Pinasukan
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang tunay na sadya ko rito. Alangan naman sabihin ko na nadamay lang ako sa plano ng mga kaibigan kong silipin siya? Pero kahit na Trace... Kasabwat ka parin. Kung sa pagnanakaw pa, parang naging look-out ka at may naiambag ka paring kasalanan.
"Ano? Sagot," mariin niyang sabi na ikinalunok ko.
Umawang muli ang aking labi para magsalita pero katulad ng nangyari kanina, ni isang salita ay wala akong mailabas. Paano ako magpapaliwanag kung pinapangunahan ako ng sarili kong takot sa kanya? Anong sasabihin ko?
Oo... Kasama nila ako sa paninilip sa'yo... Para makita ang katawan mo...
Namula ang aking pisngi sa aking iniisip. Ang aking mga mata ay mabilis kong naibaba sa kanyang leeg at nasulyapan pa sa ibaba ang hubog ng kanyang matigas na tiyan. Lumunok akong muli at mabilis na ibinaling ang mga mata sa ibang direksyon. Ang mga mata ko... Wala na Trace... Hindi na nga sila inosente...
"W-Wala naman akong balak na s-silipan ka—"
"You just did. Nahuli ko kayo ng mga kaibigan mo," pang-aakusa niya, ang galit sa madilim niyang mga mata ay hindi parin humuhupa.
Umiling agad ako. "Nandito kami p-para manungkit rin ng mangga!" alibi ko nalang para makawala.
"Oh really? Mukha bang mangga ang katawan ko at nasa akin ang tingin niyo imbes sa puno?" Umangat ang makapal at maitim niyang kilay.
Umiling akong muli. Marahan pa akong lumayo sa kanya pero hindi ko man lang mahila palayo ang aking sarili sa kanya. He doesn't want to let go of me. Ni ang tingin ay ayaw niyang alisin sa akin.
Isa pa sa nakakabahala ay ang napakamanly niyang amoy. Nanunuot iyon sa kasuluksulukan ng aking ilong na kahit ayaw ko siyang amuyin ay malalanghap ko parin ang kanyang pabango. Isa rin sa nakakatangay ng pansin ang rebeldeng pagkakaayos ng kanyang buhok na nakatali sa likod pero hindi naman gaanong mahaba at may tumatakas parin at nalalaglag sa gilid. Ang tatlong piercing sa isa niyang tenga... Sa imahe niyang nakalasindak ngunit nakakalaglag panga...
"Hindi naman ako ganoon katulad ng iniisip mo... Naakit lang talaga kami sa mga mangga..." paliwanag ko sa kislap ng mga mata kong sumasayaw at hindi maipirmi sa paggalaw.
"Liar," he accused on a deep voice.
"T-Totoo!" Frustrated kong sigaw na ikinaguhit ng iritasyon sa kanyang mukha nang magawi ang mga mata sa aking labi.
He stared at me for awhile. Mas natakot ako roon. Parang sinisilip niya ang loob ko na kahit ang aking kaluluwa ay handa ng humiwalay sa aking katawan.
Ang lalakeng palihim mong tinititigan sa t'wing sinusundo ang kanyang kapatid ay nasa aking harapan na. Aaminin ko, isa ako sa mga babaeng humahanga sa kanya. At ngayon na nabigyan ako ng pagkakataong mapalapit sa kanya ng husto ay mas lumala lamang ang iniingat-ingatan kong atraksyon sa kanya.
Oo may gusto ako sa kanya kaya rin siguro hindi ko mahila ang sarili ko na h'wag nalang sumama sa mga kaibigan ko kanina dahil may parte sa akin ang gusto siyang makita. May parte sa akin ang natutupok sa t'wing naririnig ko ang kanyang pangalan.
"Kuya?!" may tumawag sa kanya sanhi para malihis ang kanyang mga mata sa akin. Boses iyon ni Ate Rici!
Kinuha ko agad ang pagkakataong iyon para makawala. Sipain mo Trace! Bayagan mo!
P-Pero masasaktan ko siya! Ayoko namang kamuhian niya ako! Gawin mo nalang para makaalis kana kaysa naman ikaw pa ang mapahamak pag hindi ka nakawala!
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinipa agad ang kanyang gitna. Katulad ng aking iniisip ay mabilis niya nga akong nabitiwan at nahawakan na ang kanyang gitna. Nakayuko ito at bakas sa mukha ang iniindang sakit.
"f**k!" he growled violently while looking at me on his pained expression.
"S-Sorry! Masakit?!" Natataranta akong lumapit sa kanya para sana tulungan ito pero nang makarinig rin ako ng kaluskos at mukhang papunta na sa aming gawi ay napaatras na ako.
Mariin siyang pumikit. Mas napaatras ako hanggang sa tumalikod na ako at kumaripas ng takbo paalis. Ang aking puso ay para nang lalabas habang tumatakbo ako sa kakahuyang iyon. Ang maliit kong bag ay sagabal pa sa aking likod idagdag pa ang maluwang kong palda na natanggalan ko ng lock kanina.
Just run faster, Trace! H'wag kanang lumingon! Malalagot ka sa Buenaventurang iyon pag naabutan ka niya.
Pero teka, binayagan ko ba talaga siya?!
Kabadong kabado ako at para na akong mahihimatay sa kalabog ng aking dibdib. I was panting really hard when I stop just to chase my breath. Nasapo ko ang dibdib at napayuko, hingal na hingal kakatakbo.
Nilingon ko ang aking likuran at mukhang hindi na ako sinundan nito. Gumuhit agad ang pagkadismaya sa aking mukha. Hindi ko inaasahang magiging ganoon ang una naming pag-uusap. Nahuli niya ako sa aktong naninilip!
Pulang pula ang aking pisngi nang makauwi ako sa bahay. Hindi ko na namalayan ang dumaang oras at doon lamang napagtantong masyado na pala akong matagal na nawawala dahil sa nag-aalalang mukha ni Kuya Bram.
"Kuya—"
"Saan ka ba nagpunta, Trace?" Sinalubong niya agad ako.
"A-Ah... 'Di ba may ginawa kaming project sa bahay nila R-Rinka?" Hindi ko maipanatili ang aking mga mata sa kanya. Lumilihis talaga iyon.
"Hindi kita pinayagan kanina ah? Bigla bigla kana lang nawawala!"
"Kasi Kuya tulala ka. Nagpaalam kami ng maayos," paliwanag ko sa kanya pero hinila na ako nito papasok ng bahay.
"'Di ba may usapan kayo ni Mama na pupuntahan mo siya sa bayan ngayon at tutulungan sa pagtitinda ng bulaklak?" paalala niya na ikinalaki agad ng aking mga mata.
"Oo nga pala!" Natataranta kong nahubad ang aking maliit na bag at gusto ng magpalit para makahabol sa bayan.
Hinawakan ni Kuya ang aking braso at ipinirmi ako.
"Anong oras na oh? Mapapagalitan ka lang noon kaya dumito kana. Gawin mo ang assignment mo. Ako na ang mag-aalibi mamaya..." sabi niya at binitiwan ako.
Nagtungo siya roon sa lamesa at pinaghahandaan na ako noong nilagang saging. Naglagay siya ng dalawang kapiraso sa isang pinggan saka niya ako sinenyasang lumapit roon.
Nagtungo ako at umupo sa upuan. Naguilty agad ako sa aking ginawa. Gusto kong sabihin sa kanya na nagtungo kami sa lupain ng mga Buenaventura pero natatakot ako baka magtanong siya kung anong ginawa namin roon.
Nanilip Kuya. Sinilip namin si Israel na nanunungkit ng mangga habang walang saplot sa itaas. Uminit ang aking pisngi sa pinag-iisip at sinipa agad iyon palabas ng aking utak.
Si Kuya mismo ang nagbalat noong saging sa akin lalo na't mainit init pa iyon. Tiningnan ko siya ng maigi. Nagkakasalubong ang kanyang kilay at seryosong seryoso sa pagbabalat.
"Kuya... Crush mo ba si Ate Rici?" biglaan kong tanong na ikinatigil niya sa pagbabalat.
Mabilis na nalipat ang kanyang mga mata sa akin. Gulat na iyon at medyo natigilan.
"Huh?"
"Si Ate Rici... Iyong Buenaventura... Iyong mayaman at maganda na Grade 10, kuya..." paliwanag ko sa malinaw na boses na ikinaloosen ng kanyang balikat. Na may nasabi akong nagpahina sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Ang ganda niya 'no?"
Tumango agad ako. "Opo! Para siyang naliligo palagi sa gatas. At ang bango bango rin noon, Kuya! Sikat na sikat siya sa eskwelahan at maraming nagkakagusto sa kanya. Ikaw rin ba?"
Imbes sumagot ay tumawa siya. Hindi ko alam kung biro ba iyong naging tanong ko o ano.
"Mayaman sila, Trace. Para narin akong naghangad na makalipad para maabot ang langit na dapat ay tingalain ko lang," malungkot niyang sabi na kahit ang mga mata ay namungay.
"Pero mabait ka naman ah? Maalaga ka pang kapatid! At guwapo! Pera nga lang ang kulang sa'yo pero okay ka naman Kuya..." pangchecheer-up ko na ikinangisi niya ng matamis.
"Kung pwedeng ipagmalaki ko ang mga katangiang iyon at mabili ang atensyon niya sa pamamagitan noon pero hindi iyon ganoon kadali, Tracy. Halata namang ang gusto ng kanyang mga magulang ay iyong may ikakabuga sa buhay. Iyong galing sa mayamang angkan."
Hindi ko maintindihan ang pinupunto ni Kuya. Oo nagegets ko na malayong malayo ang agwat nilang dalawa dahil sa estado ng pamumuhay pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ibabase roon ang pagmamahal mo sa isang tao. Doon ba nasusukat ang pagmamahal? Sa karangyaan at kayamanan? Na pag mahirap ka ay marami nang bawal? Ganoon ba iyon?
"Edi ibig sabihin gusto mo talaga si Ate Rici?" tanong ko, hindi na naisatinig pa ang pag-iisip.
Nameywang si Kuya at nabasa ang pang-ibabang labi. Napunta sa malayo ang kanyang tingin at mukhang may malalim nang pinag-iisip.
Dinampot ko ang isang saging at kinagatan iyon habang pinag-aaralan ko ang kanyang ekspresyon. Sinasabi ko rin iyon sa kanya dahil iyon ang palagi kong tinatatak sa aking isipan kahit na sinasampal rin ako ng katotohanan sa estado ng kanilang buhay. Maraming naghahabol sa kanyang babae at kumpara sa akin na palihim iyong kinikimkim, may ikakabuga sila pagdating sa estado ng buhay. May mga kaya... May maipagmamalaki hindi kaya kong kahit dibdib ay hindi man lang lumaki.
Ang ibig kong sabihin ay bumagay lamang ang hugis noon sa payat kong pangangatawan. Bata pa naman ako... Hindi pa iyon mahalaga ngayon, Trace.
Sabay kaming napabuntong ng hininga ni Kuya. Nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay ring natawa.
"Lalake iyang iniisip mo 'no?" Pang-aakusa niya sa akin.
Umiling ako. "Ikaw lang naman ang sikat sa atin Kuya... Ni isa ata ay walang nagkakagusto sa akin." Tumawa ako ng pabiro.
Sasagot pa sana ito nang biglang mangibabaw ang isang boses na nagbigay sa akin ng kaba.
"Bram? Si Tracy nasaan?" tanong ni Mama na kakadating lamang.
Mabilis akong napatayo at binalot agad ng takot ang mukha.
"Ma." Lumapit si Kuya sa kanya at tinulungan ito sa mga dala. Nagmano siya kaya nagtungo narin ako doon.
Medyo nalalaglag ang iilang hibla niyang buhok at bakas sa mukha ang pagod. May dala itong balde na supot na ang laman kung nasaan niya nilalagay ang mga bulaklak niya. Mukhang naibenta niya iyon lahat...
"Mano, Mama..." mahina kong sabi at nakagat ang pang-ibabang labi lalo na't nabasa ko agad sa kanyang tingin ang pasalubong niyang sermon saakin.
"Hindi mo ako pinuntahan sa bayan. 'Di ba ang sabi ko pagkatapos ng klase mo ay humabol ka roon?" Mariin niya akong tiningnan. Si Kuya naman ay sinesenyasan pa akong pumasok nalang sa kwarto.
"May ginawa kasi iyang mga projects Ma kaya hindi kana napuntahan roon," palusot ni Kuya.
Tumango agad ako, dala narin ng takot na mas masermonan lalo.
"Anong projects? Baka lumakwatsa lamang ito at pinagtatakpan mo na naman!"
Tumawa si Kuya at nagtungo sa kanyang dako. Hinilot niya ang ulo nito.
"Ikaw Ma... Magpahinga kana. Ipagpabukas mo nalang ang panenermon kay Tracy," malambing niyang sabi at pasimple pa akong sinenyasan na siya na ang bahala kay Mama.
Palihim akong ngumiti lalo na at humihinahon na si Mama. Naantala ang kanyang panenermon sa akin ng gabing iyon. Ako agad ang naghugas ng aming pinagkainan para at naglihis ng bahay bago matulog. Noong humiga ako ay ang mga mata agad ni Israel ang pumasok sa aking utak.
Napakamisteryoso talaga ng mga matang iyon. Hindi ko alam kung ba't sa dinami-dami ng mga matang nakikita ko araw-araw... Iyong kanya ang pinakakakaiba at pinakamadilim. Palagi iyong misteryoso... Iyong pag tinitigan mo siya, sa sobrang lalim ng kanyang titig ay hindi mo alam kung may dulo pa ba iyon.
Kinabukasan ay hinatid parin ako ni Kuya Bram sa eskwelahan. Gumagala na naman ang kanyang mga mata habang ako itong nagpasyang pumasok na agad at ayaw manatili roon ng matagal. Baka biglang sumulpot ang kotse nila Ate Rici at makita ko pa ang kanyang kapatid.
Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay ang bungisngis agad nila Rinka ang aking narinig. Nang makita nila ako ay mas lumakas ang tawanan ng tatlo.
"Anong nangyari sa'yo kahapon, Trace?" natatawang tanong ni Rose sa akin na kahit may ediya sila ay gusto parin nilang marinig ang sasabihin ko.
Hinubad ko ang suot na maliit na bag saka rin hinubad ang suot kong jacket. Pinaghihila naman nila ang kanilang mga silya papalapit sa akin. Umupo ako habang ramdam ko naman ang kanilang mga matang nakasunod sa akin at naghihintay sa isasagot ko.
"Nahuli niya ako," nakasimangot nilang sabi na mas ikinatawa nila.
"Oo alam namin dahil hindi kana nakahabol sa pagtakbo naming tatlo kahapon," natatawang sabi ni Cecille at hinampas pa ang desk ng aking upuan.
"Anong ginawa sa'yo?" si Rinka.
"Pinalo ka ba ng panungkit niya? Iyong nasa ibaba ha..." si Rose.
"T-Tumakas ako. Nasipa ko siya sa gitna... H-Hindi ko naman iyon sinasadya—"
"Sinipa mo ang betlog niya?!" gulat na tanong ni Cecille.
Napangiwi ako sa ipinangalan niya roon. Ba't ang sagwa pakinggan.
"Trace naman! Paano kung kami ang nagkatuluyan edi nabaog iyon! Hindi kami makakabuo!" Lumukot ang ekspresyon ni Rinka.
Umawang ang aking bibig para sana sumagot pero naunahan rin agad ako ng boses ni Rose.
"Kawawa naman ang junior ni Israel... Tinanggalan mo siya ng kalayaang ikalat ang lahi niya Trace... Hinimas mo nalang sana!" si Rinka.
Nanlalaki ang aking mga mata at hindi nakaya ang kamanyakan ng tatlo.
"Dapat magsorry ka sa junjun niya, Trace... Hindi maganda iyang ginawa mo ha!" si Rose naman tapos nagtawanan agad sila.
"Pero matanong ko..." Inilapit ni Rose ang kanyang mukha sa akin. "Matigas ba? Kasing tigas ng mga mangga nila?"
"O kasing haba ng panungkit nila sa mangga?" dagdag naman ni Rose na inilapit rin ang mukha sa akin.
Lumayo ako at pakiramdam ko ay nasunog na ang aking magkabilang pisngi dahil sa sobrang init noon.
Sasagot pa sana ako kaso nagtilian narin silang tatlo at may binabanggit na hugis raw ng ano ni Israel. Nailing ako at gusto nalang na dumating na iyong guro para matigil sila sa kanilang kahalayan.
Nagconcentrate ako sa klase habang ang tatlo naman ay naririnig kong bumubungisngis sa aking likuran. Hindi parin nila binibitawan iyong topic tungkol kahapon.
"Ang kisig kisig... Ang guwapo guwapo! At ang tigas tigas..." narinig kong sabi ni Rinka sa mahinang boses.
"Pinagpala talaga ang lalakeng iyon... Nasa kanya na ang lahat..." si Rose naman.
"Swerte ng magiging girlfriend," si Cecille.
Ang swerte nga. Sino kaya ang girlfriend niya ngayon rito sa bayan? Alam ko namang madali lang sa kanya ang pumili ng babae. Iyong mga kaibigan ko nga ay handa ng ialay ang kanilang sarili kay Israel... Lahat ng mga babae rito ay hibang sa kanya.
Recess na iyon. Ang bungisngis ulit ng tatlo ang pumaibabaw sa aking likod nang makaupo ako at makabili ng aking pagkain.
"Tingnan mo ito, Trace!" Ipinakita sa akin ni Rinka ang binili niyang jumbo hotdog. "'Di mo ba naalala si Israel dito?" natatawa niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi eh..." Paborito niya ba ang hotdog o parte na naman iyan ng kahalayan ng kanilang mga utak.
"Nako, ganyan siguro ang panungkit ni Israel!" si Cecille.
"Baka nga mas mahaba pa rito!" tumatawang pahayag ni Rinka.
"Pakagat nga!" Akma iyong kukunin ni Rose nang mabilis ring isinubo ni Rinka ang kalahati.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin sa tatlo. Sila itong pinakamanyakis pero ako pa ang napagbintangan ni Israel. Ni minsan, hindi naman sumagi sa aking utak ang kahalayan tungkol sa kanya. Ang palagi kong naiisip ay kung anong klase siyang boyfriend lalo na't nakakasindak ang kanyang tindig. Marunong ba iyong magmahal? Oo naman Tracy! Kasangkapan lamang ang hindi marunong magmahal.
Ginawa ang tao at nabigyan ng buhay dahil sa pagmamahal. Ang mundo ay binabalot ng pagmamahal at kasing-importante rin iyon ng paghinga.
"Tracy sa Sabado sama ka sa amin, maliligo kami sa batis!" anyaya sa akin ni Rose pagkatapos ng klase sa hapong iyon.
"Huh? Anong gagawin sa batis?" Baka maninilip na naman sila...
"Syempre maliligo! Kakasabi lang! Ano bang iniisip mo?" Tumawa si Cecille sa akin habang nililigpit ang kanyang gamit.
"Siguro gusto mong silipin ulit si Israel 'no? Napagtanto mo bang nakakabusog sa mata?" Ngumisi si Rinka sa akin na suot narin ang bag.
Umiling agad ako. "Hindi ah. Di kaya ako marupok."
"Asus! Hindi talaga?! Kahit maghubad si Israel sa harapan mo hindi talaga?!"
Umiling ako sa tanong ni Cecille. Tumatawa na naman sila.
"Imposibleng hindi mo rin iyon gusto, Trace... Ang hot at ang guwapo pa!" tili ni Rose.
Ngumiti lamang ako sa kanila at inayos narin ang aking mga gamit. Itinuon ko ang atensyon ko roon habang silang tatlo ay pinagnanasaan na naman si Israel.
"Sumama ka sa amin sa Sabado Trace ha. H'wag ka ngang palaging loner ano ka ba! Uso maging tao, Tracy." Pagyayaya ulit ni Cecille.
"Kung papayagan ako ni Kuya Bram... 'Tsaka tutulungan ko rin kasi si Mama sa bayan. Magtitinda kami ng bulaklak," paliwanag ko.
"Anong gusto mo kami ang magpaalam sa'yo? Sasabihin ko may project tayo!" Ngumisi pa si Rose.
"Hindi na kapanipaniwala iyong project. Report nama! Sabihin natin na may report tayong kailangang iperform sa Filipino! Iyong Florante at Laura!" suhestyon ni Rinka ikinatango rin ng tatlo.
"Pupuntahan ka namin sa Sabado, Trace... Sama ka ha," si Cecille.
Hindi palang ako nakakatango ay nagpaalam rin ang tatlo na uuwi na. Napabuntong ako ng hininga at hindi na naman makatanggi. Maganda rin naman kasi ang tagong batis na iyon... Masarap liguan...
Lumabas rin ako ng classroom. Habang naglalakad palabas ng gate ay nakasabay ko pa ang mga grupo ni Ate Rici. May topic rin sila na kung ano habang pumapaibabaw naman ang mahinhing tawa ni Ate Rici. Bumagal ang aking paglalakad at gusto nalang silang paunahin.
Doon ako pumwesto sa kanilang likuran. Tinitigan ko ang imahe ni Ate Rici. Fit ang suot niyang blusa at nahuhubog ang maliit niyang beywang roon. Ang palda ay hanggang tuhod rin pero nakikita ang makinis niyang mahahabang hita. Nalunod ako sa kakatitig sa kanya kaya hindi ko na napansin noong tumigil siya. Nabangga agad ako sa kanyang likuran.
"Hoy! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Mas itinulak ako palayo noong isa sa mga kaibigan niya. Ang dalawa naman ay matalim narin ang tingin sa akin.
"Okay lang, Gena. Kasalanan ko kasi huminto ako," awat ni Ate Rici sa kanila saka ako binalingan.
Tumagilid ang kanyang ulo at sinipat ang aking ekspresyon. Yumuko ako.
"S-Sorry..." Hindi ko na ito tiningnan pa sa mga mata at mabilis na umalis sa kanilang harapan.
"'Di ba kapatid iyon noong guwapong si Bram?" narinig kong tanong noong isa sa mga kaibigan nila.
"Ah iyong nakatira sa parteng bundok. Sayang guwapo sana..." Isa iyon sa kaibigan niya.
Mas binilisan ko nalang ang aking paglalakad para hindi ko marinig ang kanilang mga boses. Palabas na sana ako nang mapansin ko rin ang imahe ng lalakeng nagpalaki ng aking mga mata. Naroon siya, nakapamulsa sa may gate at seryosong seryoso ang mukha suot ang malinis na puting panloob na uniporme na medyo natatakpan ng suot niyang denim jacket at itim na slacks na kahit ang itim na makintab na sapatos ay bumagay roon.
Natigil ako sa paglalakad at sandaling namangha sa kanyang imahe. Napapansin ko na hindi lang rin ako ang napapatingin sa kanya kundi halos lahat ng mga estudyanteng nandito.
His rebellious medium lenght hairstyle showed the two round piercing on the top of his ear at meron ring isang piercing sa ibaba na bilog rin. Mukhang sa kaliwang bahagi lamang ng kanyang tenga ang may mga earrings pero sa kabila, ni isa ay wala base narin noong nakaharap ko siya.
Napalingon ito sa akin at nalaglag pa ang iilang hibla na tumakas sa kumpol ng kanyang buhok at napunta iyon sa gilid. Mabilis akong tumakbo papasok sa guard house para doon magtago dala dala ang sariling namumutla.
Napasandal ako sa pader at nahipo ang dibdib kong lalabas na ata. Alam ko namang iyong kapatid niya ang sadya niya rito at sinusundo ito pero may kasalanan rin ako sa kanya! Baka bigla niya nalang akong kaladkarin at gantihan! Ano ba itong pinasukan mong kagagahan, Tracy?