3. Tristan Arena

2070 Words
Sandrynne's POV Pagdating namin sa bahay ni Reb ay naroon na si lola. Nakatayo sila ni mommy sa tabi ng main door at halatang inaabangan kami. Nakaramdam ako nang pagkahiya and at the same time ay kaba dahil alam kong lagi na naman niya akong susungitan. Si Reb ang unang bumati paglapit namin sa kanila. "Hi lola, welcome home." Nakangiti siyang yumakap kay lola. Pagbitiw niya, ako naman ang bumati. "Welcome home po.” Inabot ko ang kamay niya para magmano. Pagkatapos ng ginawa ko ay binalik niya ang tingin kay Reb at saka ngumiti. "Ang laki-laki mo na Reb, ang g'wapo mo pa," puri niya kay Reb. Bahagya naman akong yumuko at nakinig lang sa kanila. "How’s your study? Okay naman ba ang school na pinapasukan mo?" Expected ko na ang ganitong sitwasyon. Kay Reb lang naman kasi talaga siya magiliw. Pagdating sa ’kin, hindi. Ako ‘yong tipo na nagiging invisible sa paningin niya kapag wala akong nagawang mali. Magiging visible lang ako kapag mayroon siyang dapat punahin sa ‘kin. Nag-angat ako ng tingin kay mommy dahil pakiramdam ko ay kanina niya pa ako pinagmamasdan. "Akyat ka na sa taas, magbihis ka na. Maya-maya maglu-lunch na tayo," malambing na sabi ni mommy at saka siya ngumiti sa ‘kin. Ngiti na sa tuwing makikita ko ay nagbibigay sa ‘kin nang confidence lalo na kapag out of place na ako dahil kay lola. I smiled back at her bago ako yumuko nang bahagya kay lola bilang pagpapaalam kahit na hindi naman siya sa akin nakatingin kun'di kay Reb. "Madami akong pasalubong sa'yo Reb, gusto mo na bang makita?" ‘Yon ang huling narinig ko bago ako tuluyang makapasok sa loob ng bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko para magbihis dahil gaya ng sabi ni mommy ay maglu-lunch na kami. Ayoko namang magpa-late bumaba dahil paniguradong pupunahin 'yon ni lola. Habang pababa ako sa hagdan, nag-vibrate ang cell phone ko na ngayo’y naka-charge sa powerbank na bitbit ko. When I checked it, I saw a notification saying Honey Aps accepted my friend request. Yes, I searched her social media account kanina sa internet café pagkatapos kong gumanti sa lalaking dahilan ng bukol sa noo ko at pagtapon ng sauce sa uniform ko. Pati na rin pala si Harris ay ini-add ko dahil nakita ko siya sa friend lists ni Honey. At balak ko sana siyang i-chat para makuha ko 'yong ID ko sa kan'ya, pero si Honey pa lang ang nag-accept sa ‘kin kaya hindi na lang ako nag-chat sa loko na 'yon. Well, kung ayaw man niya akong i-accept ay okay lang. Pagdating ko sa kusina, naabutan ko na ro'n si daddy, si mommy, si lola at Reb. "Come here,” dad said and motioned the vacant seat next to Reb. Nang makaupo na 'ko, nag-vibrate ulit ang cell phone ko. Binasa ko ang message ni Honey at sinabi n'yang nakuha na niya 'yong ID ko kay Harris. Tinanong niya rin ako kung bakit hindi na ako pumasok sa iba pa naming klase at kung bakit hindi niya raw ako ma-contact noong tinatawagan niya ‘ko. Nag-type ako ng message para replyan siya at sabihing na-lowbat ako. Nagpalusot na lang din ako at sinabing sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na lang ako agad. "Hindi mo ba naturuan ang batang 'to, Aimee?" masungit na tanong ni lola na naging dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanila. "Pinaghihintay ang pagkain at mas inuuna pa ang cell phone!" Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa 'kin nang masama. "Sino ba ‘yang ka-text mo?" si Reb ang sunod na nagsalita. "Huwag mong sabihin na ka-text mo na agad ‘yong Harris na ‘yon?" May halong pagdududa sa boses niya at dahil doon ay mas lalong naging masama ang tingin sa 'kin ni lola. "May boyfriend ka?" She sounds disappointed. "Tigilan mo ‘yan! Bata ka pa para sa gan'yang bagay! Ang dapat na ginagawa mo ay mag-aral, hindi makipagtext o makipaglandian kung kani-kanino!" she yelled at me, angry. Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Makipaglandian? Gusto kong maiyak dahil sa term na ginamit ni Lola. Landian agad? Samantalang, hindi naman niya alam kung sino ang kausap ko. "Ma?" saway ni mommy kay lola. “Huwag mo naman sigawan si Sandrynne. Nasa harap tayo ng pagkain." Nang marinig ko ang boses ni mommy, knowing na she was on my side, I felt like crying. Gusto kong mag-angat ng tingin kay lola at sumagot. Gusto kong sabihin na hindi ako nakikipaglandian kun'di nagpapasalamat ako sa pagtulong sa 'kin ni Honey na makuha ang ID ko sa siraulo niyang pinsan. Pero wala akong lakas ng loob. Pakiramdam ko kapag sumagot ako ay mas lalo lang iinit ang ulo niya sa ’kin. “Bakit Aimee?” Lola turned to her. “Bakit gan'yan ka? Bakit parang ayaw mong dini-disiplina ko ang batang ‘to?!” “Dahil hindi disiplina ang ginagawa mo sa kan'ya, ma. You’re torturing her! Akala mo ba hindi nasasaktan si Sandrynne sa pagtrato mo sa kan'ya?" mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy. Nagsimula na rin mag-init ang paligid ng mga mata ko. “At sinisigawan mo pa ‘ko ngayon? Nang dahil lang sa kanya?!” “Lang?” hinanakit ni mommy at nasundan na 'yon ng paghikbi. “Yes, ma. Alam kong hindi mo siya tunay na apo. Kaya nga kahit hindi pantay ang trato mo sa kanila ni Reb, wala ka namang narinig sa 'kin na kahit ano, ‘di ba?” Nang marinig ko ang pag-iyak ni mommy, pakiramdan ko ay may kung anong bumara sa dibdib at lalamunan ko. Samantalang si lola ay biglang natahimik, even Reb and dad. “Hinahayaan lang kita.” Yumuko ako nang husto dahil pakiramdam ko anytime ay babagsak na rin ang luhang kanina ko pa pinipigilan. “Sa tuwing ipinaparamdam at ipinapakita mo sa kan'ya na ibang tao siya sa’yo…akala mo ba si Sandrynne lang ang nasasaktan?” Tama na, mommy. “Mas lalo po ako, ma!” Tuluyang nabasag ang boses ni mommy kasabay din nang sunud-sunod at tahimik na pag-agos ng luha sa mga mata ko habang nakayuko. Oo, hindi nila ako tunay na anak. I’m adopted at ‘yon ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa ’kin ni lola. “Tulad ni Sandrynne, nagtitiis lang din ako. Kaya ‘wag mo naman sanang iparamdam sa ’kin na mali ang ginagawa ko. Na mali ang mahalin at itrato siya na parang totoong sa ’kin." Patuloy sa pag-iyak si mommy kaya nasasaktan ako lalo. "Kung paanong alam mo ang sakit at pagdurusang pinagdaanan ko noong nawala sa 'min ang una naming anak na si Haizee...sana alam mo rin, ma...kung gaanong kaligayahan naman ang naidulot sa 'min ni Sandrynne simula noong dumating siya sa buhay namin." Narinig ko na rin ang pagsinghot ni dad as if he was trying to hold his tears. "Si Sandrynne ang nagpuno nang kulang sa 'kin simula nang mawala si Haizee. Kaya pakiusap, ma...kung hindi mo kayang itrato si Sandrynne bilang apo mo...kahit itrato mo na lang siya nang maayos." Hindi ko na napigil ang hikbi na kanina pa gustong kumawala sa dibdib ko kaya naman dali-dali akong tumayo at tumakbo sa kwarto ko para doon ko pakawalan at ilabas ang mabigat na nararamdaman ko. Iyak ako nang iyak habang nakasandal sa pintuan. Ang lalo kasing nagpaiyak sa akin ay ang mga binitawang salita ni mommy kay lola. Alam ko namang ampon ako dahil hindi naman nila 'yon tinago sa 'kin. Twelve years old ako no'ng ipinaalam nila sa 'kin ang tungkol sa bagay na 'yon dahil ayaw raw nila na dumating ang panahon na sisihin ko sila kung sakali na malalaman ko 'yon. Pero ni minsan ay hindi ipinaramdam ni mommy at daddy sa 'kin na iba ako sa kanila. Pantay ang pagtrato at pagmamahal nila sa amin ni Reb. Pero ngayon ko mas lalong naramdaman na talagang mahal nila 'ko kahit na hindi nila 'ko tunay na anak. Kung ang ibang bata, nagdaramdam kapag nalaman nilang ampon sila, ako hindi. Siguro mas magdaramdam ako kung hindi nila ako inampon. Sobrang swerte ko sa kanila. Hindi ko alam kung ano'ng nagawa ko sa past life ko at ibinigay sila sa akin ng Diyos bilang maging mga magulang ko. Napakapalad ko. Dahil hindi man ako pinili ng totoo kong mga magulang, pinili naman ako ng ibang tao para maging anak nila. Kay lola lang naman ako may kaunting problema. Ewan ko, pero pakiramdam ko hindi pa rin n'ya 'ko tanggap. Hindi ko naman siya masisisi. Basta ako, ginagawa ko lahat nang gusto niya para magustuhan niya ako. Pati nga ang course na hindi ko naman talaga hilig ay pinili ko dahil 'yon ang gusto niya. I wanted to make her proud of me, too. Dahil may mga pagkakataon na nagseselos ako kay Reb lalo na kapag nakikita ko na sobrang sweet ni lola sa kaniya. Tulad kanina, sinabi niyang maraming pasalubong si Reb. Pero ako, wala kahit isa. Gusto ko rin maranasan na yakapin ni lola, haplusin ang buhok ko at sabihan ako ng maganda. Dahil simula pa yata noon, parang wala akong maalalang pagkakataon na niyakap n'ya 'ko o nginitian man lang. Dahil sa kaiiyak ay hindi ko namalayan na nakatulog pala 'ko. Nang tingnan ko ang orasan sa bedside table ay alas singko na ng hapon. Kinapa ko 'yong phone ko sa kama pero naalala kong naiwan ko nga pala ‘yon sa dining area noong nag-walked out ako sa kanila. I opened the door and was about to get out nang matigilan ako dahil naabutan ko si Reb na nakatayo sa harap mismo nang pintuan ng kwarto ko. Hawak niya ang cell phone at powerbank ko habang nakayuko. “Reb,” tawag ko sa kaniya. Pero imbes na mag-angat ng tingin sa ’kin ay ang kamay niya ang inangat niya para iabot sa 'kin ang powerbank at cell phone ko. Halatang nahihiya siya sa ’kin. Kinuha ko naman ‘yon agad. “Sinabi ko na kay lola na hindi si Harris ‘yong ka-text mo kun'di si Honey," nakayuko niyang sabi at saka siya dali-daling tumalikod at umalis. Paano niya nalaman? Chineck niya siguro ‘yong phone ko. Pinanindigan kong hindi lumabas dahil nahihiya ako sa kanila lalo na kay Lola. Noong dinner time ay sinubukan akong puntahan ni mommy sa kwarto ko pero nagpanggap akong tulog kaya hindi na niya ako inistorbo. *** Kinabukasan, madilim-dilim pa noong umalis ako sa bahay. Alas kwatro ng madaling araw kasi ako nag-alarm para gumayak at pumasok sa school. Hindi ko na hinintay si Reb dahil kapag hinintay ko pa siya ay siguradong mag-aabot kami ni lola. Hindi pa ‘ko handang magpakita sa kaniya pagkatapos ng nangyari kahapon kaya tiniis ko na lang maglakad papasok sa school. Good thing na hindi kalayuan ang school namin. Pagdating ko sa university, nagulat ang gwardya na naka-duty sa main gate dahil sobrang aga ko raw pumasok. Sa library ako dumiretso para tingnan kung bukas na ba 'yon dahil gusto ko pang matulog. At maswerte ako dahil bukas na ‘yon. May utility kasi na naglilinis sa loob. Sa bandang dulo ako pumwesto para ituloy ang tulog ko. Sa kalagitnaan ng masarap kong tulog ay bigla akong nagising nang mag-vibrate ang cell phone ko na iniwan ko lang na nakapatong sa table, sa tabi ko. Ayaw nitong tumigil kaya naman kahit bahagya pa lang akong nakadilat ay tiningnan ko ‘yon. Unregistered number ang nakita ko na tumatawag sa ’kin kaya sa halip na sagutin ay ni-reject ko na lamang ang call. Pero ilang sandali pa ay nag-vibrate ulit ‘yon. Pero this time ay text naman. "Ikaw ba si Farrah Sandrynne?" tanong nito sa 'kin. "Who's this please?" "Answer me first!" Answer me first, samantalang hindi ko naman siya kilala. "Sino ka muna." "Tristan Arena." Sa sobrang antok ko, hindi ko na inintindi ang text niya at itinuloy ko na lang ang tulog ko. I turned off my phone and went back to sleep. Pero ilang minuto pa lang akong nakapikit ay biglang nag-ring sa isip ko ang pangalang na ini-reply niya. Agad akong nag-angat ng ulo. Tristan Arena? Wait. Siya ‘yong may-ari ng social media account na binaboy ko kahapon, 'di ba? P-paano niya nakuha ang number ko at saka paano niya nalaman ang pangalan ko? Kumabog nang malakas ang dibdib ko sa kaba. Omg! I'm dead!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD