“AKALA KO BA kaya mo akong ipaglaban?” tanong ni Yvony.
Nasa loob na ng sasakyan ni Dior si Yvony pero hindi pa rin makapag-move on sa nangyari sa sala. Iyong pakiramdam na gusto niyang ipagtanggol ang sarili niya pero wala siyang nagawa. Paano niya magagawa ang gusto niya kung titig pa lang ni Dawn ay nasisindak na siya?
“May sinabi ba ako? Ano kita? Girlfriend,” pabalang na sagot nito.
“Wala kang sinabi. Pero umaasa ako kasi ikaw naman ang may gusto nito. Ang sabi rin ni Demi, ikaw na ang bahala. Pero noong dumating ka, may ginawa ka nga, isang kasinungalingan naman. Bakit hindi mo na lang sinabi ang totoo.”
“Matalino ka, ’di ba? Nag-iisip ka ba? Kung sinabi ko ang totoo, sa tingin mo ay nandito na tayo sa sasakyan?”
“Ewan ko sa iyo!” irap na sabi ni Yvony sabay lingon sa labas ng bintana.
“Pwede bang tumahimik ka na lang? Ang ganda mo pa naman sana.”
Napangiti si Yvony sa sinabi nito pero itinago niya iyon at baka tuksuhin niya. Pero nang naramdaman niyang may mukhang malapit sa kaniya, agad niyang inilayo ang mukha niya at nilingon ito. Sa pagkakataong iyon, nakatitig sa kaniya si Dior. Itinulak niya ito para mailayo sa kaniya.
“Ano ba!” singhal niya.
“Kinikilig ka sa joke ko, ’no?”
Hindi na siya sumagot at tumagilid na lang. Ibinaling na lang niya ang kaniyang tingin sa labas ng sasakyan. Ang buong akala niya ay totoo na ang sinabi nito. Naniwala pa naman siya.
“Tara na nga. Nagmamadali ka, ’di ba?” paalala ni Yvony.
“Gaano ba kahalaga sa iyo ang honesty ko about your looks today?” tanong ni Dior.
“Wala. Wala ka namang credibility, e. As I have said, gwapo ka lang. Iyon lang.”
“Pero nakita kitang napangiti sa reflection ng mirror noong sinabihan kitang maganda. Oy, si Yvonne, umaasa.”
Napatawa siyang nilingon ito. Pagkatapos, pinaghahampas niya ang balikat nito. Humahalakhak na lang din si Dior sa pinaggagawa niya. Mabuti na lang hindi ito napikon sa pagiging sadista niya rito.
“Oo na. Sino ba ang hindi matutuwa? Alam mo, kasi kaming mga babae, kahit sino pa iyan, masabihan lang kaming maganda, natutuwa na kami. Ganoon lang iyon, okay?”
“Pero seryoso, ang ganda mo.”
Napangiti siya. “Hindi na ako maniniwala. Ayaw ko ng umasa.”
Napatawa lang si Dior sabay andar ng sasakyan nito. Habang siya ay nakasimangot lang sa gilid nito. Sa isipan niya, mahirap bang sabihin na maganda siya? Hindi rin halata na mukhang kulang din siya ng atensiyon dito.
“Good decision.”
Isinandal na lang niya ang ulo niya sa bintana ng sasakyan habang hinihintay na dumating sila sa mansion ng mga Gozon. Kahit paano, nasasabik din siya dumalo ng pagdiriwang na hindi siya tagalinis o tagaligpit ng mga kalat. Ganoon kasi ang trabaho niya sa mansion ng mga Consunji sa tuwing may pangyayari roon. Aminado siya na nanabik siya roon, pero hindi niya maitatanggi na nahihiya rin siya lalo pa at alam niya na ang amo lang niya ang imbitado. Isinama lang siya nito tapos ang ganda pa ng kasuotan niya.
“’Wag kang mahiya roon, ha?” biglang sabi ni Dior.
Nilingon niya ito. “Salamat sa paalala. Opo, hindi po.”
“’Wag kang lapit nang lapit kay Hiro at baka uuwi ka ng pilay.”
“Bakit mo ba sinisiraan ang kaibigan mo?”
“Hindi ako naninira. Nagpapaalala lang ako sa iyo. Kaibigan ako. Kung sino man ang mas nakilala sa kaibigan ko, kami iyon ni Gael. Kaya ikaw. . . binabalaan kita.”
“And do you think na ang dali ko lang kunin? For your information, kahit crush ko pa si Hiro Gabriel Guidotti, may prinsipyo ako, ’no? Iyang s*x na habit ninyong magbabarkada? After marriage lang dapat iyan ginagawa, e! Pero inaraw-araw ninyo na! Mahiya naman kayo sa Diyos. Naturingan pa namang katoliko!” irap na sabi ni Ybony.
“Amen.”
“Pwede bang ’wag mong idamay ang Diyos kapag pinagsasabihan mo ako? Paano ako makakalaban niyan?”
Natawa siya. “Kilala mo ako. Kung ano ang gusto kong sabihin, sasabihin ko.”
“Sana lahat Yvony.”
Insinandal na lalng ni Yvony ang likuran niya sa upuan at huminga nang malalim. Ninanais lang niya na gumaan ang pakiramdam niya. Kinakabahan lang siya sa mga posibleng mangyayari roon sa mansion ng mga Gozon. Nakaramdam tuloy siya ng pagsisisi kung bakit sumama pa siya rito. Dapat hinayaan na lang niya si Dior sa binabalak nitong gawin sa kaniya.
Minuto ang lumipas, dumating na sila sa mansion ng mga Gozon. Katulad ng inaasahan niya, isang magandang venue ang nadatnan niya. Nakuha na niya ang sagot kung bakit pinagbihis siya ng magarang kasuotan ni Dior. Kung isang t-shirt at jeans ang suot niya sa pagpunta roon ay malamang pinagtitinginan na siya ng mga tao.
Naunang maglakad si Dior sa kaniya at parang buntot lang siya nito. Kung saan ito, roon siya. Nagsisimulang namang bumilis ang t***k ng punso niya nang makarating na sila kung nasaan ang mga kaibigan nito. Palihim niyang tiningnan si Hiro at hindi niya mapigilan na mapangiti. Para sa kaniya, ito ang may mas malakas na karisma. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya alam kung bakit nakikita niya si Dior dito. Para sa kaniya, may hawig nang kunti talaga ang mga ito sa isa’t isa.
Sa napag-alam niya, kahit si Dior ay may kamalayan na may hawig nang kunti ito sa kaibigang si Hiro. Pero mas masasabi niya na mas may hawig talaga si Hiro sa ama at lolo ni Dior. Hindi na niya naubutan ang lolo ni Dior pero nakikita niya ang larawan nito sa mansion. Hindi niya maitatanggi na parang pinagbiyak na bunga ang mga ito. Ang ikinatutuwa niya, mas magkamukha pa si Hiro sa ama at lolo ni Dior kaysa rito na kadugo talaga.
Napalingon si Hiro sa kaniya kaya agad siyang umiwas ng tingin. Nagsitayuan naman ang mga balahibo niya nang maramdamang nakatingin sa kaniya ito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nahihiya siya rito.
Hinawakan niya ang braso ni Dior kaya napatingin ito sa kaniya. Nagtatakang itong tiningnan siya pero hindi na niya hinayaan na magtanong ito. Ang ginawa niya, humakbang ng isang beses para pumantay siya rito. Pagkatapos, kumapit siya sa braso nito na daig pa ang babaeng linta. Kahit ayaw niyang gawin iyon, wala na siyang ibang naisip na puwedeng gawin para mawala ang atensiyon ni Hiro sa kaniya.
“Why?” bulong ni Dior.
“Si Hiro. . . tinitingnan ako,” pag-amin niya.
Inakbayan siya nito. “Okay. You are safe with me.”
Mas nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan niya. Hindi niya maipagkakaila mas may kakaibang epekto sa kaniya ang sinabi ni Dior kumpara sa titig sa kaniya ni Hiro. Masasabi niya na parang binigyan na siya ng kasiguraduhan na ligtas siya sa piling ng isang demonyo.
“Wala bang thank you?” tanong ni Dior.
“Thank you. Masaya ka na?”
Kinurot nito ang braso niya kaya napangiwi ang mukha niya. Sa inis niya, siniko niya ito pero hindi man lang natablan. Iba rin ang lakas na meron ito.
“Gael, dahil request mong dalhin ko si Yvony. She’s with me. Ano ba ang nakain mo kung bakit inimbita mo pa ito?”
Napataas na lang ang kilay ni Yvony sa sinabi nito. Para sa kaniya, hindi talaga uso sa bibig ni Dior ang magpigil. Parang sasakyan ito na walang preno. Wala itong pakialam sa mararamdaman niya sa sasabihin nito.
“Hi, Yvonne,” bati ni Gael.
“Hello,” nahihiyang sagot ni Yvony.
“Hey! Sagutin mo iyong tanong ko. Bakit gusto mong dalhin ko si Yvonne rito. Napagastos tuloy ako,” sabi ni Dior.
Muling napataas ang kilay ni Yvony sa sinabi ni Dior. Kung tutuusin, dapat nasanay na siya rito. Napabuntonghininga na lang siya. Natutuwa na sana siya na makadalo ng ganoon ka prestihiyosong pagdiriwang pero sinira rin iyon agad ng amo niyang walang pakialam sa mga salitang lumalabas sa bibig nito.
“Magtatapos na tayo this year or I must say this coming july. April na ngayon. Hindi mo pa ba ipapakilala si Yvony kay Hiro?” sabi ni Gael.
Nanlaki ang mga mata ni Yvony. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Gael. Nahihiya siya na ewan. Hindi niya alam ang gagawin.
“G*go! Kung si Hiro na lang man din. Aangkinin ko na lang itong si Yvony,” sabi ni Dior.
Siniko niya ang binata. “Anong pinagsasabi mo riyan? Mas gugustuhin ko pang mamatay nang maaga kaysa maging sa iyo.”
“Hindi ka type ni Yvony. Ang matatalino, para sa matatalino,” sabi ni Gael.
“Excuse me? Sinasabi mo bang b*bo ako?” napipikon na tanong ni Dior.
“Wala akong sinabi. Ano ba, Dior. ’Wag ka naman maramot sa kaibigan natin. Ipapakilala lang naman. Kung hindi mag-work, at least we try.” Nilingon ako ni Gael. “Okay lang ba sa iyo, Yvonne?”
Nilingon ko si Hiro at hindi ko mapigilang kabahan. “What do you mean ba?”
“Ayusin mo nga iyang pananalita mo! Hindi ka conyo. Bruha ka!” inis na sabi ni Dior.
Napatawa sina Gael at Hiro sa sinabi ni Dior. Sa inis ni Yvony, umalis muna siya sandali at nagpakalayo sa mga ito. Wala na siyang pakialam kung wala siyang kakilala sa loob ng venue. Ang mahalaga para sa kaniya, makalayo sa mga ito at baka pagtitripan lang siya.
Nang nasa isang sulok na siya ng venue, napatingin na siya nang mapayapa sa mga nagtanghal. Masasabi niya na mas mabuti pa lang magpakalayo sa amo niya. Mas makapagpokus pa siya sa tinintingnan niya.
Habang tahimik lang siya sa sulok, napatingin siya sa dalawang babae na nag-uusap na pamilyar na sa kaniya ang mga mukha. Sa tingin niya, matalik na magkaibigan ang mga ito. Tahimik lang ang isa at ang isa naman ay puno ng enerhiya.
Napalingon sa kaniya ang tahimik na babae at inalayan siya ng isang ngiti. Ginantihan niya rin ito ng ngiti pero agad iyon nawala nang napalingon sa kaniya ang babaeng puno ng enerhiya. Tinitigan siya nito habang nakataas ang kilay. Ang sigurado siya, hindi siya nito tinatarayan. Pero parang may kakaiba sa titig nito sa kaniya. Maaaring namumukhaan din siya nito.
“You!” sabi nito. “Freya, lapitan nga natin siya.”
Pagdating ng dalawang babae sa tapat niya, napatingin lang sa kaniya ang tahimik na babae habang ang isa ay tinitigan pa rin siya nang mabuti.
“You look familiar. Ikaw ba iyong girl na laging kasama ni Kuya Dior? Anyways, I’m Brittany.” Inabot nito ang kamay niya sa kaniya.
Tinanggap niya ang kamay ni Brittany. “Yvony pala. Yes, ako iyon. Schoolmate tayo, right?”
“Yup. I’m Gael’s only woman,” sabi ni Brittany.
“Oh, so you are his girlfriend. Nice to meet you.”
“Nice to meet you, too. Ano ka pala ni Kuya Dior? Ang laki kasi ng school natin. Magkaiba rin tayo ng department kaya siguro hindi tayo nagkikita.”
“Personal maid niya ako.”
“W-What? Ang ganda mo para maging maid lang ng hambog na iyon,” sabi nito.
Napangiti siya. “Kailangan, e.”
“Okay lang iyan. Maganda ka pa rin naman. Wala ka bang kasama? Sa amin ka na lang ni Freya. So kung batchmate kayo ni Gael, Ate ka pala namin ni Freya.” Niyakap nito ang braso ng kaibigan. “Magpakilala ka naman, Freya. Pasensiyahan mo na ang best friend ko, Ate. Tahimik lang talaga iyan.”
“Hi, Ate Yvony. Ako pala si Freya,” pagpapakilala nito.
“Hello. Anong year na kayong dalawa?”
“Second year college,” sagot ni Freya.
“Saang department?”
“Sa Mass communication department,” sagot ni Freya.
“Kaya pala hindi tayo nagkikita. Malayo pala talaga sa area namin,” sagot ni Yvony.
“Yup. Pero sa ngayon, dahil nandito na tayo. Sa amin ka na lang sumama. Bakit ka ba nag-iisa?” tanong ni Britanny.
“Tinutukso ako kay Hiro. Naiilang ako,” pag-amin ni Yvony.
Napangiti si Brittany. “Ayaw mo? Pero bet naman, ah? Super pogi.”
“Hindi ako sanay. I’m not comfortable pa. Hindi kasi kami close. Tapos biglang gusto akong ipapakilala ni Gael kay Hiro kanina. Para bang tinutukso niya kaming dalawa.”
“Gosh! My man pala ang salarin. Pero bagay rin naman kayo. Parehong gwapo at maganda.”
“Tinutukso ko rin si Freya kina Kuya Hiro at Kuya Dior pero ayaw niya rin. Plot twist—boyfriend niya talaga ang bet ko.”
Napatawa si Brittany sa sariling sinabi habang napakunot-noo lang ang kaibigan nito. Hindi naman niya mapigilan na mapataas ang kilay sa biro nito. Para sa kaniya, nakaiilang iyon para kay Freya.
Hinawakan ni Brittany ang kamay niya at isinama siya nito sa mesa kung saan nakaupo ang mga ito. Pagkaupo nila, iginiya niya ang kaniyang tingin sa paligid hanggang sa napatigil ito nang biglang bumungad sa harapan niya si Hiro. Napasigaw siya sa gulat kaya napalingon sa kaniya ang lahat ng mga tao.
“Sorry sa disturbo. Magugulatin kasi ang iniibig ko,” sabi ni Hiro sa mga tao.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib at marahan na hinimas iyon. Hindi niya maitanggi na grabe ang epekto sa puso niya ang ginawa nito.
“Hi,” sabi ni Hiro.
“Mag-hello ka na, Ate Yvony. Deserve mo iyan,” sabi ni Brittany.
Napalingon si Yvony sa kinatatayuan ni Dior at nakita niyang pinakitaan siya nito ng kamao. Para mas mainis ito sa kaniya, bilang ganti na rin sa ginawa nito sa kaniya, pinansin niya si Hiro kahit parang mamatay na siya sa bilis ng t***k ng puso niya.
Napatitig siya rito at nararamdaman na niya ang biglang pag-init ng mukha niya. Hindi niya masikmura ang kaguwapuhan nito. Nanghihina siya.
“Hello,” sagot ni Yvony sabay yuko. Hindi na niya kaya ang kaguwapuhan nito.
“Are you shy, baby girl?” tanong nito na may halong panglalandi.
Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa buong katawan. Hindi lang niya napaghandaan ang sasabihin nito. Sa isipan niya, tunay nga na makamandag ito. Sa natural na boses pa lang nito, nakapapanghina na ng katawan.
“Look at me, baby girl,” sabi nito sa kaniya.
Napangiti siya sabay tingin kina Freya at Brittany. Tinakpan pa niya ng kalahating kamay ang mukha niya. Ayaw niya na makita ni Hiro na kinikilig siya rito.
“Tulong! Hindi ko na kaya! Mamatay na ako!” sabi ni Yvony nang walang tunog.
“Kuya Hiro, bakit ka nandito? Ate is not comfortable with you,” sabi ni Brittany.
“Kaya nga ako nandito para maging kumportable siya. Sasanayin ko siya,” sabi ni Hiro.
Napangiti si Freya kaya napataas ang kilay niya. Mukhang kinikilig pa ito sa kanilang dalawa ni Hiro. Nag-iisip na siya kung ano ang gagawin niya para makaalis sa kinauupuan niya. Aminado siya na hindi na niya kaya na nasa tabi niya ang binata.
“Crush mo raw ako?” tanong ni Hiro.
Nanlaki ang mga mata niya at agad na nilingon ito. “Hindi, ha. Hindi kita type.”
“Hindi naman pala. So harapin mo ako.”
“Doon ka na nga. For girls only lang ito.”
Hinawakan nito ang kamay niya kaya nanigas ang buong katawan niya. Para siyang naparalisa. Hindi siya makagalaw. Sa pagkakataong iyon, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang titigan lang ang kamay nito na hinahawakan ang kamay niya.
“Baby girl, matitiis mo ba ako?” tanong ni Hiro.
“Tumahimik ka nga,” suway ni Yvony.
“Okay, mahal.”
“Ano ba, Hiro. Kainis ka! Naiilang na ako,” sabi ni Yvony.
“Mas maganda ka pala sa inaakala ko. Pwede bang makilala ka pa?”
Napalingon siya kina Brittany at Freya habang nagpipigil sa kaniyang kilig. Hindi lang niya alam kung ano isasagot dito. Basta ang sigurado siya, labis ang saya niya.
“Hiro, pati ba naman si Yvony? Umalis ka na nga riyan,” maawtoridad na sabi ni Dior.
“Relax, Dior. Nakikipagkaibigan lang,” sagot ni Hiro.
“Kilala ko ang kaluluwa mo. Kaya leave her alone.”
Napatayo si Hiro. “Fine. Ang damot naman.”
“Shut up!”
“Goodbye, baby girl,” sabi ni Hiro sabay kurot sa pisngi niya.
Nang nawala na si Hiro, agad siyang hinila ni Dior. Pagkatapos, dinala siya nito kung nasaan ang mga pagkain. Napatingin siya sa paligid at napataas na lang ang kilay niya nang makitang hindi pa nagsisimulang kumain.
“Mamaya na, Dior. Hindi pa nga nagsisimulang kumain. Nakahihiya,” sabi ni Yvony.
“At sinong nagsabing kakain ka? Mag-serve ka ng pagkain,” sabi ni Dior.
Nanlaki ang mga mata ni Yvony. “S-Seryoso?”
Napatawa si Dior. “Biro lang. Dito ka muna, kukuha lang ako ng ice cream.”
Hinampas ko ito. “Grabe ka! Kinakabahan pa naman ako.”
“Mapanakit ka talaga, ’no? Pero kadiri ka kanina, ah? Kilig na kilig kay Hiro. Ang cheap lang.”
“Nakita mo?”
“Of course. Pero mas gwapo pa ako roon.”
“Iyon lang. Mas gwapo. Pero anong next na ipagmamayabang mo? Wala na. Kasi gwapo ka lang.”
Pinitik nito ang noo niya. “Ang sakit mong magsalita.”
“Nagsalita.”
Umalis na si Dior at kumuha ng ice. Tinitingnan niya lang ito. Isa sa napapansin niya sa amo niya, malakas talaga itong kumain. Mabuti na lang mabilis din ang metabolismo nito. Kung nagkataon na mahina, lumubo na siguro ang katawan nito.
Nang nakakuha na si Dior ng ice cream, nauna na itong maglakad at sumunod lang siya rito. Umupo si Dior sa pinakadulong mesa at tumabi lang siya rito. Napalingon siya sa kinatatayuan ni Hiro nang napansin niyang nakatingin ito sa kanila. Kinawayan siya nito kaya napatango na lang siya habang hindi mapigilan na mapangiti.
“Tinitingnan ako ni Hiro,” sumbong ni Yvony.
“’Wag mo na lang pansinin. Malamang ikaw ang next target niya. Nagpakita ka kasi ng motibo kaya hindi iyan titigil hanggang sa hindi ka magalaw,” sabi ni Dior.
“Ang galing, ha? Gawain mo siguro.”
Sinipa siya nito. “’Wag ka ng palasagot diyan. Tinutulungan na nga kita.”
Sasagot na sana siya pero hindi niya nagawa nang may kutsara na bumungad sa harapan niya. Napalingon siya rito. Nagtataka lang siya kung bakit siya nito sinusubuan.
“Bakit?” tanong niya.
“’Wag ka ng matanong at kainin mo na,” sabi nito.
Ibinuka na niya ang kaniyang bibig at kinain na lang iyong inabot ni Dior sa kaniya. Habang nginunguya ang ice cream sa bibig niya, labis lang ang pagtataka niya sa ginagawa nito sa kaniya.
“Iinom ka mamaya?” tanong ni Dior.
“Never.”
“Inom tayo. Ako ang bahala sa iyo.”
“No way. Alam mo ba ang mangyayari kapag nalasing ang isang tao? Mawawala sa tamang pag-iisip. At kung mangyari iyon, may posibilidad na mawala ako at ayaw kong mangyari iyon.”
“Aalagaan nga kita.”
“Lalaki ka at hindi ko kayang ipagkatiwala ang sarili ko sa iyo.”
“Hindi ka masarap.”
“Sinabi mo lang iyan dahil hindi mo pa ako nakitang nakahubad,” irap na sabi niya rito.
Napatawa ito sabay akbay sa kaniya. “Ayaw mo talaga magpatira sa akin, ah? Iba ka talaga.”
“Hindi mo magagawa iyon sa akin. Kilala kita.”
“Paano mo nasabi?”
“Baka nakalimutan mo noong panahong binastos ako sa club? Halos patayin mo na iyong lalaking iyon. Kaya alam ko, na hindi mo hahayaan ang sarili mo na bastusin ako. Kaya nga ako sumama sa iyo rito dahil may tiwala ako sa iyo.”..
“Hindi ka sure.”
“Sure ako.”
Napangiti na lang siya nang maalala noong panahong nagalit si Dior nang may bumastos sa kaniya sa club. Nakapasok lang naman siya roon dahil din dito. Sa isipan niya, ayaw ni Dior na binabastos siya ng iba dahil gusto nito na ito lang ang gagawa nito sa kaniya. Pero kampante pa rin naman siya rito dahil alam niya na hanggang salita lang ito.
~~~