KABANATA 5

2524 Words
“KAIBIGAN? MAY GUSTO ka sa isa mga kaibigan ko? Si Gael o si Hiro? Ang panget ng mga iyon. Pero joke lang iyong sinabi ko sa iyo na may gusto ang isa sa mga kaibigan ko sa iyo, ah? Ang feeling mo rin para paniwalaan iyon!” sabi ni Dior. Napataas ang kilay ni Yvony sa pinagsasabi ng amo niya. Gusto niyang hawakan ang bunganga nito at pigain hanggang sa magkalasog-lasog. Hindi rin halata na nanggigigil siya rito. Sa tingin niya, mas mabuting hindi na lang ito sasagutin. Ayaw niya na mas masira pa ang araw niya. Pero paano niya magagawa iyon? Hawak siya nito sa leeg. Mukhang nakaramdam na ito sa matagal na niyang tinatago na may gusto siya sa sa mga kaibigan nito. Hindi naman gusto na mahal na niya talaga. Bale gusto niya lang dahil sa pagiging tahimik at angas nito tingnan. Para sa kaniya, ang misteryoso nito. “Wala. Hindi ba pwedeng magkamali ng bigkas? Bakit magugustuhan ko ang isa sa mga kaibigan mo? E, lahat naman kayo ay pareho ng mga utak,” sabi ni Yvony. “Sana lahat self-proclaimed na honest pero harap-harapan magsinungaling. Iba rin! Kung hindi mo lang din sasabihin, gagawa na lang ako ng kwento na may gusto ka kay Gael,” sabi ni Dior. Napangiti na ito habang tinitigan siya. “Hindi siya, ’no!? Diormonyo ka nga!” inis na sabi ni Yvony. “So si Hiro? Sila lang naman ang mga kaibigan ko. Ang panget ng standard mo, ah? Licking p*ssy ang habit,” sagot ni Dior. Napairap siya rito. “At least matalino. Ikaw? Average na nga lang, tamad pa.” Sinipa siya nito sa paa. “Grabe ka na sa akin. Gusto mo pa bang mabuhay?” “’Wag mo akong takutin. This is my territory!” sagot niya sabay tusok ng tinidor sa karne. Sa inis niya sa ginawa nito sa kaniya, inilagay niya sa bibig nito ang karne na nakatusok sa hawak niyang tinidor. Napatawa naman siya sa ginawa niya nang makita ang pamumula ng mukha nito. Para sa kaniya, nararapat lang ito rito. Pero nang binilaukan na ito, siya rin ang nag-abot ng tubig nito. Hindi rin niya maipagkakaila na hindi niya kaya na may mangyaring masama rito. Alam niyang dilikado ang ginawa niya kaya babawiin niya ang sinabi niya na nararapat lang ang ginawa niya rito. “Papatayin mo talaga ako!? Grabe ka na sa akin!” sigaw ni Dior. Inirapan niya lang ito at hindi na sinagot. Mas pinili na lang niyang itikom ang bibig niya. Napagtanto lang niya na kung papansinin niya ito, lalo itong aasarin siya. Minuto ang lumipas, napatayo na ito nang matapos kumain. Pagkatapos, agad na pumunta sa sala. Para lang itong isang pusa na nag-iwan lang ng dumi. Kahit talaga saan dalhin ang ugali nito, hindi ito mahihiyang ipakita kung sino talaga ito. Wala talaga sa utak nito ang konsiderasyon. Imbes na magreklamo si Yvony sa ugali nito, mas pinili na lang niya na tumayo at magligpit para malinis na niya ang mesa. Habang nagpupunas sa mesa, napangiti siya nang inilabas ni Ylo ang ulo nito sa kurtina ng pintuan ng kuwarto nito. Mukhang sinisilip nito kung natapos na ba sila para makapaghugas na ito ng plato. Lumabas na si Ylo mula sa kuwarto nito at kinuha sa kamay niya ang pamunas sa mesa. Pagkatapos, pinagsabihan na siya nito na magpahinga. Hindi niya mapigilan na mapangiti sa kabaitan nito. Sa isipan niya, kung katulad ni Dior ang kapatid niya, wala sigurong problema sa pang araw-araw na buhay niya sa mansion ng Consunji. “Thanks, Bunso. Sure ka na ikaw na rito?” tanong ni Yvony. “Yes, Ate. Doon ka na sa kumag na iyon.” “Kuya Dior. Kahit masama ang ugali niyon, ’wag mong ibaba ang pagkatao mo para sa kanya.” “Okay.” Pumunta na si Yvony sa lababo at naghugas ng kamay. Nang natapos, nagpaalam na rin siya sa kapatid niya na puntahan si Dior. Pagdating niya sa sala, abala na ito sa pagtitipa ng cell phone nito. Napahinto ito sa ginagawa at napatingin sa kaniya. “Arat? Birthday ng kapatid ni Gael,” sabi ni Dior. “Bahala ka riyan. Hindi ko kayang makipaghalubilo sa mayayaman,” mabilisan na sagot ni Yvony. “Hindi naman talaga sila totally mayaman. Tama lang. Umuutang lang iyon sila sa amin,” sabi ni Dior. Napataas ang kilay ni Yvony. “Yabang!” “I’m just stating the facts. Ayaw mo na ba na maging honest ako? Ano? Ikaw lang ang pwede? Feeling ka rin talaga, ’no?” “Shut up!” irap na sagot niya rito. “Sa ayaw at sa gusto mo. Sumama ka sa akin. That is my command as your boss.” “Hindi ko iyon kaibigan. Nag-iisip ka ba? At ano naman ang gagawin ko roon?” ”Kumain. Hampaslupa ka naman, ’di ba? Ipaparanas ko lang sa iyo ang party ng mga mayayaman.” “Nasanay na ako sa inyo kaya no thanks na lang sa offer mo.” “’Wag ka nga maarte. Ayaw mo talaga? Makikita mo si Hiro roon.” “Iba ang crush sa obssession, okay?” “So inaamin mo talagang gusto mo si Hiro?” “Oo na. Masaya ka na! Bakit mo pa tinatanong muli? E, alam mo naman kanina pa.” “You know me, hanggang sa wala akong hawak na ebidensiya. Hindi kita titigilan.” Ipinakita nito ang cell phone nito. “Ano? Sasama ka sa akin o malalaman niya na gusto mo siya?” Nagsitayuan ang mga balahibo ni Yvony nang makita na recorded pala ang conversation nilang dalawa ni Dior. Iniwagayway ni Dior ang cell phone sa harapan niya at inalalayan siya nito ng nakalolokong ngiti. “Ang tagal naman sumagot,” apuradong sabi ni Dior. Napangiti ito nang kasinglapad ng kapatagan. Napabuntonghininga siya. “Oo na. Sasama na ako sa iyo.” “Madali ka naman palang kausap.” “Pero anong susuotin ko?” “Paliliguan kita—I mean, bibihisan kita. Let’s go? Mukhang mahirap ka pa naman pagandahin,” sabi ni Dior. Inirapan niya ito. “Pinagsasabi mo riyan? Honest ka, ’di ba? Bakit hindi mo maamin na may kunting ganda rin naman ako.” Muli siyang napabuntonghininga at tumungo sa kusina. Pagkatapos, agad na niyakap mula sa likuran ang bunsong kapatid. Hinawakan na ni Ylo ang kamay niya para alisin sa tiyan nito pero hinampas niya ito. “’Wag ka ng maarte. Aalis na si Ate,” sabi niya rito. “Bakit? Anong ginawa ng lalaking—” Napatigil ito sandali bago nagpatuloy sa sasabihin. “Kuya Dior. Anong ginawa niya nang napapayag ka niya? Supposed to be ay bukas pa ang uwi mo.” “Wala. May birthday party ang kapatid ng kaibigan ni Dior. Gusto niya akong isama at pumayag na lang ako.” “Sabihin mo sa akin right away kung may gagawin siyang masama sa iyo. Handa akong makulong, maprotektahan ko lang kayo,” sabi ni Ylo. Sa inis ni Yvony sa sinabi ni Ylo, kinurot niya ang tagiliran nito. Para sa kaniya, daig pa nito ang kriminal sa pagbabanta. “Umayos ka nga, Ylo,” naiinis na sabi niya rito. Hindi na sumagot si Ylo kaya nagpaalam na lang siya rito na puntahan ang mga magulang nila sa labas ng bahay. Pagdating niya sa kubo nila, nag-uusap ang pamilya niya roon. May pagtataka sa mga mukha ng mga ito kung bakit siya pumunta roon. “Si Dior? Iniwanan mo?” tanong ni Erma. “Magpapaalam na sana ako. May biglaang lakad. Isasama ako ng Diormonyo. Birthday party sa kapatid ng kaibigan niya,” sabi ni Yvony. Napangiti si Erma. “Mabait naman pala si Tisoy. Minsan lang magkaroon ng amo na ganya. Iyong isasama ka sa lakad?” Napangiwi na lang ang mukha ni Yvony. Kung alam lang sana ni Erma na may pananakot na naganap kaya uuwi ang anak nito nang wala sa oras. Imbes na isumbong ni Yvony ang katotohanan, mas pinili na lang niya na itikom ang kaniyang bibig. Minuto ang lumipas, nakapaghanda na si Yvony sa mga gamit niya na dadalhin pauwi sa mansion ng Consunji. Nagpaalam na rin siya muli sa pamilya niya na ihinatid pa talaga siya sa labas ng bahay nila. Nakakunotnoo naman siya nang mapansin na nasa labas din lahat ng mga kapit-bahay nila. Hindi rin halata na pinag-uusapan siya ng mga ito. Sa mga titig ng mga ito, alam niyang hinuhusgahan siya ng mga ito. Pagpasok niya ng sasakyan, ibinaba niya ang bintana at inilabas ang ulo para muling magpaalam sa pamilya niya. Napangiti siya nang makitang masaya ang mga ito. Kahit paano, magaan ang puso niya na babalik ng mansion ng mga Consunji. “Tipirin ninyo ang allowance ninyo. Ylo, kung may kailangan ka sa school, ’wag mahiyang magsabi kay Mama,” sabi ni Yvony. Napatango lang si Ylo kaya hindi niya mapigilan na matawa. Sa tingin niya, mahihirapan itong magkaroon ng kasintahan. “Pangarap ba ng kapatid mo maging pipi? Sabihin niya kaya ang totoo at ako na ang puputol ng dila niya,” pagsulpot ng boses ni Dior sa likuran niya. Hinampas niya ito habang hindi tinitingnan. “Subukan mo at pa*patayin kita.” “Ang tapang naman ng ka*kantutin ko mamaya sa bahay,” sabi ni Dior. Nilingon niya ito. “Dream on.” Napatawa si Dior. “Tara na?” “Magpaalam ka naman sa kanila. Napakabastos mo talaga.” “Hindi nga ako nagpapaalam sa mga magulang ko. Sa ibang tao pa kaya?” Natapos sabihin iyon ni Dior ay nagpaharurot na ito ng takbo. Wala naman nagawa si Yvony kung hindi ang mapailing na lang. Mukhang kailangan na niyang tanggapin na walong porsiyento na talaga ang kasamaan nito sa puso. Nang dumaan na sila sa mall, nilingon niya agad si Dior. Nagtataka lang siya kung bakit hindi siya huminto roon. Umaasa pa naman siya na bibilhan siya nito ng susuotin niya sa party. Ang sabi nito kaniya, bibihisan siya nito. “Ang damit mo pala!” sabi ni Dior. Nakaginhawa na na siya maluwag nang maalala ni Dior ang sinabi nito sa kaniya. Pero bumalik iyong kaba niya nang biglang lumiko sa kalsada ang amo niya. Hinampas niya ang braso nito sa labis na inis. Kahit wala siyang sasakyan, may kamalayan siya na mali ang ginawa nito. “Gusto mo bang mahuli!?” sigaw ni Yvony. “Well see?” nakangiting sagot ni Dior. Pagliko ng sasakyan ni Dior, may dalawang pulis agad na lumapit sa sasakyan nila. Pagbukas ni Dior ng bintana ng sasakyan nito, agad nitong ipinakita ang ID nito. Pagkatapos, agad na silang pinakawalan na parang walang kasalanan na nagawa ang amo niya. Nilingon siya ni Dior. “Now tell me. What’s the problem?” “Ang yabang mo talaga. Still, mali pa rin iyon. Matuto ka naman sumunod sa batas,” sabi ni Yvony. “How? Kami ang batas,” sagot nito sabay kindat sa kanang mata nito. “Feeling.” Minuto ang lumipas, nakapasok na sila sa Mall. Naunang maglakad si Dior at sinusundan lang ito ni Yvony. Para sa kaniya, wala rin naman magagawa ang bibig niya kung sasabihin niya na gusto niya sa department store lang bumili. Nang pumasok si Dior sa isang sikat na clothing line, nanlaki ang mga mata niya. Kinakabahan lang siya at baka roon siya bibilhan ng damit. Hindi niya kayang suotin iyon. “Pumili ka na ng gusto mo,” sabi ni Dior. “Ang mahal dito. Wala akong magiging pambayad sa iyon kahit buong taon ko pang pagtatrabahuan iyon,” giit ni Yvony. “’Wag ka ng maarte. Libre ko, okay? Bilis na at baka magbago pa ang isip ko.” “Sure ka? Baka bigla mo akong sisingilin.” Sinipa nito ang paa niya. “Bilis na sabi.” “Aray ko, ha!” sigaw niya sabay hawak sa paa niya. “Miss, pumili na kayo ng bagay sa kanya. Damit, earrings, necklace, at shoes. Just make sure na magmukha siyang girlfriend ko,” tugon ni Dior. Nilingon ni Yvony ang amo. “Ew!” “’Wag ka ng maarte. Damo lang nga ang ulam ninyo kanina. Para pa kayong kambing lahat kumain. Ang iingay!” Napabuntonghininga na lang si Yvony. Hindi na niya alam ang gagawin. Kumukulo na ang dugo niya sa ugali nito. Dinamay pa nito ang pamilya niya at tinawag pang parang kambing kung kumain. “May araw ka rin sa akin!” sabi niya sa isipan. “Ma’am, halika,” sabi ng sales lady. Napatango na lang siya at sumunod dito. Pagdating nila sa kung saan nakalagay ang mga damit, agad itong pumili para sa kaniya. Inabutan siya nito ng turtle neck dress na kulay skyblue. Pagtalikod niya sa damit, napanganga siya nang makitang backless ito. Pero mas napanganga siya nang makita ang presyo. “Hindi bagay sa akin iyan,” sabi ni Yvony. “Ma’am, subukan ninyo po. For me, fit na fit ito sa aura ninyong seductive,” sabi ng sales lady. “Hey! Magtinda na lang kayo at ’wag na kayong manloko ng tao. Seductive? Iyang personal maid ko? May problema ka ba sa mata?” sabi ni Dior. “Totoo naman ang sinabi ko, Sir,” sagot ng sales lady. “Sumasagot ka pa talaga? Gusto mo ipagtanggal kita rito?” mayabang na sabi ni Dior. “Hayaan mo na iyan. Diormonyo iyan,” sabi ni Yvony. “Pero Ma’am, totoo ang sinabi ko. You are seductive. Totoo bang maid ka niya? Paano mo nakayanan magtagal sa ugali niya?” tanong ng sales lady. “Pagtitiis para sa pamilya ko. Pero kunting-kunti na lang din naman at makapagtatapos na ako. Pwede na akong makaalis. Oh, siya? Susukatin ko muna itong damit.” Pumunta na si Yvony sa fitting room at agad na sinuot ang damit. Napatitig siya sa sarili niya habang suot ang dress na sobrang fit sa katawan niya. Napakaelegante niyon tingnan sa kaniya. Para siyang ipinanganak na may gintong kutsara sa mesa. Ibinaba niya nang kunti sa sobrang iksi ang damit na suot. Sa tingin niya, maling galaw lang niya ay makikita na ang panty niya. Tumagilid siya sa salamin para makita ang itsura ng likuran niya. Nanlaki naman ang mga mata niya sa sobrang sexy niyang tingnan. Sa tingin niya, hindi niya kayang suotin iyon. Hindi siya kumportable. “Miss, halika ka nga. Nakakailang lumabas. Bagay ba sa akin?” nahihiyang tanong ni Yvony. “Papasok ako?” “Oo.” Pagbukas ng sales lady sa pintuan, agad itong napatakip sa bibig nito. May pagtataka sa mukha niya kung bakit ganoon ang reaksiyon nito. Hindi niya alam kung nagustuhan ba nito ang ayos niya o hindi kaya natatawa. “Bagay na bagay sa iyo, Ma’am,” sabi ng sales laday. “Okay lang,” pagsulpot ni Dior sa likuran ng sales lady. Nanlaki ang mga mata ni Yvony at agad na tumalikod. Pero nang maalala niya na makikita ang balat niya sa likuran, agad siyang humarap at hinampas ang ulo nito ng hanger na hawak niya. “Alis! Napakabastos mo talaga! Diormonyo ka nga!” sigaw niya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD