WALANG TIGIL SA kaiiyak si Yvony habang nakasandal sa balikat ni Dior. Nasa isang bangin sila sa gilid ng kalsada dahil doon siya dinala ni Dior. Nakaupo lang sila sa damuhan habang tinatanaw ang ganda ng buong siyudad. Ang sabi nito sa kaniya, isigaw lang niya ang lahat ng galit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Uto-uto naman siyang ginawa iyon kaya sumakit ang lalamunan niya. Imbes na puso lang ang masakit sa kaniya, nadagdagan pa tuloy. Hindi niya maitatanggi na hindi niya araw ang araw na iyon. Dalawang pangyayari lang naman ang hindi niya malilimutan na nangyari sa kaniya. Una, sinaktan siya ni Dawn. Pangalawa, nahuli niyang niloko siya ng lalaking iniibig niya. Masakit para sa kaniya ang lahat kaya hindi niya mapigilan na mapahagulgol. “Iiyak mo lang iyan. Nandito lang naman ak