Kabanata 4
My view ahead of us seems to be transparent as we walked back to our building. Like the ocean waves, my mind has no specific direction as it moves. It's only carried by the calm but dangerous wind. And that wind is no other than Daniel.
Huminga ako ng malalim, yumuko at pinagmasdan ang mga paa sa bawat paghakbang. Tumatama ang sikat ng araw sa aking binti sa bawat galaw ng mga paa ko. I can hear soft mutterings behind us but my mind seems to be in a deep thought.
"Oh, baka nakikipag-peace na sa'yo si Daniel, Cheska?" si Bryle nang makatayo na si Daniel papunta sa counter.
Nakatitig pa rin ako sa bote ng tubig na inabot niya, mabilis ang tahip ng aking puso na siyang hindi ko maintindihan kung bakit. There's something in my stomach that feels strange. Parang may umiikot... parang may... kumikiliti.
"Dapat lang. He's being harsh to Cheska! Wala naman ginagawa sa kanya itong kaibigan namin." singit ni Camille.
"Hmm. Makes me also wonder why he's being like that. Sa ganda mong iyan, nakakapagtaka na hindi mo naaagaw ang atensyon niya. That man is a sucker for pretty faces and fair as dove complexion." lampas sa tainga ko na sabi nung isang kasamahan nila.
"Wala nga raw appeal!" si Amanda.
"Tss. Appeal my ass! Cheska here got everything. Brain and beauty, lakas pa ng dating."
Pasimple akong lumingon sa gawi ni Daniel. Nakatayo siya sa gilid ng counter, hawak ang isang bote ng tubig habang nagbabayad. Like a magnet to a steel, he bore his perilous eyes into mine and that made me hold my breath for a brief moment. Our eyes locked with each other, as if there's a line of electricity passing through our gaze.
Muli akong nagpakawala ng buntong hininga. Mula sa pagkakayuko ay iniangat ko ang botelya na may kalahating tubig pa. I don't know what's gotten into my head that I still bring this water with me. I never bring things or food with me after eating on the cafeteria. Ngayon lang. Tubig pa.
Kasi... sayang?
"Are you okay, Ches? Tahimik ka." marahang pagbunggo ni Camille sa balikat ko.
Amanda let out a giggle. Napalingon ako sa kaniya. From her smirking face, her eyes went to my hand and glanced longer at the bottled water. Mas lumawak ang ngisi sa labi niya. Napailing ako dahil alam ko na kung para saan ang ngiting iyon.
"Tahimik naman talaga ako..." I said between the manly chuckles behind us. Nakasunod kasi sa amin ang varsity at sinabayan na kami sa pagtayo mula sa cafeteria dahil same building rin naman kami.
"Talaga ba, Ches?" nakakalokong tukso ni Amanda. Camille seems to be oblivious behind that question from our wild friend.
Nginiwian ko siya na nauwi lang sa paghalakhak.
"Girls, mauna na kami sa inyo."
Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran nang magsalita ang isa sa team. They're all looking at us with a smug smile on their faces.
"Hindi pa kayo papasok?" tanong ni Amanda.
"May quick meeting sa gym. Pinapatawag kami ni coach." sagot ni Bryle, ang paningin naman ay nasa akin.
Simula pa kanina ay hindi siya lumulubay ng tingin sa akin. Hindi ko na lang pinapansin dahil abala ang isip ko sa ibang bagay... sa ibang tao.
"Si Daniel, Bryle? Tawagan mo. Siya ang captain siya pa ang wala."
"Oo nga. Saan ba nagpunta iyon? Bigla na lang nagpaalam kanina."
"Tinext ata ni Crisanta. Baka nagkita. Text ko na lang."
"Oh, paano? Mauna na kami. Malapit na mag start klase." sabi ni Amanda bago tumingin sa akin. "Let's go?"
I nodded and glanced at the men in front of us. "We'll go ahead."
"Sure. Take care, Cheska."
"Ingat, Ches." some of them said in chorus.
"Si Cheska lang ang magiingat? Paano naman kami!" angil ni Amanda, nagbibiro.
Nagtawanan ang mga lalaki, maging kami ni Camille ay natawa na rin sa kabulgaran ng kaibigan.
"Take care, girls!" sabay-sabay nilang sabi na para bang isa silang choir. We are already getting most of the attention from the students around us. Marahil ay nagtataka sa ingay sa direksyon namin.
Kumaway pa ang team bago tuluyang umalis. Pumihit na rin kami patalikod at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa building.
"Hirap talaga kapag kasama itong si Cheska. Natatabunan ang ganda ko!" humalakhak si Amanda.
Nilingon ko siya at nginusuan. "So, ayaw mo na ako makasama?"
She glanced at me. The smile on her face grew wider and even stuck her tongue out. "Hindi ko ipagpapalit ang friendship natin dahil lang sa mas maganda ka sa akin. Love you, friend!"
Natawa si Camille at sinulyapan ako. "Minsan lang maglambing 'yan. Namnamin mo na. Nakita kasi si Theus, e."
I smiled at them and shook my head. Ibinalik ko na ang tingin ko sa daan at hinayaang sakupin ng matamis na ngiti ang aking labi. Amanda had a kind of brutal honesty that tested our friendships, but I appreciated it. I always knew where I stood with her and despite her brutality, she always made me feel her genuine care for me.
"Mauna na kayo umakyat. I'll just go to the comfort room." sabi ko nang nasa tapat na kami ng hagdan paakyat sa building namin.
Tumingin sa akin ang dalawa.
"Bilisan mo, ha. Malapit na mag-start ang next subject natin." paalala ni Camille.
"Oo, iihi lang naman ako."
Tumango ang dalawa at nagtuloy na sa pagakyat. Sinabayan ko iyon at naglakad na patungo sa banyo. The smell of citrus and flowers invaded my nostril the moment I stepped my feet into the white tiled floor. The cold air coming from the air conditioner kisses my skin that caused me to shudder.
As I ambled near the sink where a rectangular mirror was hanging, I noticed that some of my hair were already not in their proper place.
"Why are you doing this? Akala ko ba mahal mo ako?"
Naudlot ang paghakbang ko papalapit sa sink nang mauligan ko ang boses na iyon. Luminga ako, partikular sa mga cubicle. Lahat ng pinto ay nakasarado.
Dito ba 'yon?
Tumingin ako sa main door, nagbabakasaling may kasunod ako ng estudyante pero wala naman. Ako lang ang nagiisa sa loob.
"Mahal?" A husky voice chuckled. "Are you f*****g kidding me?"
It's another four seconds before I realized that I was hearing a male voice. Nanglaki ang aking mga mata kasabay ng pagdapo nito sa mga cubicle.
Oh, God! May tao sa loob ng cubicle. Isang babae at... lalaki!
"We have been in a relationship for a month! Hinahatid mo ako pauwi at lagi tayong magkasama. Don't tell me hindi mo ako mahal sa lagay na 'yon?"
"For a month. Hindi isang taon. You know how I hate commitments. I have never involved myself into a serious relationship. What made you think that you're an exception?"
Mas lalo pang nanglaki ang mga mata ko nang marinig ko ang paglagapak ng isang pisngi na tila ba sinampal. Humakbang ako ngunit agad rin natigilan nang marinig ko ang sunod-sunod na paghikbi ng babae. Kung tama ang konklusyon ko ay nakikipaghiwalay na sa kanya ang lalaki pero ayaw niya.
Pero teka, bakit dito sila naguusap? Can't they find another place? Iyong pribado at walang makakarinig. Iyong silang dalawa lang. At iyong lakaki, dito pa talaga niya napili hiwalayan ang nobya niya?
"Asshole! Wala ka ng pag-asa magbago. Kawawa ang babae sa'yo! You're such a hopeless case! I bet you don't even know how to love!" basag ang boses na sigaw nung babae, halata na ang matinding pag iyak.
The man let out an audible smirk. It's the sound of smirk that will tell you that he's not the gentle type of man. Instead, he's harsh, cruel and frigid.
"Marunong ako. Hindi mo lang talaga iyon mararanasan mula sa akin. My girl can even treat me as her personal slave if she wants too. Too bad I couldn't give you that privilege..." he chuckled coldly. "Thanks for the good f**k, Crisanta."
Umawang ang labi ko. C-Crisanta? Crisanta as in... Santa? Ibig sabihin ang kasama niya loob ng cibicle ay si...
Bumukas pintuan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang mga mata namin dahilan para maudlot ang paghakbang niya. His eyes rounded a bit at my sudden presence. Just before I could name the emotion on them, he immediately shut it and walked out of the comfort room.
Naiwan akong tigagal at walang masabi. Sumunod na lumabas si Santita, namumugto ang mga mata at ang ilong ay halos kasing pula na ng kamatis. Sandali siyang natigilan nang makita akong nakatayo hindi kalayuan sa kanya, tulala at hindi alam ang dapat maging reaksyon.
She rolled her puffy eyes at me and walked out of the room. She's stomping her heels so bad that it created loud echoes against the four corners of the comfort room.
They're gone for almost a minute now but I'm still stuck in my position like my feet have been buried six feet underground.
Wait. What did just happen? It's Crisanta and Daniel. Nasa loob sila ng banyo para... magbreak? Pero bakit? Bakit siya nakipaghiwalay? Kung tama ang pagkakarinig ko, isang buwan pa lang sila. Bakit ang bilis naman?
That's definitely out of your concern, Mera Francheska. Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa buhay ng ibang tao?
Pinilit ko hilahin ang sarili ko mula sa malalim na bangin ng pagiisip. Pumihit ako paharap sa sink at nakita kung gaano kapula ang pisngi ko sa salamin. I stared at my eyes through it, deep ang intent.
Bakit parang apektado ako sa paghihiwalay nila? I'm affected in a positive and happy way. Pero bakit nga?
I shut my eyes tight and tried to collect a calm breathing. Ibinuga ko ang hangin at nagmulat ng mga mata.
What is wrong with you, Cheska? What the hell is wrong with you?
Ilang sandali pa ako nanatili sa ganoong posiyon bago ako umihi. Sa huli, nagdesisyon akong itali ang buhok ko sa malinis na paraan. I fixed it into a high and tight pony tail that enhance my face feautures. Mas lalong lumitaw ang liit ng hugis puso kong mukha at ang maliit na diamond earrings sa tainga ko.
Nang masigurong ayos na ako ay naglakad na ako palabas ng banyo. I was about to turn left where the staircase is when I felt a strong grip grabbed my arm.
"Ano ba!" sigaw ko nang pihitin niya ako paharap sa kanya. Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Daniel na nakasandal sa pader kung saan hindi gaanong pansin ng mga dumadaan. "Bitawan mo nga ako! Bakit ka ba nanghihila diyan?"
He didn't say anything. Tinitigan niya lang ako sa aking mukha na para bang pinagaaralan niya ito. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkailang dahil sa paraan ng pagtitig niya. His eyes are bold, intimidating and dark.
"You eavesdropped?" he asked, voice so low and deep.
"What?"
"Nakinig ka sa usapan namin?"
Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. "It's a female comfort room, Mr. Arrogant. Natural lang na-"
"It's Daniel," he chuckled manlikely and I was suddenly amazed at the way his lips stretched into smile. "Not Mr. Arrogant."
"I-I know! But arrogant suits you better. And back to your question, hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan niyo. Kung sa ibang lugar nyo sana ginawa iyon, edi sana hindi ka nagaalala na baka may nakarinig sa inyo."
Binitawan niya ang aking braso na hindi ko man lang namalayan na kanina niya pa pala hawak! Ano, Cheska? Ganoon ka ba kakumportable sa pagkakahawak niya sa'yo at hindi mo na namalayan?
"I am not bothered that you heard us. It's fine."
"Why do you sound so proud as if breaking up with her is just nothing? Hindi mo ba siya minahal?"
A ghost of smirk broke across his pinkish lips. Kasabay pa noon ay ang pag angat ng kilay niya. "You care?"
Napakurap-kurap ako. "W-What? Of course I don't! Why would I care to an arrogant and heartless man like you? Nakakaawa lang kasi iyong girlfriend mo. Matapos mo pagsawaan, iiwan mo na ng ganun-ganun lang."
Napapikit ako ng mariin. Damn you, Cheska! You sounded so affected by their break up! At talagang ipinapahalata mo pa rito sa lalaking ito.
Daniel let out an audible smirk that made me unlock my eyes. Sumama ang tingin ko sa kanya nang makita ang panunudyo sa mga mata niya.
"May pakielam ka, aminin mo na." tukso niya.
Nginiwian ko siya. "I'm sorry but you are not worth my care."
The school bell rang. Napatingin ako sa labas at nakitang nagmamadali na rin ang mga estudyante para sa susunod na klase. I glanced at Daniel and found him staring intently at my face with a soft smirk etched on his lips. Isang beses ko pa siyang inirapan at naglakad na patungo sa hagdan.
"Cheska..." he called out.
Huminto ako sa paglalakad at taas kilay siyang nilingon. "What?"
"Did I hurt your feelings?"
"Ano?" tanong ko, naguguluhan.
He drilled his perilous eyes into mine for a couple of seconds. Umalis siya sa pagkakahilig sa pader at isinuksok ang mga kamay sa kanyang bulsa nang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Mabagal siyang naglakad palapit sa akin, ang puso ko ay halos magwala na sa bilis sa hindi malamang dahilan.
When he's meters away from me, he stopped. We're so close that I can even smell his bubble-mint breath. Lumunok ako, hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Bring your old uniform back. It suits you better. Hindi mo kailangan baguhin ang istilo mo dahil lang sa sinabi kong wala kang dating..." aniya. Nahigit ko ang aking hininga nang yumuko siya palapit sa aking tainga at bumulong, "I am not a saint, Cheska. I also know how to lie."