4

2787 Words
Bawal na pag-ibig Marahas ang kanyang pagkakababa sa kabayo na kahit ang tubig ay tumalsik na nang umapak ang suot niyang boots doon. Ito na naman... Nacorner na naman ako at hindi ko alam kung makakatakas pa bang muli. Yumuko siya para makalebel ang ang aking mukha. Nag-iwas agad ako ng tingin lalo na't nakabukaka na naman ito sa aking harapan.  "Are you a f*****g stalker?" marahas niyang pagkakasabi. Umiling ako at hindi magawang ituon sa kanya ang buo kong atensyon. Ano na naman bang ipapalusot ko? "Then why are you here... peeping on me again?"  "Naliligo lang kami! Hindi naman namin alam na may tao pala at..."  Umangat agad ang kanyang kilay. "This is your second time peeping. Isn't it too obvious? Gusto mo ako?" Malalim niya akong tinitigan. Namula ang aking pisngi. Hindi ko iyon masagot. Alam ko naman ang posisyon ko. Alam ko na wala namang patutunguhan ang lihim na nararamdaman ko sa kanya. I know he doesn't like me... He even mocked my brother... Iyon palang alam kong talo na agad ako pag ipaglalaban ko ito. Hinawakan niya ang aking baba at iginiya paharap sa kanya. Ang isa niyang kamay ay nakatukod na sa kanyang tuhod at ang kamao ay nakadikit na sa gilid ng kanyang ulo. His rebellious look screams cruelty. Para akong maliit na dagang napadpad sa hawla ng namamahingang leyon at ngayon ay nahuli na naman.  Mas tumagilid ang kanyang ulo para lang makita ang kabuuan ko lalo na't tinatago ko iyon. I can feel his rough hands on the skin of my chin. Dahan dahan kong inangat ang aking mga mata sa kanya at natagpuan ang misteryoso ngunit madilim niyang mga mata na nakasentro sa akin. The strand of his hair fell on the side as his gaze dive deeper and deeper. It was like a sudden trance... Nabibingi na ako sa katahimikan at naririnig ang kalabog ng aking dibdib. "Israel?" tawag ng kung sino sa likod sanhi para mabitiwan niya ang aking baba. Binasa niya ang pang-ibabang labi at sinuklay ang kumpol ng buhok na nalaglag paatras saka siya tumayo. "Iyan ba iyong nahuli mong naninilip?" tanong nito at mukhang lumalapit na. Hinila niya ang tali ng kabayo paalis sa aking harapan. Yumuko naman ako.  "Let's go back. It's not important," sabi niya habang naglalakad na pabalik hila hila iyong kabayo. "Ipasampal mo nga iyan saakin! Disturbo!" galit na sigaw noong babae. "Let's just go," pigil nito. Bumuntong ako ng hininga at tumayo na ng tuluyan. Basa na ang aking suot na short. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas dala ang mabigat kong pakiramdam.  Maybe this is really our fate. Magkakasalubong lang pero hindi niya ako magugustuhan. Magkakabanggaan lang pero hindi magkakatuluyan. Malayong malayo naman ako sa mga babaeng nakikita kong kasama niya.  I accepted it wholly. May mga bagay naman talagang hindi mo nakukuha dahil hindi naman talaga iyon para sa'yo. May mga nararamdaman na hindi nasusuklian dahil hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Tanggap ko naman na hanggang dito lang talaga at hindi naman ako naghahangad ng mas malalim pa... Parang anino na akala mo masasamahan ka sa lahat ng pagkakataon pero pag madilim na, maiisip mong mag-isa ka lang talaga.  "Tracy!" tawang tawa sila Rinka nang makalabas ako roon at makita ako.  Hawak na ni Rose ang aking maliit na bag. Ang kanilang mga mata ay nasa suot ko na na basang basa. "Oh? Ba't basa ka? Sinisid ka ba ni Israel, Trace?!" tanong ni Rose na mukhang iba na naman ang kahulugan. Umiling ako at lumapit sa kanya para kunin ang aking bag. Hindi sila matigil tigil sa kakatawa habang nagbibihis ako. Umuwi nalang ako ng maaga at nagbabakasakaling maaabutan ko pa si Kuya roon. Tama nga naman ang ang hula ko pero hindi lamang siya ang natagpuan ko roon kundi may iba pa. Suot ang puting A-line dress, nakahalfponytail ang buhok nito at hindi matanggal tanggal ang matamis na ngiti sa labi. Kumurap ako at natigil sa may pinto nang makita siyang nakaupo roon sa harap ng aming lamesa. Umawang ang aking bibig para sana bumati pero napangunahan ako ng pagkamangha. Ang aming bahay ay hindi nababagay sa kanyang kabuuan. Para siyang isang prinsesang napadpad sa kagubatan at naghahanap lamang ng masisilungan. Lumitaw rin naman si Kuya at may dala pa itong kaldero. Inilapag niya iyon, kagat kagat ang pang-ibabang labi at kumikislap ang mga mata. Napadpad ang kanyang tingin sa akin saka siya napakurap. "Oh? Maaga ka?" tanong niya saka muling ibinaling ang tingin sa ginagawa. Nilingon narin ako ng babaeng may pagkakahawig sa nakaharap ko kanina. Para siyang girl version ni Israel pero mas magaan ito at salungat sa pagiging marahas ng kanyang kuya. Ang soft feature niya ay nababagay sa kanyang awra... hindi katulad ng kuya niyang suplado at halatang nadidisgusto sa mga katulad naming kapos sa buhay. "Nakikita ko siya minsan sa school..." Tiningala niya ang aking kuya na napatingin rin sa kanya.  "Mahiyain iyan at hindi gaanong palakaibigan pero mabait si Tracy," paliwanag niya sa malambing na boses. Bumaling sa akin si Ate Rici. "Halika... Dito ka oh..." Tinapik niya iyong tabi niya kung saan siya nakaupo sa mahaba naming upuan. Hindi agad ako gumalaw. Kung hindi lang ako tiningnan ni Kuya at sinenyasan akong magtungo roon gamit ang kanyang mga mata ay hindi ako kikilos. Tahimik akong nagtungo roon sa kanyang tabi at umupo ng marahan. Naamoy ko agad ang kanyang pabango. Ang kanyang kutis ay parang gatas sa sobrang kinis at puti.  "Anong Grade ka?" tanong niya sa akin. "A-Ano... Grade 9 na po..." mahina kong sagot.  Naglapag narin si Kuya ng plato sa aking harapan. Nagbalat siya noong saging habang si Ate Rici naman ay hindi maalis alis ang tingin sa akin. "Ang ganda ng kapatid mo. Kaya pala may mga kaklase akong palagi siyang topic," sabi niya na ikinagulat ko. Ngumisi lamang si Kuya at inilapag iyong nauna niyang balatan sa plato ni Ate Rici. Kumuha siya ng panibago at nagbalat ulit.  Hindi ko alam na may mga lalake palang nagkakainteres sa akin sa school. Siguro wala lang lumalapit dahil narin minsan ay gusto kong mapag-isa. Mas naeenjoy ko ang aking sarili sa pagbabasa kaya hindi ko na napagtutuunan ng ibang pansin ang nakapaligid sa akin. Buong akala ko ay sa aking plato na ilalapag ni Kuya iyong sunod na binalatan niya pero kay Ate Rici parin pala. Binalingan niya ako. "Oh Trace... Heto sa'yo... Kumain kana..." Kumuha siya ng dalawa roon at inilapag agad sa plato kahit hindi pa nababalatan. Sumimangot agad ako. Nasasanay akong siya ang nagbabalat sa nilagang saging pero ngayon... Pinanood ko ang pagdampot ni Ate Rici sa saging. "Mainit pa," pigil ni Kuya sa kanyang kamay at hinawakan ang pulso nito. "Hindi na kaya..." si Ate Rici. "Mainit," masungit na sabi ni Kuya at kumuha ng tinidor saka niya iyon itinusok sa isang saging at ibinigay kay Ate. Ngumiti naman ito at kinagatan ng maliit ang katawan noon. Wala akong nakitang pandidiri sa kanyang mukha. Nginuya niya iyon ng may ngiti at nakontento sa lasa. "Masarap pala!" masaya niyang sabi. "Ignorante ka sa ganito..." Tumawa naman si Kuya at naengganyong magbalat ulit ng panibago. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Ngayon ko lang nakita ang mga mata niyang nangingislap sa tuwa. Kahit si Ate Rici ay nag-eenjoy ring kumain. Binalingan ako ni Kuya nang hindi ko pa ginagalaw iyong akin. "Oh? Kumain kana rin..." si Kuya. "Ah Kuya... tinidor rin," sabi ko pero lumipat agad ang tingin sa binabalatan niyang saging. Minsan ay titingnan si Ate at magngingitian silang dalawa. "Ah... Kuya... tinidor," tawag ko ulit. "Magkamay kana lang Trace... Hindi na iyan mainit," sabi niya sa baritonong boses saka inilapag iyong panibagong binalatan sa plato ni Ate Rici. Ngumuso ako. Nakaka op naman ang dalawang ito. Si Kuya noon pinagsisilbihan rin ako tapos ngayon dinidedma na ako. Binalingan ako ni Ate Rici at kinuha iyong pagkakatusok ng tinidor sa saging. Ibinigay niya iyon sa akin. "Ayan oh. Uhm, gusto mo ako magbalat niyan?" Itinuro niya iyong mga saging na hindi ko pa nababalatan. Napatingin agad si Kuya sa saging. Dinampot ni Ate Rici iyong isa kahit hindi pa ako tumatango pero mabilis rin iyong inagaw ni Kuya sa kanya. "Ako na..." saka siya kumuha ng panibagong tinidor at ibinigay muli kay Ate, suplado na naman dahil nagkamay si Ate.  Doon ko nakita na baka hindi lamang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ni Kuya para sa kanya. Kung paano niya iyon alagaan at kung paano niya iyon pagsilbihan. He was so gentle... Para siyang natatakot na baka madaplisan ang makinis na balat ni Ate Rici. "Ihahatid na kita. Sa susunod h'wag kanang pumunta dito baka mapagalitan ka," narinig kong sabi ni Kuya habang ginigiya si Ate Rici palabas. "Bram... Please... Dito muna ako..." "Hindi pwede," supladong sagot ni Kuya. Sumilip ako sa may bintana at nakita ang nakasimangot na mukha ni Ate Rici. Hinawakan niya ang braso ni Kuya na ikinalunok ng laway ng aking kapatid. Bumuntong ng hininga si Kuya. "Ihahatid na kita." Tinanggal niya ang kanay ni Ate at hinawakan iyon. Tumango naman ito ng marahan saka masunuring sinabayan si Kuya. Bigla akong nakaramdam ng awa sa aking kapatid. Ang inaasal palang ni Israel ay alam ko na agad na hindi welcome si Kuya sa kanila. He hates us. At baka isa pa iyon sa tumutol sa kanilang dalawa.  Naiyak ako habang pinapanood silang naglalakad paalis. Tumulo nalang bigla ang luha sa aking mga mata. Bakit ba kailangang ibase ang pagmamahal ng isang tao sa estado? Bakit ba may mga taong humahadlang sa kasiyahan ng iba? Si Kuya Bram... ngayon ko lang siya nakitang ganito sa babae.  Hinintay ko ang pagbabalik ni Kuya. May ngiti ang kanyang labi kahit na ganoon kakomplikado ang kanyang pinasukan. "Kayo na 'no, Kuya?" pang-aasar ko at nginisihan ito. Umiling si Kuya at mas tumamis ang labi. "Hindi pa..." sagot niya saka pumasok at nagsimulang magligpit sa lamesa. "Hindi pa... So sa susunod pwede na?" Humilig ako sa mesa at mas tiningala ang mukha niyang humalakhak na. "Tigilan mo ako Trace... Bata ka pa..." "Hindi nalalayo ang edad ko kay Ate Rici ha... Isang taon lang ang agwat namin," sabi ko. Binasa niya ang pang-ibabang labi at ngumisi sa akin. Kumuha siya ng pamunas saka niya pinunasan iyong lamesa. Inangat ko naman ang aking mga kamay saka niya rin pinunasan iyong parte ng hiniligan ko. "Pinapunta mo siya rito?" tanong ko. Umiling siya. "Siya ang pumunta rito kaya ayun... pinakain ko ng saging ko." Ngumisi siya at wala na sa sarili. Pero noong napagtanto niya ang kanyang sinabi ay dahan dahang nabura ang kanyang ngiti at nilingon ako ng mabagal. "Iyong nilagang saging," pagtatama niya kahit na wala naman akong naiisip na iba roon. Baka kung nandito sila Rinka ay humagalpak na ng tawa ang tatlo at gagatungan rin ng kung ano anong kahalayan iyong sinabi ni Kuya. "Mukhang nasarapan siya sa saging mo, Kuya," sabi ko sa normal kong boses lalo na't naubos rin ni Ate Rici ang tatlong nilagang saging. Binasa ni Kuya ang pang-ibaba niyang labi at nailing. "Tama na nga iyan... Pumunta kana sa bayan kung ayaw mong isumbong kita na gumala kana naman kasama iyong tatlo. Naligo kayo sa batis." Tumuwid siya ng tayo at nagtungo sa hugasan. "Huh? Ba't mo alam?" "Nakita ko ang laman ng bag mo kaninang umaga. May mga damit." Ah... "Kaya mo rin siguro ako pinayagang gumala dahil pupunta si Ate Rici dito 'no?!" bintang ko na ikinangisi niya. "Hindi ko naman alam na totohanin niya iyong sinasabi niyang pupunta siya. Ewan ko ba..." Nahipo niya ang batok at tumingala. Masyadong umaapaw sa saya ni Kuya na kahit iyong mga platong dapat ako ang naghuhugas ay siya na ang gumawa. Napapansin ko ring hindi matanggal tanggal ang kanyang ngisi. Ayokong sirain iyon kaya itinikom ko nalang ang bibig ko at nagtungo rin sa bayan para tulungan si Mama. "Kanina pa kita hinihintay. Ba't ang tagal mo?" Iritado ang mukha ni Mama nang maupo ako sa kanyang tabi. "Sorry po." Umupo ako roon at tumulong sa p*******i ng ibang bulaklak.  Mukhang nangangalahati na ang kanyang paninda at malapit ng maubos. Natuwa ako roon at mas naengganyo ring alukin ang iilang mga dumadaan sa aming mga bulaklak.  Gabi na noong makarating kami sa bahay. Wala si Kuya at mukhang nasa part time job niya na. Pinagluto ako ng makakain namin. Habang nasa hapag ay kapansin pansin ang inis sa mukha ni Mama. "Nag-aaral ka ba ng mabuti, Trace?" tanong niya sa akin na ikinatango ko agad. "Opo naman... Mama..." "Mabuti kung ganoon. Alam mo ang estado natin... H'wag mong hayaang manatili ng ganito habangbuhay. Mag-aral ka ng mabuti para respestuhin ka ng mga tao na minamaliit ka," galit niyang sabi. Dahan dahan kong nanguya ang aking pagkain. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kanyang galit pero napansin ko, nagsimula iyon noong namili siya ng makakain namin sa palengke.  "Ma, si Papa ba... Matalino?" tanong ko sa kanya ng biglaan. Natigil si Mama sa pagsubo at nagkasalubong ang kilay. Alam ko namang ayaw niyang pinag-uusapan si Papa pero hindi ko mapigilan ang bibig ko. "Purket hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at matalino ka ay pagdududahan mo nang hindi ka nagmana sa akin?"  "Hindi naman po sa ganoon, Ma..." Tumawa ako. "Pero kami po ni Kuya, mga scholar... At si Kuya Valedictorian noong high school pa. Eh 'di ba po sabi niyo palagi kayong bagsak sa klase niyo noon?" Mas umasim ang mukha ni Mama at akma ng kukurutin ang aking singit kaya natatawa akong lumayo sa kanyang tabi.  "Matalino rin ako Trace! Sadyang iyong Papa mo nasobrahan lang..." inis niyang sabi na nagpamangha ng aking mukha. Ibig sabihin ay matalino nga si Papa? "Pero Ma... Alam ba ni Papa na..." hindi ko matuloy tuloy ang aking tanong dahil baka pagalitan niya ako bigla. Limitado lamang ang alam ko sa aking ama. Ang alam ko lamang ay mayaman iyon at naninirahan sa syudad. Iyon nga lang may iba itong pamilya... "Ewan ko sa gagong iyon. Maitataguyod ko naman kayo ni Bram. Hayaan mo na." Padarag siyang sumubo at bakas sa mukha ang inis. Hindi naman kinukwento ni Mama ang tunay na nangyari. Palaging kulang ang kanyang mga kwento at palaging nililihim ang iba. Siguro, ayaw niya lang na masaktan kami ni Kuya sa katotohanan kaya hindi niya rin sinasabi sa amin ang lahat.  "Mauna kanang matulog. Hihintayin ko pa ang kapatid mo. Lagot talaga sa akin ang batang iyon..." sabi niya sa akin pagkatapos kong maghugas ng plato. Tumango ako kay Mama at tahimik na nagtungo sa kwarto. May ediya ako kung ba't niya hihintayin si Kuya. Siguro nalaman niya iyong pagpunta ni Ate Rici dito kanina. May pakpak pa naman ang balita. Kahit na medyo malayo kami sa bayan ay maglalakad parin iyon papunta roon at kakalat sa mga tsismosa lalo na't binabantayan ang bawat galaw ng mga Buenaventura rito dahil narin sa estado ng kanilang buhay. Kaya noong magising ako sa hatinggabi at naririnig ang pagbubunganga ni Mama kay Kuya ay hindi na ako nagtaka. "Diyos ko naman, Bram! Saan mo nilagay ang kokote mo at nilalandi mo iyong babaeng anak ni Facundo!" galit na sigaw ni Mama. Hindi sumagot ang aking kuya. Niyakap ko ang unan at pinakinggan ang kanilang pagtatalo. Ang aking dibdib ay naninikip para sa aking kapatid. "Bali-balita sa bayan na pineperahan mo iyong si Rici!—" "Ma hindi ko siya pineperahan! Kaya nga nagtatrabaho ako," frustrated na paliwanag ni Kuya. "Inuna mo pa talaga iyan kaysa ang makapagtapos ka ng pag-aaral ganoon ba? Wala ka pang mapapatunayan sa pamilya nila pero nilalandi mo na! Alam mo ang mga tao rito, Bram! Kahit hindi masama ang hangad mo ay dudungisan nila iyon dahil sa ating estado!" Tumahimik ulit ang aking Kuya. Kahit wala ako sa kanilang harapan, nakikita ko sa aking utak ang galit sa mukha ni Mama at ang dismayadong mukha ni Kuya.  "Hiwalayan mo iyan—" "Hindi pa nga kami, Ma..." "Pwes layuan mo! Buenaventura iyan, Bram! Konting mali mo lang... mabigat na ang kapalit!"  Hindi ulit sumagot si Kuya. Ramdam ko ang paghihinagpis niya ngayon. Kung paano siya naiipit sa pinasukan niya. At sa nakita ko kanina... halata namang gusto rin siya ni Ate Rici. Baka nga nagmamahalan sila. Sigurado akong pati ang magulang ni Ate ah tutol rin sa kanilang dalawa. Gusto noon ang mas may kayang pamilya para sa kanilang anak at kayang palaguin ang kanilang pera, kayang makaambag ng malaki sa kanilang negosyo. Ano ba ang maiaambag ni Kuya?  "Magsisikap naman ako sa pag-aaral, Ma. Papatunayan ko ang sarili ko sa pamilya ni Rici—" "Magsikap ka muna at doon kana humarap sa kanila kung may narating kana, Bram. H'wag muna ngayon. Nag-aaral pa kayong dalawa. Iyan ba ang gusto mong ituro kay Tracy? Ikaw ang mas nakakatanda kaya dapat ikaw ang nagiging modelo niya pero tinuturuan mo lang rin ang kapatid mong lumandi ng maaga," dismayadong pahayag ni Mama. Tama naman si Mama pero wala rin naman akong nakikitang mali sa ginagawa ni Kuya. Biktima lamang siya ng malupit na tadhana. Nagmahal lang naman siya. Akala ko pa naman palaging tama ang pagmamahal... Pero ba't kung tingnan ng iba ang nararamdaman ni ni Kuya kay Ate Rici ay isa iyong napakalaking kamalian? Kailan mo ba masasabing tama ang pag-ibig? Iyong parehas kayo ng estado sa buhay? Parehas kayong may kaya? Ganoon ba ang basehan ng pag-ibig ngayon? Nakakaawa naman ang mundong ito. Mga hipokrito ang naninirahang mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD