Kabanata 1

1981 Words
Kabanata 1 I sat there frozen, unable to move as I watched in awe at his expression. I saw nothing short of sarcasm on his face, almost taunting. My embarrassment feels like a water reaching its boiling point. Maganda... sobrang maganda pero... walang dating? "That's too foul, dude. Bulag ka ba? That's Mera Francheska. Nasa kanya na ang lahat ng gugustuhin ng isang lalaki pagdating sa itsura!" sabat ng isang player. My eyes remained on the arrogant man. He's staring at me with so much goofiness on his face. He even looks amused as if he finds my reaction funny. How dare him insult me in front of these people?! "What? Did I say something wrong? Sinabi kong maganda siya. Magandang-maganda pa nga. But I really don't find her appealing. Our team needs a muse who looks fierce and seductive. This girl..." He paused and scanned me, making me feel conscious. "...looks like an angel. Too calm and demure." Angel mo mukha mo! Pagkatapos mo ako ipahiya bibirahan mo ako ng mga ganyang salita mo! Kung mukha akong anghel, mukha ka namang hudas. "That's it. She looks like an angel so she's the perfect girl to be our muse!" apila nung coach. "Baka naman ang gusto ni Daniel ay si Crisanta ang maging muse natin." tudyo naman ng isang player na ikinatawa nilang lahat. Daniel the arrogant man chuckled while shaking his head. He wrapped the mini towel around his neck and looked at me. Nagiwas ako ng tingin, ang mukha ay halos mag apoy pa rin sa sobrang init dahil sa kahihiyang ibinigay niya. "Tss. She's not even belong to my choices. Stop asking for my opinion if you wouldn't follow it in the first place." natatawang sagot niya. Yabang! May choices pa siya? At saka siya ba ang magdedesisyon kung sino ang magiging muse nila? I heard that he's the captain but does it give him the rights to decide? "Grabe! Ang harsh naman sa'yo ni Daniel. Hindi ko expected na ganiyan siya. He's very fond of pretty girls. To the highest level na ang ganda mo pero... tinabla ka? Ang weird!" mariing bulong ni Camille. "Baka naman hindi niya lang talaga type iyong mga kagaya ni Cheska na mahinhin ang datingan? Nakikita mo naman ang mga kasama niya lagi. Look at Crisanta Malfori, liberated at laging akala mo bibida sa p**n movies." singit ni Amanda. Ngumiwi ako. I don't care what that Daniel wants for a girl. I do not live in this world to meet his expectations. Pero hindi ibig sabihin no'n ay hahayaan ko na siyang ipahiya ako sa mga tao. "Miss Mera?" Coach called me. Lumingon ako sa kanila. "Yes?" "My offer still stands. Kapag pumayag ka, ako na ang bahala kumausap sa professor mo. Think about it. Malayo pa nama-" "No need, coach. I'll take it. Payag na akong maging m-muse nyo." pigil ang hiningang sabi ko habang ang mga mata ay nakay Daniel. The smirk on his lips faded. He shot his brow up as if he didn't like my decision. You have no choice but to accept it, Daniel the arrogant. Your team wants me. Isa ka lang and majority always wins. Mabilis na naghiyawan ang mga team mates niya, maging si coach ay napangiti rin. Naramdaman ko ang pagyugyog ng mga katabi ko sa akin ngunit hindi ko iyon nagawang pansinin. My eyes were still on Daniel who's also looking at me. The smirk on his face is now back. "We will lose on the muse category. Mark my words." Daniel muttered before he dropped his bag on the floor and turned his back away from us. Kumuyom ang kamao ko dahil roon. Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo siya. He grabbed the ball from the floor and dribbled it. Inirapan ko siya. "Sorry about Daniel, Cheska. Baka wala lang sa mood," si Coach. "Pero wala ng bawian, ha? You're already our team's muse." Isang beses pa akong nagbuga ng hangin at tumango. "Yes, coach." "Great!" he smiled and then looked at his players. "Okay, team! Line up! We'll start in a minute." "Thank you, Cheska." "Thanks, Ches!" "See you around, Cheska." Isa-isa kong tinanguan ang mga players na nagpasalamat bago sila tumalikod sa amin. When they're already far from us, I glanced at Camille and Amanda and they shot me a confused look. "Bakit?" kunot noo kong tanong. "Payag ka talaga? You'll be wearing short skirts there! Maging ang pusod mo ay labas kapag rumampa ka sa harap ng maraming tao!" si Camille, namimilog ang mga mata. "I've already wear skirts before-" "But not in front of many people, right?" pagputol ni Amanda. I breathed frustratingly. "Y-Yes. But I guess it's fine. W-Wala namang mawawala. I'll just go and walk there and then it's done!" "Iyong totoo? Natsa-challenge ka kay Daniel, ano?" tanong ni Camille, may mapanuksong tingin para sa akin. "Ininsulto niya ako sa harapan ng marami. Gusto ko lang patunayan na kahit wala akong dating sa paningin niya, puwede pa rin akong panlaban." "Hmm. You sound different, Cheska. Kailan ka pa nagkaroon ng pakielam sa sinasabi ng mga tao? Well, I mean people never dared to talk ill about you. Palaging papuri ang naririnig ko sa kanila kapag ikaw ang pinaguusapan. Anong mayroon kay Daniel at mukhang papatulan mo?" Anong mayroon sa kanya? Wala! I just really felt insulted! Kahit naman siguro ay ganoon ang mararamdaman oras na ipahiya ka sa harap ng maraming tao. Lalo pa at mga lalaki pa iyon. Never in my life I have doubted my physical looks. Buong buhay namin ng kapatid ko ay puro papuri ang natatanggap namin mula sa mga tao. Ito ang unang beses na nilait ako at ng lalaking hindi ko pa kilala. Comapared to the girl he's with awhile ago, hindi hamak na mas maganda naman ako. Nga lang, kung sa dating, siguro ay mas lamang iyon dahil mukha iyong malandi. "Wala. Gusto ko lang talagang patunayan na may ibubuga ako. Iyon lang ang dahilan ko. It doesn't feel good to be embarrassed by someone in front of everyone." Nasa isip ko lang kanina, ngayon heto at ngayon ay nasa harap namin. Ang babaeng kasama ni Daniel kanina ay maarteng naglalakad papunta sa bakanteng pwesto na nasa tabi namin. Pasimple ko siyang pinagmasdan habang nauupo na. Maiksing palda... hapit na blouse at puno ng make up ang mukha... ito ba ang sinasabi niyang mukhang palaban? Bakit hindi na lang ito ang maging muse kung ganoon? Oo nga pala. Ako ang gusto ng team niya at wala siyang magagawa. The practice game began. Wala akong alam sa basketball pero nakikita ko na kay Daniel palagi ang bola. He's the tallest among his teammates. Mas makisig din ang katawan niya at halatang alaga sa gym. Daniel was dribbling the ball. May isang nakabantay sa kanya habang nakadipa ang dalawang mga kamay na para bang pinipigilan itong makagawa ng kilos. Daniel continued dribbling from his back and then brought the ball in front of him. Nang makakita ng pagkakataon ay nilusutan niya ang bantay, nag dribble, umikot bago tumalon at itinira papasok ang bola. "Go, Daniel!" sigaw ng babae sa tabi namin nang makitang pumasok ang bola sa net. "Ang galing niya maglaro, grabe." puna ni Camille. "Oo nga! Pero kanina pa ako naririndi sa babae sa tabi natin. Kapag ako nainis iitsa ko ito papasok doon sa ring, eh." iritadong asik ni Amanda na ikinatawa ko. "Girlfriend ni Daniel iyan, hindi ba? Si Crisanta?" si Camille. "Ayan nga!" wika naman ni Amanda. "She's not worth our attention. Panget niya." Natawa na lang ako sa katarayan ni Amanda. Ibinalik ko ang tingin sa mga naglalaro at nakitang mas lamang ang team ni Daniel. Halos karamihan ng puntos ay sa kanya nanggaling. Buwakaw! Nagkaroon ng fifteen minutes break ang mga players. Nagtungo si Daniel sa girlfriend niya na kanina pa nakatayo at sinalubong ang pawisan niyang boyfriend. "Galing naman!" sabi nung babae habang inaabutan ng towel si Daniel. Saan galing iyong towel? Wala naman siyang dala kanina noon, ah? Baka kinuha niya sa bag ni Daniel. May access siya? My God, Cheska. Malamang! Magkarelasyon nga, hindi ba? Daniel chuckled and took the towel from the girl. "Thanks, Santa." Santa? Short for Crisanta? Baka. Pero hindi bagay ang nickname niya. It should be Tita. Short for impaktita. Tapos si Daniel ay Tito ang palayaw. Short for demonyito. Bagay! "Anong oras matatapos ang game?" tanong ni Tita, este Crisanta. "Fifteen minutes more. Why are you still here, by the way?" he asked. His eyes suddenly bore into mine. The intensity and darkness of it almost sent shiver deep down my spine. Mabilis akong nagbawi ng tingin at itinuon ito sa gitna ng court. "You'll drive me home, remember? You promised me!" "I did?" "Yes!" "Right. Wait for me then." Sa dami siguro ng babae nito ay hindi niya na tanda kung sino ang mga pinapangakuan niya. I wonder how many girlfriends he has. Bukod pa ang side chic at reserba. Gwapo nga, babaero naman. Mayabang at arogante pa. Kung ako magkakanobyo, hinding-hindi ko hahayaan ang sarili ko mahulog sa katulad niya. Para lang akong kumuha ng batong ipupukpok ko sa ulo ko. Lumipas ang oras at natapos ang game. Sabay-sabay kaming lumabas nila Camille at Amanda sa gate. Naroon na ang mga sundo nila at ang sa akin ay papunta pa lang. We bid our goodbyes and kissed each other on the cheek. As I'm standing under the waiting shade, hugging my books across my chest, I felt someone standing beside me. Nang lingunin ko ito ay halos magtagis ang bagang ko sa biglaang iritasyon na sumiklab sa dibdib ko. Daniel was staring at me through his dead black eyes. His clean cut hair was a bit damp as if he has just got out of the shower. Nakasuot na ito ng kulay abo na jersey short at bagong palit na rin ang puting t-shirt. Seryoso rin ang ekpresyon ng mukha niya, hindi kagaya kanina na parating nakangisi. "Yes?" I asked, raising my brow up. "Take your decision back..." he said, serious and dark. Nagsalubong ang kilay ko. "What?" "Your decision, take it back. Umatras ka at huwag pumayag na maging muse ng team namin." Irritation flowed through my veins like a hot molten lava. Hinarap ko siya at pinameywangan. "And why would I do that?" "Because I said so..." "Ha! You said so? And who do you think you are to tell me what to do?" "Daniel Gideon Monasterio." nakakalokong sabi niya, seryoso pa rin ang mukha. "Wala akong pakielam kahit sino ka pa! Hindi kita susundin dahil lang sa ayaw mo sa akin. I don't care if you don't find me appealing. Rarampa ako doon at wala kang magagawa!" hinihingal na asik ko. His jaw clenched. He looks mad and irritated with me. Bakit ba? Ganoon niya ba ako kaayaw at talagang personal niya pa akong kinausap? Sobrang apektado ba siya na ako ang muse nila dahil lang sa wala akong dating para sa kanya? "You want to walk in front of so many people by just wearing a f*****g tiny skirt? Is that it?" he growled. "Yes! What is it to you? My stomach is flat so there's nothing to be ashamed of! I'm proud of my body!" Mas lalong umigting ang panga niya at ang apoy ng dilim sa kanyang mga mata ay lalong nag alab. Ano ba ang problema sa akin ng isang ito? Baka naman gusto niyang iyong nobya niya ang muse at hindi ako? Wala akong makitang dahilan para maghimutok siya ng ganito sa akin. "Fine. If that's what you want. Go and flaunt your body in front of everyone. I don't actually care. Ayoko lang mapahiya ang team namin dahil sa'yo." He turned around and walked away from me, leaving me dumbfounded and offended.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD