KABANATA 8

1936 Words
NAGSISIMULA NG KUMAIN sina Yvony at Dior at kasama nila sa mesa sina Hiro, Gael, Brittany, at Freya. Nasa harapan ni Yvony si Hiro kaya tahimik lang siya na kumakain. Maingat din niya na ibinubuka ang bibig sa tuwing susubo ng pagkain. Nahihiya lang siya na makita nito ang laki ng bibig niya. “Tigilan mo nga ang pagtitig kay Yvonne, Hiro. Kahit kamukha ka ni Daddy, hindi ako magdadalawang-isip na basagin iyang mukha mo,” pagbabanta ni Dior. Napalingon sj Yvony sa amo niya at palihim niyang sinipa ito. Naiinis lang siya sa kayabangan nito. Para bang kung sinong natapang? Natatakot naman sa ipis. “Nagseselos ka ba sa amin, Dior?” tanong ni Hiro. Napalingon si Yvony kay Hiro at nakangiti lang itong tinitigan ang amo niya. Hindi rin halata na hinahamon nito ng patigasan ang kaibigan nito. “Bakit ako magseselos?” maangas na tanong ni Dior. “Dahil mas gwapo ako sa iyo. Threaten ka?”. “Ikaw? Mas gwapo sa akin? Nanaginip ka yata, Ampon?” “Ako ang mas gwapo. Kaya ’wag na kayong mag-away,” sabi ni Gael. “Isa ka pa,” sabi ni Dior. Nilingon nito si Yvony. “Ako ang nagdala sa kanya dito. Kung may mangyaring masama sa kanya, ako ang mananagot.” Ibinaling nito ang atensiyon muli kay Hiro. “Kaya kung kati-kati ka na, ’wag mong pag-interesan ang alalay ko.” “Alalay talaga?”tanong ni Yvony sa isipan. “Grabe ka naman maka-alalay. Kung ako ikaw, I will threat her a princess. Aalagaan ko siya. Look at her? Ang sarap niyang mahalin,” sabi ni Hiro. Nilingon ni Dior si Yvony. “’Wag kang magpadala sa sinasabi ng g*gong iyan. Ganyan iyan siya sa mga bibiktimahin niya.” “Hindi ako easy girl, okay? Kaya kumalma ka na riyan. Kaya ko ang sarili ko,” sabi ni Ybony. Tiningnan muli ni Hiro ang kaibigang si Dior. “Narinig mo iyon? Kaya na raw niya ang sarili niya. Kaya kung ako sa iyo, let her be. It seems like natatakot ka sa mapalapit siya sa akin.” “Sa iyo na siya. Magsama na kayo,” sagot ni Dior. Nilingon ni Dior si Yvony “Kung may mangyari man sa iyo dahil sa ampon na iyan, labas na ako roon.” “As if naman meron? Ang oa mo rin, ’no?” irap na sabi ni Yvony. Napalingon siya kay Hiro at nakangiti lang itong tinitigan siya. Agad akong yumuko habang hindi mapigilan na mapangiti pero nawala rin iyon nang sinipa siya ni Dior sa paa. Nilingon niya ito at parang wala lang itong ginawa sa kaniya. Sa inis niya, sinipa niya ito. Napalingon sa kanya si Dior. “Ano ba!? Nakakapikon ka na.” “Sino ba ang sumip—” Napatigil siya nang may sumipa muli sa kaniya. Ang buong akala niya ay Dior ang sumipa sa kaniya. Si Hiro pala. Nilingon niya si Dior. “Sorry. Akala ko kasi ikaw ang sumipa sa paa ko.” “Totohanin ko na,” sabi ni Dior sabay sipa sa paa niya. Tinaasan siya nito ng kilay. “Okay na?” Para wala ng gulo ay mas pinili na lang niya na tumahimik at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Nang may sumipa muli sa paa niya, alam niyang si Hiro na iyon. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagkain. Pero nang ginawa nito nang paulit-ulit ang pagsipa, napalingon na siya rito. Sa pagkakataong iyon, kinindatan siya nito. Imbes na mainis siya sa ginawa nito sa kaniya at napangiti lang siya sabay yuko. “Kung ako siguro ang amo ng nag-iisang Yvony, malamang nililigawan ko na siya ngayon,” sabi ni Hiro. “Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ang amo. Pero kung alalay mo ito, masisira ang araw mo. Ang lakas ba naman ng putok,” sabi ni Dior. Napanganga si Yvony sa sinabi nito. Paglingon niya kay Dior, tinawanan lang siya nito. Alam niyang sinisimulan na naman siya nito. Para mas magalit ito ay hindi niya ibibigay ang gusto nito. Bagkus nilingon niya si Hiro. Ninanais lang niya makita kung ano ang reaksiyon nito sa sinabi ni Dior sa kaniya. “Exaggerated mo naman, Dior. I was with her a while ago and I was amazed by her scent. Gusto ko nga yakapin. Sadly, dmating ka lang na nagseselos kaya hinayaan ko na lang,” sagot ni Hiro sabay kindat sa kaniya. “Ako? Magseselos sa inyo? Kahit maghalikan pa kayo sa aking harapan ay wala akong pakialam,” sabi ni Dior. Nilingon ni Hiro si Freya sa tabi niya. “Pwede magpalit kayo ng pwesto ni Yvony.” “Dito lang ako,” giit ni Yvony. Nilingon siya ni Dior. “Doon ka. Gustong-gusto mo naman ako. Alis!” “Ang sarap mo talagang buhusan ng kumukulong mantika!” irap na sabi ni Yvony sabay tayo. Wala namang nagawa si Yvony kung hindi ang lumipat ng puwesto sa tabi ni Hiro. Mabuti na lang ay pumayag si Freya. Sa napansin niya, mabait itong babae at hindi mahirap pakisamahan. “Ate Yvonne, sana all na lang ako sa iyo,” sabi ni Brittany. “Huwag ka ng mainggit, Bri. Nandito naman ako na nagmamahal sa iyo nang totoo,” sabi ni Gael. Napangiti si Yvony sa narinig. Sa tatlong magkakaibigan, alam niyang si Gael ang iba sa mga ito. Kahit sa pagpunta sa club, hindi ito madalas sumama. At kung sumama man, hindi ito katulad nina Dior at Hiro na panay entertain ng mga babae. Maaaring isa sa dahilan kung bakit ito ganoon ay may kasintahan ito na mahal talaga nito. Ang kinaiinisan niya sa trabaho niya, ipinapasama siya ng mga magulang ni Dior kahit saan man ito magpunta. Itinuturing talaga itong bata ng mga magulang nito. Wala man lang ideya ang mga ito kung gaano kalaswa ang ugali ni Dior. Nakikita niya tuloy ang kaibahan ng pagpapalaki ng mga magulang nito sa mga magulang niya. “Gawa na ba tayo ulit ng baby?” tanong ni Brittany. Napataas ang kilay ni Yvony at nilingon si Brittany. Hindi lang niya inaasahan ang sinabi nito sa kasintahan nito. “Palagi naman natin iyon ginagawa, ’di ba?” sagot ni Gael. Nagsitayuan ang mga balahibo niya. Hindi lang siya sanay na makirinig ng ganoon sa magkasintahan. Parang sinabi lang din ng mga ito na may nangyari na sa kanila. Bilang isang babae, hindi iyon maganda pakinggan. “’Wag kayong ganyan. May baby rito,” sabi ni Hiro sabay akbay sa kaniya. Nilingon niya ito. “Baby ka riyan.” “Bagay kayo. Parehong basura,” sabi ni Dior. “Nagsalita ang bulok,” irap na sagot ni Yvony. “Ouch. Ang harsh niyon, baby. Huwag naman sanang sobrang totoo,” pang-aasar ni Hiro sa kaibigan. Napabuntonghininga na lang si Dior at hindi na sumagot pa. Napalingon siya kay Hiro habang hindi mapigilan na matawa. Natutuwa lang siya na napipikon ito sa kanila. Minuto ang lumipas, nagsimula ng uminom ang mga kasamahan nila maliban sa kanilang dalawa ni Freya. Sa pagkakataong iyon, magkatabi na silang dalawa habang hindi mapigilan na magkuwentuhan tungkol sa kanilang buhay. Unti-unti na niya itong nakikilala at masasabi niya na may pagkapareho silang dalawa. Nakuha na niya rin ang sagot kung bakit magaan ang pakiramdam niya rito. “Ate, paano mo na-maintain ang grades mo? Feeling ko, hindi ko makakayanan iyon until the end,” sabi ni Freya. Hinawakan niya ang kamay nito. “Feeling mo lang iyon. Ganyan din ako noon. Pero para sa pamilya ko, I gave my very best. Iniisip ko talaga na scholor pa nga ako pero nahihirapan na ang parents ko. Paano na lang kaya kung matanggal ang scholarship ko, ’di ba? With that, pinapatatag ang loob ko na mag galingan pa talaga.” “Sana may ganyan din akong fighting spirit, Ate.” “Para sa pangarap. Laban!” “Kung wala kang scholar, kaya kang pag-aralin ng parents mo?” “Hindi ko rin masasabi, Ate. Hindi naman kami totally na naghihirap talaga. May work naman ang mommy at daddy ko. Kaso apat din kaming magkakapatid at lahat ng iyon sa private school nag-aaral.” “Apat din pala kayo? Pareho pala tayo. Pero actually, tatlo lang kami talagang magkakapatid. Lahat babae. At iyong bunso namin, pinsan ko lang dapat iyon. Pero dahil mabuting tao ang mga magulang ko, inampon nila ito at itinuring na parang amin na talaga.” “Ampon lang si Ylo?” pagsali ni Dior sa usapan nila. Napalingon siya rito. Nang makita niyang may nakadikit na dumi sa mukha nito ay tinanggal niya iyon nang walang ilang na nararamdaman. “Hindi ko pala nasabi? Oo. Ampon lang ang bunso namin pero magkapatid kami sa papel.” “Alam niya?” “Of course. Kaya kapag sinusungitan ka ng batang iyon, pagpasensiyahan mo na. Mahal lang talaga kami ng batang iyon kaya siya ganoon ka protective sa amin. Lalo na sa akin.” Napatango ito. “Amazing. Wala siyang galit sa real parents niya?” “Wala. Bata pa lang iyon ay pinapaintindi na nina Mama at Papa kung bakit nagawa iyon ng mga magulang nito. Pero alam mo, hindi na rin naman siya naghahanap ng totoong pagmamahal sa pamilya dahil sa amin pa lang ay busog na siya. Mas mahal ko pa iyon sa sarili ko,” sabi ni Yvony. Nagsimula ng nangilid ang luha sa mga mata niya nang maalala ang kapatid. “Bakit ka ba umiiyak? Ang oa mo naman,” sabi ni Dior. Inabutan siya nito ng alak. “Isang beses lang para mawala iyang lungkot mo.” Napabuntonghininga si Yvony. “Ayaw ko nga.” Nilingon na niya muli si Freya at pinunasan nito ang luha sa mga mata niya. Napangiti itong tinitigan siya. “Mahal mo talaga ang kapatid mo, Ate. Ang swerte niya na magkaroon siya ng Ate na katulad mo,” sabi ni Freya. Napangiti siya. “Mas maswerte ako roon.” “Bakit ka napaiyak, Ate? Naalala mo siya? Miss mo na siya?” Napatango ako. “Napipilitan lang kasi akong mapalayo sa kanila dahil kailangan. Baby boy ko iyon dati pero ngayon naiinis na kapag nilalambing. Pero I know, na mahal na mahal niya ako.” Napatawa si Freya. “Naiilang iyan sila, Ate. Actually, ganyan din ang only boy namin. Noong sumapit na sa thirteen? Ewan ko na lang.” “Part of puberty! Kainis. Pero meron namang iba na hindi nagbabago, ’di ba? Nakapipikon lang kung bakit nasali ang kapatid ko sa nagbago. Noon, panay halik at biglang nangyayakap. Ngayon, kahit man lang salitang I love you ay mahirap ng bigkasin.” Napahawak sa tiyan si Freya habang walang tigil sa katatawa. “Ramdam na ramdam ko ang gigil mo, Ate. Pero I know, matatanggap mo rin iyan soon.” “Sana nga.” Oras ang lumipas, ang ingay na ni Dior kaya napataas na lang ang kilay niya rito. Sa tingin niya ay natamaan na ito ng espirito ng alak. Napalingon siya kay Hiro at kabaliktaran ito ng amo niya. Ang tahimik nito. Inakbayan siya ni Dior. “Alagaan mo ako mamaya sa kwarto, ha? Bihisan mo ako.” “Ano ka? Bata?” “’Wag mo nga akong sagutin ng ganyan. Kapag ako nainis? Hahalikan na talaga kita.” “As if kaya mo? Basura ako di—” Nanlaki ang mga mata niya nang biglang idinampi ni Dior ang labi nito sa labi niya. Ninanais niyang itulak ito palayo sa kaniya pero hindi niya magawa. Hindi niya magalaw ang katawan niya. Para siyang naparalisa. “What the...” ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD