Simula
Simula
I don't understand why couples have to show their clinginess in public instead of keeping it in private. Bakit kailangan maglandian sa harap ng mga tao? Bakit kailangan ipakita ang paghahalikan at pagyayakapan nila sa publiko? Don't they know the word privacy?
Idinuldol ko ang pulang straw sa iniinom na milk tea habang ang paningin ay nasa magkasintahan na kulang na lang ay humiga sa bench na inuupuan nila. The man is wrapping his hand around the woman's waist. If I'm not mistaken, business management din ang course ng lalaki dahil kadalasan ko itong nakikita sa building namin. Hindi lang ako sigurado kung anong year na siya. I just recognized his face because he's actually... handsome.
Praising men isn't my thing. But this man... he's an exception. Hindi ko siya gaanong nakikita ng malapitan pero ang tangkad, maputing kutis, kasing talim ng agila na mga mata at ngisi sa labi ay sapat na para masabi kong gwapo siya.
Gwapo sa malayo. Mas gwapo sa malapit. Iyon nga lang, halatang babaero. Kung makadikit roon sa babae, akala mo wala ng bukas. Iyong babae naman, gustong-gusto. Kita mula rito ang walang patid niyang paghagikhik.
Kagat-kagat ang straw, nappaayos ako ng pagkakaupo nang hindi sinasadyang lumingon sa gawi ko ang lalaki. Our eyes locked with each other for a brief moment. He suddenly shot his brow up that made me pull away. I can feel the hair on my nape rising as embarrassment invaded me.
"Stress na talaga ako diyan kay Mr. Avila! Ang hirap ng finance. Nakakakalbo ng buhok sa ibaba!" ungot ni Camille na ikinaawang ng labi ko mula sa pagkakakagat ng straw.
"Ew, Camille! Hindi ka nagse-shave? That's gross!" si Amanda, isa sa mga kasama ko rin palagi. Pinaglapat niya ang labi niya matapos maglagay ng liptint.
"Minsan! Makati kasi and it's a bit distracting lalo na kapag may date ako. Haller! Do you imagine yourself scratching that part while you're on a date?" maarteng balik ni Camille.
Inilapag ni Amanda ang liptint sa mesa at taas kilay na binalingan si Camille. "Edi, trim! Puwede naman iyon. Don't you know that boys doesn't like thick pubic hair?"
Gumapang ang init sa pisngi ko dahil sa tema na pinaguusapan ng dalawa. I may be a virgin but I'm not innocent when it comes to the topic they're talking about.
"How did you know, Amanda?" sabat ko, kuryoso na rin.
She glanced at me and smiled cockily. "Based on experience, Cheska."
Naglaki ang mga mata namin ni Camille at nagkatinginan. Pakiramdam ko, sa tinginan namin na iyon ay isa lang ang tumatakbo sa isipan namin. She pulled her gaze away and anchored it on Amanda.
"Don't tell me... you already did it with someone?" si Camille, nanglalaki pa rin ang malaki ng mata.
Amanda smirked and continued patting her lips through her mini mirror.
"I can't see anything wrong with that. We'll eventually experience that kaya bakit patatagalin pa?"
"You're too young for that. You're just eighteen, Amanda. Paano kung mabuntis ka?" tanong ko.
She chuckled and shook her head. "That's not going to happen, Cheska. I'm using pills. Huwag ka ngang killjoy! How about you? May experience ka na ba?"
Kumurap-kurap ako bago pandalas na umiling. "Wala pa sa isip ko iyan, Amanda. Gusto ko munang makatapos bago atupagin ang ganyan. Isa pa, kung gagawin ko iyon, gusto ko sa lalaking mapapangasawa ko na."
Her face contorted at my answer. "Your ideas are too primitive! Hindi na iyan uso. Men and women nowadays are liberated. Mas gusto nila iyon may experience na ang mga karelasyon nila. Men actually find virgin women a bit boring."
Ngumuso ako. Nakita kong nakatitig sa akin si Camille at umiiling. Para bang sinasabi niyang huwag ko na patulan si Amanda. Huminga ako ng malalim.
"Hindi na baleng boring. Atleast, may ipagmamalaki ako sa kanya oras na sumbatan niya ako tungkol sa bagay na iyan. Just in case lang naman. Don't worry. I admire you for being so liberated. Mabuti ka pa, malakas ang loob. Ingat lang, Amanda. Baka mabuntis ka ng hindi oras."
Sa aming tatlong magkakaibigan, si Amanda ang pinakabulgar at malapit pagdating sa mga lalaki. She's using her aggressiveness to catch every men's attention. With her round breast and huge bum, it isn't hard for her to have her way of flirting. Ang mga lalaki, hindi rin makahindi sa kanya. Alam na palaban ito at walang inuurungan ang kaibigan namin. Natural, sinong manok pa ba ang tatanggi kung palay na ang lumalapit?
Hindi sinasadyang napabaling akong muli sa mga taong kanina ko pa pinagmamasdan kung hindi ko lang ako nahuli.
And there, I found the girl stealing kisess from the guy. Iyong lalaki naman, gustong-gusto rin dahil panay ang pag ngisi nito.
Aba't! Hindi na nahiya at ginawa pa talagang motel itong canteen. Teka nga! Nasaan ba ang dean at magsusumbong ako!
Why are you affected, Mera Francheska? Can't you just mind your own business and leave them alone?
"Fine, Mother Cheska. Thank you for the reminder. Don't worry. I'll tell them to use a condom before they do me." Amanda chuckled that earned a groan from Camille.
Napailing na lang ako sa naging sagot niya. Kung hindi ko pa alam ang ugali nito ay siguradong kanina pa ako nakaramdam ng pagkaasiwa. Eversince I transferred here to continue my course, Camille and Amanda were the person who I got easily friends with. Kami ni Camille ang magkaugali samantalang si Amanda ang balahura. Some of them said that I'm the most timid among these two. Bihira kung magsalita, kadalasan ay nakikinig lang sa mga sinasabi nila. Some of them also find me boring but that's fine. Hindi ko lang talaga ugali ang magsalita kung wala namang kabuluhan ang sasabihin.
That's what our mother taught us. Kaming dalawa ng bunso kong kapatid, kailangan lumaki ng elegante at mataas ang sentido kumon. Tahimik at may delikadesa. Strikta at perfectionist. Minsan naiisip ko kung kailangan ba talaga pilitin maging ganoon kung hindi naman talaga ganoon ang mga klase ng ugali na mayroon kami.
"Naku! Huwag niyo na nga pagusapan ang bagay na iyan. Mamayang hapon, may practice game ang basketball varsity team natin. Nood tayo, please!" si Camille na tipong kinikilig pa. Nilingon ko sila.
"Ay gusto ko iyan! May crush ako sa kanila, eh. Taga engineering department. Sige, nood tayo. Last subject na lang naman at tingin ko makakahabol pa tayo. Anong oras ba?" tanong ni Amanda kay Camille.
"4pm. Sakto tapos na ang last subject natin. Cheska, sama ka, ha? Don't tell me susunduin ka na naman ng driver nyo?" wala pa man akong nasasabi ay nakaungot na agad si Camille.
Tipid akong ngumiti. Ayos lang naman kung mahuli ako ng uwi. Sigurado naman akong wala pa sila Mommy doon. Maging si Rian na bunsong kapatid ko ay alasingko pa ang uwian.
"Puwede kong itext ang driver na mga 5pm na ako sunduin." sagot ko.
Nagpalakpakan silang dalawa habang nangingiti dahilan para mapangiti rin ako. I unconsciously anchored my eyes on the wild couple and found the man staring at me. There's a cocky smirk on his face. Hindi ko tuloy alam kung ako ba ang nginingisian niya o ano. Pero bakit naman niya ako ngingisian? We don't even know each other. We just have the same course.
Hindi nagtagal at tumayo sila. Binawi ng lalaki ang tingin sa akin. He then locked his arm around the girl's waist and walked away from the place like it's their own kingdom.
Time flew so fast. Natapos ang last subject namin at agad ng nagyaya sila Camille sa gym. Isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at inilugay ang kulay kahoy at kulot na buhok.
"Siguro may crush ka sa mga players na naroon, ano?" tukso ko kay Camille habang naglalakad kami papunta doon.
The sun poured its scorching rays down to us that made me narrow my eyes a bit. Narinig ko ang paghagikhik ni Camille.
"Oo, mayroon! Mamaya ituturo ko sa'yo."
"Simpleng malandi rin itong si Camille, e." sabat ni Amanda.
"At least, virgin pa!"
Natawa ako sa tinuran na iyon ni Camille. Minsan wala rin paawat ang bibig nito. Kapag gustong sabihin, sinasabi.
Inangilan siya ni Amanda. "At least nakatikim na ng luto ng langit! E, ikaw? Nga-nga pa rin."
Napailing na lang ako sa klase ng sagutan nila. Nasanay na ako. Ganyan sila magusap pero hindi naman nagaaway. They just really love having a senseless argument.
"Hi, Cheska!" bati ng isang lalaki na taga engineering department.
"Hi, Ches!" bati rin ng kasama niya.
Tipid akong ngumiti at tinanguan sila. Nagtutulakan sila at tila ba nahihiya pa matapos ko silang batiin.
"Iba talaga ganda mo, Ches! Simula ng magtransfer ka dito sa school, halos karamihan sa mga college boys, ikaw ang pinagusapan. Mukha ka raw kasing diyosa lalo pa at ganiyan ang buhok mo. Natural na kulot." sabi ni Camille.
Natawa ako. "Guni-guni lang nila iyon."
"Well, I have to accept that among the three of us, you're really the prettiest, Cheska." si Amanda. Nakakagulat na sa kanya nanggaling ang papuring iyon. Alam ko kasi na hindi siya mahilig pumuri ng kapwa niya babae. Mas gusto niyang siya ang pinupuri.
Nilingon ko siya at nginitian. "Thank you, Amanda. Mas sexy ka naman sa akin."
"Ay hindi, ah. Mas sexy ka pa rin kay Amanda. Laki kaya ng pwet mo! Liit pa bewang. Pengeng ganda at kasexihan, ate?" Camille bursted into laughter.
"Hayup ka talaga, Camille!" sagot ni Amanda.
Napailing na lang ako sa palitan nila ng salita. Nakarating na kami ng gym. Naabutan namin ang mga basketball players na nagtitipon-tipon sa gilid, halatang may pinaguusapan.
"Hindi pa ata nagsisimula..." sabi ni Camille.
Naghanap kami ng bench na uupuan namin. Mayroon rin ilang estudyante na mula pa sa ibang building ang nakaupo sa bench, halatang naghihintay rin na magumpisa ang laro
Iginala ko ang paningin sa mga players. Most of them are wearing jersey shorts. Sa gitna ay naroon ang sa tingin ko ay coach nila. Ipinatong ko ang bag sa ibabaw ng aking hita at tahimik silang pinagmasdan.
"Mukhang may meeting sila." sabi ni Amanda.
"Oo nga." wala sa loob na sabi ko.
Napatuwid ako ng upo nang makitang ang paningin ng mga players at coach ay nasa gawi namin. Nagkatinginan kami ni Amanda.
"Bakit parang sa atin sila nakatingin?" tanong ko at nilingon ulit ang mga players. My eyes widened a bit when I saw them walking towards us.
"Hala! Mukhang pupunta sila dito!" aligagang sabi ni Amanda.
I swallowed when a total of six men stopped in front of us. Napakurap-kurap ako nang makitang sa akin silang lahat nakatingin.
"B-Bakit po?" naguguluhan na tanong ko.
"Hi! I'm the coach of our Basketball varsity. Are you Mera Francheska Monteverde?" he asked politely.
Nagaalinlangan man, tumango pa rin ako. "Ako nga po."
They all smiled at me. Ang mga players ay titig na titig rin sa akin dahilan para makaramdam ako ng pagaalangan.
"Our inter-college sportsfest are already approaching. Wala pang muse ang varsity natin at sa tingin ko ay ikaw ang perpekto para sa posisyon na iyon."
Nanglaki ang mga mata ko at sunod-sunod na umiling. I can feel my blood crawling into my face making it hot. "Naku! Hindi po. Hindi po ako marunong sa ganiyan!"
"Ako na lang, coach! Marunong ako rumampa!" si Amanda na ikinatango ko.
"Opo, siya na lang po ang kunin ninyo."
Bumaling ang mga mata nila kay Amanda, tila ba pinagaaralan ito. She striked a pose but some of the players only chuckle.
"Coach, Cheska is the only girl that's perfect to be our muse. Look at her. Walang makakatalo diyan." bulong ng isang player ngunit sapat na para marinig ko.
The coach bore his eyes into me again. Kinagat ko ang labi ko at tumungo.
"Oh, ayan na pala si Captain. Siya na lang papiliin natin dahil mukhang hindi pa decided si Coach." sabi ulit ng isa sa mga player habang ang paningin ay nasa entrance ng gym.
I looked at their line of vision. Sporting a black jersey short, plain white round neck shirt and white rubber shoes, I found a man jogging towards them. My eyes widened when I realized that it's the same man I saw in the cafeteria! Iyong lalaki na halos gawin ng motel ang lugar kasama ang girlfriend niya!
"Sorry, I'm late." he said, his voice raspy and deep.
"It's fine. We're not starting yet..." their coach uttered. "By the way, Daniel, siya iyong babaeng gusto ng team natin na maging muse. What do you think? Ayaw pumayag dahil mukhang nahihiya pero baka puwede mong pakiusapan."
Mula sa pagpupunas ng buhok na mamasa-masa pa, the man anchored his eyes on me and I suddenly felt even more conscious. The clarity of his dark eyes struck my mind with a sensation of a little bit of sexiness. It's few more seconds when the edge of his lips turned upward, creating a sinister smirk on his God-like face.
"She's pretty. Too pretty actually. Pero walang dating. Puro ganda lang. Hindi papasa sa akin." nakangising aniya na ikinainit ng buong batok at mukha ko!