PAGDATING NI YVONY sa bahay ng mga Consunji ay walang tigil pa rin siya sa paghagulgol. Hindi niya inaasahan na darating ang araw na tuluyan na talaga silang mag-aaway ni Dior. Sino ba ang hindi magagalit dito? Sinisiraan nito ang lalaking mahal niya nang hindi iniisip kung ano ang mararamdaman niya. Ayaw niyang pagsabihan ito ng mga masasakit na salita pero hindi niya napigilan ang sarili niya nang sumabog na talaga siya. Nasaktan din siya sa katotohanan na iniwan talaga siya ni Dior. Mabuti na lang ay naawa sa kaniya si Gael at ihinatid siya pauwi. Nakatitipid pa rin siya ng pamasahe. Nang nasa pathway na si Yvony papasok sa loob ng mansion, kinakabahan na siya. Hindi lang niya alam kung ano ang sasabihin sa oras na magkita silang dalawa ni Dior sa loob. Hindi niya maitatanggi na nahih