"Liana, handa na ang hapag." Tawag sa akin ni Zoyla mula sa labas.
Umaga na naman at panibagong araw. Hindi ko akala na makakaligtas kami kagabi at makakaya ko 'yong gawin. Alam ko mahina ako pero nagawa ko iyon na ang nasa isip ko ay maging ligtas si Zoyla. Nakatulog nga ako pero halos wala rin dahil naiisip ko ito ulit. Ang daming katanungan sa aking isipan at isa na doon ay kung bakit kami sinundan ng mga 'yon. Alam ko rogue sila kasi ang amoy nila ay iba-iba. Hindi tulad ng amoy nila maestro at Zoyla at ng kasama nila dito sa bahay. May kakaiba silang amoy na makikilala mo kaagad.
Huminga na lang muna ako ng malalim, kahit hindi ko naman kailangan, bago bumababa. Naligo na rin ako kanina bago ako nahiga ulit kasi wala naman ako gagawin pa, kaya humilata na lang.
Paglabas ko ay nakasalubong ko si Rhodora. Yumuko ito at aalis na rin dapat pero hinawakan ko siya at hinila sa kung saan ako pupunta. Mabuti naman at hindi na ito umangal pa.
"Nandito kana pala, halika kumain ka na." Sabi ni Zoyla bago ako hinarap at doon niya lang napansing hila-hila ko si Rhodora. Nagtataka siyang tumingin sa akin.
Tumingin ako kay maestro bago nagsalita. "School," at naintidihan din naman agad nila ito.
"Gusto mo siyang mag-aral?" Nakangiting sabi ni Zoyla. "Sige. Sige. Pahanap tayo kay Hector ng pwede magbigay scholarship sa kanya." Sabi ni Zoyla. Habang nakita ko naman amg pagtataka sa mukha ni Rhodora.
"Pwede nga siya. Kahapon may kinuha kang application para sa working student diba? 'Yon na lang." Sabi ni maestro kaya tumango lang din ako at naupo na.
"W-what did you say, Master?" Nauutal na tanong ni Rhodora, hindi niya nga pala naiintindihan ang salita namin. Bampira ay alam 'yon dahil pinag-aralan nila, pero hirap pa rin ang mga tao na pag-aralan ito.
"You will go to school. Then you will apply as working student so you won't pay for your tuition." Si Zoyla na ang sumagot na siyang nagpasaya kay Rhodora base na din sa kanyang mukha.
"Thank you." Sabi ni Rhodora.
"It's nothing, iha." Sagot a lang ni Zoyla at saka nilapag ang pagkain ko. "But first, go to your work because you might don't like what you will see." Tumango naman si Rhodora at umalis.
Hindi ko na pinansin iyon at kumain na lang. Walang imikan kami sa hapag at pinagpatuloy lang ang pagkain. Nasasanay na rin ako sa pagkain ng medyo hilaw na karne kaya nagkakalaman na rin ang tiyan ko. Pansin ko na nagbabago na ang lahat sa akin, pero pinapanatili ko pa rin na matino ang pag-iisip ko.
"Oo nga pala," pagbukas ulit ni maestro ng usapan na nagpupunas ng bibig. Tapos na siyang kumain at uminom ng dugo. "Iikotin natin ang buong paligid nitong mansyon, hindi ka pa nakapasyal kaya sasamahan kita. Pagkatapos ay magmemeditate tayo ng kaunti sa gym. Kailangan 'yon ng isip mo." Nakangiting sabi niya kaya tumango lang ako. Malawak din naman kasi ang nasasakop ng mansyon, kaya kailangan ko itong libutin.
Kailangan ko nga ng katiwasayan sa isip, at tamang-tama nga ang gawin ko 'yon. Makapahinga ang isip ko at makakapag-isip ako ng maayos.
Tulad nga ng sabi niya, pagkatapos naming kumain ay inikot nga namin ang buong paligid. Mula sa harap, nandoon ang malawak na harden. Sa kaliwa nito may ilang bahay doon na para sa mga bampirang naninirahan dito habang sa kanan naman ay bahay ng tao. Pinaghihiwalay talaga nila iyon kasi mahirap na itabi ang tao sa bampira lalo na kung bata ito o bago pa lang. Baka patayin pa nito ang tao.
Pinuntahan namin ang bahay ng tao. Kaunti lang pala sila pero buong pamilya ang naninirihan. Nang makita ko sila ay wala naman akong nakitang payat sa kanila kaya mabuti naman. Palagay ko alaga naman sila dito.
Tapos bumalik kami para naman puntahan ang ang bahay ng bampira, na halos ay sarado para magtago sa sikat ng araw. Karamihan sa kanila ay turned vampire kaya nagtatago sila kasi madali lang sila masusunog. Kaya sa gabi daw sila nag-aaral. Mabuti at mayro'n ditong tinatawag nilang 'night school'. Gusto ko din sana ang ganoon, pero paano na si Rhodora kung siya lang mag-isa ang papasok? Ayaw ko naman pabayaan siya doon at marami pa akong gustong matutunan sa mga tao. Hindi ko din alam pero gusto ko siyang protektahan. Siguro dahil naawa din ako sa kan'ya, sa mga pinagdaanan niya. Gusto ko siyang makaahon mula sa pagkakalugmok, tulad ko na tinulongan ni ina. Kaya ibabalik ko lang 'to, ngayon ako naman ang tutulong.
Pagkatapos namin maglibot-libot sa bahay-bahay, kasama na din pag-iisipin ko, ay pumasok kami ulit sa malaking bahay. "Dito na tayo dumaan para tuloy na ito sa gym sa likod lang nitong bahay." Sabi ni Maestro.
Una ay ang salas na hindi ko man lang napansin nang una kong pasok dito. May malaking telebisyon at mga play station na palagay ko ginagamit ng mga bata na nandito. May dalawang pintuan na nandoon. Ang sa isang pintuan ay papuntang patio, kung saan pwede ka mag-relax. Sa kabila naman ay isang maliit na office pero alam ko hindi ito ang office ni maestro base na rin sa amoy.
Pagkatapos doon ay pumunta na kami sa kusina na nasa unang palapag lang din. Doon kami kumakain sa lamesa sa kusina. Pero nang pumasok pa kami sa isa pang pintuan, nandoon talaga ang totoong dining table. Ang haba nito ay pwedeng magkasya ang dalawampung katao. Palagay ko ginagamit lang ito sa royal gathering.
Tapos ay may pinuntahan kami kung saan makikita ang dalawang hagdanan paakyat. Para itong hagdanan na makikita mo lang sa bahay ng mayayaman o palasyo. Ito pala ang gitna ng mansyon, at kaya hindi ko pa nakikita kasi sa gilid pala kami palagi dumaan.
Ang ganda sa totoo lang, lalo na ang chandelier na nakasabit sa itaas. Ang ganda ng desinyo nito.
Pagkatapos kong mamangha ay umakyat na kami. Nasa ikatlong palapag ang kwarto ko kaya hindi ko alam kung ano ang nasa ikalawang palapag, lalo na't hindi naman ako mausyoso, kaya naman inisa-isa na ni maestro.
"Itong unang silid, diretso hanggang dulo ay library." Paliwanag niya at pagbukas nga, nakahilirang shelves ng libro ang bumungad sa akin. "Halos lahat ng 1st edition ng libro ang naririto at karamihan ay history at iba't ibang lenggwahe. Sa pinakadulo ay ang history ng lahi natin na sulat kamay pa." Paliwanag niya sa akin. Tumango naman ko at namangha.
Pagkatapos ay lumabas na kami sa silid na 'yon, ang kabila naman ang binuksan niya. "Ito naman ang opisina namin ni Zoyla. Kung gusto mo maglagay dito, ayos lang lalo na't may ipapahawak daw sayo ang prinsesa na negosyo niya dito." Imporma niya na kinagulat ko kasi wala naman nabanggit sa akin si ina. "Hindi niya ba nasabi? Hayaan mo at pupunta naman 'yon dito para dalawin ka baka doon niya na lang sasabihin." Nakangiti nitong sabi at binuksan ang isang pintuan. Mayro'ng mahabang mesa at may mga upuan. Sa harap ay parang board. "Dito kami nagpupulong pag may kailangang pag-usapan lalo na kapag nandito ang prinsesa." Tumango naman ako. Nauna siya ulit na naglakad at lumabas sa isa pang pintuan na pabalik na pala sa hallway. Tinuro niya lang ang dulo na cr ang mga iyon.
Umakyat naman kami sa taas, at doon ko napagmasdang maraming kwarto pala ang nandoon. "Itong sa kaliwa ay kwarto namin at lima pang guest room. Habang sa kanan ay may anim din na kwarto pero mas malalaki, kung napapansin mo, mas malawak ang sakop ng kanan. Pinakadulo ay magkaharap ang kwarto ng hari at prinsesa kung nandito sila, pero wala naman talagang gumagamit doon. Sunod ay kwarto mo at kwarto ng anak ng prinsesa. Iisa lang ang anak ng prinsesa kaya ang tirang kwarto ay para sa bisita ng hari." Paliwanag ni maestro habang tinuturo isa-isa. Pinagbabawal nga naman, bakit namin pupuntahan?
Naglakad na lang siya sa veranda na nandoon na nakasunod pa rin ako. Hindi ko alam, pero pansin ko hindi masyado nakakatagal si maestro sa araw habang ang iba ay hindi talaga kaya ang sikat ng araw. Sana makapag-isip kami ng solusyon para doon.
"At dito mo makikita ang training ground." Sabi ni maestro na nagmamalaki, na sadyang maipagmamalaki naman talaga. Ang lawak ng paligid at may mini forest, kung mini nga ba talaga ito, pala sila dito. Ang daming gamit pangsanay. Hindi ko napansing mayroon dito. Sabagay, hindi pa ako nakakalabas ng veranda ng kwarto ko kaya hindi ko ito nakita. Mayro'n din palang garden sa gilid.
"Dito tayo magsasanay at sa garden tayo magme-meditate para presko ang hangin. Alam kong magiging komportable ka doon." Siguro nga. Alam ko, ngayon na magsisimula ang pahirap niya sa akin... pahirap na malaki ang maitutulong sa akin. Magagamit ko sa pagligtas ng nakararami at paanong gawin itong maayos.
Lumipas ang mga linggo at tama nga ako. Pinahirapan talaga ako ni Maestro lalo ng noong unang linggong wala pang pasok sa eskwelahan.
Walang tigil siya sa pagpapahirap sa akin. Sa bawat gagawin ko ay sinasamahan niya ng mabigat na 'weights'. Noong una ang hirap pa pero habang tumatagal ay nasasanay ako. Mas hinahanap na ng katawan ko ang pagsasanay, ang sakit, napakasarap sa pakiramdam na may ginagawa ang katawan ko.
Nang nagkaroon na ng pasok, ang mga unang araw ko sa eskwelahan ay palagi kong kasama si Rhodora hanggang nakahanap siya ng tunay na kaibigan. Panatag naman ako dahil nakikita ko naman kung gaano siya ka saya. Noong una nahihiya pa siya pero ngayon ay nagbago na ang lahat. Habang ako ay mag-isa pa rin na gusto ko naman. Sumasabay na lang siya sa akin sa pag-uwi na wala namang problema.
Tulad nga ng sabi ni maestro, ako nga ang humawak sa lahat ng negosyo ni ina dito. Hindi ko pa nakikita ang kapatid ko pero alam naman daw nito na may kapatid na siya, hindi man sa laman kundi sa dugong dumadaloy sa akin. Tuwing ikalawang linggo ng buwan ay dumadalaw si ina. Noong una ay umiinom pa ako ng dugo niya hanggang tinigil ko na nga. Lalo na at naawa ako sa kanya sa lahat ng nakikita ko, hindi ko kayang makita ang paulit-ulit na pananakit sa kan'ya ng asawa niya. Walang tigil sa pananakit sa kanya ang kanyang asawa lalo na ng nalaman nitong binuhay niya pa ako. Wala ako magagawa para matulongan siya, sa ngayon. Hindi ko naman siya pwedeng kausapin tungkol doon at baka magalit siya sa panghihimasok ko. Kahit anal ang turing niya sa akin, wala pa rin akong sabi sa relasyon nilang mag-asawa.
Ngayong araw ay wala akong insayo dahil darating si ina at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay masakit ang likod ko kanina pang umaga. Para akong hinihiwa mula sa loob kaya sobrang masakit pero hindi ko lang pinapakita sa kanila. Tuloy-tuloy parin ang paggalaw ko para matapos ko na ang papeles para sa negosyo at proyekto ko sa eskwelahan. Kailangan kong matapos lahat at maisumite ng mas maaga ang lahat ng ito.
Sa nakalipas na buwan, natuto na rin akong magsalita ng lenggwahe nila dahil din sa tulong ni Rhodora. Tinuruan niya ako kung maano ito bigkasin at sabihin ng tama. Hindi lang kasi lahat ng nasa libro ay tama. Minsan namamali din sila sa pagbibigay ng kahulugan. Natuto na nga din ako magsalita ng iba pang lenggwahe na alam ko na malaking maitutulong para sa akin.
Sulat dito, buklat doon. 'Yan lang ang ginawa ko. Ilang oras pa at natapos ko din ang dapat kung gawin. Ngunit hindi ang sakit ng likod ko, na mas lumalala pa nga. Kaya pinili ko na ihiga muna ito at baka mawala pa. Baka kako nananakit lang ang kalamnan ko. San paghiga ko, nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Pero sa kalagitnaan ng aking pagtulog, napabalikwas ako ng bangon at napasigaw ng sobrang tinis na alam kong sumira sa katahimikan ng paligid.
Mas lumalakas ang sakit na parang hinihiwa ang likod ko. Mas masakit pa ito sa nga parusa ng hayop na lalaking iyon. Namimilipit ako lalo na nang maramdamn ko na may lumalabas mula sa likod ko. Hindi ko na kaya ang sakit, ramdam kong mawawalan na ako ng malay. Pero bago pa ako panawan ng ulirat, nakita ko si ina na nakangiti sa akin habang hinahaplos ang kung ano mang lumabas sa likod ko.
Panalangin ko lang ay hindi ito ikapahamak nino man.
Nagising ako sa sakit ng likod ko. Pero nakaramdam ako ng unting ginhawa ng may humahaplos dito. Pero hindi talaga tuluyang natatanggal ang sakit, kakaibang sakit ang dulot no'n.
Alam ko si Ina iyon dahil sa amoy. Dalawa lang kami ang nasa silid ko pero bakit parang sakop ko ang buong silid? Bakit parang ang sikip sa malaking kuwartong ito? Para akong sinasakal.
"I-ina, ang sakit po." Naiiyak kong sabi dahil sobra talaga ang sakit.
"Tiisin mo muna anak." Bakas sa boses ni ina ang awa sa akin. Sanay ako sa sakit sa nakalipas na araw pero ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay walang katulad. Parang hiniwa ang likod ko na ayaw gumaling. Parang ang mga buto ko ay wala na sa posisyon at ayaw bumalik. Kahit sa kaunti kong paggalaw ay parang hinihiwa ang buo kong katawan. Kaya naman hindi ko mapigilang h'wag mapaiyak.
"Shhh! Shhh, anak! Ka-kaya mo yan." Alo niya sa akin ngunit palagay ko umiiyak na din siya dahil sa pagkabasag ng boses niya. Hindi ko man siya nakikita, naririnig at nararamdaman ko naman kung ano nararamdaman niya. Nahihirapan din siya sa kalagayan ko tulad ng isang inang nag-aalala sa anak.
"I-ina, ang sa-sakit." Sabi ko na sinabayan pa ng pagtulo ng luha ko. Sobrang sakit lalo nang maramdaman kong may lumalabas na naman sa likod ko. Parang hinihiwa lalo ang likuran ko. Naramdaman ko ang pagpunas ng prinsesa sa likod ko. Parang may pinupunasan ito doon at ramdam ko din na basa na ang hinihigaan ko.
Hindi ko alam kung ano ito lalo na't hindi ko naman nakikita kasi hindi ko kayang buksan ang mga mata ko sa sobrang sakit. Kagat-kagat ko na rin ang labi ko na alam kong dumudugo na ngayon. Ito na talaga ang pinakamasakit na naranasan ko sa aspetong pisikal. Para akong pinaparusahan at unti-unting pinapatay, 'yong parang isang bilanggo na dumanas muna ng paghihirap bago patayin. 'Yon ang pinagdadaanan ko ngayon.
"Ito! Ito sipsipin mo," at may dinikit si ina sa labi ko na tela. Sinipsip ko naman ito kahit ang hirap kasi nanunuyo na ang lalamunan ko. Dugo niya, 'yan ang nalalasahan ko, siguro binasa niya ang tela ng dugo. Ilang ulit niyang ginawa iyon hanggang biglang bumukas ang pintuan.
"Mahal na prinsesa! Ayon sa nabasa namin, dapat siyang hayaan para kusang lumabas ang nasa likod niya. Katulad daw sila sa isang paru-paro, kailangang dumanas sa nang hirap bago nila marating ang pagiging paru-paro. Kaya tara na po." Rinig kong sabi ng isang tinig ng babae pero hindi ko makilala.
"Pe-pero, nasasaktan ang anak ko." Naiiyak na sabi ni Ina.
"Pero mas masasaktan siya kapag nandito pa po kayo." Sabi pa nito na tutol sa ediyang iwan ako.
Pinilit kong dumilat para makita si ina. "Ma-magiging maayosss ako i-ina." Sabi ko kahit pilit. Ayaw ko ding nakikitang nahihirapan siya. Kahit hindi ko man siya tunay na kadugo, pero ang lakas ng hatak niya kaya parang tunay nang ina ang turing ko sa kanya.
Kahit napipilitan man, nailabas nila si ina sa silid ko. Narinig ko pa ang pagsirado at pagkandado nila. Kanina ko pa pinipigilan ang h'wag mapasigaw sa sakit para hindi mas mag-alala si ina pero hindi ko na kaya.
"Aaahhh!" Sigaw ko na sobrang lakas, siguradong aabot pa iyon sa kagubatan. Kasabay no'n ay ang paglabas pa ng bagay sa likod ko na ikinaliyad ko pa. Napabalikwas ako ng pagkakahiga at napaluhod habang nakaliyad ako at nakatingala.
Kasabay no'n ay ang pagkalabog sa labas na parang may nahulog o nag-aaway. Mas sumabay pa ang pagsakit na parang hinintay lang na lumabas si ina. Napayuko ako at napatukod sa kama gamit ang dalawang kamay saka paunti-unti ay gumagalaw ang buto ko sa likod. Alam ko may nakalabas na pero maliit pa lang iyon pero ngayon, gusto ng lumabas lahat para matapos na rin ito.
"Aaahhhggg!" Sigaw ko ulit pero kinuha ko ang unan sa harap ko at 'yon ang kinagat. Para akong aso nangangagat, pero imbis na laway ang lumabas, lumuluha ako sa sakit.
Kinakapos ako sa paghinga kasi sa bawat galaw ng buto ko na parang naiipit ang baga ko. Kaya ko kahit h'wag huminga, pero masakit parin pagtumatama ang buto ko sa baga ko. Ramdam ko na unti-unting lumalabas na siya. Gumagalaw pa ito na mas nagpasakit.
Sumisigaw na ako pero hangga't maari ay tinatakpan ko ng unan para hindi marinig ng nasa labas. Ayaw ko na mas lalong mag-alala si Ina.
Dahan-dahan ay lumalabas siya sa likod ko at daig ko pa ang nanganak. Habang lumalabas siya, lumabas ang pangil ko at ang mata ko ay umiilaw na. Pero nagulat ako sa kulay ng mata ko pagharap ko sa salamin. Sabi nila dapat hindi ko makikita ang sarili ko, pero kakaiba nga ata ako.
Kakaiba ang kulay ng mata ko ngayon kaysa dati. Kung dati ay pulang kulay ang mata ko, ngayon ay kulay pilak. Parang kasing kulay ng maliwanag na buwan, lalo na kung kabilugan ng buwan na kumikinang, pero mas malapit ito sa isang pilak na makinang.
Si Ina ay kakulay ng abo pero ang sa akin ay kakaiba talaga. Ang pangil ko ay mas mahahaba, ang kuko ko ay mas matutulis at mahahaba rin. Ang hindi kapani-paniwala... ang maliit na pakpak na nag-uumpisa pa lang na lumabas. Isang dangkal pa lang ang haba nito. Ngayon ko lang din napansing wala na akong suot na damit pang-itaas na siguro hinubad ni Ina kanina.
Maliit pa lang ito kaya alam kong mayro'n pang lalabas. Tumigil muna kasi ito kaya nakahinga ako. Parang may sariling isip ito sa paglabas. Parang nakikiayon ito sa makakaya ng katawan ko.
Binigyan niya lang ako ng kaunting pahinga bago muli na naman siyang nag-umpisa sumakit. Nakalimutan ko pang magtakip pa ng bibig kaya naman umalulong ang matinis kong sigaw sa buong paligid na narinig ko pa ang pagkabasag ng ibang bahay lalo na ang salamin sa harap ko. Sa isang matinding sakit na 'yon. Doon lumabas ang kalahati, lumabas lang naman ang pinakamalaki sa gitna. Parang hiniwa ang likod ko mula itaas pababa at alam ko maraming dugo na rin ang lumabas dahil amoy na amoy ko ito. Kahit masakit, mas tumatalas ang mga pandama ko---sa bawat minuto ay tumatalas ito lalo. Wala akong idea kung ano ako. Pero alam kong walang katulad ko at kung mayro'n man ay iilan na lang.
Habol ako sa paghinga na dinaig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro, umakyat sa bundok at kung ano-ano pang nakakapagod na gawain. Hindi pa tapos pero pagod na ako at nauubos na ang enerhiya ko. Mabuti na lang sa paglabas ng malaking parte ay tumigil muna ang sakit. Nakalupaypay ito sa magkabila kong gilid at laylay na sa sahig.
Ang mas kinagulat ko ang paa ko, nagkaroon ako ng mahahabang kuko doon na pwede ko din gamitin bilang claw tulad ng isang agila. Nakakamangha pero nakakatakot.
Habang humihinga ako, gumagalaw din ang pakpak ko. Parang may sariling isip ang pakpak ko para matanggal ang medyo malapot na bagay na nakabalot doon. Walang ilaw ang silid pero nakikita ko ng maliwanag ang itim kong pakpak. Maliwanag ang bilog na buwan ang nagpapailaw sa balkonahe ko. Pero dahil may basag na salamin, umiilaw din ng kaunti ang loob dahil sa repleksyon no'n.
"A-anak, maayos ka lang ba d'yan?" Nag-aalalang tanong ni Ina at sinabayan pa ng katok. Alam ko nag-aalala siya kaya pinilit kong magsalita kahit hinang-hina na ako at gusto ko ng pumikit.
"A-ayos lang ako i-ina." Pahinto-hinto kong sabi. Hinahabol ko pa kasi hininga ko at nilalabanan ang antok ko. Wala na akong narinig pa kasi parang hinihila na naman nila si ina. Isa pa, inaantok na ako kasi parang hindi na gumagalaw ang pakpak ko.
Pero alam kong ako ang nahihirapan kong hindi ito makalabas ng tuluyan. Kaya naman, pumikit ako at sinubukang igalaw ito. Parte ng katawan ko ito kaya dapat kong matutunan.
"Arg!" Naidaing ko kasi bigla na lang gumalaw at sobrang sakit no'n. Kaya naman sinubukan ko na idahan-dahan at mula sa dulo ang igalaw.
Pinagalaw ko at nagawa ko naman, mula sa dulo hanggang paunti-unti ay dinadagdagan ko ang ginagalaw ko. Hanggang umabot na ako sa gitna. Pinakiramdaman ko ang nasa loob ko pa hanggang nararamdaman ko na sila.
Unti-unti kong nilabas ito na nagpaluha na naman sa akin. Ang sakit na napahawak ako sa kobre-kama na palagay ko ay punit na nga. I bit my tongue to keep me from shouting or screaming. The pain was too much for me to handle but thinking my mother who was outside waiting for me, I wanted to fight, so I did.
Kahit sobrang sakit man, buong pwersa kong pinabilis ang paglabas nito. Sa paglabas nito, nawasak ko pa ata ang likod ko. Sa paglabas ay winasiwas ko ito para matanggal ang malapot na likidong nakabalot dito. Kasabat sa aking pagdilat, ibang katauhan na ang nakikita ko.
Isa na akong bampirang may pakpak. May matutulis na pangil at kuko na kay haba at matatalim---sa kamay at paa. Mas lumakas din ang pandinig ko. Mas nakakakita ako sa dilim na akala mo ay umaga, at ang pang-amoy ko din ay tumalas pati pandama. Pero ang mas kakaiba, ay ang pakpak ko na kasing hugis ng sa pakpak ng isang paniki pero malaki na kaya akong buhatin. Ang lakas ng kapangyarihan taglay nito na nakakatuwa pero nakakatakot para sa ordinaryong tao.
Unti-unti ay nagsasara ang napunit na balat sa likod ko, ang balat na napunit ng pakpak ko. Gumagaling na ito kaya naman sinubukan kong igalaw ang pakpak ko. Sinubukan kong ikumpas para ako'y mabuhat nito. Paunti-unti man para masanay ako sa pangingilo na dulot nito. Hanggang naiangat ko ang sarili ko.
Sa tulong ng maraming basag na salamin, sa sinag ng buwan sa labas ng bahay. Nakita ko ang mukha ko, ang totoo kong pagkatao.
Isa akong bampira na maaring ihalintulad sa isang paniki Hindi ako makapaniwala pero ito na talaga, wala na akong takas kung ano man ako.