bc

WHAT IF IT'S ME

book_age16+
9.0K
FOLLOW
68.8K
READ
family
fated
arrogant
badboy
student
gangster
campus
first love
self discover
school
like
intro-logo
Blurb

Even though Sandrynne was adopted, she considered herself blessed because her new parents didn't make her feel like one. They love her and give her everything she wants. Sandrynne couldn't ask for more except for one thing–her lost childhood memories.

When she entered college, she was then involved in a love triangle with Harris, a heartthrob troublemaker with a rough personality who was still in search of his childhood first love, and Tristan, who happens to be Harris's enemy.

Sandrynne, on the other hand, seemed to have fallen for Harris as well. Everything seems perfect between them, but when Harris's first love finally shows up, Sandrynne's memory returns and another revelation about her past leaves everyone in shock.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ilang linggo pa lang ang nakakaraan matapos manganak si Aimee sa kanilang unang anak na babae nang isinugod nila ang sanggol sa ospital dahil sa taas nang lagnat nito. "Ikaw na ang umuwi para kumuha ng gamit natin. Maiiwan na 'ko rito para mabantayan ko si Haizee," sabi ni Aimee sa asawang si Charlie. "Okay." Tumango ito at humalik sa noo niya bago umalis. Naiwan naman si Aimee na nakaupo sa waiting area na hanggang ngayon ay nag-aalala sa anak. Lumapit sa kaniya ang isang nurse na babae at may inabot na maliit na papel. "Pakipirmahan na lang po ito ma'am para mailipat namin agad kayo sa VIP room." Agad na pumirma si Aimee sa papel na inabot sa kaniya. Nang makaalis na ang nurse, tumunog naman ang kaniyang cell phone kaya agad niya itong kinuha sa sling bag na nakasukbit sa kaniyang balikat. Ang asawa niya ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot. "Hello, hon?" bungad nito sa kaniya, "'Yung susi ng kotse nasa bag mo yata, wala sa 'kin." Chineck ni Aimee ang loob ng sling bag niya at nakita niya ang susi roon. "Nandito, hon. Nasa'n ka ba? Bababa ako. Dadalhin ko na lang sa'yo." "Sa parking lot." Pagbaba ni Aimee sa parking lot ay agad siyang pumunta sa asawa para iabot ang susi ng kotse. Pero habang kausap niya ang asawa ay bigla na lang silang nakarinig nang malakas na pagsabog mula sa building ng ospital. Pareho silang nagulat dahil bigla na lang nagsigawan ang mga tao. Dumami rin ang lumalabas sa building ng ospital. "Ang anak ko..." bulong ni Aimee at tumakbo siya pabalik sana sa loob pero hindi na siya makaraan dahil sa dami ng taong nagkakagulo. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makitang nasusunog na ang ospital kung saan naka-confine ang kanilang sanggol na anak. "ANAK KO!!!!" Pilit siyang sumisingit sa mga taong nagkakagulo ngunit hindi pa rin siya nakalusot dahil sa mga guard at pulis na dumating para rumescue at ngayon ay humaharang sa kanila. "Honey!" tawag ni Charlie sa asawa. Nakita niyang nagigipit ito ng mga tao. "Aimee!" Pinilit niyang makalapit dito. Nang mahawakan ang kamay ng asawa, niyakap niya ito nang mahigpit. "Ang anak ko..." Tumingala ito sa kaniya habang umiiyak. "Ang anak natin nasa taas. Iligtas natin siya parang awa mo na..." pagmamakaawa ni Aimee sa asawa. Nagsimula na rin magtubig ang mga mata ni Charlie. Hindi niya alam ang gagawin dahil kalat na ang apoy at hanggang ngayon ay wala pang fire fighter na dumarating. "Ang anak natin Charlie nasa taas, pupuntahan ko siya!" Kumawala si Aimee sa asawa at balak na tumakbo para puntahan ang anak ngunit hinila siya nito pabalik. "Bakit?" umiiyak niyang tanong dito. Umiling si Charlie habang tumutulo ang luha. "Wag na Aimee..." "Charlie!" galit na sigaw ni Aimee sa asawa. "Anak natin ang nasa loob! Wala ka bang pakialam?! Mamamatay ang anak natin kapag wala tayong ginawa!" Umiiyak pa rin siya. Hindi na niya mapigilan ang nararamdaman lalo pa at nakita niyang nilalamon na ng apoy ang buong ospital. "Mapapahamak ka lang kapag pumasok ka pa sa loob, kalat na ang apoy." "Ano'ng gusto mong gawin ko?! Tumunganga na lang dito habang nasusunog ang anak ko sa loob?!" "Aimee, makinig ka!" Hindi na rin napigilan ni Charlie ang magtaas ng boses. Alam niyang ikapapahamak ng asawa ang binabalak nitong pagpasok sa loob kaya hindi na niya ito hinayaan sa gusto. Maraming tao ang nag-iiyakan at nagsisigawan kaya hinila na niya ang asawa palayo sa lugar na 'yon. Halos kaladkarin niya ito papasok sa loob ng kotse habang humahagulgol. "Ang anak ko!" Halos maubusan ng hininga si Aimee habang nakatanaw sa ospital na nilalamon nang nakakatakot na apoy. 6 YEARS LATER... "Mommy, gusto ko 'yung robot sa mall kanina. Bili mo 'ko." "Sige anak, pero may kondisyon si mommy." Tiningnan ni Leena ang anak na si Harris. "What mommy?" "Papasok kasi si mommy sa office. Baka hindi kita masundo. Si daddy naman busy kaya hindi ka rin n'ya mapupuntahan. Natatandaan mo naman ang dinaanan natin papunta rito sa school mo, 'di ba? Malapit lang ang house natin dito. Look at that road, didiretso ka d'yan then left tapos lakad ka lang hanggang sa house natin." Tumango naman si Harris sa ina. "Kapag nakauwi ka sa house natin nang mag-isa, bibilhin natin 'yung gusto mong robot sa mall. Pero kung hindi mo talaga kayang umuwi, just call me. Nasa bag mo ang cell phone, ha?" Tumango ang anak ni Leena kaya ngumiti siya rito. "Sige na, anak. Pasok ka na." Naglakad na si Harris papunta sa classroom kaya umalis na rin ang ina niyang si Leena. *** Pumunta si Erika sa orphanage para dalawin ang kapatid. Pitong taong gulang na siya at anim naman ang kapatid niyang si Mia. Ang papa niya ang nagdesisyong dalhin muna sa ampunan si Mia dahil hindi nila kaya ang gastos sapagkat tricycle driver lamang ito. "Ate!" Nakangiting tumakbo palapit sa kaniya si Mia nang makita pa lang siya nitong paparating. "Ano'ng ginagawa mo? Bakit ang dumi-dumi ng damit mo? Naligo ka na ba?" tanong ni Erika. Umiling naman ito. "Hindi pa, ate. Naglalaro pa kasi ako. Halika, laro tayo." "Hindi ako p'wedeng makipaglaro sa'yo ngayon. May pasok pa 'ko. Pumunta lang ako rito para dalhin ang iba mong gamit. 'Tsaka may dala nga pala 'kong paborito mo." Kinuha ni Erika ang maliit na chocolate bar sa bulsa at inabot sa kapatid. "Wow, chocolate!" Masayang kinuha 'yon ni Mia at agad na nilantakan. Nasa playground sila malapit sa orphanage. May ibang bata rin na naglalaro roon. Umupo siya sa duyan at pinagmasdan si Mia habang kinakain ang dala n'yang chocolate. "Mia," tawag niya rito. "Bakit, ate?" Umupo rin ito sa katabing duyan. "Kapag may umampon sa'yo rito, sasama ka ba?" Hindi sumagot si Mia dahil abala sa pagkain ng chocolate. Ilang sandali pa, may lumapit sa kanilang isang madre. "Hi, Mia. Halika ka na sa loob para makaligo ka na. Mamaya lang nardito na ang mag-asawang Delos Angeles para sunduin ka." Napatingin si Erika sa sinabi ni Sister Anna. "Sino po 'yong mag-asawang Delos Angeles?" tanong niya rito. "Sila ang aampon kay Mia. Nakita kasi nila si Mia at nagustuhan nila agad. Ang sabi nila kapag naayos na nila ang papeles, babalik sila para sunduin s'ya." Ngumiti si Sister Anna pero seryoso ang mukha ni Erika. Hindi n'ya inaasahan na gano'n lang kabilis at may aampon na agad sa kapatid n'ya. "Halika ka na Mia." Inakay na ni sister Anna si Mia, inabot naman ni Erika ang maliit na bag na may lamang gamit ng kapatid. "Ito po 'yung ibang gamit ni Mia." Kinuha naman agad 'yon ni sister at inakay na si Mia pabalik sa orphanage. Umalis na rin si Erika para umuwi sa kanila upang ipaalam sa mama at papa niya ang tungkol sa pag-ampon kay Mia. *** Pagkatapos maligo at bihisan ni Sister Anna si Mia ay nagpaalam muna ito. Babalik daw sa playground dahil may naiwang laruan. Pumayag naman si Sister Anna dahil malapit lang sa orphanage ang open playground na iyon. Habang wala si Mia, tumunog ang telepeno kaya sinagot 'yon ni sister Anna. Si Aimee Delos Angeles ang tumawag at sinabi nitong hindi muna nila masusundo ang bata dahil may naging problema. Aalis ang mag-asawang Delos Angeles para ihatid sa Amerika ang ina ni Aimee para operahan. *** Bumalik si Mia sa duyan kung saan sila nagduyan ng ate niyang si Erika. Alam niya kasing doon niya naiwan ang laruan niyang hawak bago siya inaya ni Sister Anna pabalik sa bahay ampunan. Pero hindi niya 'yon nakita kaya naman naglakad-lakad pa ang batang Mia para hanapin ang laruan. May natanaw naman siyang batang lalaki na halos ka-edad niya. Lumapit siya rito. "Sa 'kin 'yang hawak mo." Nakita niya kasi ang laruang hinahanap niya at hawak 'yon ng batang lalaki. Itinago naman ni Harris ang maliit na robot sa kaniyang likuran nang sabihin ng kaharap na sa kaniya ang laruang 'yon. "Ibalik mo sa 'kin 'yan," ulit ni Mia. "Ayoko. Sa 'kin to!" matigas na sabi ni Harris. "Hindi sa'yo 'yan. Sa 'kin 'yan, kaya 'wag mong angkinin!" inis na sabi ni Mia sa kaharap. "Napulot ko 'to!" "Naiwan ko 'yan dito kanina kaya ibalik mo sa 'kin." "Ayoko. Napulot ko na kaya sa 'kin na 'to!" "Salbahe ka!" Hindi sumagot si Harris. "Sa 'kin 'yan, eh." Nagsimula nang umiyak si Mia dahil ayaw ibigay ng bata ang laruan niya. "Laruan ko 'yan, sa 'kin 'yan." Nataranta naman agad si Harris dahil sa pag-iyak nito. "Hoy, tahan na." Hindi siya nito pinakinggan, sa halip, mas nilakasan pa ni Mia ang pag-iyak. May hawak itong chocolate habang umiiyak. Tinapik ni Harris ang balikat nito at sinabing tumahan na ito pero sa pagtapik niya ay nalaglag pa ang hawak nitong chocolate na naging dahilan para lalo itong umatungal. "Chocolate ko, nilaglag mo!" Hindi na alam ni Harris ang gagawin dahil nakatingin na sa kanila ang ibang bata pati na rin ang mga kasamang magulang ng mga ito. "Ibibili na lang ulit kita ng chocolate." Hinawakan niya ito sa kamay at inakay. "Halika, bibili tayo. Tumahan ka na." Tumahan naman agad si Mia. Tila nakalimutan na niya ang tungkol sa laruan. Ang tanging nasa isip niya na lang ay ang pagbili nila ng chocolate. Pero wala silang makitang nagtitinda ng chocolate kaya nagsisimula na naman itong magmaktol. "Chocolate ko." Nagsisimula na naman itong umiyak. Bigla namang naalala ni Harris na mayro'n siya sa bag niya kaya binuksan niya agad 'yon. Kinuha niya ang Ferrero Rocher na inilagay roon ng mommy niya at 'yon ang iniabot kay Mia. "Oh, ayan." Inabot naman agad 'yon ni Mia 'tsaka ito tumahan. "Ano ba'ng pangalan mo? Bakit napakaiyakin mo?" "Mia." "Mia? Miyakin?" pang-aasar niya rito pero hindi siya nito pinansin dahil nilalantakan na nito ang chocolate na binigay niya. "May itatanong ako sa'yo Miang iyakin. Alam mo ba kung saan ang bahay namin?" "Ewan ko sa bahay n'yo," sagot nito habang kumakain pa rin ng chocolate. "Hindi ko kasi alam ang daan. Nakalimutan ko kaya ako napunta rito dahil naglakad ako nang naglakad." Hindi pa rin siya nito pinansin. "Hoy, iyaking bata. Ituro mo sa 'kin 'yung bahay namin para bibigyan ulit kita ng maraming gan'yan." Ngumiti naman si Mia dahil sa narinig. "Totoo? Bibigyan mo ulit ako ng ganito?" "Oo. Kapag naituro mo sa 'kin 'yung daan pabalik sa 'min." "Sa'n ba kasi 'yong sa inyo?" tanong ni Mia. "Sa malaking bahay." Hindi masabi ni Harris ang eksaktong address dahil hindi niya ito matandaan. Nakaisip naman si Mia ng paraan kaya nagpaalam siya saglit sa batang kasama. "Sandali, dito ka lang." Tumakbo siya pabalik sa orphanage at nang makabalik siya ay kasama na niya si Sister Anna. "Siya si sister Anna." Saglit niya itong ipinakilala kay Harris. "Sasamahan ka namin sa inyo para makauwi ka," nakangiting sabi ni Mia. Madali lang nahanap ni sister Anna ang bahay ni Harris. Tinanong kasi niya ang apelyido ng bata. Noong sinabi nitong San Pedro ay alam na niya agad kung saan ito ihahatid. "Sandali," tawag ni Mia sa batang lalaki nang papasok na ito sa malaking gate. Huminto naman ito at dahan-dahang humarap sa kaniya. Bumulong si Harris sa isip na huwag sanang maalala ng batang iyakin ang laruan nito na hanggang ngayon ay hindi niya pa ibinabalik. "Bakit?" tanong niya rito. "Nasan na 'yung chocolate na ibibigay mo sa 'kin? Sabi mo bibigyan mo pa 'ko kapag naituro ko ang bahay n'yo?" "Hindi naman ikaw ang naghatid sa 'kin, eh. Si Sister Anna," giit ni Harris. "Eh, gano'n na rin 'yon dahil tinawag ko siya." Napailing si Harris. "Oo na. Pero wala na 'kong chocolate sa bag. Bukas na lang." Sumimangot agad si Mia. Iniisip niyang baka hindi nito totohanin ang sinabi. "Bukas, ah? Promise?" paninigurado niya. Napakamot ulo si Harris bago sumagot. "Oo na, promise." "Hihintayin kita sa playground bukas. Kapag wala kang dalang chocolate, ipapakain kita sa dinosaur!" pananakot ni Mia. Inakay na siya ni Sister Anna at bumalik na sa orphanage. Kasabay rin nito ay ipinaliwanag sa kaniya ang dahilan kung bakit hindi muna siya masusundo ng mag-asawang Delos Angeles. *** Kinabukasan, gaya ng sinabi ni Mia, naghintay siya sa playground para sa chocolate na ipinangako ng batang nakausap niya kahapon. Hindi niya alam ang pangalan nito dahil nakalimutan niyang itanong. Nilibang niya muna ang sarili sa pagduduyan habang hinihintay ang batang lalaki. Pagkatapos ng klase ni Harris ay dumiretso agad siya sa playground para puntahan ang batang iyakin na dadalhan niya ng chocolate. Naabutan niya itong nagduduyan kaya nilapitan niya ito agad. "Mia," tawag niya rito. "Ito na 'yung chocolate na sinabi ko." Ngumiti agad si Mia nang iabot sa kaniya ang isang paper bag na may iba't-ibang klase ng chocolate. "Wow, ang dami!" Tuwang-tuwa ito habang nakasilip sa mga chocolates. "Para hindi ka na ulit manghingi. Siguro naman magsasawa ka na sa chocolate kapag naubos mo 'yan." "Hindi kaya. Favortie ko ang chocolate kaya hindi ako magsasawa rito," nakangiti niyang sagot. "Teka, ano nga pala ang itatawag ko sa'yo? Hindi ko kasi alam ang pangalan mo." "Harris ang pangalan ko. Magkaibigan na ba tayo?" "Sige. Dahil binigyan mo naman ako ng maraming chocolate, edi magkaibigan na tayo." Ngumiti si Mia kaya ngumiti rin si Harris. *** Makalipas ang ilang linggo ay mas lalo pang naging close ang dalawa. Alam na ni Harris ang daan pauwi sa kanila kaya tuwing natatapos ang klase ay sa playground siya dumidiretso para puntahan si Mia upang makalaro ito. Pagkatapos no'n ay umuuwi siya sa kanila nang masaya. May naging kaibigan din siya sa school nila, si Tristan. Sila ang laging magkasama at madali silang nagkasundo dahil halos pareho sila ng hilig. At dahil late lagi itong sunduin ng mga magulang kaya isinasama niya muna sa playground at ipinakilala rin kay Mia. Pero unti-unti siyang naiinis dito dahil napapansin niyang parang may gusto ito kay Mia at mas naaagaw na nito ang atensyon niya. Doon siya nagdesisyon na hindi na ito isama sa playground. Pero kahit hindi niya ito isinasama ay kusa naman itong sumusunod sa kanila kaya hinayaan niya na lamang. "Mia, sino'ng mas gusto mo sa 'min ni Harris?" tanong ni Tristan habang naglalaro sila sa duyan. "Si Harris," walang alinlangang sagot ni Mia. Nagulat si Harris sa isinagot nito kaya tiningnan niya ito. Nakangiti si Mia sa kaniya, si Tristan naman ay biglang nalukot ang mukha. "Bakit si Harris?" tanong muli ni Tristan. "Kasi binibigyan niya 'ko ng maraming chocolate." Napangiti si Harris sa narinig. "Edi bibigyan din kita tapos ako na lang ang gusto mo," hirit ni Tristan. "Huwag ka ngang epal. Ako nga raw, eh!" inis na baling ni Harris sa kaniya. "Kung bibigyan mo rin ako ng chocolate, edi pareho ko kayong gusto," nakangiting sagot ni Mia. "Hindi p'wede 'yon. Dapat isa lang ang gusto mo," giit ni Tristan habang nakatingin sa kaniya. "Gano'n ba? Edi..." Huminto siya sa pagsasalita. Nakatingin naman sa kaniya ang dalawa at inaabangan ang susunod niyang sasabihin. "Hindi ko na lang kayo gusto." Sumimangot ang dalawa sa narinig. "Kasi naman umepal ka pa Tristan, eh!" inis na sabi ni Harris "Sinabi na nga ni Mia na ako ang gusto niya. Binawi tuloy!" "Buti nga sa'yo." Binelatan pa ni Tristan si Harris na siya namang kinainis nito na naging dahilan nang kanilang paghahabulan na nauwi rin sa tawanan at asaran. *** Nang sumunod na araw ay naisipang isama ni Harris ang pinsang si Honey sa playground para maging apat na silang magkakalaro. Kagagaling lang nito sa Amerika at halos ka-edad lamang din nila. "Saan ba tayo pupunta, Harris?" tanong ni Honey sa pinsang lalaki. Napapagod na kasi siya sa paglalakad. "Sa playground." "Sa playground? May playground naman sa bahay n'yo, 'di ba? Dapat do'n na lang tayo. Ang layo-layo pa nang lalakadin natin. Napapagod na 'ko," reklamo niya. "Malapit na. Ipapakilala ko tuloy sa'yo si Mia 'tsaka si Tristan." Pagdating nila sa playground, naabutan na nila do'n ang dalawa, si Mia at Tristan, kaya nilapitan nila ito. "Sino 'yang kasama mo?" Si Tristan ang unang nagtanong. "Si Honey, pinsan ko. Galing s'ya sa Amerika pero dito na s'ya mag-aaral kaya makakalaro na rin natin s'ya," paliwanag ni Harris. Nakipagkilala naman agad si Honey sa dalawa. Naging magaan ang loob niya kay Mia at Tristan kaya mabilis n'ya lang din itong naging close. Nawili na rin s'yang sumama kay Harris sa playground na 'yon para makita ang dalawa. 'Yon na rin ang pagsisimula ng kanilang pagkakaibigang apat habang si Tristan at Harris ay may lihim na pagtingin sa kaibigang si Mia. *** Nag-uusap ang mommy at daddy ni Harris nang abutan niya ito sa kwarto. "Hi anak," bati ni Leena sa anak. "Halika, may sasabihin kami sa'yo ng daddy mo." Lumapit naman siya agad at tumabi sa mga magulang. "Ano po 'yon?" "Aalis na tayo. Pupunta na tayo sa Korea. Do'n ka na mag-aaral." Nakangiti si Leena nang sinabi niya ito sa anak pero hindi sumagot si Harris. Blangko ang mukha nito. Nagtinginan naman ang mag asawa. Hindi ito ang inaasahan nilang facial expression mula sa anak. "Bakit, anak?" tanong ni Leena. "Kailan po tayo aalis?" "Next week na." Hindi na nagsalita pa si Harris. Nalungkot siya nang maisip na malalayo s'ya sa mga kaibigan lalo na kay Mia. *** Nasa playground si Mia at Tristan, hinihintay ulit nila ang dalawa. Pero nagtaka si Mia nang si Honey lang ang dumating. "Nasa'n si Harris? Bakit hindi mo kasama?" tanong niya. "Oo nga, nasa'n sya?"Nagsimula na ring mag-usisa si Tristan. "Wala raw siya sa mood maglaro," sagot ni Honey. Inaaya niya kasi ito pero hindi sumama sa kaniya at nagmumukmok lang sa kwarto. "Bakit daw?" tanong ulit ni Tristan. "Ewan ko ro'n. Hayaan na lang natin s'ya. Tayo na lang ang maglaro," dagdag ni Honey. Habang nagpapahinga sila at kumakain ng cotton candy, may inilabas si Honey sa bulsa. "Mia, oh." Inabot niya kay Mia ang isang pirasong hairclip. "Dalawa 'to kaso isa lang ibibigay ko sa'yo para tig-isa tayo. Galing 'yan sa Amerika, personalized hairclip. Tayo lang ang mayro'n n'yan sa buong mundo." Kinuha naman agad 'yon ni Mia habang nakangiti. "Ang ganda! Salamat Isusuot ko na, ha?" Ikinabit na nito iyon sa buhok niya. "Ako rin." Maging si Honey ay gumawa na rin. "Ang ganda n'yong dalawa," puna ni Tristan sa kanila. "Syempre naman!" Si Honey ang sumagot. Pagkatapos nilang kumain ng cotton candy ay nagpaalam na si Tristan at umuwi. "Uwi na rin ako, Mia," pagpapaalam ni Honey. "Gusto kong makita si Harris, sabihin mo sa kaniya pumunta rito, maglalaro kami," bilin ni Mia sa kaniya at tumango naman ito. Dumiretso si Honey sa bahay nila Harris at pinuntahan ito sa kwarto. "Hoy Harris, tawag ka ni Mia. Pumunta ka raw sa playground." "Bakit daw?" "Ewan. Basta pinapupunta ka n'ya ro'n. Pumunta ka na. Para masabi mo na rin na aalis na kayo sa isang araw." Lumabas na sa kwarto si Honey at bumaba sa hagdan. Sa kusina siya pumunta at humingi ng pagkain sa yaya ni Harris dahil inabutan siya ng gutom. Kilala naman siya ng mga kasambahay kaya pinakain agad ito. Gaya ng sinabi ni Honey kay Harris, pumunta nga ito sa playground para makipagkita kay Mia. Pero wala siyang balak sabihing aalis sila at pupunta na sa ibang bansa. Naabutan niyang nag-iisa sa duyan si Mia kaya nilapitan niya ito. Ngumiti naman ito agad sa kaniya nang matanaw siyang parating. "Bakit hindi ka sumama kay Honey kanina? Ang saya ng laro namin. Sayang wala ka." "Nakatulog ako, eh," palusot niya. "Oo nga pala, may ibibigay ako sa'yo." Dinukot niya ang bagay na nasa bulsa. Lumapit siya kay Mia at pumwesto sa likod nito para maisuot niya ang kwintas. "Sa'yo na lang 'to." "Ha? Bakit?" takang tanong ni Mia. "Wala. Regalo ko lang sa'yo. 'Wag mong iwawala 'yan, ah. Kapag nagkita ulit tayo, 'yan ang una kong hahanapin sa'yo. Kapag hindi mo naipakita sa 'kin, lagot ka talaga," banta niya rito. Hinawakan naman ni Mia ang kwintas na isinuot sa kanya ni Harris. Isa itong white gold na may pendant na LH na magkadikit. Kwintas ito ni Harris at initial ito ng pangalan niyang Lance Harris. "Oo. Iingatan ko 'to. Bukas 'pag pumunta ka rito sa playground nasa akin pa rin 'to. Hindi ko 'to iwawala." Nakangiti si Mia pero hindi niya magawang ngumiti rito dahil alam niyang hindi na sila magkikita pa bukas. "Promise?" "Oo. Promise." "Eh, ikaw wala ka bang ibibigay sa 'kin?" tanong naman ni Harris sa kaniya. "Ano namang ibibigay ko sa'yo?" "Kahit ano." Nag-isip si Mia pero wala siyang maisip na p'wedeng ibigay rito. Ilang sandali pa, bigla siyang may naalala. "Uhm, sandali. May ibibigay ako sa'yo, dito ka lang, ha?" Dali-dali itong tumakbo pabalik sa orphanage. Pagbalik ni Mia ay may bitbit itong maliit na teddy bear. "Sa'yo na lang 'yan." Iniabot niya iyon kay Harris. Isang talking teddy bear. May maliit na puso sa dibdib nito at kapag pinindot ito ay boses mismo ni Mia ang maririnig habang kumakanta ng happy birthday. Iniregalo ito sa kaniya ng kaniyang papa bago siya dalhin sa bahay ampunan. "Sige na. Babalik na 'ko. Baka hinahanap na 'ko nila Sister Anna." Tumakbo agad si Mia. Naiwan naman na mag-isa si Harris. Aalis na sana siya sa playground nang makita niyang paparating si Tristan. "Bakit hindi ka nakipaglaro sa 'min kanina? Ngayon ka pa nagpunta rito kung kailan wala si Mia," sabi agad nito nang makalapit sa kaniya. "Nakatulog ako kaya hindi ako nakasama kay Honey." "Weh? Nakatulog?" Tila hindi ito nakumbinsi. "May sinabi sa 'kin si Honey." "Ano?" "Sinabi n'ya na aalis na kayo sa isang araw. Sa 'kin n'ya lang sinabi, hindi kay Mia. Sabi n'ya pa secret lang daw namin." Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Tristan. "Wag kang mag-alala hindi ko sasabihin, secret lang natin." Tumango naman si Harris dito. "May sasabihin nga pala 'ko sa'yo. Kapag umalis na 'ko, kung p'wede sana...'wag mong hahayaan si Mia na awayin ng ibang bata. Ipagtanggol mo siya lagi." Masaya namang tumango si Tristan. "Oo naman. Ako ang magtataggol sa kaniya." "At saka bago kami umalis, pumunta ka sa playground, magpapadala 'ko ng maraming chocolate para sa kaniya. Ikaw na lang ang magbigay." *** "Miaaaa!" Nakangiti si Tristan habang tumatakbo palapit kay Mia. Kasama nito si Honey. "Bakit?" "Para sa'yo." Inabot niya ang isang paper bag na may lamang iba't-ibang klase ng chocolates. "Wow, ang dami. Ganito rin 'yung binigay sa 'kin ni Harris," nakangiti niyang sabi habang nakasilip sa paper bag. "Kay Harris nga galing 'yan," sagot ni Honey. "Talaga? Nasa'n siya? Bakit hindi niyo kasama?" tanong ni Mia na ikinatahimik naman ang dalawa. "Sabi ko bakit hindi n'yo s'ya kasama?" "Kasi..." "Wag mong sabihin secret lang 'yon," saway ni Honey habang nakatingin kay Tristan. "Ano 'yung secret?" tanong ni Mia sa dalawa habang nakakunot ang noo. "Wala," sabay na sagot ng dalawa. "Ano nga 'yon? Sabihin n'yo na kasi," pangungulit niya sa mga ito. At dahil nangangati ang dila ni Honey ay hindi na n'ya napigilan ang sarili. Ikinwento n'ya kay Mia ang tungkol sa pag-alis ni Harris. Hindi naman agad nakakibo si Mia pagkatapos malaman ang totoo. "Gusto mo ng cotton candy?" tanong ni Honey. Susubukan niyang libangin si Mia. Ngunit umiling ito. "Ice cream?" tanong naman ni Tristan. Umiling ulit ito. "Sandali, Tristan. Diro ka lang. Bantayan mo s'ya, bibili lang ako ng cotton candy natin." Umalis si Honey para bumili ng cotton candy. Iniisip niya kasing kakainin din 'yon ni Mia kapag ibinigay na niya at baka sakaling malibang ito. *** Ilang araw na ang nakalipas simula nang makabalik ang mag-asawang Delos Angeles sa Pilipinas. Nakasakay sila ngayon sa kotse at papunta sa Sunshine Orphanage para sunduin na ang batang aampunin nila. Si Mia. Hawak ni Charlie ang kamay ng asawang si Aimee, tiningnan niya ito at ngumiti. "Siguradong magiging masaya si Reb kapag nalaman n'yang magkakaroon na s'ya ng ate. Mayro'n na s'yang makakalaro," nakangiting sabi ni Aimee sa asawa. At dahil nakatingin sila sa isa't-isa, hindi napansin ni Charlie ang batang babaeng tumawid sa kalsada at huli na noong nakapagpreno siya. "Aaaaaahck!" sigaw ni Aimee nang mabangga nila ang bata. Inihinto ni Charlie ang kotse at mabilis silang bumaba. Nilapitan nila ang bata na ngayon ay nakahandusay na sa daan at walang malay. Pero laking gulat ni Aimee nang mapansin ang mukha ng batang babae. "My God, hon..." Nanginginig si Aimee habang nakatingin sa bata na duguan. Binuhat naman agad ito ni Charlie at isinakay sa kotse para dalhin sa ospital. Habang nakasakay sa stretcher ang bata na dadalhin sa emergency room, tinawagan agad ni Aimee si Sister Anna para ipaalam ang nangyari. Hindi nila inaasahan na mapapahamak ang batang aampunin nila dahil sa kanila. *** Dala na ni Honey ang cotton candy nang lumapit siya kay Tristan. "Oh, nasa'n si Mia?" tanong niya. Nakita niya kasing mag-isa lang si Tristan. "Hindi mo ba kasama?" "Bakit sa 'kin mo tinatanong? 'Di ba iniwan ko kayong dalawa rito?" "Umalis kasi s'ya. Sabi n'ya susundan ka raw n'ya." "Pero hindi ko naman s'ya nakita," mahinang sabi ni Honey. "Ang sabi pa nga n'ya, aayain ka raw n'ya para sundan si Harris. Hindi ba pumunta sa'yo?" Nagkatinginan silang dalawa. Sinimulan nilang ikutin ang buong playground para hanapin si Mia pero hindi na nila ito nakita pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.4K
bc

Rewrite The Stars

read
97.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook