5

3014 Words
Ang mangga ni Israel Hinatid ulit ako ni Kuya kinaumagahan. Habang nasa gate kami ay napansin ko agad ang pamilyar na kotse na huminto sa aming harapan. Lumabas roon si Ate Rici at napalingon sa aming dako. Isang pagod na ngiti ang naibigay niya saka rin nag-iwas ng tingin dahil sa sumunod na lumabas roon. Ang mga mata ni Israel ay singdilim ng gabi na walang makitaang bituin sa kalangitan. Dumako iyon sa amin lalo na kay Kuya at may pagbabanta agad ang tingin. Inakbayan niya ang kanyang kapatid at iginiya iyon papasok sa loob. Binalingan ko si Kuya na nakaawang ang mga labi at mukhang wala sa sarili. Halata namang hindi boto si Israel sa aking kuya. Kahit nga si Mama ay hindi rin ito suportado. Ako lang ata ang nakasuporta sa kanilang dalawa. "Kuya, papasok na ako..." sabi ko sa kanya na ikinakurap niya at bumaling sa akin. "Oh sige... Mamayang hapon baka hindi kita masundo dahil maaga akong papasok sa trabaho." Sinikap niyang ngumiti sa akin at tinapik ang aking ulo. "Okay lang Kuya... Ingat..." Ngumiti ako sa kanya at kumaway saka ako pumasok. Hindi ko maiwasang malungkot rin para kay Kuya. Mukhang binabakuran na ni Israel ang kanyang kapatid para hindi mapalapit sa aking kapatid. Bumuntong ako ng hininga at tila may mabigat akong pasan pasan sa aking balikat. Doon lamang ako bumalik sa aking sarili nang bigla nalang akong mabangga sa matigas na bagay. Ang pabango palang na nanuot sa aking ilong ay alam ko na agad kung sino iyon. Nag-angat ako ng tingin sa lalakeng seryosong seryoso ang mukha. "S-Sorry..." Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagtungo sa kabilang direksyon pero nagulat nalang ako nang humarang siyang muli roon. Napakurap ako at tiningala ito. Kalmado lamang ang kanyang ekspresyon. Para itong may gustong sabihin pero hindi niya lang mailabas. Nanatili siyang tahimik kaya nanatili nalang ako sa kanyang harapan. Baka pag umiwas akong muli ay humarang na naman ito. "Trace!" tawag sa akin ng kung sinong pamilyar na boses. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang tatlo na nagulat agad nang makita si Israel sa aking harapan. Natigil sila sa paglapit sa akin. Ngumuso ako at nilingon muli ang lalakeng wala parin atang umalis sa aking harapan. "May sasabihin ka ba?" tanong ko, pilit linukubli ang nararamdamang takot sa kanya sa aking loob. Narinig ko ang mga yapak ng kaibigan kong lumapit narin sa akin. Nasa aking likuran na ang tatlo at mukhang nakikiusyoso. "Gusto mo ng mangga?" tanong niya bigla sa akin na ikinasinghap ng tatlo sa aking likod. "Hindi mangga ang gusto niya kundi iyong panungkit mo, Israel..." bulong pa ni Rinka sa aking likuran na sana ay hindi umabot sa pandinig nito. Umawang ang aking labi at hindi alam kung ano ang sasabihin. Bakit bigla siyang naging ganito? I can't find the guilt in his eyes... Nakokonsensya ba siya dahil sa ginawa niya sa aking bulaklak? Talaga? O baka naman may ibang rason pa. "Oo, gusto namin!" sagot ni Cecille at ngayon ay nakahawak na sa aking braso. Ramdam na ramdam ko ang excitement sa kanyang boses. Umangat ang kilay ni Israel at mukhang iba na ang tingin sa aking mga kaibigan. Ibinaling niya ulit ang mga mata sa akin. "Pumunta lang kayo sa lupain kung gusto niyong kumain ng mangga. I'll wait there..." sabi niya saka rin umalis sa aking harapan. Sabay naming sinundan ng tingin ang likod niyang umalis rin habang nakapamulsa. Laglag panga naman si Rose habang ang dalawa ay ilang sandaling natulala. Ngumuso ako at hindi alam ang mararamdaman. Natutuwa ako na natatakot. Masyadong misteryoso... Nakakapanibago. Nang mawala na ng tuluyan ang likod ni Israel ay sunod sunod na silang napatili. Niyuyugyog ako ni Rinka na kahit si Rose at Cecille ay para ng mga uod na inasinan. "Narinig mo 'yon Trace?! Iniimbitahan niya tayong kainin ang mangga niya!" Mas inalog ako ni Rinka. "Ang maasim asim at matigas niyang mangga!" tili naman ni Cecille at niyugyog rin si Rose. "Payag akong maging sawsawan ni Israel sa mangga niya! Isawsaw mo ang mangga mo sa akin, Israel!" si Cecille naman. Para ng hihiwalay ang kaluluwa ko sa akin dahil sa kakayugyog ni Rinka na kahit ang aking tenga ay mababasag na ata sa sunod sunod nilang tili. Ang aking utak ay nahahaluan ng kanilang kahalayan at hindi ko narin maiwasang pamulahan ng pisngi. Dahil sa nangyari ay nalate pa kaming tatlo. Napagaligan kami ng teacher pero ang tatlo ay palihim lamang na bumungisngis at gusto agad matapos ang klase para makapunta na sa lupain ng mga Buenaventura. May parte sa akin ang natutuwa pero may parte rin ang kumikirot. Palaging nahahati ang aking isipan sa kanya. I can't remember I did something nice to him for him to let us go to their land... Inalok niya pa ako ng mangga niya ah? Hindi naman sa parehas narin ako ng mga kaibigan kong iba ang pagkakaintindi doon pero hindi ko lang talaga maiwasang mapaisip. Hindi makamove-on ang tatlo sa pangingimbita ni Israel sa amin doon. Imbes na magtaka kung ba't bigla bigla niyang inaalok ng libre sa amin ang kanyang mga mangga ay hindi na nila iyon naisip at iba na ang binubuo sa kanilang utak. "Nagbunga na talaga ang paninilip natin! Siguro narealize ni Israel na tumulong sa mga nangangailangan kaya gusto niya na tayong diligan!" wika ni Rinka nang makalabas na ang guro at recess na namin. "O baka naman tipo si Tracy! Nako ka, Trace... Nakita mo iyong ginawa niya sa babae? Baka malupit pa ang dadanasahin mo! Ibabaon niya talaga sa'yo iyong panungkit niya!" pabirong sabi ni Rose na ikinahalakhak agad ng dalawa. "Iwan kaya natin silang dalawa mamaya? Tapos magpanggap tayong uuwi na pero sisilip lang tayo tapos tingnan natin kung may kainan bang magaganap!" suhestyon ni Cecille na agaran naman ikinasang-ayon ng dalawa. "Hindi naman siguro ganoon ang iniisip ni Israel—" "Sige! Ang swerte naman ni Tracy! Hawakan mo ng maayos ang panungkit niya ha! Pangarap namin iyang tatlo! Ikaw nalang ang tumupad, Trace..." Hinawakan pa ni Rinka ang aking kamay at tiningnan ako sa nangingislap niyang mga mata, ang aking boses ay natakpan na ng kanya. "Bakit ba kasi ang hot ng Israel na iyon?! Nakakaliyab siya ha! Nasusunog na ako sa kalandian ko! Kaya rin nadedemonyo itong utak ko..." Sinabunutan naman ni Rose ang kanyang sarili. "Gaga, kahit ka lumandi demonyo kana talaga!" si Cecille. Hindi ako makasingit sa sabay sabay nilang pagsasalita. Sa t'wing may nangyayari na ganito ay umaayon talaga ang kapalaran sa akin. Hindi ako masusundo ni Kuya mamaya kaya makakaderitso talaga ako doon kasama ang tatlo sa lupain. "H'wag nalang kaya tayong pumunta? Baka gumanti iyon sa paninilip natin sa kanya..." sabi ko noong lunch na. "Nako! Ano ka ba! Ano namang igaganti niya sa atin? Bubugbugin tayo?" tanong ni Rose at natawa pa. Sumimangot ako. Hindi naman siguro iyon nananakit ng babae sa pisikal na paraan. "Okay lang kung bubugbugin niya ako gamit ang panungkit niya! Handa akong pagbayaran ang paninilip ko kung ganoon ang parusa! Ipapasagad ko pa!" Ngumisi pa ng malademonyo si Rinka. "Kahit ako! Sus itong si Tracy hinahainan na ng prutas nag-iinarte pa. Ayaw mo bang matikman ang mangga ni Israel, Trace?" makahulugang tanong ni Cecille sa akin. Pinapalibutan na naman ako ng tatlo at pinapasukan ng mga kahalayan ang aking utak. "Iyong mangga sa puno... Oo naman..." sagot ko sa kanila na ikinahalakhak nila. "Ayaw mo sa puno ni Israel?" Tumataas baba ng sabay ang mga kilay ni Rose habang tinatanong iyon sa akin. "Ang puno niyang malagubat at madilim? Ang puno niyang may mangga at may malaking panungkit na nakasabit?" dagdag pa ni Cecille na ikinainit na talaga ng aking pisngi. "Teka teka! Naiimagine ko!" Tumatawang pinagpapalo ni Rinka ang desk ng kanyang upuan. "Tara cutting nalang tayo! Di na ako makapaghintay na pumunta sa lupain nila! Natatakam na ako sa mangga niya!" Akma pang tumayo si Rose na hinila lamang ng dalawa. "Alam naming malandi ka pero h'wag kang magpahalata. Inosente tayo! Mahahalay lang talaga ang isip!" pangaral naman ni Cecille. "Ay oo nga... Kasing inosente tayo ni Tracy... Okay sige... Change plan... Dadasalan muna natin ang puno ni Israel mamaya ha... Luluhuran natin..." seryoso pang sabi ni Rinka pero maya maya ay nagkatinginan sila at nagsihagalpakan agad ng tawa. Natampal ko ang aking noo. Lahat nalang ata ay nakokonektahan nila ng kadumihan. Kahit habang kumakain kami ay iyon parin ang kanilang topic. Nabulunan pa nga itong si Rinka kakatawa. Magkadugtong ang utak ng tatlo na kahit ang aking utak minsan ay nakikikonekta narin ata sa kanila dahil nagegets ko na iyong mga tinutukoy nila. Kaya noong pagkatapos ng aming klase ay halos magmadali sila sa pagpasok ng mga gamit nila sa kanilang mga bag na kahit ako ay kinaladkad narin nila makaalis lang agad kami. Nagtatakbuhan kaming apat palabas. Bahala na nga... Kung ano man ang plano ni Israel ay sasabayan ko nalang. Ayaw mo niyan Trace... Makikita mo siya. Kahit alam mong hanggang tingin ka lang sa kanya ay sapat na iyon. Pagdating namin sa kanilang lupain ay sobrang tahimik roon. Napakatahimik at sobrang lawak pa ng paligid. Sumuot kami sa kakahuyan hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob. Alam kong sa dulo nito ay ang malaking bahay ng Buenaventura. Nakikita ko ang iba nilang mga kabayo sa malawak na lupain at namamahinga roon. "Ayun oh, may malaki!" Itinuro ni Rinka ang malaking mangga na kanyang tinitingala. Tumingala narin ako. Ang raming malalaking mangga sa itaas. Iginala naman ni Cecille ang paningin. "Wala bang panungkit rito?" tanong niya. Ang aming mga bag ay nasa sahig na. "Wala eh... Nasaan na ba kasi si Israel? Puntahan mo kaya sa bahay nila, Trace?" utos sa akin ni Rinka na ikinailing ko agad. "H'wag na no. Baka mapagkamalan ulit na trespasser si Tracy doon sa mga nagkalat nilang tauhan. Dito nalang tayo..." si Rose naman. "Nanunubig na ang bibig ko. Para na akong maglalaway sa mangga." Nakabusangot ulit na tiningala ni Rinka ang mga bunga ng punong mangga. "Umalis nalang kaya tayo? Baka nagbago na ang isip noon..." sabi ko pa. "Kung hindi siya dadating edi aakyatin natin ang puno nila. Kailangan nating matikman ang mangga, Trace!" si Cecille na mukhang pinipigilan lang rin ang sariling umakyat roon. Humangin at tinangay ang mga buhok namin. Sumabog sa ere ang kulot na buhok ni Cecille habang isinabit naman ni Rinka ang straight at mahaba niyang buhok sa gilid ng tenga. Si Rose lamang itong nakaponytail na kahit ang aking medyo maalong buhok ay pinaglaruan narin ng hangin. "Oh lala... Ayun na ang mahabang panungkit niya..." biglaang sambit ni Cecille at nasa unahan na ang tingin. Ang kanyang ekspresyon ay masyado ng namamangha. Lumingon narin kaming tatlo. Nanlaki agad ang aking mga mata na kahit sina Rose at Rinka ay nalaglag agad ang mga panga. Ang imahe ni Israel ay masyadong nakakabighani habang naglalakad ito, tanging pantalon nalang ang suot at walang saplot sa pang-itaas habang hawak hawak iyong mahabang panungkit. "Nagdedeliryo na ba ako o may nakikita akong anim na matitigas na mangga sa kanyang tiyan?" wala sa sariling sabi ni Rinka at titig na titig parin kay Israel. The wind blew against him. Ang iilang nakatakas na hibla ng buhok niyang nakatali sa likod ay nalaglag na sa bawat gilid ng kanyang mga mata, ang iilan ay tumakip pa kaya sinuklay niya lang iyon paatras para ibalik iyon sa pinanggalingan. I saw how his muscle flexed because of that sudden movement. "Oh Israel... Bakit ang hot mo?" bulong ni Cecille at hindi narin kumukurap. "Ako lang ba ang nag-iisip na baka bigla niya tayong tuhuging apat sa dala dala niyang mahabang panungkit?" bulong ni Rose. "Mas gusto kong matuhog sa isa niyang panungkit..." si Rinka naman. He was walking like he's ready for a battle without wearing any armor. Sapat na ang karahasan na dumadaloy sa kanyang katawan para lumaban at makipagbakbakan. Ang aking utak ay iba ang naiisip sa kanya. Masyado siyang mapanganib sa akin... Dumako ang tingin ni Israel sa akin habang papalapit na siya rito kaya pasimple akong kumurap at nag-iwas ng tingin. Sumabog ang aking buhok na isinabit ko lang sa gilid ng aking tenga at tiningala ang mga hitik na hitik na bunga noong punong mangga. Ba't ba ang hilig niyang maghubad? Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko itong nakarating narin sa aming harapan. Ang tatlo ay halatang hindi maitago ng lubusan sa kanilang sarili ang pagnanasa sa kanyang katawan. "Ang sarap..." Napatitig si Rose sa kanyang tiyan pero mabilis rin namang tumingala at itinuro ang mga bunga. "Ng mga mangga! Ayon oh malaki!" pasimple niyang palusot. "Pahawak ako ng panungkit mo, Israel," malambing namang sabi ni Rinka at inilahad pa ang kanyang kamay. Nagpigil ng tawa ang dalawa habang ako ay patay malisya nalang sa kahalayan nilang tatlo. "Anong panungkit ba, Rinka? Nalito siya? Eh dalawang panungkit ang dala niya..." narinig kong bulong ni Cecille lalo na't nasa gilid lang ako ng dalawa. Hindi pinansin ni Israel ang tatlo at nagtungo sa aking direksyon. Ganoon nalang ang aking pagkagulat nang humarap siya sa akin at tiningala rin ang aking tinitingala. "Ituro mo kung saan ang gusto mo," tanong niya sa akin habang naroon parin ang tingin sa itaas. Sumenyas agad ang tatlo sa akin. Si Rose ay tinuturo ang abs niya at si Rinka 'tsaka Cecille naman ay iyong pantalon niya na ang tinuturo. Namula ang aking pisngi at gusto silang sawayin pero natigil rin naman ang tatlo sa kakaturo sa kanya at mabilis nilang inilipat sa itaas nang malaglag ang tingin ni Israel sa akin. "Where?" he asked me on a deep voice. "Ah..." Tumingala akong muli. "Iyon siguro..." Turo ko doon sa nakita kong malapit. "Nako naman Trace, ang liit niyan! Iyong malaki oh!" reklamo ni Rinka at may itinurong malaki. "Ah sige, iyon nalang!" Itinuro ko narin iyong itinuro ni Rinka. Tumingala ulit si Israel, hindi umaalis sa aking harapan at ibinabalandra ang kanyang kakisigan. Natangay pa ng aking mga mata ang tatlong piercing niya sa kanang tenga. Na kahit iyong pagkakatali sa kanyang buhok sa likuran ay medyo nagrerebelde rin kaya kumpol kumpol at may tumatakas. Sinimulan niya iyong sungkitin. Ang kanyang mga braso ay gumagalaw na dahil sa kanyang marahas na galaw. Sumesenyas pa sa akin ang tatlo sa kanyang katawan na pag mahuhulog ang tingin ni Israel ay pasimple silang titingala at pinapainosente agad ang mga mukha. Silang tatlo ang tagahabol sa iilang mga manggang gugulong pag nahulog at hindi nashoot roon sa net. Ako naman ay binabalot ng saya sa nangyayari. He's being friendly... Ang lalakeng kilala kong delikado at misteryoso ay nakakasalamuha namin na akala mo ay kalebel niya lang rin kami. "Anong gusto mong sawsawan?" tanong niya sa akin. Iyong tatlo ay may sinisenyas na naman sa akin na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin. "May bagoong kayo?" tanong ko. Tumango siya. "Paborito ni Rici iyan kaya meron kaming ganoon." Napangiti agad ako roon. Napapansin ko na mahal na mahal niya ang kanyang kapatid kaya siguro ganoon ang tingin niya sa aking Kuya. Na baka sasaktan lamang ni Kuya Bram ang kanyang babaeng kapatid kaya hinihigpitan niya ito at binabakuran. Kahit si Kuya Bram ay ganoon rin naman sa akin at hindi ko rin masisisi si Israel. He's just being a protective brother... In his own way... "I'll get some. Pababalatan ko narin ang mga ito," sabi niya at tiningnan ang mga manggang nasa net. "Salamat..." ngumiti ako sa kanya na ikinatingin niya agad sa akin. Nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay at mukhang nadisgusto sa aking pagngiti kaya mabilis ko nalang iyong binura at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano... Umalis nga ito. Ang tatlo ay tumitig pa sa kanyang likod. "Alam niyo, noong tinititigan ko siyang manungkit... Napaisip ako kung saan rin ang mararating ng kanyang tinatagong sungkit," wala sa sariling sabi ni Rose na mabilis naming ikinatawa sa kabila ng namumula kong pisngi. "Hanggang sinapupunan Rose! Wawarakin ka ng sungkit niya sa sobrang haba!" si Cecille. "Baka nga hanggang ngala ngala eh!" dagdag pa ni Rinka na ikinahagalpak agad nila ng tawa. "Diyos ko naman! Nakakamatay ang ganoong panungkit!" reklamo ni Rose at hawak hawak na ang tiyan. Ilang minuto kaming nagtatawanan roon habang nakaupo sa berdeng damuhan at hindi mabitaw bitawan ang topic nilang sobrang nakakahalay ng utak. "Pero maiba ako... Iba ang titig sa'yo ni Israel ha... May gusto ba sa'yo 'yon, Trace?" tanong sa akin ni Rinka na ikinakurap ko. "Paanong iba?" tanong ko. "Basta iba... Eh ikaw nga lang ang pinapansin eh. Kami dinidedma." Umirap pa siya at naggulong ng mga mata. "Baka tipo ka Trace... Siguro boring iyong babae na nakalaplapan niya sa batis." Ngumisi pa ng makahulugan si Rose sa akin. Hindi ako kumibo at isinabit muli sa gilid ng aking tenga ang sumabog na buhok dahil sa paghagalpak ng hangin sa akin. Parang napakaimposible talagang magkagusto si Israel sa akin. "Hindi siguro..." wala sa sarili kong sagot sa kanila. "Anong hindi? Kung lalake ako magugustuhan kita 'no. Tingnan mo nga ang kutis mo sa amin? Ang liit liit pa ng mukha mo. At iyang singkit mong mga mata. 'Di ba may dugo kang Chinese?" tanong ni Cecille sa akin. Tumango ako. Half Chinese ang aking ama. Iyon ang sabi sa akin ni Mama. Kahit si Kuya ay hindi rin nalalayo ang mga mata sa akin. Kaya nga pag hindi ngumingiti si Kuya ay sobrang suplado tingnan dahil sa kanyang mga mata. "'Tsaka bata ka pa kaya. 16. Pag nasa tamang edad kana mas gaganda ka pa..." si Rose. Nalunod ako ng kanilang papuri. Hindi ko narin maiwasang isipin kung ganoon rin ba ang nakikita ni Israel sa akin. Pero sa tuwing naiisip ko na ngayon lang naman siya naging mabait sa akin ay hindi ko maiwasang magduda. "Ang tagal naman... Baka pinalagyan niya na iyon ng lason at dito niya narin tayo ililibing sa kinauupuan natin..." reklamo ni Rose at nagawa pang humiga sa malinis na inuupuan namin. "Ikaw ang maunang tumikim, Rose. Total patapon naman iyang buhay mo mas mabuti narin kung ikaw ang unang mamamatay," mungkahi ni Rinka. "Grabe ka! Eh sa ating dalawa mas wasak iyang mukha mo," giit ni Rose. "Anong wasak? Sira lang talaga iyang mga mata mo! Isang hirit mo pa isasaksak ko talaga sa'yo iyong panungkit ni Israel," pabirong sabi ni Rinka na ikinatawa naming dalawa ni Cecille. "Oh ayan na naman si Adonis... Bumaba na naman sa langit para bigyan tayo ng liwanag gamit ang nakakasilaw niyang katawan..." nagdedeliryong sambit ni Cecille at nasa di kalayuan na ang tingin. Nilingon ko narin ito at nakitang muli ang kanyang imahe. May hawak itong tupperware dala ang kanyang seryosong mukha. Ang parang leyon na lalakeng iyan ay marunong palang maging kalmado at mabait?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD