PROLOGUE
NANATILING KALMADO SI Yvony sa loob ng kaniyang itim na limousine. Hinihintay niya ang hudyat na puwede na siyang lumabas doon. Hindi niya maipagkakaila na nababagot na siya nang kunti sa kaniyang kinauupuan. Ngunit hindi naman siya dismayado dahil inaasahan niya na rin iyon. May kamalayan na siya sa tinatawag na “filipino time” ng mga Pilipino. Katulad na lamang na ala una ang napag-usapan, pero alas dos o alas dos y media pa iyon magsisimula.
“Bunso, may extra ka pang tubig diyan?” tanong ni Yvony kay Ylo. Naubos niya na iyong sa kaniya.
Napatango ito sabay lingon sa kaniya at saka inabot ang bottled water. “Ito.”
Tinanggap niya na iyon. “Thanks. Wala man lang Ate? Ang istrikto talaga. Pwede naman sigurong magsalita ka? Hindi ka ipinalaki ni Mama para maging pipi, right?”
Napabuntonghininga lang ito at hindi na sumagot sa kaniya. Napairap na lang siya sa ugali nito nang may kunting inis sa sarili niya. Para bang hindi pa siya sanay rito? Kung tutuusin ay sinanay na siya nito na ganoon talaga lagi ito.
Habang iniinom na niya ang tubig ay napalingon siya kina Dessa at Geno na gumagawa ng ingay sa likuran niya. Napatigil ang mga ito sa ginagawa at halatang naiilang sa mga titig niya.
“Continue. . . okay lang sa akin na maging sweet kayo sa isa’t isa dahil part iyon sa relasyon. Pero paalala lang bilang kaibigan ninyo, ’wag na ’wag lang kayo rito gumawa ng bata. Nagkakaintindihan ba tayo?” Nanatili siyang kalmado habang pinapaalala iyon sa dalawa.
“Hinding-hindi iyon mangyayari, Mrs. Yvony Gimalas Consunji. Grabe ka sa amin ni Geno, ha?” mungkahi ni Dessa.
Napataas ang kilay niya. “Sinusubukan mo talaga ako?”
Napangiti nang malapad si Dessa. “Kalma. Ito na. . . Yvony Gimalas at wala ng Consunji.”
Muli niyang tinaasan ng kilay ang kaibigan bago umayos ng upo. Iidlip na sana siya pero umilaw ang cell phone niya na nasa tabi niya. Senyales iyon na may natanggap siyang mensahe. Pagbukas niya ng kaniyang cell phone, napangiti siya sa mensaheng bumungad sa kaniya.
[+63915*****95: The meeting is about to start.]
Kinuha na niya ang salamin sa kaniyang bag at tiningnan ang sarili. Hindi nagtagal, napairap na lang siya sabay ngiti sa ganda niya. Masaya lang siya na sa wakas ay mangyayari na ang pinakahinihintay niya. Nasasabik na siyang ipakita ang bagong siya sa mga taong ang baba ng tingin sa kaniya.
“Handa ka na ba talaga, Ate?” tanong ni Ylo.
Napatikom ang bibig niya. “Nagsasalita ka pala, bunso? Good to know.”
“Yvonne, iyon na ba ang signal?” tanong ni Dessa. Hindi na maitago ang kaba at pananabik sa mukha nito.
“Yup. Let’s go,” maawtoridad na sabi niya.
Paglabas niya ng sasakyan, unang bumungad sa kaniya ang tirik ng araw at ang kulay bughaw na kalangitan. Napangiti naman siya sa katotohanang kahit ang panahon ay umayon din sa kaniya. Kaya malakas ang kutob niya na magiging maganda ang resulta nang muling pagpapakita niya.
Pinaggitnaan na siya nina Dessa at Geno. Nilingon niya si Geno kaya ibinuklat na nito ang payong niya at pinayungan siya. Sa pagkakataong iyon, nagsimula na silang humakbang patungo sa kumpanya ng kaniyang dating asawa. Taas noo siyang naglalakad habang hindi maitago ang pananabik sa mukha niya. Nanggigigil na siya.
Nang nasa pasukan na sila ng kumpanya...
“Sinu-sino kayo? Ang bilin ng aming boss ay hindi magpapapasok kung walang appointment sa kanila,” sabi ng guard.
Sasagot na sana si Yvony rito pero hindi niya nagawa nang makitang itinapat ni Dessa ang cell phone nito sa guard. May pagtataka sa mukha niya kung ano ang ginagawa nito. Nang hahakbang na sana siya para silipin iyon ay bigla nitong itinapat sa kaniya ang cell phone nito. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang mapataas na lang ang kilay. Ang ipinakita ng kaibigan niya sa guard ay ang larawan nila ng kaniyang asawa nang ikinasal sila. Nang narinig niya ang pagtawa ni Geno sa gilid niya ay siniko niya ito. Naririndi siya tawa nito.
“So ano, Manong Guard? Papasukin mo ba kami?” tanong ni Dessa.
“Asawa ka naman pala ni Boss, Ma’am. Pasensiya na. Pumasok na kayo,” magalang na sabi ng guard.
Napangiti si Yvony. “Thank you.”
Nang malaya na silang nakapasok ay dumiretso na sila sa kung saan matatagpuan ang opisina ng mga board members. Alam niya iyon sapagkat dinala na siya noon ng kaniyang asawa. Habang naglalakad, panay dasal ang kaibigan niya sa gilid kaya napataas na lang ang kilay niya.
“There is nothing wrong with praying, Dessa. But in this kind of situation ay hindi ko kailangan iyan.” Huminto siya sa paglalakad at nilingon ito. “Walang p*****n na mangyayari, okay? I am here para magpakilala na hindi na ako ang dating ako at ipamukha sa kanila na kaya ko na silang tapatan.”
Napabuntonghininga si Dessa sabay ngiti. “Higitan.”
Napangiti siya sa sagot nito. “Thank you.”
Natapos niyang masabi iyon ay muli ng bumalik sa dati ang awra ng itsura niya. Iyong mukhang sumisigaw na may kapangyarihan na rin siya at hindi na siya mahirap. Para sa kaniya, hindi niya sasayangin ang oras ng pagbabalik niya.
Muli na silang humakbang at wala man lang kaba sa mukha niya. Hanggang sa nasa tapat na sila ng pinto kung saan nagtitipon ang lahat ng mga board members ng kumpanya.
“Sigurado ka bang ayaw mong magpasama sa loob?” nag-aalalang tanong ni Dessa.
“Kaya ko,” sagot niya sabay bukas ng pinto.
Pagpasok niya sa loob, sumalubong sa kaniya ang kakaibang titig ng mga tao. Lahat ay gulat maliban na lang sa isa na binilhan niya ng kalahati ng shares nito sa kumpanya. Paglingon niya sa kaniyang asawa, napataas ang kilay niya. At nang magtama ang mga mata nila, napangiti siya. Hindi niya lang lubos maisip kung bakit niya iniyakan ang isang basura.
“Why are you here?” tanong ng kaniyang biyenan. Makikita sa mga mata nito ang pagkagulat.
“As far as I remember, we have a meeting,” matapang na sagot niya.
“Yvonne,” sambit ni Dior.
“Lumabas ka rito! You don’t belong here!” sigaw ng biyenan niya. Nanlilisik na ang mga mata nito sa galit.
“Wearing these luxury dress and jewelries na mas mahal pa sa buhay ninyo ay papalabasin ninyo lang ako? Common, Mrs. Consunji! Character development naman diyan,” natatawa niyang sabi.
“Sagutin mo ako. Why are you here? You are not welcome here. Hinahabol mo pa rin ba ang yaman ng anak ko? Hindi ka pa nadala? O baka—”
“Tinatakot mo ako? Pagbabantaan mo ang buhay ko?” Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. “Just you know, hindi na ako ang dating Yvony na kilala ninyo.”
Hinawi niya ang kaniyang buhok sabay kindat dito. “Kung gusto mo ng sagot kung bakit ako nandito. Maybe you should ask your brother Fernando.” Nilingon niya ang ginoo. “Uncle, explain everything to her. Ayaw ko namang magtrabaho rito na wala siyang ideya kung bakit ako nandito.”
“Ibinenta ko ang kalahati ng shares ko kay Yvony, Ate,” sagot ni Fernando.
“What a disgrace!” sigaw ni Dawn sa labis na inis.
Nilingon ni Yvony ang biyenan. “Have a class, Mrs. Consunji. Sayang iyong gold mo sa leeg kung makasigaw ka ay daig mo pa ang tindera na walang benta sa palengke.”
“Shut up! I said---shut up!” gigil na sigaw nito sa kaniya.
Nagkibit balikat siya. “Okay.”
Ibibigay niya na sana ang atensiyon sa magkapatid pero napatigil siya nang hinablot siya bigla ng asawa niya. Sinubukan niyang kumawala sa higpit ng hawak nito sa braso niya pero wala siyang lakas.
“Bitawan mo ako,” maawtoridad na sabi niya.
Hindi ito sumagot hanggang sa makalabas sila. Nang bahagyang susugod si Geno para iligtas siya ay sinenyasan niya ito na huwag ng lumapit. Sa titig niya rito, parang sinabi niya na rin dito na kaya niya ito.
Nang tumigil sa paglalakad si Dior, nagawa na niya ang pinakamatagal na niyang gustong gawin dito. Sinampal niya ito nang ilang beses hanggang sa magsawa siya. Inilabas niya lang lahat ng galit niya rito.
“Sige! Sampalin mo pa ako! Kung diyan ka masaya, gawin mo!” sigaw nito sa kaniya.
Nagsimula ng nangilid ang luha sa mga mata niya. “Nagmana ka talaga sa ina mo. Wala man lang pinagbago ang ugali mo. Ikaw na ikaw pa rin iyan! Ang Dior Consunji na feeling main character s***h manipulative sad boy s***h walang bayag!”
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero bakit ka ba nandito? Feeling mo siguro ay babalikan pa kita? Ginamit mo ba ang katawan mo para mabili ang shares ni Uncle? Ganoon ka ba ka desperada, Yvonne? Tandaan mo, yumaman ka man ay hindi magbabagong ikaw pa rin ang naging alalay ko.”
Muli niyang sinampal ito. “Yes, I was once your maid and I am proud of it. But to be honest, I considered it as one of my big achievements in my f*cking life. Akalain mo? Natiis kong pakisamahan ang isang demonyo?”
“Minahal mo naman. Maybe until now? It’s obvious. Sa gwapong kong ito?”
Napangiti siya. “Dream on, Dior. Nandito ako sa harapan mo para ipakita sa inyo na kaya ko kayong higitan.”
“At anong gagawin mo? Pababagsakin mo ang kumpanya namin? Gusto mong makita na mahihirapan kami ni Mom? Ganoon ba iyon?”
“What kind of mindset is that, Dior? Saan iyan nanggaling? Sa ina mo? O sa amo mo?”
“Nanahimik na ang ama ko kaya matuto kang rumespeto,” gigil na sabi nito sa kaniya.
Inayos niya ang sintido nito at marahan na hinaplos ang dibdib nito. “Sa iyo talaga nanggaling ang salitang respeto? Paalala lang, you disrespected my womanhood.” Tumingala siya rito sabay tulo ng mga butil ng luha sa mga mata niya. “Ipinagkait mo lang naman sa akin ang maging ina sa mga anak natin. Tandaan mo ito, Dior, magkamatayan man ay babawiin ko ang mga anak ko! Kukunin ko sila sa iyo—sa inyo!”
~~~