Sandrynne's POV
Magkaharap kami ni Honey at nagku-kwentuhan nang biglang sumulpot si Reb sa pintuan ng classroom namin. Kinawayan niya ‘ko para lumapit.
“Bakit nandito siya?” takang tanong ni Honey. “Nag-away na naman ba sila ni Pitchie kaya pinapatawag ka na naman?" biro niya at sabay kaming tumayo para lapitan ang kapatid ko.
“Ate, nasa'n ang kuya ni Pitchie?” bungad sa ’min ni Reb paglapit namin sa kaniya.
Nagkatinginan naman kami ni Honey dahil do'n.
“Bakit mo hinahanap si Harris?” si Honey ang sumagot.
“Si Pitchie kasi umiiyak,” sagot niya. Na naging dahilan para hampasin ko siya sa braso. “Aray! Bakit ba?!” inis niyang baling sa ’kin.
“Nag-away na naman ba kayo, ha?!” Hinampas ko ulit siya nang isang beses. “Pinaiyak mo ba s'ya?!” Isang beses pa ulit.
“Mali ka! Wala akong ginagawa sa kan'ya!” inis niyang sabi while rubbing the part where I hit him.
“Kung gano’n, bakit siya umiiyak?” usisa naman ni Honey.
“Hindi ko alam! Kaya nga ako narito para sabihin sa kuya n'ya na umiiyak s'ya! Hindi ko naman s'ya inaano! Wala naman akong ginawa!" dipensa niya. "Basta pagpasok ko ng room kanina, nandoon na s'ya. Nakadukdok. Umiiyak.”
“Tara,” aya ani Honey at dali-dali s'yang lumabas ng room kaya sumunod kami ni Reb sa kaniya.
***
“Pitchie…” tawag ni Honey sa kaniya nang makarating kami sa room nila. Sakto kasi na wala pa silang teacher kaya nakapasok kami sa loob para lapitan siya. “Ano'ng nangyari?” malumanay na tanong ni Honey pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa pinsan. Nang hindi sumagot si Pitchie ay tinanong niya ulit ito. “Bakit ka umiiyak?” but still no response, “Pitchie, tara sa labas doon tayo mag-usap.” Hinawakan ni Honey ang kamay niya at inalalayan siyang tumayo. Sumunod naman agad siya. Nang makalayo na kami sa maraming tao, nagtanong ulit si Honey. “Pitchie may problema ba? Gusto mo ba na tawagin ko ang kuya—”
“No!” apila niya na siyang ikinagulat ko. “Ayoko munang makita si Kuya.”
“Bakit?” takang tanong ni Honey pero hindi na ulit ito kumibo. Bumaling sa’kin si Honey at sinenyasan ako na iwan muna namin sila kaya agad kong inakay si Reb palayo.
Honey's POV
Noong makalayo na ang dalawa, tinanong ko ulit si Pitchie. “What happened?” Alam ko kasi na baka nahihiya lang siyang magkwento dahil may iba kaming kasama.
Tumingin siya sa ’kin nang seryoso bago sumagot. “May narinig kasi akong usapan ni Mommy at kuya,” malungkot niyang sabi. Medyo namumula pa ang mata niya. Halatang galing sa pag-iyak.
“Umuwi na si Harris sa inyo?” I furrowed my eyebrows. Ang alam ko kasi ay nakabukod ng bahay si Harris.
“Hindi. Bumisita lang s'ya saglit kahapon at may kinuha lang na gamit n'ya. Umalis din s'ya agad after no'n.” Yumuko siya at naging malungkot na naman.
“Ano ‘yong sinasabi mong narinig mo na usapan nila?” usisa ko. Nag-angat naman siya ng mukha at tiningnan ako.
“May kilala ka bang Mia?” her questioned made me stop. Paano niya nakilala si Mia? “I’m really curious kung sino s'ya.”
“Bakit naman? At saka paano mo s'ya nakilala?”
“Narinig ko si mommy at kuya na nag-uusap kahapon. Nabanggit ni Kuya ang pangalang Mia. At ang dahilan kung bakit ako malungkot...kasi narinig ko na sinabi ni kuya, na kaya lang daw ako pinanganak ni mommy, ay para may kalaro s'ya dahil sobrang lungkot n'ya noong nawala ang Mia na ‘yon!” she said in annoyance. Hindi ako nakapagsalita. Tama ang mga sinabi ni Pitchie. Alam ko rin kasi ang tungkol sa bagay na ‘yon. Noong mawala si Mia, tito and tita thought that Harris would be wrecked that way, so they decided to have a sibling for him para kahit papaano ay mabawasan ang lungkot niya. “Ate Honey, kilala mo ba si Mia?” she asked again, snapping me out of my thought.
“Ha?” I turned to her, not knowing what to say next. “Ah…eh…O-oo,” I stuttered, kasabay ng paglalaro ko sa mga daliri ko.
“You know her, too?” Parang hindi siya makapaniwala. “Sino s'ya? Please tell me.”
“Your...kuya’s first love,” I answered.
Her eyes widened a bit.
“First love?” she asked and I nodded. “Nasa’n na siya ngayon?”
Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot. “Hindi na namin alam kung nasaan siya ngayon.”
Kumunot 'yong noo niya at mukhang nagtataka.
“Bakit naman?”
“Mahilig kaming maglaro noon sa playground noong mga bata pa kami. Kasama namin ang kuya mo, si Tristan at si Mia. Pero noong araw na umalis ang mommy at dad mo kasama si Harris papunta sa Korea, nalungkot si Mia. Gusto ko s'yang malibang kaya naisip ko na bilhan s'ya ng cotton candy. Kaya iniwan ko s'ya saglit kay Tristan pansamantala. Kaso pagbalik ko, bigla na lang siyang nawala,” kwento ko kay Pitchie habang inaalala ang mga nakakalungkot na nangyari noong araw na hindi na namin nakita si Mia.
“What do you mean biglang nawala?” she asked, confused.
“Sabi ni Tristan nagpaalam daw sa kan'ya si Mia at sinabing susundan ako sa bilihan ng cotton candy. Pero hindi ko naman s'ya nakita na sumunod sa ’kin.”
“How old was she then?”
“Six.”
“Where could a six years old go?” 'Yong mukha niya na kanina ay naiinis, biglang napalitan ng lungkot at pag-aalala. Pero kahit sino naman siguro ay mag-aalala. Imagine, anim na taon pa lang siya no'n and so am I. “You didn’t do anything about it after hearing that?” dagdag pa niya.
“What do you mean I didn’t do anything? I did everything I can as a child. Hinanap namin s'ya ni Tristan pero hindi namin s'ya nakita. I looked for her every day, crying. I couldn’t sleep. I couldn’t eat. I didn’t go to school.” I let out a deep sighed to control my tears. Nakaramdam ulit ako ng lungkot at guilt. Dahil simula noong araw na ‘yon na nawala si Mia up until now, ay wala kaming balita sa kaniya. “Tapos tumawag ako sa kuya mo noon para sabihin ang nangyari kay Mia. At noong nalaman niya ‘yon, kahit na kararating lang nila sa Korea ay nagpupumilit na s'yang umuwi dito sa Pilipinas. Pero ayaw ni tito at tita kaya naman iyak s'ya nang iyak. Hindi rin s'ya kumakain o umiinom kaya na-dehydrate siya at dinala sa ospital," I stated.
“Was I born so he could stop crying?"
“Pitc—”
“Did I grow up with love, ate Honey?” her eyes started to get teary again.
“Of course, you are! Tita and tito loves you so much. We love you,” sagot ko sabay haplos sa buhok ulo niya dahil nabakas na naman ang lungkot sa mukha niya.
Pero umiling siya bigla. “Sa tingin ko hindi. Kasi ipinanganak lang ako ni mommy para hindi na maging malungkot si kuya.” Sumimangot siya at nag-iwas ng tingin sa 'kin. “I hate her!”
“Sino?”
“'Yong Mia na sinasabi mo. I hate her to death!” gigil niyang sabi.
“Huwag ka naman gan'yan, Pitchie. Hindi mo ba naisip na dahil sa kan'ya kaya ka buhay ngayon? Kasi kung hindi nawala si Mia, you think may isang cute at magandang Pitchie kami ngayon?” Hindi siya nakapagsalita at napaisip din nang ilang segundo.
“You have a point,” mahina niyang sabi at muling binalik ang tingin sa 'kin. “Pero ate Honey, 'yulong sinasabi mong Tristan, nasaan naman siya? Friend din ba s'ya ni Kuya?”
“Oo, magkakaibigan kami dati."
“Dati?” kumunot ang noo niya. “Ngayon ba, hindi na?”
“Mula kasi noong nawala si Mia, nagalit ang kuya mo sa kan'ya.”
“Bakit naman?”
“Dahil inisip ni Harris na pinabayaan ni Tristan si Mia. Isa si Tristan sa sinisisi ng kuya mo sa pagkawala n'ya.” Maging ang sarili ko, sinisisi ko din. “Pero alam mo, nakita ko kahapon si Tristan," I said trying to change the topic.
“Talaga? Where is he? Gusto ko rin s'yang makita,” sabi niya sabay pout.
At nang maalala ko na may pagka marites si Pitchie nang very light ay agad ko siyang binabalaan. “Huwag na huwag mo nga pa lang babanggitin sa kuya mo na nagkwento ako sa’yo tungkol dito, ha? At ‘wag mo rin sasabihin sa kan'yang na-meet ko na si Tristan ulit. Hayaan na lang natin na pagtagpuin sila ng panahon at pagkakataon, tapos bahala na kung anong mangyayari.” Tumango naman s'ya agad. “Anyway, mauna na ‘ko sayo. Mag-usap na lang ulit tayo after class or kapag pumunta ako sa inyo.”
"Sige." Nagpaalam na 'ko sa kaniya at nagmadaling bumalik sa classroom namin dahil late na 'ko sa klase ni ma'am Marie.
Habang naglalakad ako pabalik sa department, may natanaw akong lalaking pamilyar ang mukha. Noong humarap siya, nagulat ako bigla. Si Tristan. Oh my gosh. Anong ginagawa niya rito?
Nagmadali akong maglakad palapit sa kaniya. May dala siyang envelope at mukhang may hinahanap. “Tristan!” humarap suya sa 'kin nang marinig niya akong sumigaw. “Nasisiraan ka na ba? Ano'ng ginagawa mo rito sa school namin? Paano 'pag nakita ka ni Harris dito? Mag-isip ka nga!” sermon ko sa kaniya.
“Mula ngayon mas madalas mo na ‘kong makikita dito,” he said and gave me a meaningful smile. “Anyway, saan ang registrar?” tanong niya. Pero dahil nagmamadali akong bumalik sa room ay agad ko siyang inirapan at iniwan.
Sandrynne's POV
Nagulat si Honey dahil pagpasok niya sa room dahil wala pa si ma’am Marie. Lumapit agad siya sa 'kin at umupo sa tabi ko.
“Grabe, late na nga ako dahil sa pakikipag-marites kay Pitchie pero mas late pa pala si ma’am sa ’kin." Natawa pa siya nang bahagya.
“Kumusta na si Pitchie? Okay na ba s'ya?”
“So far medyo nalinawan naman,” sagot niya na naging dahilan nang pagkunot-noo ko.
“Saan nalinawan?”
“Well, it’s a private little matter,” she replied. “Nga pala, paano mo nakilala si Tristan?” Gumuhit pareho sa mukha namin ang pagtataka.
Nagtataka siya kung paano ko nakilala si Tristan Arena at nagtataka naman ako kung paano niya nalaman ang tungkol doon. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala naman akong ikinwento sa kan'ya. Ni hindi ko sinabi na pinagtripan ko ‘yong f*******: ng taong ‘yon bilang ganti sa pagtama sa ’kin ng pinto at pagkakaroon ng bukol.
Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni Honey dahil biglang dumating si ma’am Marie. “Good morning class,” bati niya sa’min.
“Late ka ma’am,” biro ni Bry na nakaupo sa likuran, katabi si Harris.
“I know. May inasikaso kasi ako sa faculty room. Anyway, magkakaroon kayo ng new classmate." Tumingin si ma’am sa tapat ng pinto. “Please come in,” she instructed at may lalaking pumasok at naglakad papunta sa harapan— sa tabi ni ma’am. Honey and I gasped for air habang nakatingin sa lalaking nasa harap na ngayon. “Please introduce yourself,” sabi ni ma’am sa kaniya. Sumunod naman s'ya agad.
“Good morning. My name is Tristan Arena,” he took a brief pause at halos humiwalay ang kaluluwa ko sa buo kong pagkatao nang bigla niya ‘kong tingnan at sabihing, “Nice to meet you, Farrah Sandrynne," followed by a grin.
Holy cow! I'm dead!