Kabanata 3

3203 Words
Kabanata 3 Ang nakataas na kilay ni Amanda habang nakadekwatro at iniyuyogyog ang paa ang kaagad na bumungad sa akin pagkapasok ko ng classroom namin. Halos karamihan sa mga classmates ko ay narito na. Expected na iyon dahil terror talaga ang professor namin sa Finance. I ambled towards Amanda who keeps on fixing a bitchy stare on me. Nang hagurin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa ay alam ko na kaagad kung para saan ang tingin na iyon. I crouched a bit and kissed her on the cheek. "Good morning." bati ko at inilagay na ang bag sa upuan sa tabi niya at naupo. "Wala pa si Camille?" Nilingon niya ako. "On the way na," sabi niya at napatingin sa hita ko. "Nagpa-repair ka ng uniform mo?" Maging ako ay napatingin na rin sa palda ko kung saan lantad na lantad na ang kalahati ng aking hita. Madali talagang makapansin ang isang ito. "Medyo. Hindi ba bagay?" She shot her on fleek bushy brow a bit. "Bagay. Kaya lang ay mas lalo mo lang paglalawayin ang mga lalaki sa'yo niyan. Pero bakit ka ba nagpa-repair? Hindi ba at ayaw mo nga ng maiksi?" "Hindi pa naman ito gaano kaiksian kumpara sa iba. The length is just one and a half inches above the knee. At saka ikaw na rin ang nagsabi na malakas maka-manang iyong haba ng palda ko, 'di ba?" "Yes. I said that two months ago, Cheska. Bakit ngayon mo lang naisipan?" she interrogated before facing me properly. "Sandali nga. Does it have something to do with Daniel?" I was suddenly taken aback by her straightforwardness. Hindi naman na ako dapat nagtataka na magkaroon siya ng hinala na dahil kay Daniel kaya ako nagiba ng ayos. She knew how he insulted me in front of his team mates. Nga lang, siguradong hindi niya inaasahan na papatulan ko iyon o magkakaroon ako ng pakielam sa mga sinabi niya. It was my plan, to not give a care about what he did against me yesterday. Pero nang nagdesisyon siyang kausapin ako nung uwian na at utusan akong mag-back out na maging muse nila, na mapapahiya ang team nila dahil sa akin, mas tumibay ang kagustuhan ko na patunayan sa kanya na may ibubuga rin ako. Humilig ako sa upuan at huminga ng malalim. "Kahapon, pagkauwi niyo, kinausap niya ako at sinabing umatras na ako sa desisyon kong maging muse nila dahil mapapahiya lang daw iyong team. He's too harsh, Amanda. Kahit kailan ay wala pang nagpahiya sa akin. I'm not talking about my ego here as a woman. Gusto ko lang patunayan sa kanya na may ibubuga ako kahit na... wala akong dating." She blinked her false eyelashes a few times as if she couldn't believe that Daniel would really told me those words. "Sinabi niya iyon? Na mapapahiya ang team dahil sa'yo?" I nodded. "He did." "Now, that's foul. Mainit ata ang dugo sa'yo ni Daniel. Knowing his reputation as a man here in the campus, he's really a skirt chaser. Malayong-malayo sa kapatid niya." Nilingon ko siya. "May kapatid siya?" "Yes. It's Zion Alexander. Graduate na iyon. Two years ahead kay Daniel. Same course lang rin. May sarili kasing kumpanya kaya required na iyon dapat ang course," paliwanag niya. "Gwapo rin. Suplado at bihira ngumiti. They're both charismatic but unlike Daniel, bihira mo makikitaan ng babae si Zion. Ewan ko lang. Baka nasa loob ang kulo. Minsan kung sino pa 'yun tahimik, siya pa iyong matinik sa kama." Ngumiwi ako sa naging huling pahayag niya. She's giggling like she can imagine how that Zion can be a monster when it comes to bed. "Puro ka kalokohan!" bulong ko sa kanya na lalo niyang ikinatawa. "What? I'm serious! Not that Daniel isn't good in bed. May isang nursing student akong kakilala, if I remember it correctly, she had a thing with Daniel. Medyo kiss and tell si ate mo girl dahil halos ang daming nakakaalam kung anong ginagawa nila ni Daniel noon. She even told everyone that he did her in the car. Sa backseat, be! Akala nga daw ni girl lumilindol dahil sa lakas ng pagyanig sa loob ng kotse." Humagalpak siya ng tawa. Gumapang ang init sa aking batok nang walang pakundangang ilathala ni Amanda ang tungkol sa mga brutal na eksenang iyon. Hindi ko alam pero parang nagagawa kong buuin ang ganoong eksena sa utak ko. Buwisit na Amanda! Nababahiran ng kaberdehan ang utak ko! Mahina ko siyang hinampas sa braso nang makita ang mga kaklase namin na nasa gawin namin ang paningin. "Too much info, Amanda!" I hissed. She stopped from laughing but the ghost of it was still etched on her pink painted lips. "Don't worry, when you experience your first time, these informations will be all normal for you." sabi niya pa na ikinailing ko na lang. Kahit ata maranasan ko ang bagay na iyon, hindi kailanman papasok sa isip ko na ipagsabi ang mga pribadong gagawin namin sa ibang tao. It's private and it should be remained between the two of us. "Hindi naman na nakakapagtaka na ganoon si Daniel. Halata naman sa kanya na puro kalokohan lang ang alam. I bet he hasn't been into a serious relationship yet. Puro fling lang." sabi ko, naaalala ang eksenang nakita kahapon sa canteen kung saan sobrang intimate nila ni Santita. "Yeah, hindi pa nga. Pero for sure, kung sino man ang unang babae na seseryosohin niya, sobrang swerte. I can imagine how sweet he is a boyfriend. Iyong tipong gagawin lahat para sa babaeng iyon." aniya, tila nangangarap. "You like him?" wala sa loob na tanong ko. Mula sa pagkakatingin niya sa harapan ay bumaling siya sa akin. The edge of her lips lifted up. "I don't. I like someone else, Cheska." Tumango-tango ako. Ang akala ko ay may gusto siya roon sa arogante na iyon. Knowing her, she likes everyone basta gwapo. "Hi, Cheska." Parehas kaming napabaling ni Amanda sa gilid ko nang maulinigan ang boses na iyon. I found Jandrix standing beside my chair while holding a huge ferrero rocher box. Nagbaba ako ng tingin sa chocolate bago siya muling pinag angatan ng tingin. "Y-Yes?" I asked, a bit dumbfounded. "Uh... for you." Inabot niya sa akin ang chocolate. Alanganin muli akong nagbaba ng tingin roon bago sa kanya. Classmate ko si Jandrix. A month after I transferred here, nagparamdam na kaagad siya ng pagkakagusto sa akin. Dahil nga hindi ko naman prayoridad ang lalaki ay umpisa pa lang, nilinaw ko na sa kanyang wala siyang aasahan sa akin. Pero heto at nagpapatuloy pa rin. "Jandrix, akala ko nagkaintindihan-" "I know. Just accept this. Please?" he pleaded, the tiny hole beside his lip showed up. Napatingin ako kay Amanda. Nakangisi na ito sa akin, halatang nanunudyo. Pakiramdam ko ay sinasabi niya sa akin na kuhanin ko na ang chocolate dahil pagkain lang naman ito. Huminga ako ng malalim at ibinalik ang atensyon kay Jandrix. Tumango at tipid na ngumiti. His eyes suddenly shimmered with happiness. "Tatanggapin ko lang, ha?" He chuckled manlikely. "Yes, don't worry. Hindi ako umaasa. Gusto ko lang na tanggapin mo iyan." When I felt the sincerity through his voice and facial expression, I smiled and nodded. Tinanggap ko ang chocolate mula sa kanya. "Thank you." "You're welcome," he said gently. "By the way, you look prettier today. Palagi ka naman maganda pero... mas maganda ka ngayon." "Yiiee! Ano iyan, ha? Aga-aga ligaw!" si Camille, papasok pa lang ng room namin. Napatingin kaming lahat sa kanya at nagkatawanan. Humalik siya sa amin ni Amanda at tumingin kay Jandrix. Maging ako ay napatingin na rin sa kaklase. "Salamat ulit, Jandrix." sabi ko. Tumango siya. "Sige, balik na ako sa upuan ko." He turned his broad back against from us and marched towards his chair. Mabilis akong napatingin sa gawi ni Camille nang hablutin niya sa akin ang box ng chocolate. She's grinning so bad while staring at it. "Kainin natin sa lunch!" aniya. Nagkatinginan kami ni Amanda at natawa na lang. Mabilis na lumipas ang oras. Puro reklamo ang narinig ko mula kay Amanda dahil halos hindi siya makasabay sa mga subject ngayong umaga. Puyat siya dahil gu-mi-mik daw siya kagabi. Hindi na kami nagugulat pa ni Camille dahil nasanay naman na kami sa kanya. "Grabe. Ginutom ako sa Marketing Management. Iba talaga magturo si Mrs. Andrada, lakas maka Albert Einstein!" natatawang wika ni Amanda habang naglalakad kami patungo sa cafeteria. "Kung makareklamo ka, akala mo naman nakinig ka talaga. Wala ka ngang ginawa kanina kung hindi ang mag scroll down sa social media!" paninita sa kanya ni Camille. Humagalpak ng tawa si Amanda. "Ayoko ma-stress! Baka mabawasan ang ganda ko." Pumasok kami sa cafeteria. Sinilip namin ang palagi naming pinupwestuhan at nakitang bakante pa rin iyon. Pumila na kami at unorder ng pagkain. "Anong oorderin mo, Cheska?" tanong sa akin ni Camille. Pinagmasdan ko ang mga linya ng pagkain. Nagtagal ang titig ko sa carbonara meal at naisip na iyon na lang ang kakainin ko. "Iyong carbonara ang sa akin." Mula sa aking unahan, nilingon niya ako. "Hindi ka magra-rice?" "Hindi na. I'm fine with that. Carbs pa rin naman iyang pasta." Ngumisi siya. "Nagpapasexy ka lalo, ano? Siguro may natitipuhan ka na dito sa campus." My face contorted at her nonsense conclusion. "Wala, ah. Sino naman ang matitipuhan ko dito? Edi sana sinabi ko na sa inyo." "Malay ko ba! May pa-lip at cheek tint ka na, eh. Tapos lalo ka pang sumeksi dahil diyan sa uniform mo," aniya at nagbayad na sa kahera ng chicken meal na inorder niya. "Ako alam ko kung sino crush niyan!" singit ni Amanda na ikinalingon ko sa kanya sa aking likuran. Kumunot ang noo ko. "I have? Buti ka pa alam mong may crush ako." She laughed. "Oo naman! Hindi ba at pinaguusapan pa nga natin kaninang umaga?" Mas lalong lumalim ang gitla sa aking noo dahil sa sinabi niya. Kung hindi ako nagkakamali, isang tao lang naman ang pinaguusapan namin kaninang umaga. Nanglaki ang mga mata ko nang napagtantong si Daniel ang tinutukoy niya! "No way, Amanda!" busangot na sita ko sa kanya. "May secret kayo, ha!" sabi ni Camille, tapos na ito sa pagbabayad at ako na ang susunod. "Hi, Cheska." Nag angat ako ng tingin. It's Gab, an Architecture student. Nasa tabi ito ni Camille at nakatingin sa akin bitbit ang isang sandwich. "Hi." tipid na bati ko bago ibinaling kay Camille ang paningin. "Huwag kang maniwala diyan kay Camille. You know how she loves making illusions." Habang inaayos ng kahera ang isusukli sa akin ay hindi ko maiwasan isipin kung bakit bigla niya nasabi o naisip na may gusto ako roon sa aroganteng iyon. He's the only topic we had this morning kaya sigurado akong iyon lang ang tinutukoy niya. Naupo na kami sa pwesto namin. Bago pa man umpisahan nila Camille at Amanda ang pagkain ay kinuhanan muna nila ito ng picture at i-pin-ost sa i********: nila. Napailing ako dahil halos kada araw ay ganoon na ang ginagawa nila. We started eating our food after a couple of seconds. Mula sa entrada ng cafeteria ay nakita ko ang pagpasok ng isang grupo ng mga lalaki. Kahit kahapon ko lang sila nakita ay pamilyar na kaagad sila sa akin. I was still looking at them when one of the varsity players accidentally met my eyes. A smile blossomed in his face and then turned to his teammates to whisper something. I held my breath when all of them glanced at my way. Sabay-sabay silang naglakad sa gawi namin. "Hi, girls! Can we share?" sabi nung isang matangkad at gwapo rin. Tumingin ako kela Amanda at Camille. Sunod-sunod ang naging pagtango ng mga ito habang nakatingala sa mga nagtatangkarang lalaki sa harapan namin. "Sure! Maluwag pa naman." sagot ni Camille. "Yown, ayos!" Nagsiupuan sila sa harapan namin. Malawak ang bawat table sa cafeteria. Kada pwesto ay kayang umokupa ng sampung tao kaya hindi na ako nagugulat na nagkasya kaming lahat dito. This is actually the first time that a group of men joined us. Kadalasan kasi ay paisa-isa lang ang sumasalo sa amin. Kung hindi magaabot ng kung ano sa akin ay manliligaw naman nung dalawa. "How are you, Cheska? Sana hindi pa nagbabago ang isip mo," sabi nung isang chinito na maputi bago inilahad ang kamay. "I'm Bryle, by the way." Sumimsim ako sa icetea na iniinom at ngumiti sa kanya. I accepted his hand and he gently gripped it. "Hi. Don't worry, I'm true to my words." "Pagpasensyahan mo na nga pala kahapon si Daniel, Cheska. May toyo ang isang iyon. Baka nag away lang sila ng girlfriend niya kaya ganoon kasungit." sabat naman nung isang moreno. Nag away? Hindi ba at pinupunasan pa nga niya ng pawis si Daniel? Paanong nagaway iyon? Kalokohan. "It's alright. No harm done." tanging nasabi ko na lang. Nakaramdam ako ng pagkailang nang halos karamihan sa mga lalaking nasa harapan ko ay nakatitig sa akin. "Hindi ba kayo oorder, boys? Baka matunaw ang friendship namin niyan." si Amanda sa nangaasar na tono. Mabilis na nagbawi ng tingin ang mga players at nagsitayuan. "Right. We have to order now. Can you please save this spot for us?" tanong ni Bryle, ang paningin ay nakay Amanda. "Yes, sure!" Nang makaalis sila ay bahagya akong dinunggol sa braso ni Camille. Inosente ko siyang binalingan. "Pengeng ganda!" "Huh?" She giggled. "Kulang na lang ay tumulo na ang laway ng mga iyon sa'yo." Ngumiwi ako dahil akala ko ay kung ano na ang sasabihin niya. Ibinalik ko ang atensyon sa pagkain at paunti-unting inubos ang pasta ko. It's five minutes later when the boys came back. But what caught my attention was Daniel who's now with them! His intimidating eyes immediately bore into mine. "Dito na lang tayo, Daniel. Wala na rin naman mauupuan. Isa pa ay para maka-bonding na rin natin si Cheska. She's our muse and she has to be comfortable with us." sabi ni Bryle kay Daniel na ang paningin ay nasa akin. He averted his gaze from me. Naupo siya sa pwesto sa harapan ko. My grip on the fork unconsciously tightened. Hindi ako sigurado sa dahilan kung bakit. It's either I'm still irritated towards him or because... I felt tensed by his presence. "Where's Calix, Daniel?" his teammate asked. "Girlfriend." Kung hindi ako nagkamali ay iyong yung Calix na nakabanggan ko kanina sa parking lot. They're together this morning so I assumed that it's the same Calix they're talking about. Tahimik na kumain si Daniel, hindi gaanong nakikisali sa usapan ng iba niyang kasamahan. He's just eating his meal in silence. Mabagal akong kumakagat sa sandwich ko habang palihim na sumusulyap sa kanya. He had smooth flawless skin, which was like a sheet of well done cloth. His jet black eyes, which was under his black short messy hair, was glistening under the bright lights. He had high-bridged nose that was among his two eyes. His soft sharp lips were very attractive and captivating and a prominent jaw curved gracefully around and the strength of his neck showed in the twining cords of muscle that shaped his upper body. He had the kind of face that stopped women in their tracks. I guess he must get used to that, the sudden pause in a person's natural expression when they looked his way. He is... Adonis. Mabilis akong napatungo sa aking plato nang mag angat siya ng tingin sa direksyon ko. I tried to act normal like he didn't catch me gawking at him. "Oh my gosh, Cheska! Nariyan iyong crush ko!" impit na tili ni Amanda na ikinabaling ko sa kanya. I saw her looking at the entrance. Napatingin ako roon, maging ang mga players ay napalingon rin sa likuran nila. Si Daniel lang ang hindi nagtuon ng pansin na para bang hindi siya interesado. Sa halip ay sa akin niya ipinukol ang mga mata niya. He's aware that I can see him looking at me, it's pretty obvious. Pero mukhang wala siyang pakielam. I saw a tall and fair man entering the cafeteria with his cold and snobbish demeanor. The way he walk screams authority bit with a little bit of playfulness. His hands were inside his pockets. Diretso ang tingin nito at tila ba walang ibang tao sa paligid. "Theus Serrano?" Bryle asked after looking back. "Yes! You know him?" kilig na tanong ni Amanda. "Yeah. He's an engineering student. Tropa iyan ng kapatid ni Daniel." "Hay! Grabe. I really like him. Tagal ko ng crush iyan pero may girlfriend na." bigla ay busangot na sabi ni Amanda. "If I'm not mistaken, sa ibang school nagaaral ang girlfriend niyan. Krisma ata ang pangalan." "Hindi bagay! Mas bagay ang Amanda sa pangalan niya." Nagkatawanan ang mga lalaki dahil sa sinabi niyang iyon ngunit ako ay tahimik lang na inuubos ang pagkain ko na halos hindi ko magawang lunukin dahil sa mga matang nakatitig sa akin. "Cheska, I hope you don't mind. But is your hair natural? Or, pinakulot mo lang?" Nag angat ako ng tingin sa isang player na nasa tabi ni Bryle. Hindi ko pa alam ang pangalan niya dahil bihira lang din siya magsalita. Because of his question, all of them were already looking at me. Binalot ng matinding init ang pisngi ko dahil sa atensyon na ipinupukol nila sa akin. "It's natural. I got this from my mother." I said. Admiration sparkled in their eyes while looking at me curly hair. "Only few can rock that kind of hair. And you're one of them, Ches." Bryle complimented. I smiled. "Thanks." "May kapatid ka ba, Cheska?" tanong naman ng isa. Seriously? Wala bang katapusan ang mga tanong nila? "Mayroon, nasa ibang school. First year college. Same course." "Surely, she's also beautiful like her sister. What's her name?" "Adrianna Grace..." "Nice name. Babaeng-babae." sabi ni Bryle na sinagot ko lang ng ngiti. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Daniel. I caught him staring at my lips. Napalunok ako dahilan ng pag angat ng mga mata niya sa akin. He shot his brow up as if he's asking me why I am staring at him. Ikaw nga kanina ka pa nakatingin sa akin, bulgaran pa. Tinataasan ba kita ng kilay? I cleared my throat and tried to loosen up. "Excuse me. I just have to buy a bottled water." "Ako na, Cheska." Magkasabay na sabi ni Bryle at nung katabi niya. "Ako na lang. May bibilhin rin naman ako. Isasabay ko na iyong tubig mo, Cheska." sabat pa ng isa. "Hoo! Relax, guys!" natatawang wika ni Camille. "Uh, hindi. Ayos lang. Ako na la-" Naputol ang pagsasalita ko nang may isang bote ng tubig ang inilagay sa aking harapan. It's still sealed. Hindi pa naiinuman. Kusang natuon ang mga mata ko kay Daniel. He locked eyes with me and I see just how deep they really are. They're like raging fire in the middle of a dark forest, hard rain on petals and a thunder roaring in the black stormy night. "Take mine. I'll buy another one for me." he said coldly before leaving our table.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD