bc

Shade of Love (Buenaventura Series #4)

book_age16+
11.5K
FOLLOW
63.1K
READ
billionaire
possessive
age gap
arranged marriage
goodgirl
drama
tragedy
bxg
others
like
intro-logo
Blurb

Tracey Adjean Quiamco loves her family like how someone should. Kahit na hindi maganda ang reputasyong mayroon ang pamilya niya ay wlaa siyang pakialam. All she wants is for her family to be happy. Kaya ng makita niyang masaya ang kuya niya kasama si Rici Buenaventura, hindi siya nagdalawnag isip na ipain ang sarili sa kuya nitong si Israel para lamang huwag nitong mahadlanagan ang pagmamahalan ng dalawa.

chap-preview
Free preview
Prologue
Cruelty Hindi ko maintindihan ang mundo kung ba't may taong galit agad sa'yo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila.  Naiintindihan ko naman ang kanilang rason pero sapat na ba iyon para kamuhian ako nang ganito na akala mo ay wala na akong karapatang mabuhay? Lahat ng kanilang mga mata ay nasa akin ang tingin. Lahat ay pare-parehas ang tingin sa akin. "Nandito parin pala iyan?" "Wala talagang kahihiyan sa katawan." "Kung ako sa kanya ay umalis nalang siya rito katulad ng pagkawala ng kanyang kapatid." I know I am not welcome in this place anymore. Pero anong magagawa ko? Ito lang naman ang bayan na mabibilhan namin ng pagkain. Ito lang naman ang bayan na pinapasukan ko. Ito lang ang bayan na malapit sa tinitirikan ng bahay namin sa lupain.  "Pabili po ako ng kalahating kilo." Itinuro ko ang isang isdang napili para sa magiging hapunan namin mamaya. Ngumingiti pa ang tindera habang sinisilid ang iilang isda sa isang cellophane. Maingay ang palengke dahil sa mga nagkalat na namimili rin kagaya ko pero may iilan talagang nililingon ako at nasisira agad ang ekspresyon. "Meron ka pa bang bibilhin, hija?" tanong niya sa akin at nag-angat ng tingin. Ang kanyang labing nakakurba ay mabilis na naging linya nang makita ako. Napansin ko kaagad ang mabilis na pagbabago ng kanyang ekspresyon.  "W-Wala na po..." Ngumiti ako sa kanya at ibinigay ang dalawang daan na pera.  Mariin na ang kanyang tingin sa akin. Marahas niya pang hinablot ang pera at inis na inilapag sa aking harapan ang cellophane. "Kung mamalasin nga naman... Sa dami daming paninda dito sa akin mo pa napiling bumili. Ang malas malas!" singhal niya na ikinalingon ng iilang tindera sa kanya. "Nagulat nga ako at hinayaan mong bumili sa'yo!" sabi naman noong katabi niya. "Nako mare baka bukas niyan mawalan kana ng negosyo... Alam mo pa naman ang dalang malas ng pamilya nila..."  Gusto kong ipagtanggol ang mga binibintang nila sa amin pero alam kong hindi nila ako pakikinggan. Ano bang laban ng pamilya ko sa pamilyang iyon?  At isa pa, hindi naman nila papaniwalaan ang totoo. "Umalis kana at h'wag kanang bumalik! Mukha mo palang halatang kriminal rin!" Padabog niyang ibinigay sa akin iyong sukli. Ang iilang mga barya ay nahulog pa at gumulong na sa kung saan. "H-Hindi naman kriminal ang aking—" "Lumayas kana! Magdadahilan pa! Baka malugi ako lalo!" Itinulak niya na talaga ako sanhi para mabangga ko iyong iilang mga namimili rin sa aking likod. "Ano ba!" "S-Sorry... H-Hindi ko sinasadya..." Yumuko ako sa babaeng matalim agad ang tingin sa akin. Ang aking mga mata ay sumuyod naman sa sahig, hinanap iyong iilang mga baryang gumulong sa kung saan. Inirapan ako noong babae. Ang tindera ay nakikitsismis na roon sa mga katabi niyang nagtitinda at ako na ang topic, ang aming pamilya.  Pinulot ko agad sa isang sulok ang baryang nakita at mabilis na tumayo para makaalis na. Nitong mga nagdaang araw ay paulit ulit na ang nangyayari sa akin. Tinataboy agad ako na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Ni hindi ko kilala ang iilan sa mga taong may matinding galit sa akin pero ganoon nalang ang kanilang inis sa t'wing nakikita ako.  Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang naglalakad paalis. Saan naman kami pupunta ni Mama kung umalis kami? Saan kami lilipat? At sa nangyayari, pag umalis kami ay pinatunayan lamang namin na totoo ang ibinibintang nila sa aming pamilya, sa aking kapatid. Kahit nahihirapan ay pilit ko paring mamuhay sa lugar na kulang nalang ay isuka kami paalis. Ang bayang ito ay kilalang kilala ako hindi dahil artista o may angking ganda kundi dahil sa pamilyang kinabibilangan ko.  Nilakad ko nalang ang natitirang distansya papunta sa lupain kung nasaan ang aming bahay. Medyo malayo iyon sa bayan. Maliit lamang iyon hindi kagaya sa mga bahay na nasa bayan na malalaki at matatayog ang pagkakatayo. Iyong amin baka pag binagyo ay lumipad agad... Bumuntong ako ng hininga habang pinapanood ang bawat paghakbang ko. Sinisipa ko iyong mga batong humaharang at hindi maiwasang malungkot dahil sa nangyari. Hanggang kailan ito magpapatuloy? Wala naman kaming sapat na pera para patunayan na walang kasalanan ang aking kapatid.  Wala naman talaga siyang kasalanan. Alam ko dahil kilala ko ang aking kapatid. Kahit na hindi kami gaanong nakapag-usap alam kong inosente siya. Naalala ko iyong nagkakagulo sa aming bahay. Mahimbing na akong natutulog pero dahil sa mga boses ni Mama ay nagising rin ako. Sanay na akong nagbubunganga siya pero sa oras na iyon ay iba na ang kanyang tinig. "Tumakas kana! Papatayin ka nila pag naabutan ka nila rito!" si Mama iyon.  "Ma! Paano kayo rito? Hindi ako pwedeng umalis—" "Iyan pa ba ang iisipin mo, Bram?! Noon palang binalaan na kita na layuan mo ang babaeng iyan! Pero hindi ka nakinig! At ngayon, ikaw ang sinisisi nila!" Humagulhol ang aking ina sa galit at sa pagkadismaya. Bumangon agad ako sa pagkakahiga at kinusot ang aking mga mata para masilip sila sa labas ng kwarto. Hinawi ko ang kurtina at dinungaw sila sa sala. Si Mama ay umiiyak habang may sinisilid na mga damit sa isang malaking bag. Problemado naman ang mukha ni Kuya pero ang mga mata ay namumugto. "Ma?" tawag ko na kapwa nila ikinalingon sa akin. Agad rin namang binawi ni Mama ang kanyang tingin sa akin at mas binilisan ang kilos. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Oo madalas silang mag-away ni Kuya pero hindi naman umiiyak ang aking ina at umaabot sa puntong palayasin si Kuya. "Ba't niyo po pinapalayas si Kuya, Ma!" Mabilis akong nagtungo sa dako ni Kuya at niyakap ang kanyang beywang.  "Okay lang... Trace... Pumasok kana sa kwarto. Matulog ka ulit..." malumanay niyang sabi at ngumiti sa akin habang pilit na tinatanggal ang aking mga kamay. Umiling agad ako at binalingan muli ang aking ina. "Ma! Bakit niyo palalayasin si Kuya!" Naiiyak kong tanong sa kanya.  Malapit ako sa matanda kong kapatid. Maalaga ito at napakabait kaya ganoon nalang ang bigat ng aking nararamdaman kung ba't kailangan niyang linasin ang aming bahay.  "Ma!—" "Patay na si Rici, Trace! At sigurado akong ang kapatid mo ang sisisihin nila!" sigaw sa akin ni Mama nang hinarap niya ako. Nagulat ako roon. Tiningala ko si Kuya na bakas sa mukha ang sakit na dinadamdam. D-Dahil ba ito... "Umalis kana, Bram! Nagmamakaawa ako sa'yo! Umalis kana!" Itinapon ni Mama ang bag sa kanyang paanan na mas ikinabuhos ng aking mga luha. Ang kamay ni Kuya ay dahan dahan ring kinalas ang aking mga kamay na mahigpit paring nakayapos sa kanyang beywang. Narinig ko pa itong suminghap na tila nagpipigil ng kung ano. Ang aking puso ay parang nilulukot at pinipiga sa nararamdaman ko. Ba't naman ganito? Tiningala ko ito at nakita ang namumula niyang mga mata. Ngumiti siyang muli sa akin. "Mag-iingat ka rito, Trace... Si Mama... Alagaan mo... Ikaw muna ang bahala rito pansamantala..." Tuluyang nakalas ni Kuya ang aking mga kamay sa kanyang beywang dahil narin sa aking panghihina.  Tumaas baba ang aking mga balikat. Ang hagulhol ay mas lumakas pa. Bakit sinisisi nila si Kuya? Mahal na mahal niya si Ate Rici!  Dinampot ni Kuya ang kanyang bag kung nasaan nakalagay ang kanyang mga gamit. Umiling ako at sumunod sa kanyang paghakbang papunta sa pinto. Si Mama naman ay nakatalikod na at ayaw tingnan ang pag-alis nito.  "Kuya!" Hinila ko ang kanyang damit na ikinatigil niya. "Trace!" tawag ni Mama sa matigas na boses sanhi para mabitiwan ko agad ang laylayan ng damit ni Kuya. Nilingon niya ako at ngumiti. Ang mga mata ay nangingislap sa luhang kanyang pinipigilan.  "Babalik agad ako... H'wag matigas ang ulo, Trace..."  Kahit walang maintindihan ay tumango tango ako. Sa gitna ng gabi ay pinanood ko kung paano lisanin ni Kuya ang aming bahay. Kung paano kainin ng dilim ang kanyang imahe hanggang sa hindi ko na ito makita.  Si Ate Rici ay ang girlfriend ni Kuya. Ang kanilang estado sa buhay ay sobrang malayo sa amin. Parang langit at lupa ang kanilang agwat at kahit si Mama ay tutol roon. Marami ang tutol sa kanila pero nagulat nalang ako noong nakaraang buwan na hiwalay na pala silang dalawa. Ayon sa mga narinig ko ay may ibang babae raw si Kuya. Niloko niya raw si Ate Rici at pinatulan lamang ito dahil nga sa kanilang estado. Hindi ko iyon pinaniwalaan dahil saksi ako kung gaano kamahal ni Kuya si Ate Rici. Alam ko iyon dahil katulad ko... may tinitingnan rin ako sa tuwing napapatingin si Kuya sa kanilang dako. Hindi ako nakatulog buong gabi kakaiyak. Namumugto ang aking mga mata na kahit pinagalitan na ako ni Mama na tumigil na ay hindi ko parin maawat ang aking mga luha. Saan pupunta si Kuya? Saan siya magtatago? Wala kaming kakilala rito! Luluwas ba siya sa syudad? Hindi ko namalayang umaga na pala. Doon lamang nabura ang aking mga pinag-iisip nang makarinig ako ng mga yabag ng paa ng mga kabayo sa labas ng aming bahay. Mabilis akong bumangon at binuksan ang bintana para masilip ang labas. Ganoon nalang ang gulat ko nang makita ko ang mga tauhan ng pamilya ni Ate Rici na nakapaligid na sa aming bahay. May iilang kabayong papunta pa dito at may iilan namang mga tauhan na kakababa lamang sa kabayo at handa ng sumugod sa loob. "Halughugin ang paligid at kaladkarin palabas ang putanginang iyon!" galit na sigaw ng kung sino.  Ilang sandali lamang ay narinig ko na ang marahas na pagkakabukas ng aming pinto. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nadatnan ang mga tauhan nilang pumapasok na sa loob.  "Anong ginagawa niyo? Ba't kayo pumapasok?!" sigaw ni Mama. "M-Ma!" Mabilis akong nagtungo sa kanyang kinaroroonan dahil sa aking takot. Hindi nila pinakinggan si Mama at nagpatuloy lang sa kakahalughog sa kabuuan ng aming bahay. Ang mga gamit ay walang awa nilang pinaghahawi na mabilis ring kumalat sa sahig. Kahit ang aming dalawang kwarto ay pinasok nila at pwersahang pinagbubuksan ang mga pinto.  Kumpara sa kanilang tindig, walang wala ang lakas namin ni Mama. Kaya rin nila kaming durugin sa oras na ito kung gusto nila. Kaya nila kaming saktan... "Mukhang wala na rito..." sabi noong isa sa mga tauhan sa labas. Nakita ko pa sa kanyang gilid ang isang baril na nagpatayo ng balahibo sa aking batok. Nagsimulang magpaligsahan ang luha sa aking mga mata gawa narin ng pinaghalong kaba at takot. Ito ba ang rason kung bakit pinatakas agad ni Mama si Kuya kagabi? Dahil alam niyang si Kuya ang sisisihin nila?  Pero ano namang kinalaman ni Kuya sa pagkamatay ni Ate Rici? Bakit galit na galit sila kay Kuya? Imposible namang pinatay siya ng aking kuya... Wala akong maisip na dahilan at para pa akong mahihilo sa labis na takot. May kung sino ang pumasok. Sa tindig niya palang ay kilala ko na agad ito. Ang aking atraksyon sa lalakeng hinahangaan ko ng palihim ay hindi ko na mahagilap sa aking loob dahil sa takot na kumalat sa aking sistema. Israel, the brother of Ate Rici, stood infront like a mighty person wearing a black vneck tshirt, faded jeans and black boots. Ang buhok ay medyo magulo pero maayos namang tingnan na kahit ang kumpol na iilang hibla na nalalaglag sa gitna ng noo ay kapansin-pansin. Kahit nanlalabo ang aking mga mata dahil sa kakaiyak ay hinagilap ko ko parin ang kanyang mga mata. May inapakan itong kasangkapan dahil sa paghakbang niya na mabilisang nasira. Tumigil ito sa gitna, kung nasaan ako, saka niya iginala ang tingin. His mysterious eyes darted on me. Nandiyan na naman iyang mga mata niyang hindi mo matukoy. Ang kanyang tingin ay parang isang anino na kahit maliwanag ang paligid ay mananatiling kakaiba ang mga matang iyon, madilim, malalim at misteryoso. Ang kanyang tingin ay parang kalangitang kinain ng dilim dahil sa malalim na gabi at ni isang bituin ay walang matagpuan roon. Those gaze screams cruelty that even his well defined strong jaw, thick brows, thin lips and pointed nose made him look like he's no good for a fragile girl like me... Bumaba ang kanyang tingin sa akin. Kahit si Mama ay hinila ako para itago sa kanyang likuran. Sumiksik ako roon pero ang aking mga mata ay sumilip parin sa may balikat ni Mama makita lamang siya. Israel, in his dark expression, found my eyes again. Nanliit ako sa aking sarili at napagtanto kung ba't pa ako humanga sa kanya eh napakasimple ko lang naman.  Tigil tigilan mo iyan, Trace! Nagkakagulo na at iyan pa talaga ang naisip mo! Hinding hindi ka niya magugustuhan! Alam mo iyan.  "Wala ang anak ko rito kaya umalis na kayo. H'wag kayong manggulo sa pamamahay ko!" si Mama, bakas sa boses ang takot pero sinikap na magtapang-tapangan sa kanyang harapan. Hindi tinantanan ni Israel ang aking mga mata. Ang tingin na iyon ay hindi mo mabasa kung anong ibig sabihin. Kung galit ba ito o ano... Katulad ng kanyang mga mata... Ang kanyang kabuuan ay singdilim rin ng aninong kinakain ng gabi na kahit lumiwanag ang paligid ay mananatili itong madilim at misteryoso. Ganoon ko siya ilarawan... Ganoon ko siya tingnan...  His superiority made me realize I am just a mere kitten compared to this dangerous lion.... compared to this beast. Wala siyang sinabi at sinenyasan ang mga tauhan na umalis na. Ang aking mga mata ay mabilis na sumunod sa kanyang imahe. He seemed off today. Hindi kagaya noong mga araw na nakikita ko siya... ngayon ay mas dumilim ang kanyang mga mata. Mas lalong naging misteryoso ang kabuuan niya sa akin. Dahil ba nagluluksa siya sa pagkamatay ng kanyang kapatid? Gaganti ba sila? Anong gagawin niya sa aking Kuya kung ganoon? Ang pagharap ni Mama sa akin ang nagpabalik sa aking sarili. Mariin na ang kanyang tingin sa akin at halos idiin ang kanyang kamay sa magkabila kong mga braso.  "H'wag na h'wag kang lalapit sa pamilyang iyon, Trace! H'wag kang gagaya sa kapatid mo! Sigurado akong gagamitin ka nila para matunton ang iyong kuya... Lumayo ka sa mga Buenaventura lalong lalo na doon sa kapatid na lalake ni Rici!" Niyugyog niya ako. Nagbabakasakaling matauhan ako kahit na wala pa naman akong ginagawa. Ang kanyang mukha ay masyado ng nababahala. Ganoon agad kapait ang aking nalasahan sa aking bibig nang mapagtanto ko ang sinabi ni Mama. Kabisado ko ang kanilang pamilya. Hindi lamang ako kundi lahat ng tao rito. Tuso sila at mararahas. Sila ang pinakamakapangyarihan sa lugar na ito at pinakamayamang angkan kaya nakokontrol nila ang lahat ng bagay, ang mga tao rito... Noong nagkaroon ng relasyon si Kuya at Ate Rici, akala ko ay may pag-asa ang iniisip ko sa paghangang inaalagaan ko hanggang ngayon. Pero sa nangyayari, mukhang kailangan ko na iyong itapon dahil alam ko namang wala iyong patutunguhan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Andriano's Fat Baby

read
44.1K
bc

Game of Love (Buenaventura Series #3)

read
31.3K
bc

Third Castillion

read
103.5K
bc

Bewildered Love [SPG]

read
56.6K
bc

Black Eagle II: Issho ni Itai, Alexander Amigable (Rated18)

read
23.4K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
472.5K
bc

BROKEN(MONTEMAYOR SERIES1)

read
310.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook