang nakarating kami sa bahay. Pagtigil pa lang ng sasakyan, hindi na ako naghintay pa na pagbuksan at kusa na akong lumabas. Paglabas ko ay kita ko na napaatras ang mga nandoon maliban sa guwardya. Kita at ramdam ko ang takot nila sa akin at wala akong pakialam doon.
Naglakad na ako papasok ng bahay. Kailangan ko magbaon ng dugo kasi naubos ko ito kanina paglabas ng mga bata. Pero, mas dapat ko na subukin pa ang sarili ko. Dapat wala akong iinuming dugo, ang dadalhin ko lang naman ay incase of emergency.
Nadaanan ko ang pinangyarihan ng away namin kanina. Malinis na ito at wala na ni tuldok ng dugo, sa akala nila. Para sa akin ay mayro'n pa, hindi ko alam pero kita ko pa ang maliliit na tuldok na dugo. Ang linaw sa paningin ko nito. Hinayaan ko na ito at pumasok na lang dahil hindi namam importante pa 'yon. Hindi ko alam kung nasaan si Maestro pero naramdaman ko kanina na dumaan siya. Mabilis din siya, at gusto ko mahigitan ang bilis niya o sino pang mabilis na nabubuhay.
"Liana, iha. Nakauwi na pala kayo." Salubong sa akin n Zoyla. Yumuko naman ako bilang paggalang at gano'n din siya. Ramdam ko sa sarili ko, na unti-unti ay mas nagiging kaunti ang sinasabi ko. Nagiging matigas ang mukha ko na akala mo hindi alam magpakita ng emosyon. Kahit ang mata ko ay paunti-unti din nawawalan ng buhay. Ito ata ang sinasabi nila na kinakain na ang puso mo ng kadiliman. Na nagiging maitim ka na at gusto mo na lang ay pumatay. Pero kahit gano'n, buo pa ang isip ko at may layunin ako.
"Maghanda ka na ng dadalhin mo. Sandali lang ako sa kusina at aalis na tayo." Sabi ni Zoyla na sinagot ko lang ng tango. Ayaw ko naman siyang tawagin ng kung ano kasi parang magkasing edad lang kami. Pero, ilang taon na kaya sila?
Pumunta naman ako sa kahon na pinaglalagyan ng dugo. Dalawa na ang kinuha ko, mas mainam na rin iyon. Habang nagsasalin ako, naramdaman ko ang presensya niya pero hindi ako umimik. Hinintay ko lang kung ano ang gagawin niya. Pero wala atang balak na lumapit sa akin. Takot pa.
Nilagay ko na sa bag ko ang baon ko at doon ko napansin ang papel. Hiningi ko ito kanina sa isang estudyante na nadaanan namin kanina ni Maestro. Dahil wala siyang balak na lumapit, ako na ang naglakad papalapit sa kan'ya. Habang papalapit ako, napapaatras naman siya.
"Ple-please, don't hurt me. I just came here to say t-thank you." Paputol-putol niyang sabi na nagpapahalatang takot na talaga. Kaya bago pa siya atakihin sa puso, inabot ko na sa kaniya ang papel. Nagulat pa siya at nag-alangang kunin ito. Pero kinuha niya pa rin naman at binasa iyon. Kita ko ang pagkabigla at napalitan ng saya lalo na ang mga mata niya. "Se-senyorita, you want me to go to school?" Sinagot ko lang siya ng mahinang tango bago tinalikuran. Kakausapin ko na rin mamaya si maestro tungkol doon.
Sa totoo lang, naawa ako sa kanya. Kaya kahit sa gano'ng paraan ay matulungan ko siya. Gusto ko siyang makapagtapos at h'wag na lang habang buhay sa ganitong buhay. Isang buhay na inaapakan lang sila ng ina niya.
Sabi ni Ina, bibigyan niya ako ng pera. Siguro, malaki din naman iyon kaya pwede kong gamitin para pag-aralin siya. Saka kung marami-rami pa ang matitira, tutulong ako sa ibang anak ng nagtatrabaho dito.
Sa paglalakad ko, nadadaanan ko ang ibang tao. Sila 'yong tao na alam kung ano kami. Hindi naman dapat sila namin kailangan, pero mas mabuti ng may nagtatrabaho dito ng may matulungan din kami. Kaya lang ang iba ay napipilitan dahil sa pagbabanta ng ibang bampira. Natatakot din kasi silang magsuplong ito sa mga tao at dumanak pa ang dugo kapag nagkataon.
Nakarating ako ulit sa garahe na pinagtitinginan pa rin. Wala naman akong pakialam sa kanila kaya hindi ko pinansin. "Tara na Liana at baka maubusan tayo ng karne." Sigaw ni Zoyla at nagmamadaling pumasok sa sasakyan. Sa likod ito pumwesto kaya ako naman ay pumasok na rin pero sa tabi ng driver. Nagtataka sila kung bakit doon ako umupo. Pero tiningnan ko lang sila. Tumango lang ako at umalis na kami na akala mo naintindihan ang sinabi ko.
"Kailangan mo maging handa, Liana. Mas malala ito ngayon kaysa sa kanina. Kailangan mo magbaon ng paraming pasensya at kontrol sa sarili. Mag-isip ka ng positibong bagay para magawa mo ito ng maayos." May ngiti niyang sabi sa akin. Alam ko pinapalakas niya ang loob ko at salamat ako doon.
Tumango lang ako at binaling ang pansin sa driver. Pinag-aaralan ko lahat ng galaw niya, bawat pagpihit niya ng manibela sa pagliko at ang pagkambyo niya, lahat walang ligtas. Hangang pinag-aaralan ko kung paano maggarahe ng sasakyan na hindi nagagasgasan ang magkabilaang nakatambay sa sasakyan.
Nang nakaparada na ng maayos ay bumaba na kami. Sasama pala si kuyang driver sa amin para siya ang magbubuhat kahit kaya ko naman.
Pagbaba ko pa lang, dugong dumadaloy sa ugat ng mga taong nandito ang naririnig ko maliban sa kaingayan nila. Mga pawis nila at amoy ng dugo nila at ng kakakatay lang na hayop ang naamoy ko. Nakikita ko pa ang mga hilaw na karne na may dugo pa. Halos gusto ko na lang bumalik sa sasakyan. Alam ko nagbabago na ang kulay ng mata ko kaya napapikit ako. Ang hirap pa naman magpabalik ng totoong kulay ng mata.
"Mag-isip ka ng ibang bagay, 'yong masaya ka at h'wag mo isipin ang kailangan ng lalamunan mo. Mas isipin mo kong ano ang gusto nito." Sabay turo sa dibdib ko. Kung saan nakalagay ang patay kong puso.
Tama siya! Hindi dapat ako magpadaig sa uhaw ko--- sa pagnanasa sa dugo na bumabalot na sa pagkatao ko. Dapat ko nga isipin at unahin ang gusto ng puso ko. Kaya pumikit ako at mas inisip ang amoy ng mate ko noong nakaraang araw. Isang beses ko lang iyon naamoy pero parang nakatatak na ito sa kailaliman ng utak ko na mahirap mabura.
Huminga ako ng malalim ng ilang beses habang nakapikit parin. Paunti-unti ay nawawala na ang kagustuhan kong uminom ng dugo pero nandoon parin ang mga amoy at ang t***k ng puso nila. Kaya minsan bumabalik ang pagkauhaw ko at pati ang mata ko ay tumitingkad na naman pero napipigilan ko. Nang alam kong ayos na ang mata ko, doon ako dumilat. Hindi pa tuluyang nawala pero makakaya naman kaya suminyas na akong mamili na kami.
Tama nga si Maestro. Mas mahirap 'to kaysa sa dugo at pawis na naamoy ko sa mga bata. Dito kasi amoy ko ang dugo ng hayop at nakikita.
Kasama din naman namin ang driver kaya siya ang magdadala ng pinamili. Pero tumulong din naman ako dahil sobrang dami. Ilang kilo ng karne na iba't ibang klase ng hayop ang binili ni Zoyla habang ako ay nakasunod lang. Ang driver ay dinadala ang ilan sa sasakyan. Hindi naman pwede biglain at baka magtaka ang tao na ilang kilo 'yon pero kaya niyang buhatin. Nag-iingat din naman kami.
Halos sumuko ako ng marating namin ang gitna, mas amoy ko ang lahat. Pero pinilit ko ang sarili ko na malampasan lahat ng iyon. Alam ko pagsubok lang ito kaya naman kakayanin ko.
Medyo nagtagal din naman kami sa loob ng palengke at nakayanan ko naman iyon. Kahit papaano ay nagtagumpay din naman ako. Nagtulungan na din kaming dalhin ang lahat sa loob ng sasakyan. Malaki naman ang dala naming sasakyan kaya maluwag pa ito at kasya ang lahat ng pinamili namin.
'Yong posisyon namin kanina ay ganoon parin, pero ngayon ay nagpaturo na ako. Hindi man ako nagsasalita ay nakikinig naman ako sa lahat ng sinasabi ni kuya. Bawat babala niya at bawat paliwanag niya bakit kailangan gawin 'yon, lalo na sa batas trapiko.
Madilim nang nakarating at dumaan kami sa gubat. Sa pagpasok pa lang namin ay iba na agad ang pakiramdam ko, malakas ang pakiramdam ko na may kakaiba. Nakita ko ang maliliit na pulang matang papunta sa amin. Alam kong malayo pa sila pero kita ko na agad. Hindi ito katulad ng una kong pagdating dito.
"Kuya, let's switch." Nagtataka naman itong tumingin sa akin. "I, drive. You, shoot." Sabi ko habang pinapaalis siya. Nalilito man ay umalis na rin siya at nakipagpalit sa akin. Dinukot niya ang baril sa compartment ng sasakyan at nilagyan ng bala. Nagtataka man ay nagpalinga-linga na rin siya. Habang ako ay kita ko ang pagsabay nila, kabilaan sila ng sasakyan. Mahirap ito!
"Set belt," at ginawa naman nila. "Gun," sabay lahad ng kamay ko. Nakuha naman agad ni kuya ang gusto kong mangyari. Kumuha siya ng isa pang baril at nilagyan ng bala. Inabot ko ito at nilagay sa harap ko.
Nakatingin ako sa kaliwa't kanan ko. It was my first time to drive but I handled it perfectly. Hindi ko alam kong ano ang gusto nila, pero alam ko na kami ang habol nila.
Gano'n parin ang bagal ng takbo ng sasakyan. Pero nang makita ko ang pagsabay na talon ng dalawa. Walang pasabing inapakan ko agad ang pedalan. Humarurot agad kami na parang nasa karera. Nagulat pa sila ng ginawa kong 'yon kaya napasigaw pa si Zoyla pero mas kinagulat nila ang kalabog sa likod. Hindi kasi tumama sa bubungan ng tumalon ito kundi sa lupa kaya akala mo ay may nalaglag na bugkos ng niyog.
"Ano 'yon?" Kinakabahan na turan ni Zoyla.
"Rogue Vampires. Shoot them." Seryoso kong sabi at tumango naman si kuya. Alam ko na aabutin ng kalahating oras pagtama lang ang takbo ng sasakyan papuntang bahay, pero ngayon alam ko sampung minuto lang ay nasa bahay na kami sa bilis ng pagpapatakbo ko. Binaba ng bahagya ni kuya ang salamin banda sa kan'ya. Gano'n na din ang ginawa ko para makabaril ako.
Nagalit ata sila kasi mas bumilis sila at tinatalon na kami. Pero bago pa sila bumagsak sa bubong, pinangbabaril na namin sila. Si kuya ay sugat lang, hindi ko alam kung dahil mahirap mahuli sa bilis o sinasadya niya, habang ako ay puso at bungo kaya nagiging abo ito. Hindi din ako marunong bumaril pero parang laser ang mata ko na kung saan ako nakatingin doon naman tumatama ang bala. Hindi ko alam pero naaasinta ko ito ng maayos.
Nakapatay na ako ng iilan, pero may isa talagang pasaway na ngayon ay nakasakay siya sa taas. Pumunta siya banda sa akin at pinipilit na agawain ang manibela pero mas hinigpitan ko ang hawak ko doon dahil mahirap na ang maaksidente.
Gamit ang isa kong kamay, buong lakas kong hinawakan ang isa niyang kamay at binali ito. Napabitaw naman siya at nalaglag. Wala na akong pakialam sa kaniya.
Malapit na kami sa bahay kaya nagsitakbuhan sila ulit pero paalis na kaya hindi na namin binaril. Alam din pala nilang wala na silang laban kapag nakapasok na kami.
Pinagbuksan agad kami ng pinto at si Maestro ay niyakap agad si Zoyla na palagay ko ay nag-alala dahil naramdaman niya ang nararamdaman ng asawa.
"Ano ang nangyari?" Nag-tataka at may pag-alala niyang sabi.
"May gustong tumambang sa amin. Pero mabuti na lang nandoon si ma'am kaya nakaligtas kami. Siya po kasi una nakaramdam." Paliwanag ni Kuya.
Tumango naman si Maestro na nakatingin sa akin. "Good job, Liana. You learned too fast and I'm impress. But I have to take Zoyla to bed. Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Marami tayong gagawin bukas." Sabi niya bago ako binigyan ng kakaibang ngiti bago umalis. Parang wala lang nangyari sa amin kung makangiti siya.
Umiling na lang ako at pumunta sa kwarto. Mabuti at mag-isa na lang ako, mas gusto ko ang ganito. Tahimik lang at walang problemang iniisip, napakapayapa ng isip ko. Ilang minuto pa akong nakapikit hanggang nakatulog na nga ako ng hindi ko napapansin.