Kabanata 2
Busangot ang mukha ko nang pumasok sa main door ng bahay namin. Sumalubong sa akin si Manang Aurelia nang may ngiti sa mga labi niya. Iritado man ay hindi ko pa rin siya pinagkaitan na suklian ng ngiti. Siya ang pinakamatandang kasambahay na mayroon kami. She guided me and my sister as we grew up. Pangalawang nanay na rin ang turing namin sa kanya. Kung tutuusin ay mas nararamdaman ko pa nga ay pagiging nanay niya sa amin kesa kay Mommy.
"Nariyan ka na pala, Cheska." sabi nito at astang kukuhanin ang mga libro ko sa akin ngunit agad ko itong iniwas.
"Huwag na po, Manang. Magaan lang naman po. Nariyan na po ba sila Mommy?"
"Wala pa, hija. Pero ang kapatid mo ay nariyan na sa taas. Kakauwi lang rin."
Tumango ako. "Sige, Manang. Aakyat po muna ako."
"Sige. Maghahanda na ako ng hapunan at siguradong papauwi na rin ang mga magulang nyo. Tatawagin ko na lang kayo sa itaas."
"Opo, Manang."
Nang makaalis sa harapan niya ay mabibigat ang mga paa kong umakyat sa hagdan. Hindi mapigilan, nanumbalik sa isip ko ang masasakit na salita na sinabi ni Daniel sa akin kanina.
Mapapahiya ang team nila dahil sa akin? Hah! Paanong mangyayari iyon? Ganoon ba siya kainis sa itsura ko? Kahit saang anggulo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang init-init ng dugo niya sa akin. I'm not boasting myself here but is he blind? Can't he see how I looked like? Can't he see that I'm prettier than his Santita girlfriend? O, baka naman iyon talaga ang gusto niyang maging muse kaya nilalait niya ako palagi. He wants his girlfriend to be the muse but can't do anything because his team wants me! Kaya ako na mismo ang kinausap niya para umatras roon.
Huminga ako ng malalim at pinilit kalmahin ang sarili ko pero kahit anong gawin ko ay hindi iyon tumatalab. I feel frustrated and embarrassed! Hindi ko siya dapat pinapansin dahil hindi naman kami magkakilala. But that's the main point! We don't know each other but there he was, insulting me like I'm the ugliest woman in the world.
Maganda ka nga raw, Cheska. Wala ka lang dating para sa kanya!
"Oh, ate. Bakit nakabusangot ka riyan? May problema ba?" salubong sa akin Adrianna, ang bunso kong kapatid.
She's sitting on the white marble floor while writing on her binder. Nakapatong ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng center table, sa harap ay naroon ang isang baso ng orange juice at platito na naglalaman naman ng cake. When she's doing something, be it homework or whatever, she loves to stay in this area instead of her room. Hindi ko alam kung bakit. Nakasanayan niya na, maging ako ay nahawa na rin.
Pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa couch na nasa harapan niya at nagbuga ng hangin. I fixed my gaze on her direction and she's looking at me with confusion dancing in her almond eyes.
"Pagod lang sa school..." palusot ko.
Tumaas ang kilay niya dahilan para magmukha siyang sutil. Sa aming dalawang magkapatid, siya ang laging napapagkamalan na mataray at bitchesa dahil sa pagiging matalim ng mga mata niya. Natural na makapal ang kilay naming dalawa, namana namin kay Mommy. Ang pagkakaiba lang namin ay sabog ang sa kanya samantalang ang sa akin ay maayos at nakaahit na dahil na rin kay Amanda.
Amanda knows how to shave eyebrows and make them on fleek. Nung una ay ayaw ko ng pinapakielaman ang kilay ko pero nang makita ko ang resulta ay nagustuhan ko rin naman.
"Sa tatlong taon mo sa kolehiyo, ngayon lang kita narinig na nagreklamo sa school. I mean, iyong napagod ka." sagot ni Rian. "Hindi ka ba happy sa bago mong school, ate? Tatlong buwan na simula ng magtransfer ka diyan, ah."
"Masaya naman. Marami lang talagang ginagawa. Kapag tumungtong ka na sa third year, magiging abala ka na rin."
"First year pa nga lang stress na ako. Lalo pa akong nastress dahil hindi ko naman gusto itong course ko." She sighed as sadness invaded her eyes. "Do you think I can still pursue Dentistry, ate?"
I smiled and nodded my head. "You will. After you finished BSBM. Tutulungan kita."
Dahil sa negosyo na mayroon kami, maging ang course na kinukuha namin ay kontrolado rin ng mga magulang namin. Ayos lang naman sa akin ang business management. Walang problema kung ipinilit nila sa akin ito. My only concern is my sister. Sana hinayaan na lang nila ito sa course na gusto niya.
Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Kapag ako naging dentist at nabungi iyang sila Mommy, hindi ko talaga aayusin ang mga ngipin nila." aniya na ikinatawa ko. Maging siya ay natawa na rin.
Bumalik siya isinusulat niya kaya naman kinuha kong pagkakataon iyon para ihilig ang batok sa couch at tumingin sa kisame.
Tama bang pumayag ako na maging muse ng school namin? Hindi ko ugali ang rumampa sa harap ng maraming tao. Pero dahil sa kagustuhan na patunayan sa Daniel na iyon na may ibubuga ako ay napasabak ako. I don't know how I will be able to prepare myself on that day. Isang buwan na lang bago ang Intrams. Kung magba-back out ako, nakakahiya naman kela coach.
Tama si Amanda, Cheska. Kailan ka pa nagkaroon ng pakielam sa sinasabi ng iba? Bakit kailangan mo patunayan ang sarili mo sa lalaking wala namang papel sa buhay mo?
"Bunso, pangit ba ako?" Bago pa makapagisip ay lumabas na ang tanong na iyon sa bibig ko habang ang paningin ay nasa kisame pa rin.
Hindi kaagad sumagot si Adrianna dahilan para mapaayos ako ng upo. Nang tingnan ko siya ay nakataas na ang kilay nito sa akin.
"Ayos ka lang, ate? Gusto mong palagyan natin ng salamin ang buong kwarto mo para malaman mo kung gaano ka kaganda? Paa pa lang, panglaban na!"
Ngumiwi ako. "Exaggerated ka naman, bunso! Iyong totoo kasi..."
"Ewan ko sa'yo, ate. Nagtatanong ka lang ata para ipamukha ko sa'yo na sobrang ganda mo, eh. Halos mapagkamalan ka ngang manikin ng ibang tao dahil sa puti mo. Dagdagan pa ng kulot mong buhok," ungot niya. "Bakit ba at bigla kang naconscious sa itsura mo? May nangliligaw ba sa'yo sa school nyo?"
Muli kong isinandal ang katawan ko sa backrest at nagbuga ng hangin. Some of the hair on my face moved.
"Wala. Not part of my priorities," I answered. "How about... appeal? Mayroon ba ako nun?"
Hindi natin kakalimutan, Francheska, na hindi ka magpapaapekto sa sinasabi ng Daniel na iyon sa'yo.
Lumitaw ang mga gitla sa noo ni Adrianna matapos marinig ang naging tanong ko. "Ano ba talaga ang problema mo, ate? Kanina tinatanong mo kung maganda ka, ngayon naman ay kung may dating ka. Bakit ba kasi?"
Ngumuso ako. Wala rin namang sense kung tatanungin ko siya. She's my sister. Ibig sabihin lang no'n ay sasabihin niyang may dating ako kahit wala naman.
"Nevermind. Natanong ko lang naman. Anyway, magbibihis na ako. Tapusin mo na iyan dahil mamaya ay kakain na tayo. Parating na sila Mommy."
Tumayo na ako. Ramdam ko ang mabibigat na titig niya sa akin at hindi na lang iyon inintindi. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari sa school o ang pagtanggap ko sa alok sa akin ng varsity namin bilang maging muse nila. It will only raise questions from her. Siguradong maging siya ay magugulat na pumayag ako sa ganoong klase ng kalokohan.
"How's school, Mera Francheska?" Dad asked while we're in the middle of having dinner.
From the food on my plate, I ascended my eyes on him and smiled a bit. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong nararamdaman niya ang bawat kilos ko.
"Fine, Dad."
"No boyfriend?"
Nagkatinginan kami ni Mommy. Umarko ang kilay niya at nagaabang rin sa isasagot ko.
"Wala, po. Pagaaral po ang prayoridad ko."
"That's good. You can't have a relationship yet while you're studying. Kung makikipagrelasyon ka man, kailangan sa may sinasabi rin sa buhay na kagaya mo." striktong saad nito at pinag angatan ako ng mga mata sa likod ng kanyang salamin.
"Yes, Dad."
Inilipat niya ang matatalim na tingin sa kapatid ko na tahimik lang na ngumunguya sa aking tabi at tila ba may sariling mundo.
"Same with you, Adrianna Grace. Mag aral ka ng mabuti dahil kayong dalawa ng ate mo ang mamamahala ng mga negosyo natin sa tamang panahon."
"Yes, Dad." labas sa ilong na tugon nito.
That's the only words we can answer. Wala kaming ibang puwedeng isagot kung hindi puro pag sang-ayon lang.
Lumipas ang oras. Nasa kanya-kanya na kaming kwarto. Kasalukuyan akong nagsasagot ng homework nang makarinig ako ng tatlong katok sa aking pintuan. Nag angat ako ng tingin, saktong pagbukas nito. Napangiti ako nang makita si Manang Aurelia bitbit ang uniform ko na bagong plantsado na.
"Cheska anak, ito na ang uniporme mo."
"Sige, Manang. Pakisabit na lang po diyan sa tukador..." sabi ko na agad niyang sinunod.
Nagtagal ang tingin ko sa uniform ko. It's a dark gray pencil skirt and a white chinese collar longsleeve. Kapag suot, bahagyang lampas sa tuhod ko ang palda. Sabi ni Amanda, masiyadong mahaba para sa taste niya. Even the top was a bit lose in my body. Hindi kasi ako gaanong kakumportable sa mga damit na hapit sa katawan ko.
Biglang dumaan sa isip ko si Santita at ang klase ng pananamit nito. Her uniform is different from mine. Tourism ang kurso niya kaya mas sexy tingnan ang sa kanya. Hapit na hapit rin sa katawan kaya halata ang hindi gaano kahubugan na katawan.
Pero bakit ko ba siya biglang naisip? Ano naman ang kinalaman niya sa pagkakatulala ko sa uniporme ko?
"Gusto mo ba ng gatas, hija?" si Manang Aurelia.
But on a second thought... puwede ko rin naman subukan pahapitan ang uniporme ko at paiksian ng... kaunti? Baka sakaling magkadating ako.
Tungkol na naman ba sa kanya, Francheska? Apektado ka talaga, ano? Kahit hindi mo aminin ay naapektuhan ka sa panglalait sa'yo ng lalaking iyon.
"Cheska, ayos ka lang ba?"
"Po?" napakurap-kurap na tanong ko ka Manang. Taka itong nakatitig sa akin na sinuklian ko lang ng ngiti. "Ayos lang po ako."
"Sigurado ka? Gusto mo ba kako ng gatas?",
"Sige, po."
"Teka at ikukuha kita." Astang tatalikot na siya nang tawagin ko siya dahilan ng pagharap niya sa akin. "Bakit?"
"Uh, Manang. Hindi po ba may makina kayo ng pananahi sa kwarto niyo?"
Tumango ito, walang ideya sa sasabihin ko. "Bakit mo naitanong?"
Tumuwid ako sa pagkakaupo at nagiinit ang mukha siyang nginitian. "A-Ayos lang po ba na irepair nyo ang mga uniform ko?"
Kumunot ang noo niya at sinulyapan ang uniform ko na nakasabit. "Ayos lang naman. Pero bakit? May problema ba sa fitting nito? Sakto lang naman ito sa katawan mo, ah."
"Uh... for a change, Manang." nauubusan ng palusot na sagot ko.
For a change your face, Cheska! Ang sabihin mo, gusto mo lang patunayan na may ibubuga ka rin. Na hindi ka lang puro ganda, may dating rin.
Buwisit na Daniel!
"Ayos na ba sa'yo ang sukat na ito, hija? Pati ang iksi ay ayos na rin?" tanong ni Manang Aurelia pagkatapos ako sukatan at sabihin kung hanggang saan ang iksi ng palda ko.
One and a half inches above the knee ang napagdesisyunan kong magiging iksi no'n. Sakto lang. Hindi gaanong maiksi at hindi rin naman ganoon kahaba. Pero kumpara sa dati na lampas tuhod ay malaki na ang pagkakaiba.
Mas maaga ako nagising kinabukasan. We have a long quiz in basic finance and it's my first subject. Terror ang professor namin doon kaya naman siguradong mai-stress na naman si Camille nito mamaya.
Nagmadali akong maligo. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko ang uniform sa aking kama. Ito iyong ni-repair ni Manang Aurelia panigurado. Huminga ako ng malalim nang mapatingin ako sa palda.
Bagay kaya sa akin?
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras. After wearing my underwear, isinunod ko na ang palda ko at kaagad napangiwi nang makitang lantad na lantad ang halos kalahati ng hita ko. Dahil medyo malaki ang balakang ay mas naging hapit sa akin ang palda.
Mabuti na lang at flat ang puson ko.
Sinunod ko isuot ang longsleeve na pinahapit ko rin. The fitting of it is just exact in my body. Mas lalong humakab ang aking dibdib, ang hapit sa bewang ay sakto lang rin. Hindi na kagaya noon na may kaluwagan.
I tacked my longsleeve inside my skirt and looked at myself through the mirror. Huminga ako ng malalim, kuntento sa resulta ng uniform ko. Nang makapagbihis ay nagsuklay ako at naglagay ng kolorete sa mukha.
I never wear make up. Palagi akong pumapasok na walang kahit ano sa mukha. This time, I applied lip and cheek tint. I also curled my eyelashes up and I'm good to go.
Huminto ang family car sa tapat ng school thirty minutes bago magsimula ang klase ko.
"Mauna na po ako, Manong Dennis. Ingat po kayo pabalik." sabi ko sa driver at binuksan na ang pintuan sa gilid ko.
"Sige, Cheska. Itext mo na lang ako mamaya kung susunduin na kita."
"Opo!"
Bitbit ang ilang libro na halos hindi ko na mahawakan ng maayos, mabilis akong naglakad patungo sa main entrance. Habang naglalakad ay tumungo ako at inayos ang mga libro sa bisig ko.
"s**t!"
Lihim akong napamura nang maramdaman ko ang pagbunggo sa akin at ang pagkakabagsak ng mga libro ko sa simento.
"I'm sorry..." saad ng isang baritonong boses. I saw him squat in front of me and helped me take the books. "Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
Nag angat ako ng tingin. The man is good looking, that's what I first figured out. Medyo maangas ang datingan pero ayos lang dahil gwapo naman siya. His almond eyes were in a shade of brown. Makapal ang kilay, matangos ang ilong at maputi. He has braces and a small earing on his left ear. Dahil nakatungo ay mas maayos kong nasilayan ang itsura niya.
He must have felt me staring at him because he suddenly lifted his eyes to me.
"Ayos lang. Ako ang hindi tumitingin sa dinadaanan ko." sabi ko at nginitian siya.
His lips seperated as his cheeks reddened a bit. Nagiwas siya ng tingin ngunit agad rin naman ibinalik sa akin ang mga mata. A smile also tickled his lips. Tumungo siya at kinuha ang ilang libro bago tumayo. Maging ako ay tumayo na rin.
"Sorry pa rin." nakangising aniya at iniabot sa akin ang mga libro.
Tumango ako, natatawa na rin dahil sa reaksyon niya. "Ayos lang. Sige, mauna na ako."
"Sandali..." pigil niya dahilan para hindi matuloy ang pagalis ko. Inilahad niya ang kamay sa akin. "I'm Calix..."
Sandali ko iyong tiningnan bago tinanggap at nag angat ng tingin sa kanya. "I'm-"
"Francheska."
Kumunot ang noo ko. "Kilala mo ako?"
"Everybody knows who you are."
Natawa ako. "Parang hindi-"
"Calix..."
Sabay kaming napalingon sa gate nang marinig ang boses na iyon. Irritation invaded my chest when I saw Daniel leaning against the post. Magkakrus ang mga braso nito at seryosong nakatitig sa akin, walang kangisi-ngisi sa mukha kagaya nang una ko siyang makilala ng harap-harapan.
Aga-aga ito makikita ko!
Inalis ko ang tingin sa kanya at ibinaling ito kay Calix. He's looking at Daniel but anchored his eyes back to me. Ngumiti siya sa akin.
"It's nice meeting you, Calix. Mauna na ako."
"Sabayan na kita, Cheska. Papasok na rin naman ako."
Tipid lang na ngiti ang isinagot ko sa kanya at nauna ng naglakad. My heart is thumping as I ambled towards the gate. Pilitin ko man na huwag siyang tingnan ay para pa rin akong hinihila ng mga mata niya. I looked at him and he was drilling his piercing eyes into mine. Nakita ko ang pagbaba ng mga mata niya mula sa mukha ko pababa sa aking katawan. His eyes stayed on my legs and the corners of his mouth suddenly twitched.
Nang malapit na ako ay inalis ko na ang pagkakatingin sa kanya at nagdire-diretso papasok sa school. I walked past him and heard him let out a soft chuckle.
Naramdaman ko ang presensiya nila ni Calix hindi kalayuan sa likod ko. Bahagya akong nakaramdam ng pagkailang lalo na at alam kong nasa likod ko sila. Given the state of my uniform... I exhaled.
"Good morning, Cheska."
"Hi, Ches. You look good."
Tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa mga engineering students na nakasalubong ko. I continued walking when I heard something behind me.
"Douchebags..." boses iyon ni Daniel.
Gustuhin ko man lumingon ay hindi ko na ginwa dahil alam kong maiirita lang ako lalo oras na magtama ang mga mata namin. Sariwa pa rin ang sinabi niya sa akin kagabi at hindi ko 'yon basta malilimutan unless hihingi siya sa akin ng sorry, na alam kong imposible.