1. Fist Day of School

2606 Words
Sandrynne's POV Maaga akong gumayak dahil first day of school. Medyo excited ako dahil sa wakas ay college na 'ko. Ang kapatid ko naman na si John Reb ay first year high school. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay agad na akong lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdan papunta sa dining area. Doon ay inabutan ko ang parents ko— Aimee at Charlie Delos Angeles. At si Reb na sa tingin ko ay kasisimula pa lang mag-breakfast. "Good morning, anak," mom greeted me first with a smile. Sobrang ganda talaga ng mama ko, mana sa 'kin. "Buti bumaba ka na, kanina pa kita pinapagising kay Manang Josie, ayaw mo raw bumangon," dagdag ni mommy. She's 39 at mukhang bagets na bagets. Marami ngang nagsasabi na para lang daw kaming magkapatid at hindi mag-ina. Si dad naman ay 40 at mukhang binata lang. Ewan ko ba pero siguro dahil na rin sa maginhawa ang buhay namin kaya para silang hindi tumatanda. Lumapit ako at humalik sa pisngi ni mommy at pati na rin kay daddy bago ako tuluyang maupo sa tabi ni Reb. Habang kumakain kami ay kinakausap ako ni mommy about sa course na kinuha ko, which is Business Administration. She knew na hindi 'yon ang hilig ko. Noon pa man, during my high school days, nabanggit ko na sa kanila na gusto kong maging isang Fashion Designer or kaya naman magkaroon ng sarili kong beauty brand— kahit ang totoo ay wala naman akong hilig mag-ayos. Hindi sila umapila ro'n, instead, they told me na susuportahan nila 'ko kung saan ako masaya. Pero ang dahilan kung bakit business course ang ending ko, 'yon ay dahil kay lola. She told me na kumuha ako ng business management para raw mapakinabangan ako nila mommy sooner or later sa sarili naming kompanya. Yes, mom and dad runs an electronic company. We manufactured phones, laptop, home appliances and other gadgets. "Bakit maga ang mata mo Sandrynne? Umiyak ka ba?" Bakas sa mukha ni daddy ang pag-aalala habang pinagmamasdan ako. Dali-dali ko naman kinuha ang phone ko para tingnan ang sarili ko sa screen. At tama si dad dahil medyo namaga nga ang mata ko sa pag-iyak kagabi. "I'm okay dad. It's nothing," I said and put my phone down. Pero biglang sumabat si Reb. Sinabi niya na kaya raw namamaga ang mga mata ko ay dahil sa mga nakakaiyak na online novels na binabasa ko. Ang pangit ko na nga raw, mas lalo pa raw akong pumapangit dahil sa pag-iyak ko. Patuloy sa pang-aasar sa 'kin si Reb, while si mommy at daddy ay nangingiti lang dahil sa 'min. "Huwag kang sasabay sa 'kin, ah! Pumasok ka mag-isa!" I said in annoyance. Sa edad niyang twelve, ang tanging ambag niya lang sa buhay ko ay ang bully-hin ako. May mga oras pa nga hindi niya 'ko tinatawag na ate. Minsan Sandrynne o kaya naman ay Farrah lang ang tawag niya sa 'kin. Depende sa trip at mood niya. Ewan ko ba naman sa batang 'yan! "Sasabay ako sa ayaw at sa gusto mo," nag belat pa siya sa 'kin. "Kung ayaw mo 'kong isabay, maglakad ka." Binilisan niyang kumain dahil nakita niyang patapos na 'ko. At hindi rin ako naman ako nagpatalo kaya mas lalo ko rin binilisan ubusin ang pagkain ko. "Careful. Mabubulunan kayo n'yan," sabi ni mommy na kanina pa natatawa sa 'min. Walang sumagot isa man sa 'min ni Reb dahil nag-uunahan kami sa pag-ubos nang pagkain kahit halos mabilaukan na kami pareho. Nauna 'kong nakaubos kaya kahit hindi ko pa nababawasan ang gatas ko, agad na 'kong tumayo at humalik sa pisngi ni mommy at daddy para magpaalam. "Bye, mom. Bye, Dad!" Tumakbo agad ako para unahan si Reb sa sasakyan na ngayo'y naghihintay na sa amin sa labas. Narinig ko na rin siyang nagpaalam at hinabol ako. Hinila niya 'yong backpack ko para maunahan niya 'ko sa pagtakbo. At hindi nga siya nabigo dahil mas nauna siyang sumakay sa sasakyan at saka niya 'yon ini-lock kahit hindi pa ako nakakapasok. Nag-make face pa siya sa 'kin habang nasa loob ng sasakyan. Halatang nang-aasar. Pero ilang sandali pa ay sumunod sa 'min si nommy at daddy kaya sila na ang sumaway kay Reb para pagbuksan niya 'ko ng pinto. Pati ang driver namin na si Kuya Miguel ay natatawa na lang din sa bangayan naming dalawa. ☆゚.*・。゚ Nang maihatid kami ni Kuya Miguel ay agad kaming bumaba ng kotse ni Reb. Tumingala ako para pagmasdan ang school at namnamin ang good spirits na nararamdaman ko ngayong araw. Kailangan lagi akong nakangiti para iwas bad vibes at iwas sa masasamang espiritu. Para na rin maging maganda ang araw ko. Ngumiti ako at masayang naglakad papunta sa Business and Accountancy Building para hanapin ang classroom ko. Habang patuloy ako sa paglalakad, may mga estudyante naman na nagtatakbuhan sa gilid ko. Nang masagi nila 'ko, nalaglag ang backpack ko dahil sa isang balikat ko lang naman 'yon nakasukbit. Inis ko 'yon dinampot dahil hindi man lang sila nag-sorry sa 'kin. Pagtapat ko sa pinto ng room na hinahanap ko, which is classroom ko, may mga nagtatakbuhan na naman palabas pero naihanda ko na ang sarili ko at nakaiwas sa kanila. Hindi ko tuloy alam kung college department ba 'tong napuntahan ko o elementary department. Grabe sila magkaladyaan! Pumasok na 'ko sa loob at humanap ng bakanteng upuan. Sa bandang gitna lang may bakante kaya doon ako umupo. Maya-maya pa ay may dumating na professor. At unang kita ko pa lang sa prof na 'yon, alam ko ng istrikto siya. "Maupo na lahat!" pasigaw niyang sabi. Sumunod naman lahat, halatang natakot sa kaniya. Nagsimula na siyang magpakilala at bahagyang nagtawanan ang mga kaklase ko nang banggitin niya ang pangalan niyang Marie P. Naco. Ako man ay bahagyang napangiti noong na-gets ko 'yon. "Just call me ma'am Marie, at gusto kong ipaalam sa inyo na ang ayoko sa lahat ay ang hindi naka-uniform. I want my students to wear COMPLETE uniforms!" At dahil complete uniform ako, syempre taas-noo akong nakatingin kay ma'am Marie with a small smile on my lips. "Miss...?" tawag niya sa 'kin. "Delos Angeles po," sagot ko, medyo proud pa. "Very good, Miss Delos Angeles, complete uniform." Ngumiti ako dahil sa pamumuri niya sa 'kin. "But where's your ID?" she added, and it made me stop from smiling. Tiningnan ko 'yong dibdib ko at wala ngang ID na nakasabit sa leeg ko. Sasagot pa sana 'ko pero naagaw ang atensyon naming lahat nang may pumasok na dalawang lalaki sa room. Isang naka uniform at isang hindi. "Good morning sa inyong dalawa," mataray na sabi ni ma'am Marie. "Good morning, ma'am," magalang na sagot no'ng naka-uniform at dedma lang 'yong lalaking hindi naka-uniform. "Ikaw, Mr. San Pedro," baling ni ma'am Marie sa lalaking hindi naka-uniform. "Look at you. Are you a student or a gangster?" Napatango ako sa sinabi ni ma'am. Itsura pa lang niya mukha na siyang gangster. Imbes na uniform ay black shirt at black leather jacket ang suot niya. Naka suot din siya ng black na baseball cap, black watch with black straps, black sneakers and black crossbody bag. Maitim siguro ang budhi ng taong 'to? 'Yong ngipin niya at sclera ng mata na lang yata ang kulay puti sa kaniya. "P'wede ka ng maupo Mr. Villamor," baling ni ma'am sa isang lalaki na naka-uniform. Naglakad ito palapit sa 'kin at sa tabi ko pa naupo. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti kaya nag-smile rin ako, pero hindi niya agad inalis ang tingin niya. Biglang kumunot ang noo niya na para bang kinikilala niya 'kong mabuti. "Teka, ikaw 'yong..." hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang nagsalita si ma'am. "At ikaw naman Mr. San Pedro, p'wede ka ng lumabas. Hindi ko tinatanggap ang estudyanteng hindi marunong sumunod. First day of school tapos gan'yan ang attire mo?" Wala man lang salitang lumabas sa bibig ng lalaki at agad siyang lumabas sa room. Parang pabor pa sa kaniya na pinalabas siya. "Ikaw 'yong nahulugan ng ID, 'di ba?" Bumaling ulit ako sa lalaking katabi ko. "Ha?" Paano niya nalaman? Kinuha ko ang bag ko para i-check doon ang ID ko at nakita kong bukas ang maliit na bulsa no'n. Hindi kaya nahulog? "Nasaan ang ID ko?" I turned to him again. "Nakita mo ba?" Hindi pa siya nakakasagot nang bigla na 'kong tawagin ng teacher namin. "Miss Delos Angeles, alam mo ba ang ibig sabihin ng NO ID, NO ENTRY?" Nakataas pa ang kilay niya at nakakatakot ang mukha. Parang mangangain ng estudyante anytime. "Yes ma'am, alam ko po." "So, what are you waiting for?" she said and motioned the door for me to leave. Pero bago ako tumayo, tumingin muna 'ko sa katabi ko. Mukha kasing alam niya kung nasaan ang ID ko. "Alam mong nawawala ang ID ko, 'di ba? Kung nasa'yo, ibigay mo na sa 'kin para hindi na 'ko palabasin." Bigla siyang umiling. "Hoy, ano ba! 'Yong ID ko?" mahina pero inis kong sabi. "Wala sa 'kin. Hindi ako ang nakapulot." Natatawa siyang nag-iwas ng tingin at nag-whistle pa habang naka crossed arms. "Miss Delos Angeles?" tawag ulit ni ma'am sa 'kin. "Lalabas na po." Wala akong nagawa kun'di ang lumabas habang nakasimangot. Nang makalabas na 'ko ay agad akong naglakad patungo sa garden, 'di kalayuan sa department namin. Kaso noong malapit na 'ko ro'n, natanaw ko 'yong kaklase ko na pinalabas din ni ma'am. 'Yong mukhang gangster. May mga concrete table set sa garden kaya naman doon siya nakaupo habang busy sa pagbutingting sa kaniyang cell phone. Umatras ako para 'wag na lang sanang tumuloy, baka kasi akala niya sinundan 'ko siya ro'n. Pero biglang dumako ang tingin niya sa 'kin kaya nakita niya 'yong ginawa kong pag-atras. Napalunok ako dahil medyo natatakot ako sa kaniya. Hindi n'ya inaalis 'yong tingin niya sa 'kin. Wait, is he going to kill me with his stare? "Oppa!" biglang may sumigaw na babae kaya bumaling ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Nakita ko na may batang babae na tumatakbo palapit sa kaniya. Mas bata sa kaniya 'yong babae. Oppa? Korean ba siya? "Ano na naman?" tanong ng kaklase kong mukhang gangster sa babaeng lumapit sa kaniya. "Baon ko?" Inilahad nang batang babae ang palad niya. Kinuha naman ng kaklase ko ang wallet niya sa bulsa at inabutan ito ng pera. "Woah! Ang laki nito, oppa, saranghae!" Nag-heart sign muna 'yong batang babae bago tumalikod sa tinatawag niyang oppa at umalis. Nakita kong sa high school department siya pumunta. Ang cute at ang ganda niyang bata, 'yon nga lang mukhang may pagkamaldita. Sa tingin ko rin ay ka-edad siya ni Reb. Tuluyan na 'kong tumalikod at naglakad palayo. Lilibutin ko na lang muna siguro ang campus. Pero nakaka-ilang hakbang pa lamang ako nang bigla akong bumagsak dahil sa malakas na pagtama sa 'kin no'ng babaeng mabilis na tumatakbo. "Aray..." sabay naming reklamo habang tumatayo. Pati kasi siya ay nabuwal din. "Uso ba ang banggaan sa school na 'to?" Pinagpag ko 'yong palda at tuhod ko. Lamog na lamog na 'ko simula pa kanina dahil sa mga nakabangga ko. "Sorry! Sorry! Nagmamadali kasi ako. Sa relo ako nakatingin kaya hindi kita napansin. Sorry talaga!" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at mukha namang sincere siya. Maganda ang mukha niya at halos kasing height ko lang. Straight ang buhok niya at bahagyang namumula kapag nasisinagan ng araw. Matangos ang ilong niya at maganda rin ang mga mata. "Saan ka ba kasi pupunta at nagmamadali ka?" tanong ko sa kaniya. "Sa klase ko. Late na kasi ako at ang balita ko sobrang sungit daw ng professor namin sa first period." "Ano ba'ng course mo? At anong year ka na?" "BSBA ako. First year, block 1," sagot niya sa 'kin. Ibig sabihin magkaklase kami. "Huwag ka ng umasa na makakapasok ka." Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Bakit naman?" "May dinasaur sa room na pupuntahan mo kaya 'wag ka na lang tumuloy." "Seryoso?!" Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya. Para kasing naniwala s'ya sa sinabi ko. "Syempre niloloko lang kita. What I mean is, 'yong prof na aabutan mo ro'n parang dinasour. Nakakatakot." "Doon ka rin ba? Ibig sabihin classmate kita?" She looked excited. Tumango naman ako. "E, bakit nasa labas ka?" "Gusto kasi ng prof na 'yon complete uniform," I said and she scanned me from head to toe. "Complete uniform ka naman, ah!" "Oo. Kaso nawawala 'yong ID ko kaya pinalabas pa rin ako." "Gano'n ba? Sige, hindi na lang din ako papasok. Nga pala, anong pangalan mo?" "Sandrynne," sagot ko. "Farrah Sandrynne." "Ako naman si Honey." Inilahad niya sa 'kin ang kamay niya at agad ko naman 'yon tinanggap. "Honey Apoderado," she continued at saka siya ngumiti. Ngumiti rin naman ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan nang loob ko kay Honey. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala kahit ngayon pa lang naman kami nagkita. "Ah, sandali. May tatawagan lang ako." Nagbitaw kami ng kamay at kinuha niya ang cell phone sa bag niya. She tapped the screen several times at saka niya ito itinutok sa left ear niya. "Hello, Harris, nasaan ka?" bungad niya sa kausap. "Ha? Saan? Tapat namin? Saan ako lilingon?" Luminga-linga siya at tumingin sa lalaking nasa garden, which is 'yong kaklase ko na pinalabas din ni ma'am. Ibinaba niya ang cell phone niya at saka siya kumaway sa lalaking 'yon. "Kilala mo sya?" tanong ko. Tumango naman siya at bumaling sa 'kin. "Pinsan ko siya. Tara puntahan natin. Hindi naman tayo papasok sa first period, e. Tambay na lang din tayo ro'n," nakangiti niyang sabi. Bigla naman akong nag alinlangan. "Ha? A-ayoko. Ikaw na lang." "Bakit?" Sumimangot siya. "Nakakatakot kasi 'yong pinsan mo." "Natatakot ka sa kan'ya? Grabe ka naman!" natawa siya nang bahagya. "Bakit? Totoo namang nakakatakot siya." "Hindi siya nakakatakot. Gan'yan lang talaga 'yan pero mabait naman siya. Lalo na kapag tulog," she joked. "Halika, ipapakilala kita." Hinawakan niya 'ko sa kamay at hinila kaya wala akong nagawa kun'di ang sumunod sa paglakad niya. Nang makalapit na kami sa pinsan niyang lalaki, agad niya 'kong ipinakilala. "Harris, this is my new friend, Farrah San-" bumaling siya sa 'kin saglit, "...dra?" she tilted her head in confusion. "Sandrynne," pagtatama ko. "Oh, Sandrynne. Sorry," she smiled sheepishly. "Ito naman si Harris, magpinsan kami. Magkapatid ang mommy namin," she explained and I nodded. "Hindi ba kayo magsha-shakehands?" Hindi sumagot si Harris kaya hindi rin ako kumibo. Nakatingin lang siya sa 'kin nang walang ka-emo-emosyon. At kahit wala akong nakikitang emosyon, natatakot ako sa mga mata niya. And I don't know why. Honey cleared her throat to break the silence. Pero biglang tumayo si Harris at naglakad palayo sa 'min. Naiwan naman kaming nakatanaw sa kaniya habang papalayo. Napailing si Honey habang bumubulong tungkol sa ugali niya. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsigaw ni Reb sa 'di kalayuan. "Farrah!" Pareho kaming napalingon ni Honey sa direksyon kung saan nanggaling 'yong boses niya. Naglalakad siya palapit sa 'min. Teka nga, Farrah? Farrah lang? "Bakit?" tanong ko no'ng makalapit siya. Hindi pa siya nakakasagot nang biglang dumating 'yong batang babae na lumapit kanina kay Harris. "Nasa'n si kuya?" tanong niya kay Honey sabay baling kay Reb at saka ito umirap. "Bakit?" sabay naming tanong ni Honey habang siya ay nakatingin sa batang babae at ako naman ay kay Reb. Nagkasabay naman sa pagsagot ang dalawa. "Tawag ka ni ma'am," ang sagot ni Reb sa 'kin. "Tawag siya ni ma'am," ang naging sagot naman ng batang babae kay Honey. Napaisip naman ako. Tawag kami? Kami ni Harris? Pero bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD