2. Harris San Pedro

1560 Words
Sandrynne's POV "Papasok ka bukas?" tanong ni Harris habang naglalakad kami papuntang High School Department. Kami na lang dalawa ang naglalakad dahil nauna na ang mga kapatid namin. At ang dahilan kung bakit kami pinatawag ng teacher nila ay dahil sa kanilang pagbabangayan. Ang kwento ni Pitchie—kapatid ni Harris— itinulak daw siya ni Reb kaya tumaas 'yong skirt niya at nakita ng mga classmate n'ya ang underwear niyang panda. At dahil do'n, pinagtawanan siya. Noong tanungin ko naman si Reb kung bakit n'ya itinulak si Pitchie, sabi niya ay hinila daw kasi nito ang upuan niya noong uupo na siya kaya nasaldak siya at pinagtawanan din ng mga kaklase niya. "Oo naman. Ano'ng tingin mo sa 'kin absenera?" sagot ko kay Harris na kasabay kong naglalakad. Pero medyo malayo ang distansya namin dalawa. "Pa’no kang makakapasok? Wala ka namang ID.” Tumigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Huminto rin siya at bumaling sa 'kin. Tiningnan ko siya nang may pagdududa. "Hoy, aminin mo nga sa ’kin. Nasa’yo ba ang ID ko?" "Kung sabihin kong oo, what will you do?” He said, raising an eyebrow. "At paano naman napunta 'yon sa'yo?" "Napulot ko." His eyes fixated with mine. So, siya pala ang nakapulot at hindi 'yong tumabi sa 'kin na lalaki. Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya, indicating that I wanted it back. Pero hindi siya kumibo. He smirked instead. "Ibabalik ko sa’yo, pero may kondisyon." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Kondisyon?" "Kapag nando'n na tayo, ikaw lang ang magsasalita. Sabihin mo na kasalanan talaga ng kapatid mo ang nangyari at pahingiin mo siya ng sorry sa kapatid ko na si Pitchie." "At kung hindi ko gawin?" Ako naman ang nagtaas ng kilay. "NO ID, NO ENTRY. Simple as that." Ngumisi siya at agad namang kumulo ang dugo ko dahil do'n. "Ano'ng akala mo sa ’min ng kapatid ko? Mababang tao? Lalaban kami kung kinakailangan. At wala akong pakialam sa ID ko. Kung gusto mo, sayong-sayo na ‘yan! Wala rin akong pakialam kung hindi na ‘ko makapasok!" Inis akong naglakad palayo. Sa kaniya na 'yong ID ko kung gusto n'ya! Ano naman ngayon kung hindi ako makapasok? As I was walking, my phone suddenly vibrated. Dinukot ko 'yon sa bulsa ng palda ko at si mommy ang nakita ko na tumatawag kaya agad ko 'yon sinagot. She informed me na ngayon daw ang uwi ni lola galing sa America, kaya naman binilinan niya kami ni Reb na umuwi nang maaga dahil nasa airport na raw ito. I ended up the call and walked again until I found my brother Reb, standing in front of the principal's office. "Halika na. Kakausapin ka na ni ma'am," tawag sa 'kin ni Reb pagdating ko ro'n. Nakatayo kami pareho ni Harris sa labas ng principal's office, sa tabi ng pintuan. Nang tingnan ko siya, bigla niya 'kong kinindatan. "No ID, no entry. Remember that," bulong niya bago kami tuluyang pumasok sa loob. *** Oras na makalabas kami ng principal's office, inis na nagmartsa si Reb pabalik sa classroom nila. Si Pitchie naman ay nakangiti. Ngiting tagumpay ang munting bruha. "Una na 'ko kuya. Salamat," nakangiti niyang sabi at saka siya bumaling sa 'kin para irapan ako. Sarap dukutin ng mata. "Nga pala," she turned to her brother again. "Tuloy ba 'yong pag-uwi mo sa bahay bukas?" Harris didn't say a word but nodded his head as a response. Mukha namang natuwa si Pitchie dahil do'n. Noong kami na lang ni Harris ang naglalakad, dahil si Pitchie ay nakabalik na rin sa room nila, agad akong bumaling kay Harris. "Oh ano? Masaya ka na?" I said sarcastically. Noong nasa loob na kasi kami ng office ay binulungan niya 'ko na kapag hindi kami nagpakumbaba ni Reb ay sisirain niya 'yong ID ko. But that's not the only reason kung bakit ko pinilit si Reb na humingi ng dispensa even though si Pitchie naman talaga ang nauna. Naalala ko kasi bigla si lola. Kung hindi ibabalik ni Harris ang ID ko, hindi rin ako makakapasok lagi sa first period. Kapag nabalitaan 'yon ni lola, sigurado akong pagagalitan niya 'ko. "Hmm. I'm happy," nakangisi niyang sabi sa 'kin kaya naman bahagyang lumitaw ang dimples niya na lalong nagpaguwapo—erase! "I'm so happy, to the point that I don't wanna give it back yet," dagdag niya at saka siya biglang tumakbo palayo. "Hoy!" sigaw ko pero hindi na niya 'ko nilingon. Gusto ko sana siyang habulin pero may takong 'yong black shoes ko kaya hindi ko magawang tumakbo. Bumuntong hininga na lang ako dahil sa inis. Humanda ka sa 'kin! May araw ka rin! Dahil sa inis, nawalan ako ng ganang pumasok. Kaya imbes na bumalik sa department namin, sa north gate na lang ako dumiretso para aliwin ang sarili ko. Parang ayoko muna kasi na makita si Harris dahil baka masuntok ko pa 'yong adams apple niya hanggang sa madurog. Tapos ipapakain ko sa aso. Madaming tindang street foods sa labas ng north gate at feeling ko nag-heart-heart agad ang mga mata 'ko noong makita 'ko ang mga 'yon. Nagmadali akong lumapit sa isang stall para bumili. "Pabili po," nakangiti kong sabi sa tindera. Actually, hindi talaga 'ko kumakain ng mga ganito dati, as well as Reb. Natutunan ko lang 'tong kainin noong may napanood akong mukbang vlog na puro street foods ang kinakain. At hindi ko pa man natatapos 'yong vlog ay nagpasama agad ako sa driver namin para maghanap ng mabibilhan no'n. Ipinag-uwi ko rin noon si Reb at sobrang nagustuhan rin niya. Wait. Speaking of Reb. P'wede na siguro 'to, as a peace offering. Huminto muna 'ko sa pagtuhog at saka ko kinuha 'yong phone ko para tawagan siya at papuntahin dito. Kaso biglang nag shutdown 'yong phone ko. Naalala ko na hindi nga pala 'ko nakapag-charge kagabi. Sakto namang may natanaw akong internet café sa 'di kalayuan. Naisip kong doon mag-open ng social media account para i-message si Reb. Kaya pagkatapos kong bumili ay agad akong naglakad papunta ro'n habang patuloy sa pagsubo ng kikiam na binili ko. Pagtapat ko sa salaming pintuan, nabasa ko ang salitang pull kaya naman humawak ako sa handle para hilahin ‘yon. Hindi katulad ng iba na kahit pull ang nakalagay ay tinutulak pa rin. Ngunit ‘di ko pa man nagagamit ang lakas ko sa pagbukas ng pinto ay bigla na itong bumukas at sa lakas nang pwersa no'ng tumulak do'n mula sa loob ay tumama sa 'kin ang salaming pinto. Na naging dahilan din para matapon sa uniform ko 'yong sauce ng street foods na hawak ko. Nag-angat ako ng tingin sa taong nagtulak sa pinto at dalawa silang bumungad sa ‘kin. Ibang uniform ang suot nila, hindi katulad nang sa amin. “Sorry. Hindi ka agad namin nakita,” sabi ng isang lalaki na medyo mas malayo sa ‘kin. Then, my gaze turned to the guy standing before him, with his hand still gripping the door handle. So, it was him. Siya ang nagtulak kaya ako tinamaan ng pinto at kung bakit punung-puno nang sauce ang blouse ko. Binalik kong muli ang tingin ko sa kaniya. Sa mukha niyang artistahin. At lalo akong nainis nang bigla niya na lang akong nilagpasan without even apologizing. Sumunod na rin sa kaniya ‘yong isang lalaki na kasama niya, ‘yong nag-sorry sa ‘kin. I was about to follow them pero may mga sasakyan na dumaan at naging dahilan para hindi ako makatawid. Nang makalagpas naman ang mga sasakyan ay nawala na sila sa paningin ko. Inis akong nagmartsa para bumalik na lang sa internet café. Napahawak ako sa noo ko at napansin ko na parang may bukol 'yong part na tinamaan ng salaming pinto. Huwag na huwag kitang makikita at sinisiguro ko na ikaw naman ang bubukulan ko! Napabuntong-hininga ako dahil sa unang araw pa lang ng pagpasok ko sa eskwelahan ay puro kamalasan na ang nasagupa ko. 'Yong mga taong name-meet ko, parang may pagka-d*monyo. Unang-una, si Harris na ayaw ibalik ang ID ko at pinagkaisahan pa kami ni Reb. Ngayon naman itong lalaking nag-cause ng bukol sa noo ko at kadugyutan sa blouse ko. Hindi naman ganito ang inaasahan ko na mangyayari sa 'kin. Nakaka-disappoint. Naglakad na lang ulit ako pabalik sa internet café. Pagpasok ko sa loob no'n at dumiretso agad ako sa bandang dulo kung saan may dalawang upuan na bakante. Nakapatay ang isang desktop at bukas naman ang isa kaya sa tapat ng bukas na lang ako naupo. Ini-open ko agad ang google chrome para mag-log in sa social media account ko. Pero bumungad sa 'kin ang isang account na hindi nai-log out. Tristan Arena ang pangalan na nakita ko sa bandang itaas. Hindi naman ako pakialamera kaya naisip ko na i-log out ito agad bago pa ako matukso na mag-scroll sa hindi ko naman feed. Pero bago ko i-click ang log out ay napadpad ang tingin ko sa profile picture no'ng may-ari ng account. Maliit lang ito at hindi ko masyadong makita kaya kinailangan ko pang i-click mismo ang pangalan niya. Then I was stunned for a few moments when I found out who owned this account. It was him. 'Yong nagtulak kanina sa pinto. And an evil grin formed into my lips nang maisip kong sa wakas ay makakaganti na 'ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD