Sandrynne's POV
Nakasakay kami ni lola sa kotse pero hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pagkatapos niya akong makita na hinahabol si Harris, tinawag niya 'ko at pinasakay na lang bigla sa sasakyan.
"Kumilos ka nang tama sa eskwelahan. College ka na pero nakikipag-habulan ka pa!" sermon niya sa 'kin. Hindi ako nakasagot. Nahihiya akong magsalita at i-explain sa kaniya ang nangyari kung bakit ko hinahabol si Harris.
Noong nasa food court kasi kami at inabot ni Harris ang cell phone niya para kuhanin ang number ko, hindi ako pumayag. Kaya ang ginawa niya, kinuha niya 'yong cell phone ko na nakapatong lang sa table at saka niya hinanap 'yong number ko. Pero nang akmang kukuhanin ko na sa kaniya 'yon, bigla na lang siyang tumakbo. No choice ako kun'di ang habulin siya. Hanggang sa nakarating kami sa main gate. Hindi ko naman alam na nasa main gate pala ang sasakyan ni lola at nakasilip siya sa bintana kaya nakita niya 'ko— kami ni Harris na naghahabulan. Iba tuloy ang pumasok sa isip niya.
Huminto ang kotse ni lola sa parking lot ng isang malaking beauty salon. Bumaba siya kaya bumaba rin ako. Ang driver namin na si Kuya Miguel ang naiwan sa sasakyan. Hindi niya sinabing sumunod ako sa kaniya sa loob pero 'yon ang ginawa ko.
Pagpasok ko sa loob nagulat ako dahil naroon si Pitchie. Nakaupo siya sa leather couch sa gilid. Hindi siya nagsalita at kumunot lang 'yong noo niya nang makita niya rin ako.
Narinig ko naman si lola na kausap ang isang babae na staff ng salon. Mukhang magpapaayos yata siya ng buhok.
Naglakad ako palapit kay Pitchie at naupo sa katapat na couch. "Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko ba makikipagkita ka sa mommy mo?" tanong ko sa kaniya. 'Yon kasi ang sabi niya bago siya umalis sa food court.
Hindi niya 'ko sinagot. Sa halip, nagbuklat lang siya ng magazine.
Nabaling naman ang tingin ko sa isang babaeng naka-rest ang ulo sa shampoo sink at binabanlawan ng isang staff ang buhok niya. Posible kayang 'yon ang mommy niya?
Biglang may lumapit sa 'kin na isang babaeng nakasuot ng uniform sa salon. Nakatayo siya sa gilid ko. "Bakit po?" tiningala ko siya.
"Sabi po ng lola niyo i-treatment daw po natin ang buhok n'yo."
"Ha?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngunit hindi na siya sumagot kaya sumunod na lang ako sa kaniya.
Ano naman kaya ang nakain ni lola? Ito kasi ang first time na makasama ko siya at first time na isinama niya ako sa salon.
Habang nakababad ang buhok ko sa gamot, foot spa naman ang sunod na ginawa sa akin. At hindi ko maiwasang mapangiti dahil katabi ko si lola at siya pa ang nagdala sa 'kin dito na hindi ko naman inaasahang gagawin niya. Pakiramdam ko tuloy may sanib ni lola. Baka hindi siya 'tong kasama ko ngayon. Pero ayos lang sa 'kin. Ang tagal kong pinangarap na makapag-bonding man lang kami. At ngayon ang araw na natupad 'yon.
Tristan's POV
Kanina pa 'ko nakatitig sa screen ng cell phone ko at nag-iisip kung tatawagan ko ba si Sandrynne o hindi. Noong una, sobrang eager ako na mahanap siya dahil sa kahihiyan na ginawa niya sa social media account ko.
"Bakla ako mga 'tol." 'Yan ang ipinost niya na sa tuwing maaalala ko ay parang gusto kong lapirutin ang pagmumukha niya. Pero nang makita ko na siya habang nagpapakilala ako sa harapan, parang bigla kong naalala si Mia. At noong makatabi ko siya nang malapitan. I felt something strange. It's as if we already met before. Pero hindi ako sigurado.
Tang*na, ano ba talaga?
Napangiti ako nang maisip kong tawagan siya at ipaalala ang kasalanan niya sa 'kin. Ilang ring pa ang lumipas bago niya ito sinagot.
"Hello?" bungad sa 'kin no'ng nasa kabilang linya. Hindi ako sumagot at pinatay ko agad 'yon dahil nabosesan ko si Harris.
Bakit nasa kaniya ang cell phone ni Sandrynne?
Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong ko kaya napailing na lang ako.
Ang totoo, dati kaming magkaibigan ng gunggong na 'yon. Simula pagkabata ay magkasama na kami. Magkaklase rin at magkasama sa mga kautuan. Pero nagalit at nanlamig siya sa 'kin ilang taon matapos mawala si Mia. Sinisisi niya kasi ako sa pagkawala nito dahil sa 'kin daw iniwan ni Honey si Mia noong araw na bago siya mawala.
Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit ako lumipat ng school. Gusto kong makita si gago at malaman kung ano'ng update sa buhay niya. At 'yon nga, nalaman ko na sobra ang ipinagbago niya. Mahilig makisangkot sa gulo—parang ako lang.
Harris POV
Kinuha ko 'yung number ni Sandrynne, hindi dahil sa kung ano pa man. Dahil 'yon sa tingin ni gagong Tristan no'ng nagpakilala siya sa harap. Tang*nang tingin 'yon, kala mong mangangain ng buhay si g*go. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang mokong na 'yon.
Dati kaming magkaibigan ng kolokoy na 'yon. Nasira lang 'yon simula no'ng nawala si Mia. Pitong taon pa lang kami noong mawala si Mia, pero trese na 'ko noong malaman ko na siya pala ang huling kasama ni Mia bago ito mawala.
Bago ako umalis noon, sa kaniya ko pa ibinilin si Mia. Na huwag niyang papabayaan. Pero t*ngina pala, kaaalis lang namin. Hindi pa natatapos ang buong isang araw, nawala na agad si Mia. G*gong 'yon! Hirap kausap.
Hawak ko ang cell phone ni Sandrynne nang bigla itong mag-ring. Ignore this person ang naka-save na pangalan at na curious ako kung sino 'yon kaya agad kong sinagot.
"Hello?" bungad ko, pero walang nagsalita mula sa kabilang linya. "Hello, sino 'to?" I asked again, but still no response.
Magtatanong pa sana ulit ako nang isa pang beses pero naputol na ang linya dahil pinatay na niya. Hindi ko na lang 'yon pinansin at hinanap ko na ang number ni Sandrynne sa sim setting niya. Pagkatapos ko itong makuha, naghanap naman ako ng ibang p'wedeng pakialaman sa cell phone niya. Nang ini-open ko ang isang social media app ay nakita kong hindi siya naka-log out.
Balak kong i-add ang sarili ko gamit ang account niya kaya sinearch ko ang sarili kong pangalan. Pero mas namangha ako nang makita kong ini-add na pala niya ako at naghihintay na lang siya ng confirmation ko.
Pitchie's POV
Nakaupo pa rin ako sa leather couch at nagbubuklat ng magazines nang bigla akong makaramdam ng pagkainip. Kinuha ko na lamang ang cell phone ko at saka ako nag-scroll sa social media account ko.
May anim na friend request ako at napatingin ako kay Sandrynne sa repleksyon nito sa salamin. Dahil 'yung kahuli-hulihan na nag-add sa 'kin ay walang iba kun'di siya.
Pinag-iisipan ko kung ia-accept ko ba siya o hindi. Kailangan ko ng valid reason kung bakit kailangan ko siyang i-accept.
Nakita niyang nakatitig ako sa kaniya nang mag-angat siya ng tingin sa salamin. Ang masama kong tingin ay ginantihan niya nang ngiti na lalo ko namang ikinainis.
Ibinalik ko sa screen ng phone ko ang tingin ko para mag-scroll sana, kaso naisipan ko siyang i-stalk. Ngunit napaawang ang bibig ko nang makita ang kaniyang post, ilang minuto pa lang ang nakalilipas.
"Oh my god..."
Sandrynne's POV
Tumayo si Pitchie at naglakad palapit sa 'kin. Iniharap niya sa mukha ko ang cell phone niya at gano'n na lang din ang gulat ko isang post gamit ang account ko. Nakapost ang picture ni Harris sa timeline ko with a caption; "This guy is to die for. He's handsome. He's awesome."
Bigla akong nataranta dahil naka-public ang post na 'yon at for sure marami na ang nakakita. At mas nagulat pa 'ko nang makita kong marami na ang nag-react do'n.
"Are you stalking my kuya?" tanong ni Pitchie, nakataas ang kilay niya. Maganda sana siya kung hindi lang siya mataray.
Pero hindi ko na pinansin ang tanong niya. "P'wede bang pahiram muna ng cell phone mo?" Kinuha ko agad 'yon sa kamay niya kahit hindi pa man siya nakakasagot.
Ini-log out ko ang account niya at ini-log in ang sa akin. Binura ko agad ang post na 'yon pero segundo pa lang ang lumipas ay naka-post na naman. Binura ko ulit 'yon pero ipinost niya ulit. At alam ko na walang ibang gagawa no'n kun'di si Harris na may hawak ngayon sa phone ko.
Nag-comment ako sa ipinost niya gamit ang account ko. Kaya ang nangyari. Post ko, comment ko, kahit na ang isa ro'n ay si Harris.
Nag-comment ako at sinabing, "Huwag mo ngang babuyin ang account ko! I-log out mo na! Right now!"
"Ayoko." Parang kumulo ang dugo ko sa reply niya.
"Nasa'n ka? Ibalik mo na sa 'kin 'yang phone ko! 'Wag mong pakialaman!"
"Narito 'ao."
"Saan?"
"Nasa puso mo. Nagkakape."
"Wala ako sa mood makipagbiruan sa'yo. I-log out mo na 'yan, ngayon na! At ano'ng sabi mo? Handsome? Awesome? Saan banda?"
"My whole being."
"You're definitely not my type!"
"You're stupid that's why you don't know what handsome is." 'Yan ang reply niya bago sumingit si Honey at nag-comment din.
"Why are you talking to yourself, Sandrynne?" Mapagkakamalan pa tuloy akong baliw ngayon ni Honey dahil sa kagagawan ng pinsan niya.
"Coz I'm crazy you know," reply ni Harris sa kaniya.
"I'm not crazy! Kapag lang nakita kita humanda ka sa 'kin!" I replied back.
"HAHAHA! Seriously, Sandrynne? What's wrong with you? Naguguluhan ako sa'yo. And what about the picture? Are you in love? Do you like him?" I was ready to type a comment para replayan si Honey but Pitchie took her phone away from me.
"Pitchie, hindi pa 'ko tapos!" Hindi na niya 'ko pinansin at bumalik na siya sa upuan niya. Gusto kong maiyak dahil malaya nang makakapag-comment ngayon si Harris gamit ang account ko kausap si Honey.
Lagot talaga siya sa 'kin!
***
Pag-uwi namin ni lola sa bahay, umakyat agad siya sa kwarto niya. Ako naman, hinarang muna ni mommy bago ako makapasok sa kwarto ko. Nakangiti siya paglapit niya sa akin.
"May nagsabi sa 'kin kanina na sinundo ka raw ng lola mo sa school. Mabuti naman at mukhang nagiging okay na siya sa'yo." Hindi maitago ang saya sa mukha ni mommy. Alam kong 'yon ang gusto niya. Gusto namin pareho.
"Hindi niya 'ko sinundo, mommy. Nagkataon lang po siguro 'yung pagpunta ni Lola sa school kanina. Sige po, akyat na po ako. Magre-review pa kasi ako," paalam ko sabay halik sa pisngi niya. Agad akong nagtungo sa kwarto ko pero nagulat ako dahil pagpasok ko sa loob, naroon si Reb. Nakahiga siya sa kama ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?" I asked him.
"'Di ba sinabi ko sa'yo na 'wag mong gugustuhin ang kuya ni Pitchie?" pagsusungit niya sa 'kin. Kinakabahan ako sa kaniya dahil baka magsumbong siya kay Lola at mapagalitan na naman ako.
Lumapit ako sa kaniya para makiusap. "Reb, 'wag mong sasabihin kila mommy ang tungkol dito, especially kay lola. Magpapaliwanang muna 'ko."
"Ano'ng ipapaliwanag mo? Na s'ya ang hangin mo? Kapag wala s'ya sa tabi mo hindi ka makakahinga?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Kinuha niya 'yong ipad niya sa kama at ipinakita sa 'kin ang isang comment gamit ang account ko, doon sa picture ni Harris na hindi naman ako ang nag-post.
"HE'S MY OXYGEN. WITHOUT HIM BESIDE ME, I WON'T BE ABLE TO BREATHE."