Sandrynne's POV
Tapos na ang klase kaya naglalakad na kami ni Honey papunta sa main gate. Inaaya niya ‘kong mag milktea ro'n sa harap habang hinihintay ko raw si Reb pati na rin ang sundo namin, si Kuya Miguel.
Habang palapit kami sa gate, napansin namin na may mga estudyanteng nagkakagulo. Parang may pinagkakaguluhan sila ro’n na artista dahil may mga babaeng tumitili at may mga kilig na kilig naman.
"Anong nangyayari sa labas?" tanong ni Honey habang nakatingin din sa direksyon nila. "Tara, tingnan natn," sabi niya sabay takbo. I was about to follow her when my phone vibrated inside my pocket. I snatched it out and saw an unfamiliar number. I stared at the screen for a few moments, hesitating whether I should answer it or not. Nang hindi ito tumigil sa pag-buzz ay naisipan kong sagutin na lang.
“Hel—”
"Nasa main gate ako ng school n'yo. Nasa'n ka na?" He said, cutting me off. At dahil sinabi n'yang nasa gate na siya, bigla 'kong naalala si Tristan Arena.
Noong hindi ko na kasi siya nireplyan sa library, paggising ko ay tadtad ako ng message na galing sa kan'ya, saying na magkita raw kami mamaya. He didn't mention na sa main gate kami magkikita kaya hindi ko na lang pinansin 'yong text niya. Plus, hindi rin naman ako interesado na makipag kita sa kan'ya. Mahal ko pa buhay ko 'no, hello!
Tiningnan ko si Honey para ayain na sana siyang umalis. Kaso, nando'n na rin siya sa main gate at nakikisingit na sa mga estudyanteng nagkakagulo. Marites pala 'tong si Honey.
Napailing ako kasabay ng pag-end ko sa call at paglakad nang mabilis, palayo.
Honey's POV
"Sino sa inyo si Farrah Sandrynne Delos Angeles?!" narinig kong sigaw ng lalaki habang pinipilit ko na makasingit sa mga estudyante na nag-umpukan sa labas ng main gate. Dalawa sila pero parehong hindi ko kilala. Pero teka, Farrah Sandrynne Delos Angeles? Ibig sabihin si Sandrynne nga ang hinahanap nila. Pero bakit? "Ikaw ba si Sandrynne?" tanong ng isang lalaki sa ’kin nang tuluyan na ‘kong makalapit sa kanila.
"Hindi,” sagot ko. Pansin kong iba ang uniform na suot nila. Hindi sila estudyante rito sa university na pinapasukan namin.
"E, anong ginagawa mo rito? Bakit ka lumapit kung hindi naman pala ikaw?" medyo masungit na sabi ng lalaki sa 'kin.
"Kayo nga dapat ang tinatanong ko n’yan, e! Iba ang uniform na suot n'yo. Obvious na hindi kayo rito pumapasok. Pero ano'ng ginagawa n'yo rito?" Ako naman ang nagtaray. "At bakit n'yo hinahanap ang kaibigan ko? Ano'ng kailangan n'yo sa kan'ya?"
"May nagawa lang naman s’yang kasalanan sa kaibigan ko," sagot niya sabay baling sa isang lalaking tahimik lang na nakasandal sa hood ng kotse na sa tingin ko ay pag-aari n'ya.
Nang mapansin n'yang nakatingin ako sa kan'ya, agad siyang nag-angat ng tingin sa 'kin at saka siya naglakad palapit. "Kaibigan mo s’ya?" tanong niya no'ng magkaharap na kami. Tumango naman ako. "Nasa’n s'ya?"
"Sino ka muna?" usisa ko. Bago s'ya sumagot ay may mga bulungan akong narinig. Nagtataka sila kung bakit hindi ko raw kilala si Tristan. Bakit? Sino ba kasi s'ya?
"Tristan Arena,” he said confidently. “Ituro mo na sa ’kin kung nasaan ang kaibigan mo para hindi na masayang ang oras ko." Iginala ko ang paningin ko habang tumitingkyad pero hindi ko na nakita si Sandrynne.
"Narito lang siya kanina pero biglang nawala,” I turned to him. “Ano ba kasi'ng nagawa n'ya sa’yo? Malala ba ‘yong ginawa niya at kailangan mo pa siyang puntahan dito sa school namin?"
"Oo, malala. Pero wala akong panahong magkwento sa’yo. Ang kailangan ko lang malaman ngayon ay kung saang lupalop siya nagtatago."
"Bakit ba gan'yan ka magsalita? Sa tono mo parang gusto mong patayin ang kaibigan ko, ah!" I yelled at him. Napapansin kong unti-unti nang nag-aalisan ang mga estudyanteng marites sa paligid. Marites, if you know what I mean. “Sige, 'wag kang mag-alala, tatawagan ko s'ya. Sasabihin ko na gusto s'yang makita ng isang lalaking nagngangalang Tristan Arena!" Agad kong kinuha ang phone ko sa bag and was ready to call Sandrynne but I remembered something that made me stop. I looked up at him again, not leaving my gaze away. Tristan Arena? I studied his face and my eyes widened in shocked. "Tristan Arena?" ulit ko.
"Bakit?" he asked.
"Tristan Arena...?" I called him again, remembering the little Tristan I knew when I was a kid.
"Bakit nga?" he asked, confused.
"Tristan?” Kumunot ang noo ko nang mapag-aralan ko ang facial features niya at naisip na baka siya nga ang Tristan na kilala ko noon. 'Yong dating kaibigan ni Harris na nakakalaro namin sa open playground na malapit sa orphanage.
"Ano?" bakas sa boses niya ang inis dahil sa paulit-ulit kong pagtawag sa pangalan niya.
"Ikaw ba talaga si Tristan Arena?" tanong ko ulit.
"Oo. Bakit? May problema ka ba sa ’kin?" Dahil siya na mismo ang nag-confirmed na siya si Tristan Arena, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Aaackh! Tristannnn!" I screamed sabay yakap sa kaniya at nang bahagya 'kong pagtalun-talon dahil sa tuwa. "Oh my gosh! 'Di ako makapaniwalang makikita ulit kita!" Tinanggal niya ‘yong kamay ko na nakayakap sa leeg niya at saka ako itinulak palayo.
"Sino ka ba?" he asked like he never knew me at all. Ouch.
"Sira ka ba? Ako 'to, si Honey!"
Kunot noo siyang nakatingin sa 'kin. "Honey?"
"Oo. Naaalala mo na?" she shook his head no. "My gosh, Tristan! Alalahanin mong mabuti," pamimilit ko.
"Hindi kita kilala," he said and looked away.
"Hindi ba talaga? As in, hindi mo na ‘ko natatandaan? We were always playing together when we were young! Sa open playground near orphanage!" Binalik niya ang tingin sa 'kin nang marinig niya ang salitang orphanage. Tinitigan niya ‘ko for a few moments before he could finally say my name like he already remembered it.
"Honey?"
"Yes. I'm Honey. Pinsan ni Lance Harris San Pedro. Lagi tayong naglalaro noong mga bata pa tayo. Kapag lang ako hindi mo pa naalala sa dami nang sinabi ko...salamat na lang sa lahat at 'wag na lang tayong mag-usap kahit kailan!" litanya ko.
"Ikaw na 'yan?" tanong niya na para bang hindi makapaniwalang ako na nga 'tong kaharap niya.
Pitchie's POV
"Honey!” masayang tawag ni mommy kay dad. “Our on is finally showed up. Welcome home, anak!" She hugged him. "Because my son came, it feels like the house is full of joy now, don't you think so, honey?" mom said happily and dad came closer and patted his shoulder but Kuya didn't even smile at them.
"Don't you know how to smile or at least greet them properly?" Naglakad ako palapit sa kaniya pero hindi niya 'ko sinagot.
Pati kay mommy at daddy ay parang wala lang din ang sinabi ko. Ang alam ko kasi, may tampo si Kuya sa kanila pero hindi ko alam kung ano ang dahilan. Kaya nga simula noong umuwi kami sa Pilipinas, which I think last year lang, hindi naman siya tumira dito sa bahay kasama namin. Doon siya nakatira sa isa naming bahay na tuluyan ng ibinigay at ipinangalan sa kaniya ni daddy.
"Pitchie, sabihin mo kay manang ipaghanda muna ng snack ang kuya mo habang hindi pa naka-prepare ang mga food na ipinaluto ko para sa kan'ya," utos sa 'kin ni mommy. Hindi na ‘ko umangal at pumunta agad ako sa kusina.
Pagkatapos i-prepare ni manang ang meryenda ni Kuya Harris, ako na mismo ang nagdala no'n sa kanila. Pero nakita ko na wala na sila sa living room. Nasaan na sila? Kanina lang narito sila. Saan sila nagpunta? Naglakad ako papunta sa gazebo namin dahil naisip ko na baka naroon sila. At hindi nga ako nagkamali dahil nabosesan ko agad si mommy.
"Galit ka pa din ba sa amin ng daddy mo?" tanong ni mommy na naging dahilan nang paghinto ko palapit sa kanila.
"No," cold na sagot ni Kuya Harris. I step aside and hide myself para makinig sa kanila.
"Pero may tampo ka pa rin sa amin hanggang ngayon," malungkot na sabi ni Mommy. "Pasensya ka na anak kung hindi namin napagbigyan ng daddy mo ang kagustuhan mong bumalik ng bansa noon." Ramdam ko sa boses ni mommy ang sincerity kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa 'kin.
"‘Yon lang ba ang ihihingi niyo ng pasensya?" tanong ni kuya. Mahahalata mo ‘yong coldness sa boses niya. Gusto kong umalis dahil masama ang ginagawa kong pakikinig nang palihim sa usapan nila pero curious ako sa topic nila kaya pinili kong mag-stay. "I have forgiven you for that, mom. What I can’t accept is that you and dad lied to me.”
"Harris, anak..." Humina ang boses ni mommy na parang maiiyak.
"Noong tumawag si Honey at sinabing nawawala si Mia, iyak ako nang iyak dahil hindi kayo pumayag ni dad na bumalik tayo ng bansa. At para mapatigil n'yo 'ko sa pag-iyak, you promised na magha-hire kayo ni dad ng tao para ipahanap siya,” kuya stated, leaving me curious. Mia? Sino si Mia?
"Ipinaliwanag naman namin sa’yo ng dad mo na hindi tayo p'wedeng bumalik dahil halos kararating lang natin sa Korea noon. Also, we had so much things to take care of during that time."
"Pero hindi n'yo pa ipinapaliwanag sa’kin kung bakit kayo nagsinungaling. Naniwala ako na ipapahanap n'yo talaga s'ya, pero hindi niyo naman ginawa. Nagsinungaling kayo ni dad.”
"Sorry, anak. Please, patawarin mo na kami ng daddy mo kung hindi namin natupad ang ipinangako namin sa’yo."
"At isa pa mom, nabanggit mo na ba kay Pitchie kung bakit siya ipinanganak?"
"Anak..." hinawakan ni mommy ang kamay ni Kuya, as if she’s begging not to say anything. Bigla naman akong kinabahan dahil nabaling sa’kin ang usapan nila.
"Na pinanganak mo lang siya dahil inisip n'yo ni dad na kapag lumaki-laki na siya at nagkaroon na ako ng kalaro, hindi na ‘ko malulungkot? Na titigil na ‘ko sa pag iyak."
What? Gumalaw ang juice na nasa baso dahil sa biglang panginginig ng mga kamay ko nang marinig ko 'yong sinabi ni Kuya. So, that's why I was born? All my life has been a supplement to him?