Kabanata 5
Mabigat ang bawat hakbang ng mga paa ko habang papasok ako sa entrada ng campus. My eyes are focusing on the ground I'm stepping in but my mind seems to be in a deep ocean. Umaga pa lang pero parang wala na akong kasigla-sigla. Hindi ko alam kung dahil ba sa may buwanang dalaw ako ngayon o dahil puyat ako sa nakaraang weekend.
"Good morning, Cheska!"
I looked up and saw a familiar male nursing student walking across me.
Ngumiti ako sa kanya. "Morning..."
Nang makalampas ay ibinalik ko ang paningin sa simento. Ang malutong na tunog ng tuyong dahon ay sumasabay sa baway pagtapak ko sa kanila. Masiyado ata akong napaaga sa pagpasok, mukha kasing hindi pa nakakapaglinis ang mga janitor sa school ground.
Huminga ako ng malalim, ramdam ang pamimigat ng aking mga mata. Dalawang araw akong halos hindi nakatulog ng ayos. Maraming inaaral na subjects at kung ano-anong paperwork. Pero hindi ako sigurado kung iyon nga ba talaga ang dahilan ng pagkapuyat ko o may iba pa.
Natural hindi, Cheska. Alam mo sa sarili mo na hindi ikswela ang dahilan kung bakit ka lutang ngayon.
Wala namang kaisip-isip sa sinabi niya nung huli kaming magkita sa hallway sa tapat ng banyo pero heto at para bang may big deal doon.
"I'm not a saint, Cheska. I also know how to lie."
Bumuntong hininga ako nang sa hindi mabilang na pagkakataon ay dumaan muli sa isip ko ang sinabing iyon ni Daniel. Assuming ba ako kung iisipin kong nagsisinungaling lang siya nang sabihin niyang wala akong dating? Pero sinabi naman niya mismo, hindi ba? He knows how to lie. Ang ibig sabihin lang no'n ay hindi totoong wala akong dating para sa kanya.
Pero... si Daniel iyon. Babaero at magaling magpaikot. Hindi ba at ganoon lang kadali para sa kanya ang bitawan si Santita. Baka sinabi niya lang na nagsisinungaling siya sa akin ay dahil nararamdaman niyang kaya ako pumayag na maging muse ng team nila ay para patunayan sa kanya na may dating rin ako. Siguro, naisip niya na kapag sinabi niya sa akin na hindi iyon totoo, maiisipan kong mag-back out kasi binawi niya na. Kapag nangyari iyon, matutuwa siya dahil makakahanap na ng iba ang team nila na hindi sila ipapahiya.
That's how I see it. Tama ako, hindi ba? Dahil diyan, itutuloy ko pa rin ang pagiging muse. Mamula siya sa galit sa akin.
Umakyat ako ng hagdan patungo sa building namin. Sana ay narito na si Amanda o hindi kaya ay si Camille. Yayayain ko ang isa sa kanila dahil gusto ko sana mag cafeteria para magkape. I need some energy right now. Hindi ako puwede antukin dahil may physical activity kami mamaya.
Pagkarating ko sa mismong palapag ay pumihit ako pakaliwa ngunit agad natigilan nang makita ko si Daniel na nakahilig ang mga siko sa barandilya habang nakatingin sa gawi ko. There's a sexy smirk ready on his face. Ang buhok ay halatang bagong paligo pa lang dahil mamasa-masa pa ito. The redness of his stretched lips seems to look like a pink rose in the middle of the green lawn.
Kita mo nga naman. Kung sino pa iyong hindi mo gusto makita, siya pa ang bubungad sa'yo. At saka, ba't narito siya? Ang layo naman ng room ng fourth year sa third. Dito pa talaga siya tumatambay.
"Goodmorning." he greeted, lips twitching playfully.
I rolled my eyes at him and continued walking. "Walang maganda sa umaga kung ikaw kaagad ang makikita ko."
He chuckled. "Feisty..."
Hindi ko na siya pinansin pa. I walked past him and tried to calm my abnormal heart. Bumibilis na naman kasi ang ritmo at para bang may kuryenteng dumadaloy sa mga ugat ko.
"How's your weekend?"
Kumunot ang noo ko. Kusa akong napatigil sa paghakbang at nilingon ang aking likuran. Daniel was slowly closing our distance.
"Sinusundan mo ba ako?" taas ang kilay na tanong ko.
His lips puckered, a ghost of sarcastic smirk tickling the corners of it. "Not just feisty, huh? A little bit assuming too."
"Assuming? In what way did I become assuming, Mr. Arrogant? Sa kabila ang room ng mga senior kaya anong ginagawa mo dito? Edi, sinundan ako!" mahina ngunit madiin na sabi ko. Mabuti na lang at walang ibang estudyante na dumadaan kaya walang makakarinig sa akin.
There's an easy smile on his handsome face as he towered over me. Our closeness made me engulf his fresh mint and woodsy scent. The sunlight penetrating through the railings highlighted his irises, mirroring the shade of tangerine. Even his eyelashes are casting a shadow under his cheek bone. Itinagilid niya ang ulo niya at nakakaloko akong tinitigan. Slowly, a cocky smirk crept on his pinkish lips.
"We'll see about that, Cheska."
Muli ko siyang inirapan at tumalikod. Nagpatuloy ako sa paglalakad, salubong na salubong ang kilay sa hindi malamang dahilan. Nang malapit na ako sa room ay lumingon ako at nakitang nakasunod pa rin siya sa akin. He's already looking at me. Umangat ang sulok ng labi niya dahilan para samaan ko siya ng tingin.
See? Iyan ba ang hindi ako sinusundan?
Nakarating ako sa classroom namin. Luminga-linga ako. There are already more than ten people inside. Wala pa sila Amanda at Camille kaya naman nakaramdam ako ng kaunting panglulumo. Huminga ako ng malalim at naglakad papasok.
"Babe!"
Napatingin ako sa kaklase kong si Emerald. Her red painted lips were stretched into a full smile as she's looking behind me. Tumayo ito at mabilis na naglakad. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mapapihit ako sa gawi ng pinto.
My heart clenched when I saw Emerald threw her hands over Daniel's neck and locked it. Kasabay pa noon ay ang paglapat ng labi niya sa labi ni Daniel. Before I decided to pull my gaze away, I saw him look at me while their lips still intact together. Seryoso ang mga mata niya, walang bahid ng kahit anong paglalaro. Bumilis ang tahip ng puso ko sa hindi malamang dahilan. But there's one thing I am sure of; seeing them kissing feels like there are thousands of needle being stabbed right through my heart.
Pumihit ako patalikod. My head suddenly feels light. Pakiramdam ko ay bigla akong tinakasan ng dugo sa aking mukha.
Tama siya, Cheska. Assuming ka dahil hindi naman ikaw ang ipinunta niya dito kung hindi si Emerald.
Sila... na ba?
Naupo ako sa pwesto ko. Pasimple akong nagnakaw ng sulyap sa pintuan sa pagaakalang naroon na sila. Ngunit wala na. I roamed my eyes around the classroom to search for Emerald but she's nowhere to be found.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Sila na nga siguro. Kung hindi ay bakit sila maghahalikan?
Ano naman ngayon sa'yo, Cheska? You're very much aware that he's a skirt chaser. Nagtataka ka pa?
"Have you heard the news? It's Daniel and Emerald now. Goodbye Crisanta na!" si Amanda, nasa isang coffee shop kami malapit sa school dahil niyaya ko sila. Ayokong sa cafeteria kumain, hindi ko alam kung bakit pero ramdam kong ayaw ko roon.
"Hindi na ako nagugulat na wala na sila. Kailan ba nagseryoso iyang si Daniel? He's really a notorious playboy. Pero nakakapagtaka lang na pumatol siya sa mas bata sa kanya. If I'm not mistaken, he doesn't like women who are under his age. Gusto niya ay iyong kasing edad niya lang." sabi naman ni Camille habang idinuldol ang straw sa frappe niya.
"Naku, maniwala ka doon. Basta maganda at matalino, papatulan ni Daniel. Nagkataon lang na kasing edaran niya mga nakakarelasyon niya. You know what's really surprising? It's Emerald. Maganda ang babaeng iyon pero shunga. Bobita in other words. Eh, hindi ba at ayaw ni Daniel sa shunga? Gusto nun iyong pumapalakpak lagi sa taas ang mga grades. Parang itong si Cheska."
Mula sa donut sa platito ay nag angat ako ng tingin kay Amanda. "Bakit ako?"
"Example lang 'yon, friendship!"
Bumuntong hininga ako at ibinalik na sa kinakain ang atensyon. I feel lousy today. Kahit nagkakape na ay parang wala pa rin ako sa wisyo, parang wala pa rin akong gana.
Utak mo pa rin ba ang nagpapapagod sa'yo, Cheska? O, may iba pa?
"Pero kawawa rin si Crisanta, ano? Balita ko iyak ng iyak." sabi ni Camille.
"Her fault. Alam naman niyang hindi nagseseryoso iyong tao, sana hindi na siya umasa pa." si Amanda.
I slightly feel bad for Santita. Nakakaawa dahil sa loob lang ng banyo hiniwalayan. Siguradong masakit sa parte niya ang ginawang iyon ni Daniel. Ni hindi man lang siya dinala sa maayos na lugar. Kahit pa sabihin na mababaw lang ang relasyon na namagitan sa kanila, she still deserves a proper closure.
That Daniel will surely have his karma. Kapag nangyaring nahanap niya ang makakatapat niya, pagtatawanan ko talaga siya.
"Miss Monterverde, nakausap ko ang coach ng basketball varsity natin. Sinabi niyang pumayag ka na na maging muse. Is that true?" tanong ni Mrs. Romero, professor namin.
Tumango ako. "Yes, Ma'am. Is that fine with you?"
Inusod niya ang salamin pabalik sa kanyang mga mata at nginitian ako. The fine lines under her eyes highlighted as she smile.
"Of course. With that pretty face, you're a perfect fit for that position. Don't worry. May additional points ang pagsali mo diyan. But wait... sure ka na ba riyan sa desisyon mo?"
"Opo, Ma'am. Sure na po ako."
Tumango-tango siya. "Alright. Nagtataka lang ako. The other day, Mr. Monasterio came to me and said that you're having a doubt in accepting that offer. Ayaw mo nga raw talaga at napipilitan ka lang."
Tumuwid ako sa pagkakatayo sa harapan ng desk niya at mariin siyang tinitigan. "Sinabi niya 'yon, Ma'am?"
"Yes. The reason why I am talking to you. Coach Perez said that you already agreed to be their muse, kaharap pa nga raw ang mga players nung pumayag ka. Kaya naguguluhan ako kung bakit iba ang sinasabi ni Mr. Monasterio."
Nagtangis ang aking bagang. Ang lalaking iyon! Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya ako napapaatras sa sitwasyon na ito. He really wants me to back out because he wants someone else! Paraan niya lang talaga ang maging malambing sa akin nung hapon na iyon para naisipan kong umatras!
Ano, si Emerald ang gusto niyang maging muse? Mas nagagandahan siya doon kesa sa akin? Buwisit siya!
"Don't mind him, Ma'am. Buo na po ang desisyon ko."
Buong lakas kong isi-nerve ang bola papunta sa kabilang net. Hindi iyon nagawang saluhin ng kahit sino sa grupo na iyon dahilan para makapuntos kaming muli.
"Galit na galit, besh?" tatawa-tawang sabi ni Amanda na kasali sa team ko.
Nginisian ko lang siya bago kami nagtipon bilang isang grupo. Isang set na lang ng physical activity namin at pagkatapos nito ay uwian na. Hindi ko alam kung bakit kanina ay halos wala akong sigla, ngayon ay daig ko pa ang lumaklak ng isang litrong kape.
"Galing mo talaga mag-volleyball, Ches!" puri ng isang kaklase ko sa akin.
Ngumiti ako. "Salamat..."
Nagsasalita ang professor namin sa unahan nang biglang nag iritan ang ilan sa mga kaklase naming babae. They're looking at the side that made me glance at it.
My blood boiled like a magma when I saw Daniel and Bryle walking towards the bench. Nakatingin si Daniel sa akin habang naglalakad dahilan para tumaas ang kilay ko. A playful smirk was already etched on his face.
Anong ginagawa nito dito? Uh, oo nga pala. Kaklase ko ang bagong biktima niya!
Naupo siya sa bench kung saan tabi pa mismo ng bag ko. Hindi niya nilubayan ang pagtitig sa akin. From my face, he traveled his gaze down my body and stayed longer on my exposed thighs.
Hindi ko maiwasan makaramdam ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya. I am weaing a black cycling shorts that revealed my full legs. Katerno noon ang isang puting t-shirt kung saan nakaprint ang pangalan ng school namin. I also fixed my hair into a high pony tail and a black rubber shoes to complete my get up.
From where I stand, I saw how his lips protrude as he keeps on staring at my legs. Problema nito?
"Five minutes break, class!" sigaw ng professor namin.
"Tara sa bench - oh, narito pala sila Daniel?" sabi ni Camille at naglakad na patungo sa bench.
"Syempre, nariyan ang girlfriend!" singit ni Amanda.
Pigil ko ang aking hininga habang papalapit sa bench. Nasa aking mukha na ulit ang paningin ni Daniel. I rolled my eyes at him that earned a soft chuckle from him.
"Sungit naman, po." dinig kong aniya.
"Hi, Cheska!" bati ni Bryle.
Nginitian ko siya. "Hi..."
Halos walang naging distansya ang bag ko mula kay Daniel dahilan para lumapit rin ako sa gawi niya. As soon as I'm standing in front of him, he handed me a clean white towel and a bottle of gatorade.
Tinitigan ko iyon at tinaasan ng kilay. I looked at him with a scowl on my face. "What's that?"
Bahagya siyang ngumuso. "Energy drink and a towel?"
"I know! Ba't mo sa akin binibigay iyan? Naroon ang girlfriend mo, oh." sabi ko sabay turo kay Emerald na kasalukuyan kausap ng professor namin.
Pag lingon ko pabalik kay Daniel ay sa akin pa rin siya nakatingin na para bang hindi interesado sa itinuturo ko.
"Pawis na pawis ka. Kunin mo na ito, baka matuyuan ka." sabi niya, seryoso ang mga mata at walang bahid ng kapilyuhan.
"Thanks but no thanks. I have my own." sabi ko at kinuha na ang bag ko. I opened it and grabbed my pink towel there. I wiped the sweats on my face as while feeling his heavy stares on me.
"Hi, babe! Sorry kinausap pa ako ni Prof. Tinupad mo talaga ang pangako mong manonood ka, ha?"
Hindi ko na kailangan tingnan pa kung sino iyon. Bago ko pa makita ang paglalampungan nila, initsa ko na ang towel sa bag ko at bumalik pabalik sa gitna ng court.
Oo, Emerald. Tinupad niya. Kaya sa susunod na i-serve ko ang bola, siguraduhin mong may makakasalo sa team mo.
Napairap ako sa takbo ng isip. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo nito. Hindi na ako sigurado kung tungkol pa ba sa pagpapaatras niya sa akin para maging muse ang ikinahihimutok ko o ano.
Nagsimula ang last set. Ako ulit ang magse-serve. Bago gawin iyon ay tumingin pa ako sa gawi nila Daniel. Nakita kong matiim siyang nakatitig sa akin. Inirapan ko siya at malakas na pinalipad ang bola papunta sa kabila. Nasalo ang bola, pinagpasa-pasahan. Nang makitang papunta ito sa gawi ko ay mataas akong tumalon at malakas na ini-spike ang bola sa direksyon nila dahilan para walang makasalo. Naghiyawan ang mga kakampi ko.
"Damn, girl!" sigaw mula sa gilid, sa boses pa lang ay alam kong si Bryle iyon.
Hindi napigilan, tumingin pa rin ako sa gawi nila. Nakita ko ang marahan pagpalakpak ni Daniel, ang mga mata ay nasa akin pa rin. My cheeks burned for whatever reason. Seeing him staring at my every move makes me feel conscious.
Nagpatuloy ang game. Hindi nagtagal at natapos kami. I'm a bit happy that we won. Nga lang, hindi naman gaano seryoso ang laro dahil physical activity lang ito.
Hindi na ako nagulat na wala na sila Daniel sa bench. I saw them leaving the gym minutes ago. Pabalik sa bench, kumunot ang noo ko nang makita ang puting towel at gatorade na hawak ni Daniel kanina at ibinibigay sa akin.
Bakit naroon ito? Naiwan? Ginawa pa talagang patungan ang bag ko.
Bumusangot ako. Kinuha ko ang towel at Gatorade na hindi na gaanong malamig. Nagsalubong ang kilay ko nang mula sa pagkakaangat ko ay bumagsak ang isang maliit na papel. Curious, I picked it up and saw a short message there.
These are really for you. Keep or throw them on the trash bin, it's up to you.
Ps: Stop proving me how pretty and appealing you are. I already know that since day one.
This time... I'm telling the truth.
- DGM