KABANATA 6

3907 Words
“A-AKO? BASTOS? MAY tama ka. Infairness.” Nakangiting tinitingnan ni Dior mula ulo hanggang sa paa si Yvony. “Bagay sa iyo ang suot mo. Sige na at magbihis ka na. Aalis na tayo.” Ibinaling nito ang tingin sa sales lady. “’Wag mong kalimutan ang acceasories niya.” “Yes, sir,” sagot ng sales lady. Nilingon nito si Yvony. “Okay ka lang, Ma’am?” Napatango si Yvony. “Oo. Sige na at magbibihis na muna ako.” Habang nagbibihis na si Yvony, binilisan na niya. Nararamdaman lang niya na gusto ng umuwi ng amo niya. Kilala niya ito bilang demonyo, ayaw nito na pinaghihintay. Ilang beses na rin siya nitong iniwan sa paghihintay nito sa kaniya. Paano ba hindi na siya matatagalan? Nililinis pa niya ang magulonv kuwarto nito bago umalis. Paglabas niya sa ng fitting room, inabot niya ang dress sa cashier. Napataas ang kilay niya nang pinakitaan siya nito ng n****e pad. “Hindi ko iyan kailangan iyan,” sabi ni Yvony. “Nope. Ito dapat ang pares sa backless dress mo, Ma’am. Anyways, instead of necklace, bracelet na lang ang ipinalit ko. Panget kasi tingnan ang necklace sa turtleneck. Hindi bagay,” sabi ng sales lady. “Sige. Salamat,” sabi ni Yvony. “Ang sapatos pa pala. Sumunod ka sa akin, Ma’am.” Nagmamadaling tumungo sa mga lalagyan ng sapatos ang sales lady. Natataranta namang sumunod si Yvony rito. Natatakot lang siya na baka mapuno na si Dior sa labis na tagal nila. Apurado pa namang tao iyon. “Mas maganda kung black o silver ang piliin mo, Ma’am, para bagay sa lahat ng gulay.” Napatango si Yvony sabay kuha ng black na sapatos na may takong na apat na pulgada. Mahaba ang takong na iyon para sa kaniya pero sa tingin niya ay kaya niyang dalhin iyon. Hindi naman siya iyong tipo na babae na kailanman hindi pa nakasuot ng ganoon. Nakasali rin naman siya ng pageant sa tuwing itramurals nila noong high school. “Bilis,” apuradong sabi ni Dior. “Maghintay nga. Pinapakaba mo ako. As if naman gusto ko sumama sa iyo, ’di ba? Ikaw lang naman itong ng blackmail sa akin.” “Ang dami mong sinasabi. Deserve mong saksakin sa bibig ng t*ti,” sabi nito sa kaniya. Napatingin siya sa mga sales lady sa loob ng store at napatawa lang ang mga ito sa sinabi ng amo niya. Napailing siya. Para sa kaniya, parang hindi babae ang mga ito. Baka exempted sa mga ito si Dior dahil gwapo. Mabuti na lang iyong sales lady na nag-asikaso sa kaniya ay iba sa mga kasama nito. Hindi ito tumawa at halatang hindi nagustuhan ang ugali ng amo niya. Nang nabayaran na ang lahat pinamili nila, kinuha na niya iyon at agad na umalis. Hindi rin halata na nagmamadali ang amo niya. “Dior, salamat dito. Pwede ko ba ito ibenta pagkatapos?” sabi ni Yvony. “Patay gutom ka ba? Alam mo ba ang halaga niyan? Mahal pa iyan sa buhay mo. Kaya ang dapat na gawin mo, itago iyan.” “Biro lang nga. Iniinis lang kita. Nagmamadali ka kasi.” “Ayaw kong mahuli, okay? Magbibihis pa ako at papaayusan pa kita kay Demitrica.” “Nababaliw ka ba? Alam mo namang pinaglihi iyon sa sama ng loob. Hindi ko nga iyon makakausap nang maayos tapos papaayusan mo pa ako sa kanya?” reklamo ni Yvony. “Mabait ang kapatid ko. Mukha lang iyong mataray,” sabi ni Dior. “Mabait siya para sa iyo kasi kwento mo iyan.” “Pwede bang tumahimik ka na lang kung wala kang magandang sasabihin sa pamilya ko. Kahit galit ka sa kanila, pamilya ko pa rin iyon,” giit nito. Hindi na siya sumagot at napangiti na lang. Masaya lang siya sa katotohanang may pakialam pa rin talaga ito sa pamilya nito kahit mukha lang itong walang pakialam. Napagdesisyunan niyang huwag munang pakuluin ang ulo nito kaya ititikom na muna niya ang kaniyang bibig hanggang sa dumating sila sa mansion ng Consunji. Oras ang lumipas, dumating na sila sa mansion ng Consunji. Agad dumiretso si Yvony sa maid’s quarter kung saan siya nakatira. Pagdating niya roon, agad siyang pumasok sa kuwarto niya na hindi gaano kalakihan. Siya lang ang mag-isa room kaya wala siyang reklamo. Ang mahalaga sa kaniya, may sarili rin siyang banyo kaya hindi na niya kailangan pa na lumabas kung gusto niyang gumamit. “Yvonne,” sambit ni Dior mula sa labas ng kuwarto niya. “Ano?” “Bilisan mo. Plantsahin mo itong susuotin ko,” sabi nito. “Ngayon ko na lang gagawin,” sabi niya. “Mamaya na,” sagot nito. Napataas ang kilay niya. “Mamaya na nang nakasuot na ako dress? Iba rin.” Tumungo na siya sa pintuan. Pagdating niya roon, agad niyang binuksan iyon. Nanlaki naman ang mga mata niya nang nakasuot lang ito ng bathrobe. Mukhang handa na talaga itong maligo. “Ano? Takam na takam ka naman? Trabaho muna bago landi,” sabi nito. Tinulak niya ito. “Feeling mo. As if naman ang sarap-sarap mo. Wala la sa crush mo.” “Madumi na iyon,” anito. “Parang ikaw lang din.” Paglabas nila sa ispasyo ng quarters, hindi na sumagot-sagot si Yvony sa amo niya. Natatakot lang siya na baka marinig pa siya ng mga magulang nito. Kung mangyari iyon, malalagot siya. Alam niya kung gaano kamahal ng mga ito si Dior. Nang nasa hagdan na sila, pasimple siyang nakatingin sa sala. Lahat ay abala sa mga gawain nito. Nasa isang lugar lang ang mga ito pero parang hindi nagsasama. Pagdating nila sa tatlong palapag kung saan matatagpuan ang kuwarto ni Dior, napabuntonghininga na siya. Masaya lang siya na walang ni isa sa mga pamilya nito ang nakatingin sa kanila. Hindi niya maipagkakaila na nawawala niya ang angas sa mga ito. Masasabi niya na iba talaga ang mga presensiya ng mga ito. Pagdating niya sa kuwarto ni Dior, agad na siyang tumungo sa damit nito na nagkalat sa kama. Tatlong pares iyon at hindi niya alam kung saan ang paplantsahin niya. “Saan diyan? Tatlo iyan?” sabi ni Yvony. “Hindi pa ako nakapag-decide. Lahat na lang plantsahin mo,” sabi nito. Napataas ang kilay niya. “Hey, Mr. Dior Consunji! Pinagmamadali mo ako tapos tatlong piraso ang paplantsahin ko? Nababaliw ka ba? Pumili ka ng isa, okay?” “Malaki ang sahod mo rito. Parang t*ti ko. Kaya ikaw, ’wag ka ng pumalag sa mga pinag-uutos ko,” sabi nito. “Kailangan ako nagrereklamo, aber? Ngayon lang dahil pinagmamadali mo ako. It takes time itong pinapagawa mo sa akin. Kung ayaw mong pumili, ako na ang pumili na sa tingin ko ay bagay sa iyo.” Napaupo sa sofa si Dior sabay de kuwatro. “Wow! Powerful.” “Ano ba? Itong navy blue lang. Bagay ito sa iyo. As I have observed, mas guwapo ka in dark colors. Black, navy blue, dark green, red, at iba pa. Gosh! Iba talaga ang nagagawa ng gwapo. Gwapo lang.” Napangiti si Dior. “Binobola mo ako, ah? Pero okay. Pagbibigyan kita ngayon. Iyan na lang.” “Madali ka lang naman pala kausap, e.” “After ko maligo, blowjob mo ako.” “Ew!” Tinaasan niya ito ng kilay. “Nagmamadali ka, ’di ba? Ano na? Magpapasikat ka riyan? As if naman may maglalaway sa iyo?” Hindi na sumagot si Dior sa sinabi niya at tinapunan lang siya nito ng unan. Sa awa ng Diyos, tumama iyon sa ulo niya at nayugyog nang kaunti ang anak niya. Para bang nakakita siya ng alitaptap. “Diormonyo talaga!” gigil na sabi niya. Hindi na niya ito pinansin at agad na sinimulan ang inutos nito sa kaniya. Pumasok na rin sa banyo ito kaya binilisan niya ang ginagawa. Ayaw niya na maunahan siya nitong matapos. Isa sa iniiwasan niya ay ang makita itong nakatapis lang ng tuwalya. Alam niya na kung mangyayari iyon, pagtitripan lang siya nito. Sa awa ng Diyos, natapos na niya ang pinagawa sa kaniya. Inilagay na niya ito sa towel at saka umalis nang walang paalam. Habang papababa na siya ng hagdan, nagsisimula ng manginig ang mga tuhod niya nang makasasalamuha niya sa daan si Dawn. Malayo pa ang pagitan nila pero nakikita na niya ang matalas na titig nito sa kaniya. Nang magtapat na sila ni Dawn, agad siyang huminto. Napayuko lang siya habang binabati ito. Hinihintay lang niya na umalis ito bago siya magpapatuloy sa paghakbang pababa. “Pinagpawisan ka yata? Malalaman ko lang na nilalandi mo ang anak ko. Humanda ka sa akin,” sabi ni Dawn. Naririnig niya sa boses nito ang pagbabanta. “Namamalantsa lang po. ’Wag po kayong mag-aalala, Ma’am. Hindi ko po type ang anak ninyo.” “Mabuti kung ganoon. Again, know your place.” Napatango si Yvony. “Yes po.” Nang humakbang na papunta sa itaas si Dawn, napabuntonghininga na lang si Yvony at nagpatuloy na sa paghakbang pababa. Hindi niya maipagkakaila na nakasisindak talaga ang ugali ng ginang. Sa tingin niya, kung magkagusto si Dior sa katulad niya ang estado ang buhay, malalagot talaga ang babaeng iyon. Alam niya na ang pamilya talaga ni Dior ang unang papalag. Pagdating ni Yvony sa kuwarto niya, kunwari hinampas niya ang pinto. Doon niya lang ilalabas ang galit niya kay Dawn. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang galit nito sa kaniya. Hindi lang pala sa kaniya. Kung hindi sa buong kasama nila sa mansion maliban sa pamilya nito. Para bang ipinanganak ito para maging kontrabida sa lahat. “Feeling mo naman na magugustuhan ko ang anak mo!? Kahit mahirap ako, hindi ako nangangarap na lalaking may maganda ngang itsura, baluktot naman ang ugali! Isaksak mo sa singit iyang anak mo!” gigil na sabi ni Yvony sa isipan niya. Sa inis niya, pumunta na siya para maligo. Ninanais lang niya na malamigan ang kaniyang ulo. Kahit masama ang ugali ni Dior, aminado siya na matitiis pa niya ito kumpara sa mga magulang nito na ang pakla talaga ng mga ugali. Ganoon siguro kapag nagsasama ang dalawang tao na walang pagmamahal sa isa’t isa. Ni minsan hindi niya nakitang sweet ang mga ito sa isa’t isa. Nang natapos si Yvony, agad niyang pinunasan ang katawan niya. Kinuha na rin niya iyong n****e pad na freebies sa biniling damit ni Dior para sa kaniya. Iyon ang kauna-unahang beses na gagamit siya ng ganoon pero malawak ang kaisipan niya kung paano ilagay iyon. Kahit hindi siya kumportable na magsuot ng ganoon, wala siyang nagawa kung hindi ang ilagay na iyon sa n****e niya. Napatakbo siya sa tapat ng salamin at tiningnan ang hubo at hubad na katawan sa salamin. Napatawa siya nang makita ang sariling dibdib na tanging n****e pad lang ang suot imbes na bra. Bumalik na siya sa kama niya at sinuot ang panty na inutang pa niya sa kasama niya sa mansion. Nagtitinda kasi ito ng mga produkto ng; Ivon, Notosho, at Fersona Collections. Kulay rosas na salawal ang isinuot niya at sinapawan lang niya ito ng nude na cycling shorts. Natapos niyang maglagay ng perfume sa katawan, agad na niyang isinuot ang dress na binili ni Dior para sa kaniya. Napangiti siya nang muling makita ang sarili na suot iyon. Hindi niya maitatanggi na bagay sa kaniya iyon. Isinuot na rin niya ang bracelet sa kamay niya at ang hikas sa tenga niya. Pagkatapos, kinuha na niya ang sapatos sa kahon at isinuot iyon. Pagtayo niya sa kama, sinubukan niyang rumampa. Napangiti siya nang magaling pa rin siya magdala ng sapatos kahit gaano pa kahaba ang takong niyon. Muli siyang humarap sa salamin. “Sino ka? Ang ganda mo today.” Hinawakan niya ang mukha niya. Hindi lang niya mapigilan na puriin ang sarili niya. Mas gaganda pa pala siya kung mabihisan ng mamahalin na kasuotan. Nasasabik na tuloy siyang makapagtapos at maging chemist. Kung may sarili na siyang pera, puwede na niyang mabili ang mga gusto niyang bilhin. “Yvonne, ang bagal mo!” sigaw ni Dior mula sa labas ng kuwarto niya. “Hintay.” “Bilisan mo. Papagandahin pa kita kay Demitrica.” “Maganda na ako,” sagot niya. “Yabangan mo ako kung totoo. Sisirain ko itong pinto o lalabas ka na?” “Lalabas na! Napakaapurado mo!” Nandadabog akong patungo sa pintuan ng kuwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, napatingin sa akin si Dior mula ulo hanggang sa paa. Mukhang nasa dugo na talaga nila ang tumingin mula ulo hanggang sa paa. “Good. Tao ka na,” sabi nito. Nauna ng maglakad si Dior at sumunod lang siya rito. Paglabas nila ng pasilyo, napatingin sa kaniya ang mga kasamahan niya sa mansion. Tinakpan niya ang mukha niya. Nahihiya lang siya sa mga ito. “Ang ganda mo, Yvonne!” sabi ng isa sa kasamahan niya. Tinanggal na niya ang kamay sa mukha niya at nilingon na ito. “Salamat, Manang.” “Saan kayo?” mahinang tanong nito. Kahit walang tunog, naiintindihan niya pa rin iyon. “Birthday party,” sagot ni Yvony. Napatango ang kausap niya. “Ingat.” Napatango lang siya rito. Habang naglalakad, napasigaw na lang siya nang huminto si Dior at nauntog ang ulo niya sa likuran nito. “Ang tanga mo,” sabi ni Dior. “Sorry na. Kung makatanga ito. Alert ka habang-buhay?” irap na sabi ni Yvony. “Demi!” sigaw ni Dior. “Ano!?” sigaw rin ni Demitrica. Nagsitayuan na ang mga balahibo ni Yvony. Hindi niya alam kung makakayanan ba niya na ayusan siya ni Demitrica. Hindi pa nga nito alam kung ano ang ipapagawa ng kapatid nito ay galit na. Paano na lang kaya kung malaman nitong uutusan ito para sa kaniya? “Bilis!” sigaw ni Dior. “’Wag mo namang sigawan. Pwede naman siguro magsalita nang mainahon?” sabi ni Yvony. “Disturbo ka alam mo ba iyon!” sigaw ni Demitrica habang papalapit sa kanila. Napalingon ito sa kaniya at napairap. “Ayusan mo si Yvonne,” maawtoridad na utos ni Dior. Napalingon si Demitrica sa kaniya. “Hell no.” “May gwapo siyang kapatid. Bagay kayo.” Napakunot ang noo ni Yvony. Ginawa ba namang bala ang kapatid niyang si Ylo. Kahit mahirap ang kapatid niya, alam niyang hindi iyon magiging interesado kay Demitrica kahit ubod pa ito ng ganda. Napangiti si Demitrica. “Madali akong kausap. Gwapo ba talaga?” “Kilala mo ako. Standard mo iyon.” “Okay.” Nilingon nito si Yvony. “Halika sa kwarto.” “Gaano iyan katagal?” tanong ni Dior. “Depende sa level ng mukha. Dahil maganda si Ate Yvonne, one hour!” sagot ni Demitrica. “One hour!” gulat na sabi ni Dior. “Ikaw na kaya mag-ayos? At ako na ang magulat. Pero mas mabuti sigurong samahan mo ako. Ikaw na lang mag-blower ng buhok ni Ate nang mas mapadali,” ani Demitrica. Napabuntonghininga si Dior. “Oo na.” Pagdating nila sa kuwarto ni Demitrica, agad siyang pinaupo nito sa tapat ng salamin. Pagkatapos, kinuha na nito ang blower at itinuro kay Dior kung paano iyon gamitin. “Sana gets mo, Kuya,” irap na sabi ni Demitrica. “Magsisimula na ako, Ate. Nag-toothbrush ka na ba? Allergic pa naman ako sa mga mababaho ang bibig,” sabi ni Demitrica. Napangiti si Yvony. “Of course.” “For my safety, bibigyan kita ng menthol. Don’t take it as offensive thing, ha? Naninigurado lang ako,” sabi ni Demitrica. Tinanggap ni Yvony ang menthol at inilagay sa bibig. Nang nakita iyon ni Demitrica, sinimulan na siya nitong lagyan ng mga kaartehan sa mukha. Habang si Dior, walang ganang itinoon ang blower sa buhok niya. “Kuya, ayusin mo naman. Hawakan mo ang buhok ni Ate nang mas mapabilis. ’Wag mong sabihing maarte ka rin katulad ko? As if naman wala akong alam na tinira ninyo nang sabay ni Kuya Hiro ang mga kaibigan ko,” irap na sabi ni Demitrica. Sa inis ni Dior, sa mukha ng kapatid nito itinoon ang blower. Napasigaw si Demitrica sa ginawa nito. “Kailangan mo ba talaga iyang sabihin sa harap ni Yvonne? G*go ka ba!?” sigaw ni Dior. “Mas maganda nga iyon ng aware siya para hindi ka niya magugustuhan,” sagot ni Demitrica. “Alam ko na ang mga kababuyan niya, Demi. No need to worry,” sabi ni Yvony. “Pero bakit gusto mo pa rin si Hiro? Kahit alam mong pareho kaming dalawa?” tanong ni Dior. “Gusto mo si Kuya Hiro, Ate? ’Wag naman sa red flag. Kung malaswa si Kuya, mas malaswa iyon,” sabi ni Demitrica. “Sumusobra na iyang bibig mo,” sabi ni Dior sabay blower sa bibig ni Demitrica. Napasigaw lang si Demitrica kaya napatawa lang si Yvony sa kinauupuan niya. Sa tingin niya, matatagalan pa sila sa pag-aayos dahil naglalaro pa ang dalawa. Minsan niya lang nakikita ang mga ito na ganoon kaya hindi niya mapigilan na mapangiti. Minuto ang lumipas, napatitig lang si Yvony sa itsura niya nang malapit ng matapos si Demitrica na ayusan siya. Sa totoo lang, hindi niya na makilala ang sarili niya. Parang nagbago ang katauhan niya. Lalo na nilagyan pa nito ng contact lens ang mga mata niya. Hindi niya mapigilan na mamangha sa talento na meron ito. Napatigin siya kay Dior na nasa likuran niya. Nakikita niya ito sa salamin. Ang sama ng titig nito sa kaniya. Para bang may kasalan siya rito. “Wala ka bang lalagyan ng cell phone, Ate? Bibitbitin mo lang ba iyang mumurahin mong phone?” tanong ni Demitrica. Napatango siya. “Oo.” “Gosh! Ang sakit mo sa head.” Umalis sandali si Demitrica at tumungo sa closet nito. Pagkatapos, may kinuha ito. Pagbalik nito, may dala na itong handbag na ang tanging kasya lang ay panyo, wallet, at cell phone. “Gamitin mo muna iyan,” sabi ni Demitrica. “Baka makita ng Mommy mo at mapagalitan pa ako,” nag-aalalang sabi ni Yvony. “Si Kuya na ang bahala diyan,” sabi nito. Nang natapos na si Demitrica sa mukha niya, buhok na naman niya ang inasikaso nito. Ang sabi nito sa kaniya, pony tail lang ang gagawin nito sa kaniya habang ikukulot ang dulo niyon. “Bilisan mo na, Demi, hindi naman gaganda iyan,” sabi ni Dior. Napataas na lang ang kilay ni Yvony. Iyong pakiramdam niya sa kaniyang sarili na ang ganda-ganda na niya pero may isang tao pupukaw sa ilusyon niya. Ano ba ang maaasahan niya rito? Wala naman talaga itong magandang sasabihin sa kaniya. “Bulag-bulagan lang o hindi mo maamin? Kung panget talaga ito si Ate para sa iyo, hindi mo ito isasama, ’no? Kunwari ka pa pero gusto mo lang naman siyang ipagmayabang sa mga tao roon na nakabingwit ka naman ng magandang dilag,” sabi ni Demitrica. Binatukan ni Dior ang kapatid nito at saka lumabas. Sinabi lang nito sa kanila na maghihintay ito sa labas. “Hayaan mo na iyon, Ate. Ang ganda mo kaya,” sabi ni Demitrica. “Sanay na ako sa Kuya mo,” aniya. “Mabuti. Pero gwapo ba talaga ang kapatid mo? What if niloloko ako ni Kuya? What if wala ka talagang kapatid? Babalatan talaga kita,” sabi nito sa kaniya. “Wait. Ipapakita ko sa iyo.” Kinuha ni Yvony ang cell phone niya at binuksan iyon para ipakita kay Demitrica ang itsura ng kapatid niya. Dumiretso na siya sa gallery at hinanap iyong mga larawan nilang dalawa. Pagkatapos, inabot niya kay Demitrica ang cell niya. Napangiti naman siya nang makita ang pamumula ng mukha ni Demitrica sa salamin. Ang lapad din ng ngiti nito habang tinititigan ang larawan ng kapatid niya. “Ang gwapo nga. Mukhang suplado. Bet ko, Ate,” pag-amin ni Demitrica. “Suplado iyan nang nagbinata na. Pero noong bata pa iyan, napakalambing na bata niyan,” pagkuwento ni Yvony. “Ganyan ang gusto ko sa lalaki, Ate. Iyong mahihirapan ako. I’m sure kapag makilala niya ako, hindi niya ako magugustuhan kahit pretty ako. Sa pic pa lang niya, nabasa ko na ang ugali niya,” nakangiting sabi ni Demitrica. Hindi mapigilan na mapangiti ni Yvony habang tinitingnan sa salamin si Demitrica. Natutuwa lang siya sa kakayahan nito na magbasa ng ugali sa pamamagitan ng pagtitig lang ng larawan. “Parang nga,” sabi ni Yvony. “Sana may chance na magkakilala kami.” “Hindi malabo iyan. Magkikita at magkikita kayo. Ang liit lang ng mundo.” “Ano ang name niya, Ate? Follow ko siya sa InstaGlow.” “Ylo Nathaniel Gimalas.” “What a cute name. Bagay sa kanya. I guess, pwede ka ng lumabas, Ate. Tapos na,” sabi ni Demitrica. Napatayo na si Yvony sa kinauupuan niya at muli siyang napatitig sa salamin. Natutuwa lang siya sa ayos niya. Para sa kaniya, hindi puwedeng wala siyang kuha na litrato. Kinuha niya ang cell phone niya at nagpasuyo na kunan siya ng litrato. Pero dahil maarte si Demitrica, cell phone nito ang ginamit nito sa pagkuha sa kaniya. Ipapasa lang daw nito iyon sa e-mail para high quality pa rin. “Thanks, Demi. Mauna na ako,” paalam ni Yvony. “Wait.” Kinuha ni Demitrica ang perfume na nasa salamin at pinaliguan siya nito. Napangiti siya sa ginawa nito. Nararamdaman lang niya ang suporta nito sa kaniya bilang babae na dadalo sa isang bonggang party. “Hindi ka naman mabaho, Ate. Pero kailangan mong mag-amoy mayaman doon,” sabi ni Demitrica. “Thank you again.” Ihinatid na siya pababa ni Demi at nahihiya siyang bitbitin ang bag nito. Natatakot lang siya na baka may masabi ang ina nito kung makita nito na hawak niya ito. Pagdating niya sa sala, napatitig sa kaniya sina Dawn at Tyler. Napatingin si Dawn sa hawak niyang bag at nakita niya ang pagtaas ng kilay nito. “Kaninong pera iyang mga gamit na isinuot mo? Bakit nasa iyo ang bag na anak ko? Are you trying to be us?” irap na sabi ni Dawn. “Kuya Dior!” sigaw ni Demitrica. Hindi makasagot si Yvony sa mga itinanong ng ina ni Dior. Aminado siya na iba ang takot na nararamdaman niya rito. Ni hindi niya kaya itong titigan. Nang dumating si Dior, agad siya nitong tinabihan. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam niya. “Why, Mom?” tanong ni Dior. “Pero ba natin iyang pinamili mo kay Yvony? Hindi ba sinabi ko sa iyo na ’wag na ’wag kang magkakagusto sa isang aliping sagigilid?” mataray na sabi ni Yvony. “Mom, ’wag ka ngang praning!? Regalo iyan ni Hiro kay Yvonne, okay? May gusto ang kaibigan ko sa kanya. At iyon ang rason kaya isinamo ko siya,” sabi ni Dior. Napakunot na lang ang noo ni Yvony. Hindi niya alam kung bakit kailangan pang magsinungaling ni Dior sa magulang nito tungkol sa pagpunta nila sa birthday party ng kapatid ni Gael. Bakit ayaw nito masabi ang totoo na ito ang may gusto na dalhin siya roon? Na hawak siya nito sa leeg kaya mapipilitan lang siyang sundin ang gusto nito. Napabuntonghininga na lang siya. Hindi naman niya ginusto na dumalo roon. Pinilit lang siya ni Dior. “As if naman gusto ko roon? Like duh! Kainin ninyo iyang party ninyong mga mayayaman,” sabi ni Yvony sa isipan. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD